Tous les chapitres de : Chapitre 111 - Chapitre 120

153

Chapter 111

Celeste's POV Isang linggo nang nakaburol si Cecilia Villamor, pero parang hindi pa rin iyon totoo para sa akin. Kahit abala ako sa trabaho, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano kinikimkim ni Chester ang sakit ng pagkawala ng ina niya. Hindi pa siya bumabalik sa ospital mula nang makita niyang walang nangyari sa kanilang paghaharap ni Charles. Si Chester ang tipo ng taong ipinapakita ang tapang kahit durog na durog na sa loob. Alam kong pilit niyang ginagampanan ang papel bilang asawa ko at ama ni Caleigh, pero ramdam kong gusto niyang magluksa—ang problema lang, wala siyang puwang gawin iyon. Dahil sa galit niya kay Charles. Dahil sa kalagayan ng ama niya. Dahil sa kasal namin. At dahil sa akin. Dahan-dahan kong pinisil ang sentido ko at sinubukang ituon ang pansin sa mga dokumentong hawak ko. The case I was working on was important, pero hirap akong mag-concentrate. Alam kong mas kailangan ako ni Chester, pero paano ko ba siya matutulungan kung hindi niya ako hinahayaan? N
last updateDernière mise à jour : 2025-03-26
Read More

Chapter 112

Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa mga papel na nasa harapan ko. Annulment papers. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig habang unti-unting lumilinaw sa akin ang mapait na katotohanan—ito na ang wakas ng kasal namin ni Chester. Kusang gumalaw ang kamay ko at hinaplos ang gintong singsing sa daliri ko. Ang singsing na simbolo ng pangako namin sa isa't isa. Ang singsing na nagpapatunay na sa kabila ng lahat, pinili naming lumaban. Pero ngayon, parang ako mismo ang sumusuko. Napabuntong-hininga ako nang maalalang isang taon lang ang kontrata ng kasal namin na nagsimula sa isang kasunduan. Pakiramdam ko ay 'yon talaga ang kapalaran namin kasi simula't sapul, mali ang nangyari sa amin. Maling-mali ang mahulog kami sa isa't isa lalo na't siya ang Ninong ko at inaanak niya lang ako. "Kung pipirmahan mo 'yan, makikita niya ang ina niya sa huling pagkakataon," bulong ni Charles habang nakatayo sa tabi ko. "Isang taon lang naman ang kasunduan ng kasal n
last updateDernière mise à jour : 2025-03-26
Read More

Chapter 113

Chester's POV Tatlong araw akong halos hindi umuuwi.Simula nang pumanaw si Mama, nagpakalunod ako sa burol, sa pakikiramay ng mga taong hindi ko alam kung totoo o nagpapakitang-tao lang. Sa bawat oras na lumilipas, pakiramdam ko ay nauubos ako—unti-unting kinakain ng lungkot, galit, at panghihinayang.Pero sa lahat ng iyon, isang bagay lang ang nagpapalakas ng loob ko: ang pag-uwi sa pamilya ko.Kay Celeste.Kay Caleigh.Dahil kahit anong mangyari, sila ang tahanan ko.Ngayong nailibing na si Mama, gusto ko nang umuwi sa kanila. Gusto kong makasama si Celeste—ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na pag-ibig, na hindi ako kailanman iniwan kahit gaano kahirap ang laban. Kaya't matapos ang ilang araw ng pagkakalubog sa lungkot at responsibilidad, umuwi ako sa penthouse namin. Pagpasok ko sa penthouse, nagulat ako nang si Charles ang bumungad sa akin, nakaupo sa couch na parang siya ang may-ari ng bahay. May hawak siyang isang basong brandy, mukhang matagal nang naghihintay sa akin.
last updateDernière mise à jour : 2025-03-27
Read More

