Pa-like, comments, gem votes, and rate ng book! Thank youuu
Celeste's POV Pagkatapos ng “sapilitang” pagkain na ‘yon kasama si Chester, akala ko ay makakabalik na ako sa normal kong buhay—'yung tahimik, walang istorbo, at hindi na kailangang makipagtalo sa isang aroganteng doktor na akala mo’y palaging tama. Pero mali ako. Dahil kinabukasan, sa mismong law firm ko, dumating ang isang hindi inaasahang bisita. "Attorney Rockwell, may naghahanap po sa inyo," sabi ng secretary ko sa intercom. "Sino?" tanong ko habang abala sa pagbabasa ng bagong kaso. "Dr. Chester Villamor po." Napatigil ako. Napapikit sandali at humugot ng malalim na hininga. "Sabihin mong busy ako." May ilang segundong katahimikan bago nagsalita ulit ang secretary. "Atty., nandito na po siya sa labas ng office ninyo." What the hell? Tumayo ako agad, at pagbukas ng pinto, bumungad sa akin si Chester na nakasandal sa frame ng pintuan, naka-cross arms, at may pamilyar na mapang-asar na ngiti. "Good morning, Attorney Rockwell." Sinamaan ko siya ng tingin. "What the hell a
Chester's POV "Celeste, may emergency surgery ako. I have to go," sabi ko habang tinitingnan ang phone ko. Isang tawag lang mula sa ospital at kailangan ko nang umalis. Nakahiga pa siya sa examination table, hinihintay sa doktor na gumagawa ng ultrasound. Nang marinig ang sinabi ko, hindi man lang siya lumingon. "Go," sagot niya, malamig ang tono. Nagtaas ako ng kilay. "That’s it? No ‘take care’ or ‘good luck, Ninong Chester’?" Sa wakas, lumingon siya, kunot-noo. "Bakit, kailangan pa bang may ganoon?" Umiling ako at napangisi. "Para lang malaman kong may konting pake ka sa akin." "Ninong Chester, hindi kita pwedeng alalahanin. Masama sa bata ang stress," sarkastikong sagot niya. Ngumiti lang ako bago lumapit sa kanya, inilalapit ang mukha ko sa tenga niya. "Fine. Pero kapag lumabas ang baby natin at kamukha ko, sigurado akong hindi mo na ako matatakasan." Nanlaki ang mata niya at bahagyang namula. "Umalis ka na! Baka mawalan ka ng pasyente!" Tumawa ako at mabilis na lumabas n
Chester's POV Ang tunog ng monitor sa operating room ang una kong narinig sa pagpasok ko. Rhythmic beeping, isang paalala na may buhay na nakasalalay sa kamay ko. "Status ng pasiyente?" tanong ko, habang isinusuot ang gloves. "Si Mr. Alvarez, 56 years old, may multiple blockages sa coronary arteries. High risk pero stable ang vitals niya for now," sagot ng assisting surgeon ko, si Dr. Santos. Tumango ako. "Prepped na ba for bypass?" "Yes, doc. Ready na rin ang graft vessel." Huminga ako nang malalim. Alam kong kailangang kong maging kalmado. Ang bawat galaw ng kamay ko ngayon, ang bawat desisyon, pwedeng maging dahilan kung mabubuhay o hindi ang pasyente ko. "Scalpel," utos ko, at inabot ito ng scrub nurse. Isang malalim na hiwa ang ginawa ko sa dibdib ng pasyente. Dahan-dahan at may pag-iingat. Pagkatapos, ginamit ko ang sternotomy saw para hatiin ang kanyang sternum, binuksan ang rib cage para makita ang puso. "Expose the heart properly," utos ko, at mabilis na gumalaw ang
Chester's POV Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman sa ospital. Matapos ang tatlong sunod-sunod na operasyon, gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Ngunit sa mundo ng medisina, hindi kailanman natatapos ang trabaho. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na binaybay ang daan pauwi. Madaling araw na, halos wala nang mga sasakyan sa kalsada. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng kotse ko at ang mahihinang tunog ng radyo. Pero ilang metro mula sa intersection, biglang bumangon ang adrenaline sa katawan ko nang makita ang isang eksenang hindi ko inaasahan—isang banggaan. Isang van ang bumangga sa isang motorsiklo. Ang rider ay nakahandusay sa kalsada, duguan. Ang isang pasahero ng van ay lumabas, pilit na tinutulungan ang isang babae sa loob na halatang hindi makagalaw. Mabilis akong nagmaniobra at nagpark sa gilid ng kalsada bago bumaba. Hindi ko na inisip ang pagod—ang nasa isip ko lang ay ang buhay na kailangan kong sagipin. “Anong nangyar
