All Chapters of One Fateful Night With My Ninong: Chapter 151 - Chapter 160

176 Chapters

Chapter 151

Chester's POV Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahihinang hikbi ni Celeste ang naririnig ko habang nakaupo siya sa sahig, hawak pa rin ang annulment papers na ako mismo ang nag-abot sa kaniya. God, what have I done? Bahagya akong lumingon. Palihim ko siyang sinulyapan—ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nakalugmok siya, tila gumuho ang buong mundo niya. At ako, ako ang dahilan ng lahat ng sakit na 'yon. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa doorknob ng kwarto namin, pinilit kong hindi lumapit. Dahil alam kong kapag niyakap ko siya, kapag hinayaan kong marinig niya ang tibok ng puso kong ito na para pa rin sa kaniya—mababasag ang desisyon kong buuin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Mahal ko si Celeste. That’s the irony of it all. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya kailangang iwan. Pumasok ako sa silid namin at agad kong dinampot ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isa kong inilagay ang ilang mga damit, mga gamit ko sa ospital, ilang personal na gamit. Pilit kong pinanatag a
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Chapter 152

Chester's POV Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Bawat araw na lumilipas mula noong iniwan ko si Celeste, parang may matigas na piraso ng bato na nakabara sa dibdib ko—ang bigat ng desisyon ko na walang kaligayahan, at ang patuloy na paggugol ng oras ko sa isang hindi natutunang aral. Ang penthouse ko, na dati ay puno ng tawanan at pagmamahalan, ngayon ay tila isang malamlam na kuweba ng mga alaalang masakit. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ako. Minsan naiisip ko na mas mabuti nang lumayo—kung aalis ako, hindi ko kailangang patuloy na makita ang mukha ng babaeng minahal ko nang sobra, pero ngayon ay alam kong imposible. Ilang araw nang naglalaro sa isip ko ang desisyon ko. Gusto ko siyang balikan, ang pagmamahal namin, ang lahat ng naiwan na masaya, pero ni hindi ko kayang magsinungaling. Kung muling magbabalik siya sa buhay ko, magiging masakit lang ang lahat. Hindi ko kayang baguhin ang mga itinakdang batas ng buhay, at hindi ko kayang labanan ang tadhana. Mag
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Chapter 153

Celeste's POV "C-Chester?" usal ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan sa amin. Parang may mali sa aking paningin. Ang puso ko ay parang kumakabog nang mabilis, at ang mga paa ko ay para bang hindi makagalaw. Iba't ibang emosyon ang dumaan sa akin nang makita ko si Chester sa mismong araw ng birthday at binyag ni Caleigh. Alam kong nandito siya, ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng presensya niyang iyon. Ang lalaki na iniwasan ko, ang lalaki na hindi ko alam kung anong nangyari sa aming relasyon, ay nariyan—nagpakita sa okasyong hindi ko inasahan. "Excuse me," mahinang sinabi ko kay Joaquin, na kasalukuyang katabi ko. "May pupuntahan lang akong bisita." Ngunit ang totoo, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Baka naman nananabik lang ako. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na hindi lang ako namamalikmata. Hindi ko kayang makita si Chester na nawawala sa aming buhay. Gusto ko lang malaman kung siya nga iyon. Ilang segundo lang
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Chapter 154

Celeste's POV “Dada! Dada!” Paulit-ulit na binibigkas ng anak kong si Caleigh ang salitang iyon habang nilalaro ang maliit niyang stuffed toy sa tabi ng crib. Tila musika ito sa pandinig ng isang inang sabik sa bawat milestone ng kanyang anak—ngunit sa puso ko, iyon ay isang paalala. Isang mabigat at masakit na paalala ng kawalang nandoon sa likod ng bawat "Dada" na isinisigaw ni Caleigh. Wala si Chester. At kahit gustuhin kong ipaliwanag sa bata kung bakit, paano mo nga ba sasabihin sa isang musmos na ang taong hinahanap-hanap niya ay kusang lumayo, at hindi sigurado kung kailan—o kung babalik pa? Lumapit ako sa crib at marahang hinaplos ang buhok ng anak ko. Pinilit kong ngumiti habang hinahaplos ang pisngi niya. “Anak, mahal ka ng Dada mo,” mahina kong bulong. “Pero hindi siya pwedeng sumama sa atin ngayon…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Napapikit ako at mariing kinagat ang labi ko. Ramdam kong unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko, pero hindi ko pinayagang bumags
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 155

Celeste’s POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa malamig na bangkong iyon sa waiting area ng maliit na clinic. Tila ba bawat segundo’y may bigat na parang binabayo ang puso ko ng malalakas na hampas ng kabog ng kaba at pangamba. Ang mga kamay ko’y nanlalamig, at ang bawat paghinga ko’y mababaw, pilit na itinatago ang takot na baka may masamang mangyari kay Chester. Napatayo na lang ako sa biglang pagtapik ng nurse sa aking balikat. “Ma’am, gising na po ang pasyente. Pwede niyo na po siyang makita.” Parang nawala ang bigat sa dibdib ko, pero kapalit nito ay ang kaba na muli ko na namang maririnig ang boses niya. Mabilis akong pumasok sa silid, pilit na tinatago ang pag-aalalang nag-uumapaw sa dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang maputlang mukha ni Chester, nakahiga sa kama, naka-intravenous, at bahagyang pinipilit ngumiti nang makita ako. “Celeste,” mahinang usal niya, parang bang sinambit niya ang pangalan ko sa paraang niyayakap ng kanyang buong kal
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 156

