God afternoon! Pa-like, gem votes, comments, at i-rate ang book na 'to. Thank youuu
Celeste's POV Muling bumalik ang lahat sa courtroom matapos ang recess. Matigas ang ekspresyon ko, ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang presensya ni Ninong Chester na umupo sa likuran, tila ba isang VIP guest na nagmamasid sa bawat kilos ko. "Ignore him, Celeste," bulong ko sa sarili ko. Mas mahalaga ang kasong ito kaysa sa presensiya ng isang aroganteng doktor na tila ba masyadong nasisiyahan sa pang-iinis sa akin. Tumingin ako sa judge, na seryosong nag-aabang ng susunod na mangyayari. Lumunok ako ng kaunti bago muling humarap sa witness stand. "Mr. Alvarado, sinabi mo na utos lang sa 'yo ang pag-apruba ng mga withdrawals. Sino ang nag-utos sa 'yo?" Napatingin siya sa paligid, tila ba nag-aalangan. "Hindi ko pwedeng sabihin." Nagtaas ako ng kilay. "Nasa ilalim ka ng panunumpa, Mr. Alvarado. Kung may alam kang impormasyon na makakatulong sa kasong ito, may pananagutan ka kung tatakpan mo lang ito." Napakapit siya sa gilid ng witness stand, halatang kinakabahan. "Kung sasabi
Celeste's POV Pagkatapos ng final deliberation, tuluyang idineklara ang panalo sa panig ng aking kliyente. Tumayo ako mula sa aking upuan, pinanindigan ang pagiging isang de-kalibreng abogado. Alam kong nakatingin si Ninong Chester mula sa likod, pero hindi ko siya binigyan ng kahit isang sulyap. Kasabay ng paglabas ko ng courtroom, bumungad sa akin ang media. Ilang reporters ang agad na lumapit, bitbit ang kanilang microphones at cameras. "Attorney Rockwell, can you give a statement regarding the case?" Ngumiti ako nang propesyonal. "Justice has been served today. My client was wrongfully accused, and we were able to prove his innocence beyond doubt. I am grateful to the court for giving us a fair trial." Nagpatuloy pa ang ilang tanong, pero hindi ko na tinugunan ang iba. Alam kong hindi lang media ang nakatingin sa akin. May isa pang taong kanina ko pa nararamdaman ang presensya. Sa gilid ng aking paningin, nakita kong nakasandal si Ninong Chester sa pader, naka-cross arms at
Celeste's POV Pagkatapos ng “sapilitang” pagkain na ‘yon kasama si Chester, akala ko ay makakabalik na ako sa normal kong buhay—'yung tahimik, walang istorbo, at hindi na kailangang makipagtalo sa isang aroganteng doktor na akala mo’y palaging tama. Pero mali ako. Dahil kinabukasan, sa mismong law firm ko, dumating ang isang hindi inaasahang bisita. "Attorney Rockwell, may naghahanap po sa inyo," sabi ng secretary ko sa intercom. "Sino?" tanong ko habang abala sa pagbabasa ng bagong kaso. "Dr. Chester Villamor po." Napatigil ako. Napapikit sandali at humugot ng malalim na hininga. "Sabihin mong busy ako." May ilang segundong katahimikan bago nagsalita ulit ang secretary. "Atty., nandito na po siya sa labas ng office ninyo." What the hell? Tumayo ako agad, at pagbukas ng pinto, bumungad sa akin si Chester na nakasandal sa frame ng pintuan, naka-cross arms, at may pamilyar na mapang-asar na ngiti. "Good morning, Attorney Rockwell." Sinamaan ko siya ng tingin. "What the hell a
Chester's POV "Celeste, may emergency surgery ako. I have to go," sabi ko habang tinitingnan ang phone ko. Isang tawag lang mula sa ospital at kailangan ko nang umalis. Nakahiga pa siya sa examination table, hinihintay sa doktor na gumagawa ng ultrasound. Nang marinig ang sinabi ko, hindi man lang siya lumingon. "Go," sagot niya, malamig ang tono. Nagtaas ako ng kilay. "That’s it? No ‘take care’ or ‘good luck, Ninong Chester’?" Sa wakas, lumingon siya, kunot-noo. "Bakit, kailangan pa bang may ganoon?" Umiling ako at napangisi. "Para lang malaman kong may konting pake ka sa akin." "Ninong Chester, hindi kita pwedeng alalahanin. Masama sa bata ang stress," sarkastikong sagot niya. Ngumiti lang ako bago lumapit sa kanya, inilalapit ang mukha ko sa tenga niya. "Fine. Pero kapag lumabas ang baby natin at kamukha ko, sigurado akong hindi mo na ako matatakasan." Nanlaki ang mata niya at bahagyang namula. "Umalis ka na! Baka mawalan ka ng pasyente!" Tumawa ako at mabilis na lumabas n