Chester's POV Matapos ang mahabang gabi ng operasyon at aksidente sa daan, halos hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Ang gusto ko lang ay humiga at ipikit ang mga mata, pero hindi iyon puwedeng mangyari ngayon. Alas-nuwebe ng umaga, nakatayo ako sa harap ng opisina niya, suot pa rin ang pormal na kasuotan ko, pero ramdam kong pagod pa rin ako mula kagabi. Hindi ko alam kung ano na namang iniisip ng babae na ‘to, pero sa tono ng boses niya sa tawag kagabi, siguradong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan. Huminga ako nang malalim bago tinulak ang pinto ng opisina niya. Nandoon siya, nakaupo sa swivel chair niya habang nakataas ang isang kilay. Suot niya ang isang fitted na itim na blazer at puting silk blouse na parang sinadyang ipakita na siya ang may kontrol sa usapang ‘to. “Nice of you to finally show up, Doc.” May diin ang huling salita niya, na para bang ipinapaalala niya sa akin kung sino ako sa buhay niya—hindi asawa, hindi kasintahan, kundi ang Ninong na napil
Chester's POV Ang tunog ng leather shoes na tumatama sa marmol na sahig ng ospital ang tanging naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa boardroom. Ang oras ay eksaktong 10:00 AM, at alam kong nasa loob na ang lahat ng mga director, department heads, at ang pinakaayaw kong makaharap ngayong umaga—si Dr. Anthony Gonzaga. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahigit sampung pares ng matang nakatuon sa akin. Kasama roon ang aking ama, si Dr. Reginald Villamor, at ang aking ina, si Mrs. Cecilia Villamor, na parehong may seryosong ekspresyon sa mukha. "Dr. Villamor, buti naman at dumating ka na," malakas na sabi ni Dr. Gonzaga, ang pinakamatandang miyembro ng board at ang taong hindi kailanman natuwa sa pamumuno ko bilang Chief of Surgery. Hindi ako nagpakita ng emosyon. "Of course. This is my hospital, after all." Umupo ako sa pinakataas ng mesa, habang ang ibang board members ay tahimik na nag-aabang sa kung anong mangyayari. Si Dr. Gonzaga ang unang nagsalita. "May mga i
Celeste's POV Matapos ang isang nakakadraining na hearing, dumiretso ako sa law firm. Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo—ang biglaang kasal, ang pagbubuntis na hindi ko pa rin lubusang matanggap, at ang mga pasaring ni Ninong Chester—gusto ko na lang sana ng isang tahimik na araw. Pero mukhang hindi iyon ang plano ng munfo para sa akin. Pagkapasok ko sa main lobby, agad akong sinalubong ng ilang kasamahan ko sa law firm. Hindi ko na kailangang marinig ang usapan nila para malaman na ako ang pinag-uusapan. Kita sa mga mata nila ang malisyosong interes, lalo na kay Trisha, isang associate lawyer na noon pa man ay halatang may inggit sa akin. “Oh wow, look who’s here,” patudyo niyang sabi habang palapit ako. “Ang star lawyer ng firm. Hindi ka na namin madalas makita, Atty. Rockwell. Busy sa personal life?” Napangiti ako, pero hindi ‘yung tipong masaya—‘yung tipong hindi ako natitinag. “Some of us actually have important cases to handle, Trisha. Not everyone
Celeste's POV Pagkatapos ng unang bahagi ng meeting, nagkaroon ng maikling break. Tumayo ako at lumabas saglit sa conference room upang uminom ng tubig. Hindi ko inakala na magiging ganito kabigat ang diskusyon tungkol sa kaso ng Villamor Medical Group. Kahit pa sinubukan kong panatilihin ang propesyonalismo, hindi ko maiwasang maapektuhan dahil sa koneksyon ko kay Ninong Chester. Pagbalik ko sa loob, nagsimula na ang ikalawang bahagi ng pulong. Ngayon naman, tatalakayin namin ang detalye ng mga posibleng hakbang na dapat gawin ng law firm upang ipagtanggol ang ospital laban sa kasong isinampa laban dito. “Alright, let’s move on,” ani Sir Manuel habang inaayos ang ilang papeles sa harap niya. “Atty. Rockwell, let’s discuss the legal defenses we can use against the medical malpractice lawsuit.” Tumikhim ako at marahang tumango. “As I mentioned earlier, our primary defense is to prove that the hospital followed standard medical procedures. We have medical records, internal reports,
Celeste's POV"C-Chester?" usal ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan sa amin.Parang may mali sa aking paningin. Ang puso ko ay parang kumakabog nang mabilis, at ang mga paa ko ay para bang hindi makagalaw. Iba't ibang emosyon ang dumaan sa akin nang makita ko si Chester sa mismong araw ng birthday at binyag ni Caleigh. Alam kong nandito siya, ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng presensya niyang iyon. Ang lalaki na iniwasan ko, ang lalaki na hindi ko alam kung anong nangyari sa aming relasyon, ay nariyan—nagpakita sa okasyong hindi ko inasahan."Excuse me," mahinang sinabi ko kay Joaquin, na kasalukuyang katabi ko. "May pupuntahan lang akong bisita."Ngunit ang totoo, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Baka naman nananabik lang ako. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na hindi lang ako namamalikmata. Hindi ko kayang makita si Chester na nawawala sa aming buhay. Gusto ko lang malaman kung siya nga iyon. Ilang segundo lang, na
