Good evening. Stay tuned for more updates! đ«¶âš
Celeste's POV Pagkatapos ng final deliberation, tuluyang idineklara ang panalo sa panig ng aking kliyente. Tumayo ako mula sa aking upuan, pinanindigan ang pagiging isang de-kalibreng abogado. Alam kong nakatingin si Ninong Chester mula sa likod, pero hindi ko siya binigyan ng kahit isang sulyap. Kasabay ng paglabas ko ng courtroom, bumungad sa akin ang media. Ilang reporters ang agad na lumapit, bitbit ang kanilang microphones at cameras. "Attorney Rockwell, can you give a statement regarding the case?" Ngumiti ako nang propesyonal. "Justice has been served today. My client was wrongfully accused, and we were able to prove his innocence beyond doubt. I am grateful to the court for giving us a fair trial." Nagpatuloy pa ang ilang tanong, pero hindi ko na tinugunan ang iba. Alam kong hindi lang media ang nakatingin sa akin. May isa pang taong kanina ko pa nararamdaman ang presensya. Sa gilid ng aking paningin, nakita kong nakasandal si Ninong Chester sa pader, naka-cross arms at
Celeste's POV Pagkatapos ng âsapilitangâ pagkain na âyon kasama si Chester, akala ko ay makakabalik na ako sa normal kong buhayâ'yung tahimik, walang istorbo, at hindi na kailangang makipagtalo sa isang aroganteng doktor na akala moây palaging tama. Pero mali ako. Dahil kinabukasan, sa mismong law firm ko, dumating ang isang hindi inaasahang bisita. "Attorney Rockwell, may naghahanap po sa inyo," sabi ng secretary ko sa intercom. "Sino?" tanong ko habang abala sa pagbabasa ng bagong kaso. "Dr. Chester Villamor po." Napatigil ako. Napapikit sandali at humugot ng malalim na hininga. "Sabihin mong busy ako." May ilang segundong katahimikan bago nagsalita ulit ang secretary. "Atty., nandito na po siya sa labas ng office ninyo." What the hell? Tumayo ako agad, at pagbukas ng pinto, bumungad sa akin si Chester na nakasandal sa frame ng pintuan, naka-cross arms, at may pamilyar na mapang-asar na ngiti. "Good morning, Attorney Rockwell." Sinamaan ko siya ng tingin. "What the hell a
Chester's POV "Celeste, may emergency surgery ako. I have to go," sabi ko habang tinitingnan ang phone ko. Isang tawag lang mula sa ospital at kailangan ko nang umalis. Nakahiga pa siya sa examination table, hinihintay sa doktor na gumagawa ng ultrasound. Nang marinig ang sinabi ko, hindi man lang siya lumingon. "Go," sagot niya, malamig ang tono. Nagtaas ako ng kilay. "Thatâs it? No âtake careâ or âgood luck, Ninong Chesterâ?" Sa wakas, lumingon siya, kunot-noo. "Bakit, kailangan pa bang may ganoon?" Umiling ako at napangisi. "Para lang malaman kong may konting pake ka sa akin." "Ninong Chester, hindi kita pwedeng alalahanin. Masama sa bata ang stress," sarkastikong sagot niya. Ngumiti lang ako bago lumapit sa kanya, inilalapit ang mukha ko sa tenga niya. "Fine. Pero kapag lumabas ang baby natin at kamukha ko, sigurado akong hindi mo na ako matatakasan." Nanlaki ang mata niya at bahagyang namula. "Umalis ka na! Baka mawalan ka ng pasyente!" Tumawa ako at mabilis na lumabas n