Chester's POV Ang tunog ng monitor sa operating room ang una kong narinig sa pagpasok ko. Rhythmic beeping, isang paalala na may buhay na nakasalalay sa kamay ko. "Status ng pasiyente?" tanong ko, habang isinusuot ang gloves. "Si Mr. Alvarez, 56 years old, may multiple blockages sa coronary arteries. High risk pero stable ang vitals niya for now," sagot ng assisting surgeon ko, si Dr. Santos. Tumango ako. "Prepped na ba for bypass?" "Yes, doc. Ready na rin ang graft vessel." Huminga ako nang malalim. Alam kong kailangang kong maging kalmado. Ang bawat galaw ng kamay ko ngayon, ang bawat desisyon, pwedeng maging dahilan kung mabubuhay o hindi ang pasyente ko. "Scalpel," utos ko, at inabot ito ng scrub nurse. Isang malalim na hiwa ang ginawa ko sa dibdib ng pasyente. Dahan-dahan at may pag-iingat. Pagkatapos, ginamit ko ang sternotomy saw para hatiin ang kanyang sternum, binuksan ang rib cage para makita ang puso. "Expose the heart properly," utos ko, at mabilis na gumalaw ang
Chester's POV Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman sa ospital. Matapos ang tatlong sunod-sunod na operasyon, gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Ngunit sa mundo ng medisina, hindi kailanman natatapos ang trabaho. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na binaybay ang daan pauwi. Madaling araw na, halos wala nang mga sasakyan sa kalsada. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng kotse ko at ang mahihinang tunog ng radyo. Pero ilang metro mula sa intersection, biglang bumangon ang adrenaline sa katawan ko nang makita ang isang eksenang hindi ko inaasahan—isang banggaan. Isang van ang bumangga sa isang motorsiklo. Ang rider ay nakahandusay sa kalsada, duguan. Ang isang pasahero ng van ay lumabas, pilit na tinutulungan ang isang babae sa loob na halatang hindi makagalaw. Mabilis akong nagmaniobra at nagpark sa gilid ng kalsada bago bumaba. Hindi ko na inisip ang pagod—ang nasa isip ko lang ay ang buhay na kailangan kong sagipin. “Anong nangyar
Chester's POV Matapos ang mahabang gabi ng operasyon at aksidente sa daan, halos hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Ang gusto ko lang ay humiga at ipikit ang mga mata, pero hindi iyon puwedeng mangyari ngayon. Alas-nuwebe ng umaga, nakatayo ako sa harap ng opisina niya, suot pa rin ang pormal na kasuotan ko, pero ramdam kong pagod pa rin ako mula kagabi. Hindi ko alam kung ano na namang iniisip ng babae na ‘to, pero sa tono ng boses niya sa tawag kagabi, siguradong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan. Huminga ako nang malalim bago tinulak ang pinto ng opisina niya. Nandoon siya, nakaupo sa swivel chair niya habang nakataas ang isang kilay. Suot niya ang isang fitted na itim na blazer at puting silk blouse na parang sinadyang ipakita na siya ang may kontrol sa usapang ‘to. “Nice of you to finally show up, Doc.” May diin ang huling salita niya, na para bang ipinapaalala niya sa akin kung sino ako sa buhay niya—hindi asawa, hindi kasintahan, kundi ang Ninong na napil
Chester's POV Ang tunog ng leather shoes na tumatama sa marmol na sahig ng ospital ang tanging naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa boardroom. Ang oras ay eksaktong 10:00 AM, at alam kong nasa loob na ang lahat ng mga director, department heads, at ang pinakaayaw kong makaharap ngayong umaga—si Dr. Anthony Gonzaga. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahigit sampung pares ng matang nakatuon sa akin. Kasama roon ang aking ama, si Dr. Reginald Villamor, at ang aking ina, si Mrs. Cecilia Villamor, na parehong may seryosong ekspresyon sa mukha. "Dr. Villamor, buti naman at dumating ka na," malakas na sabi ni Dr. Gonzaga, ang pinakamatandang miyembro ng board at ang taong hindi kailanman natuwa sa pamumuno ko bilang Chief of Surgery. Hindi ako nagpakita ng emosyon. "Of course. This is my hospital, after all." Umupo ako sa pinakataas ng mesa, habang ang ibang board members ay tahimik na nag-aabang sa kung anong mangyayari. Si Dr. Gonzaga ang unang nagsalita. "May mga i
Celeste’s POVMaaga akong dumating sa law firm ngayon. Gusto kong maagang matapos ang mga nakatambak na kaso para makauwi rin agad. Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ayusin namin ni Chester ang pagitan namin. Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi—ang bigla niyang pagseselos, ang selos na nauwi sa isang marahas na suntok, at pagkatapos ay ang gabing nauwi sa isang mainit na pagtatalik.Gulong-gulo pa rin ang isip ko.Papasok na sana ako sa loob ng building nang biglang bumungad si Atty. Dina Cayapan—isa sa mga una kong na-close na case lawyer dito sa firm. Maingay, palakaibigan, pero may pagka-tsismosa rin."Atty. Celeste!" tawag niya habang nagmamadaling lumapit. "May chika ako, grabe!"Napakunot ang noo ko. Ano na naman ‘to? Ngunit kinuha ko rin ang cellphone na iniabot niya sa akin, dala na rin ng kuryosidad."Ano 'yon?" tanong ko, at nang ibaling ko ang paningin ko sa screen ng phone niya, agad akong natigilan.Larawan iyon ni Chester kasama si Isabelle sa loob ng i