Chester's POVHindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Bawat araw na lumilipas mula noong iniwan ko si Celeste, parang may matigas na piraso ng bato na nakabara sa dibdib ko—ang bigat ng desisyon ko na walang kaligayahan, at ang patuloy na paggugol ng oras ko sa isang hindi natutunang aral. Ang penthouse ko, na dati ay puno ng tawanan at pagmamahalan, ngayon ay tila isang malamlam na kuweba ng mga alaalang masakit. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ako. Minsan naiisip ko na mas mabuti nang lumayo—kung aalis ako, hindi ko kailangang patuloy na makita ang mukha ng babaeng minahal ko nang sobra, pero ngayon ay alam kong imposible.Ilang araw nang naglalaro sa isip ko ang desisyon ko. Gusto ko siyang balikan, ang pagmamahal namin, ang lahat ng naiwan na masaya, pero ni hindi ko kayang magsinungaling. Kung muling magbabalik siya sa buhay ko, magiging masakit lang ang lahat. Hindi ko kayang baguhin ang mga itinakdang batas ng buhay, at hindi ko kayang labanan ang tadhana. Magk
Chester's POVTahimik ang buong bahay. Tanging ang mahihinang hikbi ni Celeste ang naririnig ko habang nakaupo siya sa sahig, hawak pa rin ang annulment papers na ako mismo ang nag-abot sa kaniya. God, what have I done?Bahagya akong lumingon. Palihim ko siyang sinulyapan—ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nakalugmok siya, tila gumuho ang buong mundo niya. At ako, ako ang dahilan ng lahat ng sakit na 'yon.Humigpit ang pagkakakuyom ko sa doorknob ng kwarto namin, pinilit kong hindi lumapit. Dahil alam kong kapag niyakap ko siya, kapag hinayaan kong marinig niya ang tibok ng puso kong ito na para pa rin sa kaniya—mababasag ang desisyon kong buuin ang distansya sa pagitan naming dalawa.Mahal ko si Celeste. That’s the irony of it all. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya kailangang iwan.Pumasok ako sa silid namin at agad kong dinampot ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isa kong inilagay ang ilang mga damit, mga gamit ko sa ospital, ilang personal na gamit. Pilit kong pinanatag ang sa
Celeste's POVPitong araw na ako naghihintay ng kahit katiting na lambing mula kay Chester, ngunit wala—hindi man lang ako matitigan sa mata, ni hindi ako mahalikan sa labi gaya ng dati. Ang dating mainit na yakap tuwing gabi, napalitan ng katahimikan at espasyong parang bangin sa pagitan naming dalawa. At kahit ilang beses ko na siyang sinubukang lapitan, lambingin, o kausapin nang maayos, hindi ko siya maramdaman. Para bang may pader na hindi ko matawid.Simula nang makita niya kaming magkasabay ni Joaquin sa labas ng bahay, bigla siyang nagbago. Wala naman akong ginawang masama. Hinatid lang naman ako ng kaibigan ko matapos ang isang mahabang araw sa korte, pero ang naging reaksyon ni Chester ay parang nahuli niya akong may kasalanan. Hindi siya nagsalita, pero mas mabigat pa sa sigawan ang katahimikan niya.Minsan, alas-dose na ako natutulog, umaasa na maririnig ko ang tunog ng pinto, ang yabag ng sapatos niya sa hallway, o kahit ang mahina niyang bulong ng “I’m home,” pero walang
Celeste's POVLumalim ang hinga ko habang tinititigan ko si Atty. Lourdes Sanchez na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng coffee station sa labas ng courtroom. Dala niya ang kaniyang signature Louis Vuitton tote. She always dressed like she was attending a fashion week, not a legal battle. Ngunit higit pa sa panlabas na anyo ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko siya kailanman kinampihan—she was ruthless, manipulative, and dangerously charming.Ako ang nauna sa korte ngayon. Dumiretso ako sa preparation room bitbit ang mga dokumento ng kaso, pero makalipas ang ilang minuto, nariyan na agad si Lourdes. At gaya ng dati, hindi siya papayag na hindi ako asarin.“Ang aga mo ngayon, Celeste,” simula niya, habang pa-casual na nagsasalin ng kape. “Baka sakaling mauna ka ring matalo?”Ngumiti ako ng matamis, pero may bahid ng asido. “Mas gusto ko kasing nauuna sa lahat. Unlike others na laging second choice.”Bigla siyang napahinto. Tumitig siya sa akin habang dahan-dahang nilapag ang tasa sa
