Share

Chapter 27

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-08 14:04:04
Celeste's POV

Matapos ang isang nakakadraining na hearing, dumiretso ako sa law firm. Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo—ang biglaang kasal, ang pagbubuntis na hindi ko pa rin lubusang matanggap, at ang mga pasaring ni Ninong Chester—gusto ko na lang sana ng isang tahimik na araw. Pero mukhang hindi iyon ang plano ng munfo para sa akin.

Pagkapasok ko sa main lobby, agad akong sinalubong ng ilang kasamahan ko sa law firm. Hindi ko na kailangang marinig ang usapan nila para malaman na ako ang pinag-uusapan. Kita sa mga mata nila ang malisyosong interes, lalo na kay Trisha, isang associate lawyer na noon pa man ay halatang may inggit sa akin.

“Oh wow, look who’s here,” patudyo niyang sabi habang palapit ako. “Ang star lawyer ng firm. Hindi ka na namin madalas makita, Atty. Rockwell. Busy sa personal life?”

Napangiti ako, pero hindi ‘yung tipong masaya—‘yung tipong hindi ako natitinag. “Some of us actually have important cases to handle, Trisha. Not everyone
Deigratiamimi

Good afternoon po! May proficiency exam ako mamaya 5: 00PM-9:00PM. Baka hindi agad ako makapag-update. 4 hours kasi ang examination namin. Pa-like, comments, gem votes, at i-rate ang book po. Malaking tulong na 'yon sa akin. Pwede kayong mag-iwan ng comments para alam ko naman kung ano ang masasabi ninyo sa kwento lalo na't more on cases and medical po ang kwento. Hahaha education ang field ko and I'm trying my best po na mabigyan kayo ng magandang story. Salamat.

| 8
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 28

    Celeste's POV Pagkatapos ng unang bahagi ng meeting, nagkaroon ng maikling break. Tumayo ako at lumabas saglit sa conference room upang uminom ng tubig. Hindi ko inakala na magiging ganito kabigat ang diskusyon tungkol sa kaso ng Villamor Medical Group. Kahit pa sinubukan kong panatilihin ang propesyonalismo, hindi ko maiwasang maapektuhan dahil sa koneksyon ko kay Ninong Chester. Pagbalik ko sa loob, nagsimula na ang ikalawang bahagi ng pulong. Ngayon naman, tatalakayin namin ang detalye ng mga posibleng hakbang na dapat gawin ng law firm upang ipagtanggol ang ospital laban sa kasong isinampa laban dito. “Alright, let’s move on,” ani Sir Manuel habang inaayos ang ilang papeles sa harap niya. “Atty. Rockwell, let’s discuss the legal defenses we can use against the medical malpractice lawsuit.” Tumikhim ako at marahang tumango. “As I mentioned earlier, our primary defense is to prove that the hospital followed standard medical procedures. We have medical records, internal reports,

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 29

    Celeste's POV Nakaharap ako ngayon kay Ninong Chester sa conference room ng penthouse, kapwa namin tinitingnan ang mga dokumento na naglalaman ng detalye ng kaso. Ang ilaw mula sa ceiling lamp ay nagbibigay ng dramatikong anino sa kanyang matigas na panga, habang ang seryosong ekspresyon niya ay nagpapakita ng lalim ng kanyang iniisip. Sa pagitan namin ay ang medical reports, surgical notes, at testimonya ng mga nurse na nasa operating room noong ginawa ang procedure. May hawak akong ballpen, minamarkahan ang mahahalagang puntos na kailangan naming talakayin. "I've reviewed the surgical notes," panimula ko. "Dr. Richard Gonzaga was the lead surgeon, but you were the overseeing medical director for that procedure." Tumango siya. "Yes. I was responsible for making sure that the hospital's protocols were followed, but I wasn’t in the operating room the entire time. Hindi ko nakita mismo kung ano ang nangyari sa procedure." I leaned forward, resting my elbows on the table. "Then that