Celeste’s POVHindi ako makapaniwala sa inasal ni Chester.Nanatili akong nakatayo sa labas, nakatulala habang pinanonood siyang naglalakad papasok ng bahay, galit na galit, tila isang bombang sasabog anumang sandali. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko sa kaba at pagkabigla.Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa biglaan niyang pagsugod sa kasama ko… o sa malamig at selosong tingin na ibinigay niya sa akin pagkatapos.Bakit parang hindi niya ako pinagkakatiwalaan?Mabilis akong nagpaalam sa kasama ko, humingi ng paumanhin, at dali-daling sumunod kay Chester sa loob. Ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ng mga kasambahay sa akin habang pinapanood nila akong pumasok.Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakasubsob ang ulo sa pagitan ng kanyang mga kamay, parang nilalamon ng sarili niyang emosyon.Tahimik ang buong paligid. Tanging ang mabigat niyang paghinga at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig.Dahan-dahan akong lum
Chester's POVKatatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong.Agad akong napalingon.“Tulong... please! Ayoko na! Tama na!”Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw.Hindi ako maaaring magkamali.Si Lourdes Sanchez iyon.Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba.Sa loob ng ilang segundo ay na
Chester’s POVBuong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito.“Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.“Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa.Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat.“Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.”Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room. Mabilis ak
Chester’s POVGabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala.Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo.Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko.Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa?Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang i
Chester’s POVHindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata."Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa akin
Chester's POVNakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon.Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila.Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo at
Chester's POV Katatapos lang ng huling operasyon ko ngayong araw kaya agad kong hinubad ang aking surgical gloves at tinungo ang locker room. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako, ngunit nang makita ko ang cellphone ko at ang mahigit dalawampung missed calls ni Celeste, agad akong kinabahan. Hindi normal para sa kaniya ang ganito karaming tawag. Karaniwan ay isang beses lamang siya tatawag at kung hindi ko masasagot, magpapadala siya ng mensahe. Ngunit ngayon, wala ni isang text na kasama.Agad kong tinawagan ang numero niya. Nag-ring lamang ito, ngunit hindi niya sinasagot. Muling bumigat ang dibdib ko, lalo na nang makarinig ako ng pabulong na usapan sa hindi kalayuan."Nakita mo ba kanina si Sir Reginald? Pinaalis niya ang asawa ni Dr. Chester," rinig kong sabi ng isa sa mga nurses.Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila. Ang dalawang nurses ay nakatalikod sa akin at patuloy sa pag-uusap, hindi namamalayang naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan."May sakit
Celeste's POV Matiyaga kong tinapos ang pagbasa ng mga kaso sa harapan ko. Mahalaga ang bawat detalye, kaya hindi ko maaaring balewalain ang anumang impormasyong maaaring magamit sa korte. Napakarami kong kailangang aralin, at gusto kong tiyakin na handa ako sa bawat hakbang ng proseso. Makalipas ang mahigit dalawang oras, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Nang makita kong si Ate Sofia iyon, agad akong sumagot. Siya ang nag-aalaga sa anak namin ni Chester, kaya anumang tawag mula sa kaniya ay hindi ko maaaring balewalain. "Celeste, ang taas ng lagnat ni Caleigh! Dinadala ko na siya sa ospital!" Napapanic ang boses ni Ate Sofia, at agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. "Ano? Gaano kataas ang lagnat niya? Anong mga sintomas niya?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipunin ang mga papel sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali ay natabig ko pa ang ballpen ko sa mesa. "Nagsusuka s