Chapter 114

Chester's POV Pakiramdam ko ay sasabog ako sa tindi ng emosyon na bumabalot sa akin. Isang linggo ko nang tiniis ang lahat—ang pagkamatay ni Mama, ang panunuya ni Charles, at ngayon, ang biglaang pagkawala ng mag-ina ko. Pero ngayon, wala na akong balak magtimpi.Sa pagkakataong ito, haharapin ko ang taong nasa likod ng lahat.Si Reginald Villamor.Pagkapasok ko sa ospital, deretso ang hakbang ko papunta sa VIP ward kung saan naka-confine ang ama ko na mukhang kararating lang nila rito. Walang sino mang nakapigil sa akin, kahit ang mga nurse at security personnel na mukhang natatakot sa ekspresyon ko.Pagdating ko sa kwarto niya, hindi na ako kumatok. Walang pasakalye, walang babala.Binuksan ko ang pinto nang malakas, dahilan upang lumingon siya mula sa kama. Nasa kanya ang dati niyang tikas—kahit mahina pa mula sa aksidente, nanatili ang mapanghusga at malamig niyang titig.Para siyang hari sa isang trono, hindi iniinda ang sakit ng katawan, hindi iniinda ang sakit na idinulot niya
last updateDernière mise à jour : 2025-03-27
Read More

Chapter 115

Chester's POV Dalawang linggo.Labing-apat na araw.Tatlumpu't apat na oras sa isang shift.Wala akong matinong tulog, wala akong maayos na kain. Wala rin akong balita sa kanila.Wala akong ibang ginawa kundi magtrabaho—mag-opera, mag-ikot sa ospital, at lunurin ang sarili sa mga pasyente para kahit papaano'y makalimutan ko ang bigat sa dibdib ko. Pero kahit anong gawin ko, isang pangalan lang ang laman ng isip ko.Celeste.Saan siya pumunta? Sino ang kasama niya? Kumusta na si Caleigh?Ang masakit sa lahat, kahit anong pilit kong hanapin sila, hindi ko man lang matunton ang bakas nila.Hindi ko matanggap.Hindi ko matatanggap.Dumiretso ako sa opisina ko matapos ang isang operasyon. Tagaktak ang pawis ko, pero hindi ko alintana. Si Charles ang unang nakita ko—ang taksil kong kapatid na isa rin sa mga dahilan ng pagkawala ni Celeste."Wala pa rin akong natatanggap na sagot," madiin kong sabi, pinipilit kontrolin ang galit. "Nasaan sila?"Tumingin lang sa akin si Charles, saka tumikh
last updateDernière mise à jour : 2025-03-27
Read More

Chapter 116

Chester's POV Tatlong buwan na ang lumipas.Tatlong buwan na akong naghahanap, nagmamatyag, nagbibilang ng bawat oras at araw na hindi ko sila kasama.Pero wala.Hindi ko man lang matunton kahit isang bakas ni Celeste.Gabi-gabi, umuuwi akong pagod, hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa walang katapusang paghahanap. Ang bawat sulok ng Maynila, bawat probinsyang posibleng puntahan niya—lahat ay pinasuyod ko na sa mga tauhan ko. Pero bawat ulat na natatanggap ko ay pareho lang.Muli kong tiningnan ang cellphone ko, umaasang may tawag o text mula sa kanya. Pero wala rin.Nasa loob ako ng opisina ko sa penthouse, hawak ang isang baso ng red wine, pilit pinapatulog ang sarili gamit ang alak. Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang baso pa ang ubusin ko, hindi ako mapanatag.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa kanila. Ligtas ba sila? May sakit ba si Caleigh? Kumakain ba nang maayos si Celeste?Sumikip ang dibdib ko sa pag-aalala.Muli kong tinaw
last updateDernière mise à jour : 2025-03-27
Read More

Chapter 117

Celeste's POV Tahimik ang paligid, malayo sa ingay at gulo ng siyudad na matagal kong ginagalawan. Tatlong buwan na rin mula nang lisanin ko ang buhay na minsan kong itinuring na akin. Tatlong buwan na mula nang talikuran ko si Chester at ang lahat ng may kinalaman sa kanya. Akala ko, madali lang. Akala ko, kapag malayo ako, mas mapapanatag ako. Pero habang lumilipas ang mga araw, habang patuloy akong gumigising sa umaga nang hindi siya katabi, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong ginawa ko. Nakatayo ako sa balkonahe ng lumang bahay namin sa Palawan, pinagmamasdan ang paglalaro ni Caleigh kasama si Mama Calista sa ilalim ng puno ng mangga. Ang anak ko… ang musmos na dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Caleigh’s laughter filled the air, a melody so pure that it almost made me forget the pain I carried inside me. Ngunit kahit gaano katamis ang tunog ng kanyang halakhak, may kirot pa rin sa puso ko dahil alam kong hindi kumpleto ang mundo niya. Wala ang a
last updateDernière mise à jour : 2025-03-28
Read More