Chester's POV Ang tunog ng monitor sa operating room ang una kong narinig sa pagpasok ko. Rhythmic beeping, isang paalala na may buhay na nakasalalay sa kamay ko. "Status ng pasiyente?" tanong ko, habang isinusuot ang gloves. "Si Mr. Alvarez, 56 years old, may multiple blockages sa coronary arteries. High risk pero stable ang vitals niya for now," sagot ng assisting surgeon ko, si Dr. Santos. Tumango ako. "Prepped na ba for bypass?" "Yes, doc. Ready na rin ang graft vessel." Huminga ako nang malalim. Alam kong kailangang kong maging kalmado. Ang bawat galaw ng kamay ko ngayon, ang bawat desisyon, pwedeng maging dahilan kung mabubuhay o hindi ang pasyente ko. "Scalpel," utos ko, at inabot ito ng scrub nurse. Isang malalim na hiwa ang ginawa ko sa dibdib ng pasyente. Dahan-dahan at may pag-iingat. Pagkatapos, ginamit ko ang sternotomy saw para hatiin ang kanyang sternum, binuksan ang rib cage para makita ang puso. "Expose the heart properly," utos ko, at mabilis na gumalaw ang
Chester's POV Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman sa ospital. Matapos ang tatlong sunod-sunod na operasyon, gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Ngunit sa mundo ng medisina, hindi kailanman natatapos ang trabaho. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na binaybay ang daan pauwi. Madaling araw na, halos wala nang mga sasakyan sa kalsada. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng kotse ko at ang mahihinang tunog ng radyo. Pero ilang metro mula sa intersection, biglang bumangon ang adrenaline sa katawan ko nang makita ang isang eksenang hindi ko inaasahanâisang banggaan. Isang van ang bumangga sa isang motorsiklo. Ang rider ay nakahandusay sa kalsada, duguan. Ang isang pasahero ng van ay lumabas, pilit na tinutulungan ang isang babae sa loob na halatang hindi makagalaw. Mabilis akong nagmaniobra at nagpark sa gilid ng kalsada bago bumaba. Hindi ko na inisip ang pagodâang nasa isip ko lang ay ang buhay na kailangan kong sagipin. âAnong nangyar
Chester's POV Matapos ang mahabang gabi ng operasyon at aksidente sa daan, halos hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Ang gusto ko lang ay humiga at ipikit ang mga mata, pero hindi iyon puwedeng mangyari ngayon. Alas-nuwebe ng umaga, nakatayo ako sa harap ng opisina niya, suot pa rin ang pormal na kasuotan ko, pero ramdam kong pagod pa rin ako mula kagabi. Hindi ko alam kung ano na namang iniisip ng babae na âto, pero sa tono ng boses niya sa tawag kagabi, siguradong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan. Huminga ako nang malalim bago tinulak ang pinto ng opisina niya. Nandoon siya, nakaupo sa swivel chair niya habang nakataas ang isang kilay. Suot niya ang isang fitted na itim na blazer at puting silk blouse na parang sinadyang ipakita na siya ang may kontrol sa usapang âto. âNice of you to finally show up, Doc.â May diin ang huling salita niya, na para bang ipinapaalala niya sa akin kung sino ako sa buhay niyaâhindi asawa, hindi kasintahan, kundi ang Ninong na napil
Chester's POV Ang tunog ng leather shoes na tumatama sa marmol na sahig ng ospital ang tanging naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa boardroom. Ang oras ay eksaktong 10:00 AM, at alam kong nasa loob na ang lahat ng mga director, department heads, at ang pinakaayaw kong makaharap ngayong umagaâsi Dr. Anthony Gonzaga. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahigit sampung pares ng matang nakatuon sa akin. Kasama roon ang aking ama, si Dr. Reginald Villamor, at ang aking ina, si Mrs. Cecilia Villamor, na parehong may seryosong ekspresyon sa mukha. "Dr. Villamor, buti naman at dumating ka na," malakas na sabi ni Dr. Gonzaga, ang pinakamatandang miyembro ng board at ang taong hindi kailanman natuwa sa pamumuno ko bilang Chief of Surgery. Hindi ako nagpakita ng emosyon. "Of course. This is my hospital, after all." Umupo ako sa pinakataas ng mesa, habang ang ibang board members ay tahimik na nag-aabang sa kung anong mangyayari. Si Dr. Gonzaga ang unang nagsalita. "May mga i