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 30

    Celeste's POV Nakaupo ako sa high chair ng kitchen island, nakasandal habang pinapanood si Ninong Chester sa kusina. Naka-roll up ang sleeves ng white dress shirt niya, at kasalukuyan siyang abala sa pag-chop ng mga gulay. Ang paraan ng paghawak niya sa kutsilyo—mabilis, precise, at walang kahirap-hirap—ay nagpapaalala sa akin kung paano siya magtrabaho sa operating room. "Hindi ko inexpect na marunong kang magluto," komento ko habang ine-examine ang kanyang ginagawa. Hindi siya nag-angat ng tingin, patuloy lang sa paghiwa. "Hindi naman ako palaging doktor. Naging normal na tao rin ako bago ako nagpakasubsob sa ospital." Natawa ako nang bahagya. "Wow. Akala mo naman sobrang abnormal ng mga doktor." Ngumisi siya, saka tumingin sa akin sandali bago nagpatuloy sa ginagawa. "Minsan, oo. Masyadong hectic ang buhay namin. Kaya bihira kaming magkaroon ng pagkakataong gumawa ng ganito. Kaya swerte ka." "Excuse me?" tinaasan ko siya ng kilay. Umikot siya at lumapit, may hawak na kutsily

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 31

    Celeste's POV Maaga akong dumating sa law firm ngayon. Kailangan kong mag-focus sa kaso at tapusin ang ilang papeles bago ang susunod na hearing. Papalapit na ako sa entrance nang mapansin kong parang mas tahimik kaysa sa dati ang paligid. Madalas ay abala na ang reception area sa ganitong oras—mga empleyado, kliyente, at interns na nagmamadaling pumasok. Pero ngayon, tila may bumabagabag sa akin. Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko. Itinulak ko ang kaba sa loob ng dibdib ko at nagpatuloy sa paglakad. Pero bago pa ako makapasok sa main door, biglang may malakas na bisig na humila sa akin mula sa likod. "Agh!" Napasinghap ako, mabilis na tinakpan ng malamig na kamay ang bibig ko. Nadama ko ang matalim na bagay na idiniin sa tagiliran ko—kutsilyo. Napakabilis ng lahat, hindi ko man lang nagawang lumaban. "Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," bulong ng lalaking may hawak sa akin. Ang tibok ng puso ko ay parang sasabog. Ang utak ko ay mabilis na naghanap ng paraan para maka

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 32

    Celeste's POV Maaga akong dumating sa law firm kinabukasan. Sa kabila ng lahat ng nangyari kahapon, hindi ko kayang magpakita ng kahinaan. Ang isang tulad ko—isang babaeng piniling maging abogado sa mundo ng mga gutom sa kapangyarihan—hindi maaaring madiktahan ng takot. Nang buksan ko ang pinto ng opisina ko, bumungad agad sa akin ang ilang case files na inihanda ng aking secretary. Hindi pa man ako nakakapagsimula sa trabaho, heto’t may biglaang meeting na agad akong kailangang puntahan. Pero bago pa ako makarating sa conference room, isang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko. "Aba, ang bida ng law firm, dumating na," malanding sabi ni Andrea, isa sa mga jumior associate na hindi kailanman natuwa sa mga panalo ko sa korte. Kasama niya si Raymond, isang associate lawyer na hindi rin nawawalan ng dahilan para maliitin ako. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanila. "Andrea. Raymond," malamig kong bati. "Ano na naman ang issue ninyo sa buhay ko?" Napangiti s

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 33

    Celeste's POV Pagbalik namin ni Ninong Chester sa penthouse, dumiretso agad kami sa study room. Ang tahimik na gabi ay sinasabayan ng tunog ng papel na nililipat ko mula sa isang case file patungo sa isa pa. Malakas ang kalaban namin sa hearing na ito—at hindi lang basta malakas, kundi maimpluwensya rin. Ang Villamor Medical Hospital ay nakasalang ngayon sa isang malaking kaso ng medical malpractice. Isang pasyente ang sumailalim sa major heart surgery sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Richard Gonzaga, isa sa mga senior surgeon ng ospital. Ngunit pagkatapos ng operasyon, nagkaroon ng komplikasyon ang pasyente at namatay tatlong araw matapos ang procedure. Ang pamilya ng pasyente, na may malalaking koneksyon sa gobyerno, ay nagsampa ng kaso laban sa ospital at kay Dr. Gonzaga. At ngayon, ang trabaho namin ni Ninong Chester ay patunayan kung sino ang tunay na may kasalanan. “Malakas ang ebidensya nila,” mahinahong sabi ko habang binabasa ang report ng forensic pathologist. “May disc

