Share

Chapter 21

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-03-07 19:51:03
Celeste's POV

Pagkatapos ng “sapilitang” pagkain na ‘yon kasama si Chester, akala ko ay makakabalik na ako sa normal kong buhay—'yung tahimik, walang istorbo, at hindi na kailangang makipagtalo sa isang aroganteng doktor na akala mo’y palaging tama. Pero mali ako.

Dahil kinabukasan, sa mismong law firm ko, dumating ang isang hindi inaasahang bisita.

"Attorney Rockwell, may naghahanap po sa inyo," sabi ng secretary ko sa intercom.

"Sino?" tanong ko habang abala sa pagbabasa ng bagong kaso.

"Dr. Chester Villamor po."

Napatigil ako. Napapikit sandali at humugot ng malalim na hininga. "Sabihin mong busy ako."

May ilang segundong katahimikan bago nagsalita ulit ang secretary. "Atty., nandito na po siya sa labas ng office ninyo."

What the hell?

Tumayo ako agad, at pagbukas ng pinto, bumungad sa akin si Chester na nakasandal sa frame ng pintuan, naka-cross arms, at may pamilyar na mapang-asar na ngiti.

"Good morning, Attorney Rockwell."

Sinamaan ko siya ng tingin. "What the hell a
Deigratiamimi

pa-like, comments, gem votes, and rate this book. Thank you poo! 🫶✨

| 12
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 22

    Chester's POV "Celeste, may emergency surgery ako. I have to go," sabi ko habang tinitingnan ang phone ko. Isang tawag lang mula sa ospital at kailangan ko nang umalis. Nakahiga pa siya sa examination table, hinihintay sa doktor na gumagawa ng ultrasound. Nang marinig ang sinabi ko, hindi man lang siya lumingon. "Go," sagot niya, malamig ang tono. Nagtaas ako ng kilay. "That’s it? No ‘take care’ or ‘good luck, Ninong Chester’?" Sa wakas, lumingon siya, kunot-noo. "Bakit, kailangan pa bang may ganoon?" Umiling ako at napangisi. "Para lang malaman kong may konting pake ka sa akin." "Ninong Chester, hindi kita pwedeng alalahanin. Masama sa bata ang stress," sarkastikong sagot niya. Ngumiti lang ako bago lumapit sa kanya, inilalapit ang mukha ko sa tenga niya. "Fine. Pero kapag lumabas ang baby natin at kamukha ko, sigurado akong hindi mo na ako matatakasan." Nanlaki ang mata niya at bahagyang namula. "Umalis ka na! Baka mawalan ka ng pasyente!" Tumawa ako at mabilis na lumabas n

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 23

    Chester's POV Ang tunog ng monitor sa operating room ang una kong narinig sa pagpasok ko. Rhythmic beeping, isang paalala na may buhay na nakasalalay sa kamay ko. "Status ng pasiyente?" tanong ko, habang isinusuot ang gloves. "Si Mr. Alvarez, 56 years old, may multiple blockages sa coronary arteries. High risk pero stable ang vitals niya for now," sagot ng assisting surgeon ko, si Dr. Santos. Tumango ako. "Prepped na ba for bypass?" "Yes, doc. Ready na rin ang graft vessel." Huminga ako nang malalim. Alam kong kailangang kong maging kalmado. Ang bawat galaw ng kamay ko ngayon, ang bawat desisyon, pwedeng maging dahilan kung mabubuhay o hindi ang pasyente ko. "Scalpel," utos ko, at inabot ito ng scrub nurse. Isang malalim na hiwa ang ginawa ko sa dibdib ng pasyente. Dahan-dahan at may pag-iingat. Pagkatapos, ginamit ko ang sternotomy saw para hatiin ang kanyang sternum, binuksan ang rib cage para makita ang puso. "Expose the heart properly," utos ko, at mabilis na gumalaw ang

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 24

    Chester's POV Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman sa ospital. Matapos ang tatlong sunod-sunod na operasyon, gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Ngunit sa mundo ng medisina, hindi kailanman natatapos ang trabaho. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na binaybay ang daan pauwi. Madaling araw na, halos wala nang mga sasakyan sa kalsada. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng kotse ko at ang mahihinang tunog ng radyo. Pero ilang metro mula sa intersection, biglang bumangon ang adrenaline sa katawan ko nang makita ang isang eksenang hindi ko inaasahan—isang banggaan. Isang van ang bumangga sa isang motorsiklo. Ang rider ay nakahandusay sa kalsada, duguan. Ang isang pasahero ng van ay lumabas, pilit na tinutulungan ang isang babae sa loob na halatang hindi makagalaw. Mabilis akong nagmaniobra at nagpark sa gilid ng kalsada bago bumaba. Hindi ko na inisip ang pagod—ang nasa isip ko lang ay ang buhay na kailangan kong sagipin. “Anong nangyar