Celeste's POV Lumabas ako ng kotse ni Chester na parang wala nang lakas ang mga paa ko, pero pinilit kong hindi lumingon, kahit pa ilang ulit niya akong tinawag. Paulit-ulit na “Celeste” ang naririnig ko mula sa likod ko—paos, puno ng pakiusap, nanginginig ang tinig na para bang siya rin ay dinudurog ng sarili niyang katotohanan. Pero hindi ako tumigil. Hindi ako lumingon. Hindi ko kayang makita ang mukha niya. Hindi ko kayang madagdagan pa ang bigat na dala ko sa dibdib. Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Wala na akong pakialam kung may nakakakita sa akin—nakayuko ako, basang-basa ng luha ang mga mata ko, at ang buong katawan ko ay nanghihina na. Pagkapasok ko sa gate, hindi na ako nakatiis. Naupo ako sa gilid, sa malamig na sahig ng pasilyo, at doon na ako tuluyang bumigay. Nanginginig ang katawan ko habang tahimik na humahagulhol. Ang mga palad ko ay nakatakip sa mukha ko, pilit pinipigil ang mga hikbi pero wala, hindi ko na makontrol. Ang bawat p
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Chapter 157

Celeste's POV Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatayo sa harap ng lalaking tinuring kong salot sa buhay ko. Halos magliyab ang dibdib ko sa galit. Hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para humarap sa kanya ngayon. Mabigat ang hangin sa loob ng silid. Tahimik ang paligid. Nasa harap ko ang lalaking ito, na may mukha ng isang respetadong negosyante sa lipunan, ngunit sa ilalim ng maskarang iyon ay isang halimaw. "Idedemanda kita pagkatapos mong gahasain ang ina ko noon," diretsong sabi ko kay Reginald Villamor. "Ang kapal-kapal ng pagmumukha mong magpakita sa akin pagkatapos mong gumawa ng kasamaan!" "So alam mo na..." Mas lalong humina ang boses niya. "Your son told me everything. Ano? Masaya ka na ba? Sinira mo kami at pati buhay ng anak namin ay masisira dahil sa ginawa mo! Wala kang puso! Kampon ka ng demonyo, Reginald. Ikinahihiya kita bilang ama ko. Kahit kailan hinding-hindi kita tatanggapin bilang ama. Si Carlos Rockwell lang ang ama ko. Wala akong am
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Chapter 158

Celeste’s POV Habang naghihintay ng resulta sa kalagayan ni Caleigh, nahagip ng mata ko si Reginald Villamor na nakikipag-usap sa mga doktor at nurses. Nanliliksik ang mga mata ko nang nagtama ang paningin namin. Hindi naman kami sa Villamor Medical Hospital nagpunta, pero kahit dito ay nakikita ko pa rin siya. Nagkibit-balikat ako nang mapansing naglakad siya patungo sa direksiyon ko. "Ano ang kailangan mo? Papaalisin mo na naman ba kami kagaya ng ginawa mo dati?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Alam kong galit ka sa akin," saad niya. "Galit?" Hindi ko mapigilang mapangisi. “‘Galit’ is an understatement, Mr. Villamor,” sagot ko, tinitigan ko siya. “You raped my mother. And I am the living proof of that crime.” Napalunok siya. Nanlabo ang mata niya sa paningin ko, pero wala akong pakialam. Gusto kong makita niya ang bawat piraso ng sakit sa mga mata ko. “I was young. I was reckless. And yes… I committed a sin I can never take back.” “Sin?” mariin kong ulit. “You call it
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more

Chapter 159

Chester’s POV Hindi ko na alam kung ilang beses kong binasa ang mensaheng ipinadala ng isang nurse mula sa ospital kung saan dinala si Caleigh. Persistent vomiting, signs of dehydration, possible congenital complications. Tumigil ang mundo ko. Para akong binasag ng malamig na salamin—nabiyak, nagkapira-piraso, at walang kahit anong paraan para ibalik sa dati. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong tumawag sa ospital para kumpirmahin ang lagay ng anak ko. Pero bago pa man ako makaalis upang personal na bisitahin si Caleigh, dumating ang isang hindi inaasahang sagabal—si Isabelle Montemayor. Pumasok siya sa condo ko na parang may karapatan. Naka-black dress siya na sobrang fitting na parang sinadyang akitin ako. Pero wala akong panahon para sa gano’n. Hindi ngayon. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, malamig at diretso. Tumikhim siya at ngumiti ng mapanukso. "I heard about your daughter. I suppose now isn't the best time, but we need to talk, Chester." "I don’t have time for your
last updateLast Updated : 2025-04-12
Read more

Chapter 160

Chester's POV Hindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang, narito pa rin ako, nakaupo sa tabi ng kama ni Caleigh habang si Celeste ay tahimik na nakatitig sa anak namin. Hindi niya ako pinaalis. Wala siyang sinabi na manatili ako, pero hindi niya rin ako sinabihan na lumabas. At para sa akin, sapat na ang katahimikang ‘yon para manatili. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, hindi sa ganitong kalagayan. Hindi ngayong unti-unti ko nang nararamdaman ang distansyang hindi lang emosyonal, kung 'di literal na ring bumabalot sa amin ni Celeste. Tahimik lang ang buong silid. Tanging ang mahinang tunog ng monitor at ang mahinhing paghinga ni Caleigh ang maririnig. Tahimik, pero punung-puno ng bigat. Pinagmasdan ko silang mag-ina. Si Caleigh, mahina pa pero maayos na ang lagay. Si Celeste, pagod, tila wala nang luha pero malinaw ang kirot sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing ayos na ang lahat, na wala nang dapat ipag-alala, na kaya pa naming ayusin 'to. Pero sino
last updateLast Updated : 2025-04-12
Read more
PREV
1
...
131415161718
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status