Celeste's POV Matapos ang isang nakakadraining na hearing, dumiretso ako sa law firm. Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggoâang biglaang kasal, ang pagbubuntis na hindi ko pa rin lubusang matanggap, at ang mga pasaring ni Ninong Chesterâgusto ko na lang sana ng isang tahimik na araw. Pero mukhang hindi iyon ang plano ng munfo para sa akin. Pagkapasok ko sa main lobby, agad akong sinalubong ng ilang kasamahan ko sa law firm. Hindi ko na kailangang marinig ang usapan nila para malaman na ako ang pinag-uusapan. Kita sa mga mata nila ang malisyosong interes, lalo na kay Trisha, isang associate lawyer na noon pa man ay halatang may inggit sa akin. âOh wow, look whoâs here,â patudyo niyang sabi habang palapit ako. âAng star lawyer ng firm. Hindi ka na namin madalas makita, Atty. Rockwell. Busy sa personal life?â Napangiti ako, pero hindi âyung tipong masayaââyung tipong hindi ako natitinag. âSome of us actually have important cases to handle, Trisha. Not everyone
Tahimik akong kumakain sa harap ni Drako. Kaharap ko siya sa mahabang dining table, pero sa bawat kutsarang isubo ko, pakiramdam ko ay para akong nilulunok ng sarili kong katahimikan. Walang kasamang pagmamahal ang almusal na itoâtanging presensya lang naming dalawa, na tila may laylayan ng hindi maipaliwanag na tensyon.Gusto kong sirain ang katahimikan. Gusto kong sabihin sa kaniya na may pangarap pa rin ako, kahit pa gaano na niya akong ikulong sa mundong ginusto niyang likhain para sa akin. Kaya kahit nangangatal ang kamay ko, at tila may nakakulong na tinig sa lalamunan ko, naglakas-loob ako."Drako," mahina kong tawag habang pilit kong iniwas ang tingin sa malamig niyang mga mata. "Iâve been thinking... maybe I can go back to school."Hindi siya agad sumagot. Dinampot niya ang baso ng alak at dahan-dahang uminom, na para bang sinadya niyang patagalin ang katahimikan para lalong pasigawin ang kaba sa dibdib ko.âSchool?â ulit niya, may kasamang bahagyang ngiti sa sulok ng labi. â
Masakit ang bawat hibla ng katawan ko.Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang igalaw ang mga binti ko. Para bang piniga ng paulit-ulit ang kalamnan ko buong magdamagâat hindi lang basta piga, kundi parang niyurakan din ng init at sarap. Pero higit sa lahat, ang pagkababae ko⊠para akong winasak.Napakagat ako sa labi habang marahang pilit na iniusog ang sarili sa kama, ngunit agad akong napatigil. Isang kirot na may kasamang kiliti ang sumalubong sa pagitan ng hita ko.Damn it, Drako.Napalingon ako sa kanan. Nandoon siyaânakaupo sa gilid ng kama, nakahubad ang pang-itaas, at may hawak na sigarilyo sa kamay. Bawat pagbuga niya ng usok ay tila may kasamang lungkot at bigat na hindi ko kayang basahin. Parang ibang tao na naman siya. Malamig. Malayo. Misteryoso.Wala na ang lalaking buong gabi akong nilamon ng halik at init.Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan, at tila ba hindi man lang alintana na gising na akoât pinagmamasdan siya."You're awake," mahina niyang sambit