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 25

    Chester's POV Matapos ang mahabang gabi ng operasyon at aksidente sa daan, halos hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Ang gusto ko lang ay humiga at ipikit ang mga mata, pero hindi iyon puwedeng mangyari ngayon. Alas-nuwebe ng umaga, nakatayo ako sa harap ng opisina niya, suot pa rin ang pormal na kasuotan ko, pero ramdam kong pagod pa rin ako mula kagabi. Hindi ko alam kung ano na namang iniisip ng babae na ‘to, pero sa tono ng boses niya sa tawag kagabi, siguradong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan. Huminga ako nang malalim bago tinulak ang pinto ng opisina niya. Nandoon siya, nakaupo sa swivel chair niya habang nakataas ang isang kilay. Suot niya ang isang fitted na itim na blazer at puting silk blouse na parang sinadyang ipakita na siya ang may kontrol sa usapang ‘to. “Nice of you to finally show up, Doc.” May diin ang huling salita niya, na para bang ipinapaalala niya sa akin kung sino ako sa buhay niya—hindi asawa, hindi kasintahan, kundi ang Ninong na napil

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 26

    Chester's POV Ang tunog ng leather shoes na tumatama sa marmol na sahig ng ospital ang tanging naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa boardroom. Ang oras ay eksaktong 10:00 AM, at alam kong nasa loob na ang lahat ng mga director, department heads, at ang pinakaayaw kong makaharap ngayong umaga—si Dr. Anthony Gonzaga. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahigit sampung pares ng matang nakatuon sa akin. Kasama roon ang aking ama, si Dr. Reginald Villamor, at ang aking ina, si Mrs. Cecilia Villamor, na parehong may seryosong ekspresyon sa mukha. "Dr. Villamor, buti naman at dumating ka na," malakas na sabi ni Dr. Gonzaga, ang pinakamatandang miyembro ng board at ang taong hindi kailanman natuwa sa pamumuno ko bilang Chief of Surgery. Hindi ako nagpakita ng emosyon. "Of course. This is my hospital, after all." Umupo ako sa pinakataas ng mesa, habang ang ibang board members ay tahimik na nag-aabang sa kung anong mangyayari. Si Dr. Gonzaga ang unang nagsalita. "May mga i

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 27

    Celeste's POV Matapos ang isang nakakadraining na hearing, dumiretso ako sa law firm. Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo—ang biglaang kasal, ang pagbubuntis na hindi ko pa rin lubusang matanggap, at ang mga pasaring ni Ninong Chester—gusto ko na lang sana ng isang tahimik na araw. Pero mukhang hindi iyon ang plano ng munfo para sa akin. Pagkapasok ko sa main lobby, agad akong sinalubong ng ilang kasamahan ko sa law firm. Hindi ko na kailangang marinig ang usapan nila para malaman na ako ang pinag-uusapan. Kita sa mga mata nila ang malisyosong interes, lalo na kay Trisha, isang associate lawyer na noon pa man ay halatang may inggit sa akin. “Oh wow, look who’s here,” patudyo niyang sabi habang palapit ako. “Ang star lawyer ng firm. Hindi ka na namin madalas makita, Atty. Rockwell. Busy sa personal life?” Napangiti ako, pero hindi ‘yung tipong masaya—‘yung tipong hindi ako natitinag. “Some of us actually have important cases to handle, Trisha. Not everyone

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 28

    Celeste's POV Pagkatapos ng unang bahagi ng meeting, nagkaroon ng maikling break. Tumayo ako at lumabas saglit sa conference room upang uminom ng tubig. Hindi ko inakala na magiging ganito kabigat ang diskusyon tungkol sa kaso ng Villamor Medical Group. Kahit pa sinubukan kong panatilihin ang propesyonalismo, hindi ko maiwasang maapektuhan dahil sa koneksyon ko kay Ninong Chester. Pagbalik ko sa loob, nagsimula na ang ikalawang bahagi ng pulong. Ngayon naman, tatalakayin namin ang detalye ng mga posibleng hakbang na dapat gawin ng law firm upang ipagtanggol ang ospital laban sa kasong isinampa laban dito. “Alright, let’s move on,” ani Sir Manuel habang inaayos ang ilang papeles sa harap niya. “Atty. Rockwell, let’s discuss the legal defenses we can use against the medical malpractice lawsuit.” Tumikhim ako at marahang tumango. “As I mentioned earlier, our primary defense is to prove that the hospital followed standard medical procedures. We have medical records, internal reports,

    Huling Na-update : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 29

    Celeste's POV Nakaharap ako ngayon kay Ninong Chester sa conference room ng penthouse, kapwa namin tinitingnan ang mga dokumento na naglalaman ng detalye ng kaso. Ang ilaw mula sa ceiling lamp ay nagbibigay ng dramatikong anino sa kanyang matigas na panga, habang ang seryosong ekspresyon niya ay nagpapakita ng lalim ng kanyang iniisip. Sa pagitan namin ay ang medical reports, surgical notes, at testimonya ng mga nurse na nasa operating room noong ginawa ang procedure. May hawak akong ballpen, minamarkahan ang mahahalagang puntos na kailangan naming talakayin. "I've reviewed the surgical notes," panimula ko. "Dr. Richard Gonzaga was the lead surgeon, but you were the overseeing medical director for that procedure." Tumango siya. "Yes. I was responsible for making sure that the hospital's protocols were followed, but I wasn’t in the operating room the entire time. Hindi ko nakita mismo kung ano ang nangyari sa procedure." I leaned forward, resting my elbows on the table. "Then that