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 34

    Celeste's POV Matapos ang matinding rebelasyon ni Nurse Lara, hindi ako mapakali. Alam kong may hawak na kaming mahalagang piraso ng puzzle, pero hindi pa ito sapat para matalo si Dr. Richard Gonzaga. Malakas siya, hindi lang sa ospital kung 'di pati sa koneksyon niya sa mga may kapangyarihan. Hindi siya basta-basta matitibag nang walang sapat na ebidensya. Nang makauwi kami ni Ninong Chester sa penthouse, agad akong dumiretso sa study room. Sinundan niya ako, halatang hindi rin mapakali. "Celeste, anong plano mo?" tanong niya, inilapag ang hawak niyang case files sa lamesa. "Hahanapin natin ang CCTV footage," sagot ko agad. "Kahit sabihin ni Nurse Lara na binura iyon ni Dr. Gonzaga, may posibilidad pa rin na may natira. Hindi madali ang tuluyang pagbura ng medical records sa ospital, lalo na kung may backup system ang IT department." Napaisip si Chester, halatang pinag-aaralan ang sinabi ko. "May kakilala ako sa IT department," sabi niya. "Si Anton, matagal na siyang technician

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 35

    Celeste's POV Lumabas kami ni Ninong Chester mula sa IT Department na hindi nagpapahalata ng tensyon. Pero sa loob ko, ramdam ko ang kaba at excitement. Nasa loob ng bag ko ang external hard drive na posibleng magtumba kay Dr. Richard Gonzaga. Kung tama ang hinala namin, dito namin makikita ang ebidensya na nagpapatunay sa kanyang malpractice—ang ikinamatay ng pasyenteng si Mr. Alonzo. Habang naglalakad kami sa hallway ng ospital, panay ang lingon ko sa paligid. Hindi malabong may mata si Dr. Gonzaga na nagmamasid sa amin. "Celeste," bulong ni Ninong Chester, dumikit sa tabi ko, "huwag kang masyadong lumingon-lingon. Baka lalo tayong maghinala." Napangiwi ako. "Ang hirap hindi kabahan. Alam mong hawak natin ang pinakadelikadong bagay ngayon." "That's why we need to act normal," sagot niya, hinawakan ang siko ko at dahan-dahang ginabayan palabas. "Let’s get out of here first." Pagkarating namin sa parking lot, mabilis akong sumakay sa passenger seat ng kotse niya. Pagsakay niya s

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09

Bab terbaru

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 153

    Celeste's POV"C-Chester?" usal ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan sa amin.Parang may mali sa aking paningin. Ang puso ko ay parang kumakabog nang mabilis, at ang mga paa ko ay para bang hindi makagalaw. Iba't ibang emosyon ang dumaan sa akin nang makita ko si Chester sa mismong araw ng birthday at binyag ni Caleigh. Alam kong nandito siya, ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng presensya niyang iyon. Ang lalaki na iniwasan ko, ang lalaki na hindi ko alam kung anong nangyari sa aming relasyon, ay nariyan—nagpakita sa okasyong hindi ko inasahan."Excuse me," mahinang sinabi ko kay Joaquin, na kasalukuyang katabi ko. "May pupuntahan lang akong bisita."Ngunit ang totoo, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Baka naman nananabik lang ako. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na hindi lang ako namamalikmata. Hindi ko kayang makita si Chester na nawawala sa aming buhay. Gusto ko lang malaman kung siya nga iyon. Ilang segundo lang, na

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 152

    Chester's POVHindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Bawat araw na lumilipas mula noong iniwan ko si Celeste, parang may matigas na piraso ng bato na nakabara sa dibdib ko—ang bigat ng desisyon ko na walang kaligayahan, at ang patuloy na paggugol ng oras ko sa isang hindi natutunang aral. Ang penthouse ko, na dati ay puno ng tawanan at pagmamahalan, ngayon ay tila isang malamlam na kuweba ng mga alaalang masakit. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ako. Minsan naiisip ko na mas mabuti nang lumayo—kung aalis ako, hindi ko kailangang patuloy na makita ang mukha ng babaeng minahal ko nang sobra, pero ngayon ay alam kong imposible.Ilang araw nang naglalaro sa isip ko ang desisyon ko. Gusto ko siyang balikan, ang pagmamahal namin, ang lahat ng naiwan na masaya, pero ni hindi ko kayang magsinungaling. Kung muling magbabalik siya sa buhay ko, magiging masakit lang ang lahat. Hindi ko kayang baguhin ang mga itinakdang batas ng buhay, at hindi ko kayang labanan ang tadhana. Magk