Celeste’s POVAlas dos na ng madaling araw nang marating ko ang bahay. Pagkababa ko ng kotse, tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin—parang sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Inaantok at pagod na pagod ako, pero higit pa roon, mas nangingibabaw ang lungkot at pag-aalala.Pinagbuksan ako ni Ate Sofia ng pinto. Nakangiti siya sa akin, bitbit ang tasa ng mainit na gatas.“Uy, akala ko dito ka na sa office matutulog. Mabuti’t nakauwi ka rin,” sabi niya habang inaabot sa akin ang tasa.Napangiti ako nang bahagya. “Thanks, Ate.” Umupo ako sa couch habang siya naman ay tumabi sa akin."Nakauwi na ba si Chester?" tanong ko, inaasahang maririnig ko ang boses niya sa itaas o makita siyang bumababa ng hagdan.Umiling si Ate Sofia. "Hindi pa. Akala ko nga ay sabay kayong uuwi mag-asawa."Nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa pinto, na parang umaasang bumukas iyon at bigla siyang lilitaw. Pero wala.Muli kong naalala ang nakita ko kahapon—si Chester at si Lourdes, magk
Celeste’s POVBuong maghapon akong parang wala sa sarili. Sa bawat segundo, paulit-ulit lang ang tanong sa utak ko: Bakit hindi siya nagparamdam? Hindi ba niya ako naiisip man lang? Ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko, umaasang may mensahe o kahit isang tawag galing kay Chester—pero wala. Ni isang notification mula sa kaniya ay hindi ko natanggap.Sinasabi ko sa sarili ko na baka busy lang siya. Na baka may inasikaso lang talaga siyang importante. Pero hanggang kailan ko ipagtatanggol ang asawa ko sa sarili kong isipan? Kung talagang importante ako sa kanya, hindi niya ako hahayaang maghintay ng wala.Hindi ko alam kung dahil lang ba sa selos o sa pangamba, pero hindi ko maiwasang isipin si Lourdes. Nakita ko kanina kung paano siya inasikaso ni Chester. Kung paano siya inalalayan. Ganoon din ba ang ginagawa niya kapag ako ang nasasaktan? O si Lourdes na ba ang mas iniingatan niya ngayon?"Hey, may problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo," saad ni Joaquin, pilit inaagaw ang
Celeste’s POVMaaga akong dumating sa law firm ngayon. Gusto kong maagang matapos ang mga nakatambak na kaso para makauwi rin agad. Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ayusin namin ni Chester ang pagitan namin. Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi—ang bigla niyang pagseselos, ang selos na nauwi sa isang marahas na suntok, at pagkatapos ay ang gabing nauwi sa isang mainit na pagtatalik.Gulong-gulo pa rin ang isip ko.Papasok na sana ako sa loob ng building nang biglang bumungad si Atty. Dina Cayapan—isa sa mga una kong na-close na case lawyer dito sa firm. Maingay, palakaibigan, pero may pagka-tsismosa rin."Atty. Celeste!" tawag niya habang nagmamadaling lumapit. "May chika ako, grabe!"Napakunot ang noo ko. Ano na naman ‘to? Ngunit kinuha ko rin ang cellphone na iniabot niya sa akin, dala na rin ng kuryosidad."Ano 'yon?" tanong ko, at nang ibaling ko ang paningin ko sa screen ng phone niya, agad akong natigilan.Larawan iyon ni Chester kasama si Isabelle sa loob ng i
Celeste’s POVHindi ako makapaniwala sa inasal ni Chester.Nanatili akong nakatayo sa labas, nakatulala habang pinanonood siyang naglalakad papasok ng bahay, galit na galit, tila isang bombang sasabog anumang sandali. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko sa kaba at pagkabigla.Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa biglaan niyang pagsugod sa kasama ko… o sa malamig at selosong tingin na ibinigay niya sa akin pagkatapos.Bakit parang hindi niya ako pinagkakatiwalaan?Mabilis akong nagpaalam sa kasama ko, humingi ng paumanhin, at dali-daling sumunod kay Chester sa loob. Ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ng mga kasambahay sa akin habang pinapanood nila akong pumasok.Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakasubsob ang ulo sa pagitan ng kanyang mga kamay, parang nilalamon ng sarili niyang emosyon.Tahimik ang buong paligid. Tanging ang mabigat niyang paghinga at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig.Dahan-dahan akong lum