    Huling Na-update : 2025-03-08

Pinakabagong kabanata

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 171

    Celeste's POVNamumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw.Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon.Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap?Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako ng p

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 170

    Celeste’s POVTahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga.Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya.Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at g

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 169

    Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos.Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako?Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Pa

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 168

    Celeste’s POVIsang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak.Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa.Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri.Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi si C

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 167

    Chester’s POVHalos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin.She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala.“Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi.Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—nakah

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 166

    Chester’s POVMadaling araw na nang magising ako. Tahimik ang buong ospital, tanging mahinang humuhuning aircon at ang marahang paghinga ni Caleigh ang nagsisilbing musika sa paligid. Nakaupo ako sa maliit na couch sa sulok ng silid, pilit na pinipikit ang mga mata ngunit nananatiling gising ang diwa ko. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko—ang kalagayan ni Caleigh, si Celeste, ang kinabukasan naming tatlo, at ang katotohanan na pilit kong hinuhukay mula sa nakaraan.Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Mabilis akong napabangon, at nang makita ang pangalan sa screen, agad akong kinabahan.Si Daddy.Sinagot ko ang tawag at agad na sumalubong sa tenga ko ang nanginginig na tinig ng lalaking halos kalahati ng pagkatao ko."C-Chester, anak… tulongan mo ako…"Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Umangat ang balahibo ko sa braso. Hindi ko pa naririnig ang boses niya sa ganitong anyo—basag, paos, at puno ng takot."Dad? Nasaan ka? Anong nangyayari?" nangingini

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 165

    Celeste’s POVNakahiga ako sa couch ng private room ni Caleigh habang binabasa ang bagong medical report na galing sa pedia. Kahit papaano, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Bumabalik na ang sigla ng anak namin, at malapit na siyang i-discharge kung patuloy ang paggaling niya. Pero habang abala ako sa pagbabasa, bigla kong narinig ang mahinang tunog ng doorknob ng banyo. Napalingon ako, at sa isang iglap, para akong na-paralyze.Bumukas ang pintuan ng banyo, at tumambad sa akin si Chester—topless, basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang niya.Hindi ako agad nakagalaw.Tumulo ang tubig mula sa kanyang buhok, dumaan sa matigas niyang panga, sa leeg, at dumausdos pa hanggang sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Parang slow motion ang bawat hakbang niya palapit sa akin. Bawat patak ng tubig ay parang musika na nanunukso sa pandinig ko.Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko maint

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 164

    Celeste’s POVTahimik ang kwarto. Tanging mahina at regular na paghinga ni Caleigh ang bumabasag sa katahimikan. Nakaupo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Chester, at ang anak naming si Caleigh—na tila ba walang anuman ang bigat ng mga tanong na bumabalot sa pagitan naming dalawa.Dahan-dahan niyang hinihili ang buhok ni Caleigh, marahang inaayos ang nakalugay nitong bangs habang nakapikit ang bata. Napakaingat ng bawat galaw niya, tila ba isa siyang alagad ng sining at ang hawak niya ay ang pinakamahalagang obra.There was something undeniably heartbreaking about watching them like this. Something tender. Something so painful it almost made me want to look away. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi pagmasdan ang lalaking minsan kong kinamuhian, minahal, tinanggihan, at ngayon, hindi ko na alam kung anong posisyon niya sa puso ko.“Celeste,” mahina pero buo niyang tawag, hindi inaalis ang tingin sa anak namin. “Let’s take the test.”Agad akong natahimik. Para

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 163

    Celeste's POV Nang tuluyang makaalis si Isabelle, agad akong kumawala mula sa pagkakayakap ni Chester. Para akong nakalunok ng apoy—umiinit ang dibdib ko sa galit, sa inis, at sa sobrang pagkalito. Hinawi ko ang kaniyang mga bisig na tila ba umaangkin pa rin sa katawan ko kahit pa malinaw na malinaw sa amin pareho kung gaano kasalimuot ang sitwasyon namin.Mabilis akong bumaba ng kotse at inayos ang gusot ng blouse ko habang nanginginig ang mga kamay ko—hindi sa lamig kundi sa emosyon na pilit kong pinipigil mula kanina. Pakiramdam ko ay nilapastangan ko ang sarili ko sa pagtugon sa halik na ‘yon. At kahit anong pilit kong iwasan ang katotohanan, ramdam ko pa rin ang apoy na iniwan ng mga labi niya sa balat ko.“Celeste, wait!” sigaw ni Chester mula sa loob ng sasakyan.Hindi ko siya nilingon. Humakbang ako papunta sa kotse ko, pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, inabot niya ang braso ko mula sa likuran. Hinila niya ako paharap at doon ko siya hinarap—kasabay ng isang malutong na

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status