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 151

    Chester's POVTahimik ang buong bahay. Tanging ang mahihinang hikbi ni Celeste ang naririnig ko habang nakaupo siya sa sahig, hawak pa rin ang annulment papers na ako mismo ang nag-abot sa kaniya. God, what have I done?Bahagya akong lumingon. Palihim ko siyang sinulyapan—ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nakalugmok siya, tila gumuho ang buong mundo niya. At ako, ako ang dahilan ng lahat ng sakit na 'yon.Humigpit ang pagkakakuyom ko sa doorknob ng kwarto namin, pinilit kong hindi lumapit. Dahil alam kong kapag niyakap ko siya, kapag hinayaan kong marinig niya ang tibok ng puso kong ito na para pa rin sa kaniya—mababasag ang desisyon kong buuin ang distansya sa pagitan naming dalawa.Mahal ko si Celeste. That’s the irony of it all. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya kailangang iwan.Pumasok ako sa silid namin at agad kong dinampot ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isa kong inilagay ang ilang mga damit, mga gamit ko sa ospital, ilang personal na gamit. Pilit kong pinanatag ang sa

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 150

    Celeste's POVPitong araw na ako naghihintay ng kahit katiting na lambing mula kay Chester, ngunit wala—hindi man lang ako matitigan sa mata, ni hindi ako mahalikan sa labi gaya ng dati. Ang dating mainit na yakap tuwing gabi, napalitan ng katahimikan at espasyong parang bangin sa pagitan naming dalawa. At kahit ilang beses ko na siyang sinubukang lapitan, lambingin, o kausapin nang maayos, hindi ko siya maramdaman. Para bang may pader na hindi ko matawid.Simula nang makita niya kaming magkasabay ni Joaquin sa labas ng bahay, bigla siyang nagbago. Wala naman akong ginawang masama. Hinatid lang naman ako ng kaibigan ko matapos ang isang mahabang araw sa korte, pero ang naging reaksyon ni Chester ay parang nahuli niya akong may kasalanan. Hindi siya nagsalita, pero mas mabigat pa sa sigawan ang katahimikan niya.Minsan, alas-dose na ako natutulog, umaasa na maririnig ko ang tunog ng pinto, ang yabag ng sapatos niya sa hallway, o kahit ang mahina niyang bulong ng “I’m home,” pero walang

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 149

    Celeste's POVLumalim ang hinga ko habang tinititigan ko si Atty. Lourdes Sanchez na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng coffee station sa labas ng courtroom. Dala niya ang kaniyang signature Louis Vuitton tote. She always dressed like she was attending a fashion week, not a legal battle. Ngunit higit pa sa panlabas na anyo ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko siya kailanman kinampihan—she was ruthless, manipulative, and dangerously charming.Ako ang nauna sa korte ngayon. Dumiretso ako sa preparation room bitbit ang mga dokumento ng kaso, pero makalipas ang ilang minuto, nariyan na agad si Lourdes. At gaya ng dati, hindi siya papayag na hindi ako asarin.“Ang aga mo ngayon, Celeste,” simula niya, habang pa-casual na nagsasalin ng kape. “Baka sakaling mauna ka ring matalo?”Ngumiti ako ng matamis, pero may bahid ng asido. “Mas gusto ko kasing nauuna sa lahat. Unlike others na laging second choice.”Bigla siyang napahinto. Tumitig siya sa akin habang dahan-dahang nilapag ang tasa sa