Mainit ang hininga ko. Hindi ko na alam kung alin sa dalawa ang mas nakakaapoyâang epekto ng tsokolate o ang presensya niyang ngayon ay nakatayo sa harap ko, huboât hubad, habang ang mga mata niya ay tila apoy na nais lumamon sa buong pagkatao ko.Ramdam ko ang pagragasa ng panginginig sa katawan ko. Mula ulo hanggang talampakan, para akong sinisilaban sa ilalim ng balat. At ang mas nakakatakotâhindi ko gustong tumakas sa apoy na âyon.Napaangat ako sa kama nang maramdaman ang init ng daliri niyang muling gumapang sa pisngi ko, pababa sa baba, hanggang sa mga labi kong nanginginig pa. Ipinasok niya ang dalawang daliri niya sa bibig koâhindi marahas, pero sapat para mapasunod ako.âGood girl,â aniya, paos at punong-puno ng mapang-akit na lambing ang tinig.Hindi ko alam kung anong klaseng babae na ako ngayon. Ilang oras pa lang ang nakakalipas, ako âyong babaeng umiwas sa init ng halik niya. Ngayon, ako na ang naghihintay, nag-aabang, nauuhaw sa susunod niyang galaw.Lumuhod siya sa ha
Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Mabigat ang bawat paghaplos ng palad niyang humihimas sa balat koâparang sinusubukan niyang basahin ang bawat lamat, bawat takot, bawat piraso ng pagkatao kong pilit kong itinago. Nang maramdaman kong unti-unti na niya akong sinasakop, para akong napako sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung paano huminga. Hindi ko alam kung paano tanggapin ang bagong sensasyon na dahan-dahang umuukit ng bagong kwento sa katawan ko. "DrakoâŠ" mahina kong tawag, halos pabulong. Nanginginig ang tinig ko. âI know,â bulong niya. âJust hold onto me, Caleigh.â Niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako, pinilit kong pigilan ang mga luha pero kusa silang bumagsak sa pisngi ko. Hindi ito masarap. Hindi ito gaya ng sinasabi sa mga libro, o sa mga pelikula. May kirot. May hapdi. Parang pinipilas ang sarili kong katahimikan. Naramdaman siguro ni Drako ang panginginig ng katawan ko kayaât huminto siya. Hinawakan niya ang pisngi ko, tinignan ako sa mata. âAre you okay?â Umilin
Pagkasara ng pinto ng sasakyan, sabay ang paglagitik ng lock at pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala pang isang segundo nang maramdaman ko ang marahas ngunit gutom na labi ni Drako na agad lumapat sa labi ko. Mainit. Mapang-angkin. Parang buong gabi siyang naghintay para sa sandaling itoâat ngayon, handa na siyang kunin ang matagal na niyang inaangkin. Hindi ako pumalag. Hindi dahil gusto ko. Hindi dahil inaasam ko rin ang halik na iyon. Kung hindi dahil alam kong wala rin naman akong magagawa. Kahit paulit-ulit ko mang sabihin sa sarili ko na may karapatan ako sa sariling katawan, sa piling ni Drako, ang lahat ng iyon ay nawawala. Para akong isang manikang iniupo sa kotse, bihis at maganda, pero walang sariling buhay. Hinayaan ko siya. Hinayaan ko ang halik niya, ang kamay niyang gumagapang sa tagiliran ko, ang init ng hininga niya sa leeg ko. Niyakap ko ang katotohananâna ako ay asawa niya, at wala akong saysay na tumanggi. Ngunit sa gitna ng madilim na sasakyang iyon, sa pagit
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Drako sa loob ng isang pribadong VIP lounge ng isang high-end restaurant sa Makati. Malamig ang simoy mula sa centralized aircon, ngunit hindi iyon sapat para payapain ang kaba sa dibdib ko. Tatlong araw pa lang mula nang ikasal kamiâtatlong araw ng tahimik na pagkakabihag sa piling ng lalaking ito. At ngayon, kailangan ko na namang gumanap bilang âasawang masaya,â habang nakaharap ang mga business partners niya sa isang investment deal para sa bagong real estate project. Pinilit kong panatilihing maayos ang postura ko. Suot ko ang cream-colored bodycon dress na siya mismo ang pumili. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang sikip nito, pero wala akong karapatang tumutol. "You look lovely today," malamig ngunit malalim ang boses ni Drako sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. Wala akong sinagot. Sanay na akong hindi inaasahang makapagbigay ng opinyon. âSmile,â bulong niya habang nakatitig sa wine glass. âYou're my wife now, remember? You represent me.â