Chapter 118

Celeste's POV Mabilis akong tumakbo papasok sa aking silid nang maramdamdamang parang babagsak na lahat ng luha kom Pagkapasok na pagkapasok ko sa silid, tuluyan nang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na nagawa pang isara nang maayos ang pinto. Mabilis akong napasandal sa likod nito, hinayaan ang katawan kong dahan-dahang lumugmok sa sahig habang ang dibdib ko ay unti-unting pinupunit ng sakit na hindi ko maipaliwanag. I thought I was strong enough. I thought I had made peace with my decision. Pero isang sulyap lang sa kanya—isang tingin lang kay Chester habang may ibang babaeng nakahawak sa kanya—ay sapat na upang wasakin ang ilusyon ko na kaya kong magpatuloy nang wala siya. I covered my mouth with my trembling hands, trying to muffle my sobs. Damn it, Celeste. Get a hold of yourself. Pero paano? Paano ko pipigilan ang sariling masaktan, kung ang lalaking mahal ko, ang lalaking iniwan ko alang-alang sa kanyang kapakanan, ay ngayon ay nasa piling
last updateDernière mise à jour : 2025-03-28
Read More

Chapter 119

Celeste's POV Malamig ang silid ko, pero hindi iyon ang dahilan. Habang pinagmamasdan ko ang lumang cellphone sa ibabaw ng mesa, pakiramdam ko'y bumabalik sa akin ang lahat ng sakit at pangungulila. Nanginginig ang mga daliri ko habang marahang hinila ang drawer sa tabi ng aking kama. Matagal ko nang itinago ang lumang cellphone na iyon—isang bagay na iniwasan kong hawakan, buksan, o kahit tingnan man lang simula nang umalis ako sa penthouse. Ngunit ngayong nasa harapan ko na ito, parang biglang bumigat ang aking dibdib. Ganoon na lang ba kabilis lumipas ang tatlong buwan? Tatlong buwang itinago ko ang sarili ko, tinakasan ang lahat, pilit na iniiwasan ang katotohanang hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Ngunit kahit ilang milya pa ang layo ko kay Chester, kahit ilang gabi ko pang pilitin ang sarili kong huwag siyang isipin, hindi ko magawa. Sa huli, hindi ako kailanman nakalaya sa kanya. Napabuntong-hininga ako nang makita kong hindi pa rin ito buhay. Mabilis kong hinanap
last updateDernière mise à jour : 2025-03-28
Read More

Chapter 120

Celeste's POV Isang linggo akong nagkulong sa anino ng sariling mga pangamba at alaala. Paulit-ulit kong tinimbang ang dapat at hindi ko dapat gawin. Paulit-ulit kong sinabing baka isang malaking pagkakamali ang bumalik pa. Pero sa huli, bumigay ako sa iisang katotohanang hindi ko kayang itanggi—mahal ko pa rin siya. Walang nakapigil sa akin nang bumalik ako sa Maynila. Hindi na ako nagpaalam kay Mama, lalo na kay Charles. Hindi na rin ako nagdalawang-isip. Dumiretso ako sa penthouse ni Chester kasama ang anak namin. Ang tanging iniisip ko lang, gusto ko siyang makita. Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa harap ng pinto ng penthouse ni Chester. Nag-aalangan akong kumatok. Paano kung hindi niya ako gusto rito? Paano kung hindi na niya ako kailangan? Pero hindi ba't siya mismo ang nagpadala ng daan-daang mensahe? Siya mismo ang nagsabing bumalik ako? Dapat akong lumaban para sa kanya. Para sa amin. Dahan-dahan kong pinihit ang door handle. Hindi naka-lock. Humakbang ak
last updateDernière mise à jour : 2025-03-29
Read More
Dernier
1
...
1011121314
...
16
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status