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 148

    Celeste’s POVAlas dos na ng madaling araw nang marating ko ang bahay. Pagkababa ko ng kotse, tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin—parang sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Inaantok at pagod na pagod ako, pero higit pa roon, mas nangingibabaw ang lungkot at pag-aalala.Pinagbuksan ako ni Ate Sofia ng pinto. Nakangiti siya sa akin, bitbit ang tasa ng mainit na gatas.“Uy, akala ko dito ka na sa office matutulog. Mabuti’t nakauwi ka rin,” sabi niya habang inaabot sa akin ang tasa.Napangiti ako nang bahagya. “Thanks, Ate.” Umupo ako sa couch habang siya naman ay tumabi sa akin."Nakauwi na ba si Chester?" tanong ko, inaasahang maririnig ko ang boses niya sa itaas o makita siyang bumababa ng hagdan.Umiling si Ate Sofia. "Hindi pa. Akala ko nga ay sabay kayong uuwi mag-asawa."Nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa pinto, na parang umaasang bumukas iyon at bigla siyang lilitaw. Pero wala.Muli kong naalala ang nakita ko kahapon—si Chester at si Lourdes, magk

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 147

    Celeste’s POVBuong maghapon akong parang wala sa sarili. Sa bawat segundo, paulit-ulit lang ang tanong sa utak ko: Bakit hindi siya nagparamdam? Hindi ba niya ako naiisip man lang? Ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko, umaasang may mensahe o kahit isang tawag galing kay Chester—pero wala. Ni isang notification mula sa kaniya ay hindi ko natanggap.Sinasabi ko sa sarili ko na baka busy lang siya. Na baka may inasikaso lang talaga siyang importante. Pero hanggang kailan ko ipagtatanggol ang asawa ko sa sarili kong isipan? Kung talagang importante ako sa kanya, hindi niya ako hahayaang maghintay ng wala.Hindi ko alam kung dahil lang ba sa selos o sa pangamba, pero hindi ko maiwasang isipin si Lourdes. Nakita ko kanina kung paano siya inasikaso ni Chester. Kung paano siya inalalayan. Ganoon din ba ang ginagawa niya kapag ako ang nasasaktan? O si Lourdes na ba ang mas iniingatan niya ngayon?"Hey, may problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo," saad ni Joaquin, pilit inaagaw ang

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 146

    Celeste’s POVMaaga akong dumating sa law firm ngayon. Gusto kong maagang matapos ang mga nakatambak na kaso para makauwi rin agad. Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ayusin namin ni Chester ang pagitan namin. Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi—ang bigla niyang pagseselos, ang selos na nauwi sa isang marahas na suntok, at pagkatapos ay ang gabing nauwi sa isang mainit na pagtatalik.Gulong-gulo pa rin ang isip ko.Papasok na sana ako sa loob ng building nang biglang bumungad si Atty. Dina Cayapan—isa sa mga una kong na-close na case lawyer dito sa firm. Maingay, palakaibigan, pero may pagka-tsismosa rin."Atty. Celeste!" tawag niya habang nagmamadaling lumapit. "May chika ako, grabe!"Napakunot ang noo ko. Ano na naman ‘to? Ngunit kinuha ko rin ang cellphone na iniabot niya sa akin, dala na rin ng kuryosidad."Ano 'yon?" tanong ko, at nang ibaling ko ang paningin ko sa screen ng phone niya, agad akong natigilan.Larawan iyon ni Chester kasama si Isabelle sa loob ng i

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 145

    Celeste’s POVHindi ako makapaniwala sa inasal ni Chester.Nanatili akong nakatayo sa labas, nakatulala habang pinanonood siyang naglalakad papasok ng bahay, galit na galit, tila isang bombang sasabog anumang sandali. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko sa kaba at pagkabigla.Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa biglaan niyang pagsugod sa kasama ko… o sa malamig at selosong tingin na ibinigay niya sa akin pagkatapos.Bakit parang hindi niya ako pinagkakatiwalaan?Mabilis akong nagpaalam sa kasama ko, humingi ng paumanhin, at dali-daling sumunod kay Chester sa loob. Ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ng mga kasambahay sa akin habang pinapanood nila akong pumasok.Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakasubsob ang ulo sa pagitan ng kanyang mga kamay, parang nilalamon ng sarili niyang emosyon.Tahimik ang buong paligid. Tanging ang mabigat niyang paghinga at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig.Dahan-dahan akong lum

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status