Tahimik ang paligid nang ihatid ako ng mga alalay ni Drako sa isang silid na malapit sa maliit na chapel sa loob ng Valderama estate. Doon ako pinagbihis, nilagyan ng make-up, inayusan ng buhokâparang isang manikang nililok para sa palabas na ako rin mismo ay ayaw panoorin. Ang kasuotan ko ay gawa sa mamahaling tela, malambot sa balat pero mabigat sa dibdib. Bawat tahi, bawat detalye ng damit ay patunay kung gaano kayaman si Drako at kung gaano niya gustong ipakitang kontrolado niya ang lahat. âAre you ready, Maâam?â tanong ng isang babae habang inaayos ang laylayan ng aking gown. Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin, at gaya ng dati, hindi ko pa rin maramdaman na ako iyon. Sa suot kong puting damit, para akong pinaghahandaan sa burol, hindi sa kasal. Tahimik akong lumabas ng silid. Dalawang guwardiya ang nag-abang sa labas, parang mga bantay sa bilangguan kaysa escort ng isang bride. Tahimik akong naglakad sa pasilyo, kasabay ng mahinang tunog ng violi
"Before anything else, let me remind you, Caleigh..." malamig na basag ni Drako sa katahimikan, "You already signed the contract. You agreed to marry me and live under my conditions the moment you walked out of that mental hospital." Napakapit ako sa gilid ng aking upuan. Hindi ako makatingin sa kaniya, pero ramdam kong sinusuri niya ang bawat galaw ko. Gusto kong magalit. Gusto kong sigawan siya. Pero walang lakas ang tinig ko. "So," patuloy niya, mas mariin ang boses, "Say it. Out loud. I want to hear your decisionâright here, right now." Napalunok ako, pilit na nilunok ang buong pait na nararamdaman. Napatingin ako sa ina ko, umaasang babawiin niya ang lahat, na magsasabing, "Anak, hindi kita ibebenta." Pero nanatili siyang tahimik, ang mga mata'y nakatutok sa sahig na para bang ayaw akong tingnan sa mga oras na ito. Wala na akong maaasahan. Wala na akong matatakbuhan. Para sa ama kong nakakulong, para sa apelyido naming nilamon ng paratang, ito lang ang natitirang daan. "I'll
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang ikandado ni Drako ang silid ko. Dalawang linggo ng paghihintay, ng pag-asa, ng pagtitiis. Sa bawat araw na dumaraan, unti-unti akong nauupos sa katahimikan ng mansiyon na ito. Walang kalayaan. Walang boses. Walang sinumang makikinig. Ang mga bintana ay may rehas, ang pinto ay palaging naka-lock, at ang paligid ay tila ba sinadyang maging kulungan ng mga lihim at kasinungalingan. Ngunit ngayong araw na ito, nilakasan ko na ang loob ko. Wala na akong ibang masusubukan kundi ang mga taong nasa paligid niyaâang mga kasambahay. Alam kong isa man lang sa kanila, baka⊠baka pakinggan ako. Nang marinig kong bumukas ang pinto para ihatid ang pagkain, agad akong tumayo. Pumasok ang isa sa mga bagong kasambahay, isang babaeng nasa mid-twenties. Hawak niya ang tray ng agahan ko. Napansin kong nanginginig ang kamay niya habang inilalapag ito sa mesa. "Please... can I borrow your phone?" mahina kong bulong, halos hindi marinig. Napalingon siya sa akin