Atty. Celeste Rockwell is selfless. Kung kayo ang nasa posisyon ni Celeste, ano ang gagawin ninyo? Libing ng ina ni Chester, pero hindi siya papayagan ng kaniyang ama. 🥹 Patayin ko na lang din kaya ang ama niya.
Chester's POV Tatlong araw akong halos hindi umuuwi.Simula nang pumanaw si Mama, nagpakalunod ako sa burol, sa pakikiramay ng mga taong hindi ko alam kung totoo o nagpapakitang-tao lang. Sa bawat oras na lumilipas, pakiramdam ko ay nauubos ako—unti-unting kinakain ng lungkot, galit, at panghihinayang.Pero sa lahat ng iyon, isang bagay lang ang nagpapalakas ng loob ko: ang pag-uwi sa pamilya ko.Kay Celeste.Kay Caleigh.Dahil kahit anong mangyari, sila ang tahanan ko.Ngayong nailibing na si Mama, gusto ko nang umuwi sa kanila. Gusto kong makasama si Celeste—ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na pag-ibig, na hindi ako kailanman iniwan kahit gaano kahirap ang laban. Kaya't matapos ang ilang araw ng pagkakalubog sa lungkot at responsibilidad, umuwi ako sa penthouse namin. Pagpasok ko sa penthouse, nagulat ako nang si Charles ang bumungad sa akin, nakaupo sa couch na parang siya ang may-ari ng bahay. May hawak siyang isang basong brandy, mukhang matagal nang naghihintay sa akin.
Chester's POV Pakiramdam ko ay sasabog ako sa tindi ng emosyon na bumabalot sa akin. Isang linggo ko nang tiniis ang lahat—ang pagkamatay ni Mama, ang panunuya ni Charles, at ngayon, ang biglaang pagkawala ng mag-ina ko. Pero ngayon, wala na akong balak magtimpi.Sa pagkakataong ito, haharapin ko ang taong nasa likod ng lahat.Si Reginald Villamor.Pagkapasok ko sa ospital, deretso ang hakbang ko papunta sa VIP ward kung saan naka-confine ang ama ko na mukhang kararating lang nila rito. Walang sino mang nakapigil sa akin, kahit ang mga nurse at security personnel na mukhang natatakot sa ekspresyon ko.Pagdating ko sa kwarto niya, hindi na ako kumatok. Walang pasakalye, walang babala.Binuksan ko ang pinto nang malakas, dahilan upang lumingon siya mula sa kama. Nasa kanya ang dati niyang tikas—kahit mahina pa mula sa aksidente, nanatili ang mapanghusga at malamig niyang titig.Para siyang hari sa isang trono, hindi iniinda ang sakit ng katawan, hindi iniinda ang sakit na idinulot niya
Chester's POV Dalawang linggo.Labing-apat na araw.Tatlumpu't apat na oras sa isang shift.Wala akong matinong tulog, wala akong maayos na kain. Wala rin akong balita sa kanila.Wala akong ibang ginawa kundi magtrabaho—mag-opera, mag-ikot sa ospital, at lunurin ang sarili sa mga pasyente para kahit papaano'y makalimutan ko ang bigat sa dibdib ko. Pero kahit anong gawin ko, isang pangalan lang ang laman ng isip ko.Celeste.Saan siya pumunta? Sino ang kasama niya? Kumusta na si Caleigh?Ang masakit sa lahat, kahit anong pilit kong hanapin sila, hindi ko man lang matunton ang bakas nila.Hindi ko matanggap.Hindi ko matatanggap.Dumiretso ako sa opisina ko matapos ang isang operasyon. Tagaktak ang pawis ko, pero hindi ko alintana. Si Charles ang unang nakita ko—ang taksil kong kapatid na isa rin sa mga dahilan ng pagkawala ni Celeste."Wala pa rin akong natatanggap na sagot," madiin kong sabi, pinipilit kontrolin ang galit. "Nasaan sila?"Tumingin lang sa akin si Charles, saka tumikh
Chester's POV Tatlong buwan na ang lumipas.Tatlong buwan na akong naghahanap, nagmamatyag, nagbibilang ng bawat oras at araw na hindi ko sila kasama.Pero wala.Hindi ko man lang matunton kahit isang bakas ni Celeste.Gabi-gabi, umuuwi akong pagod, hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa walang katapusang paghahanap. Ang bawat sulok ng Maynila, bawat probinsyang posibleng puntahan niya—lahat ay pinasuyod ko na sa mga tauhan ko. Pero bawat ulat na natatanggap ko ay pareho lang.Muli kong tiningnan ang cellphone ko, umaasang may tawag o text mula sa kanya. Pero wala rin.Nasa loob ako ng opisina ko sa penthouse, hawak ang isang baso ng red wine, pilit pinapatulog ang sarili gamit ang alak. Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang baso pa ang ubusin ko, hindi ako mapanatag.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa kanila. Ligtas ba sila? May sakit ba si Caleigh? Kumakain ba nang maayos si Celeste?Sumikip ang dibdib ko sa pag-aalala.Muli kong tinaw
Celeste's POV Tahimik ang paligid, malayo sa ingay at gulo ng siyudad na matagal kong ginagalawan. Tatlong buwan na rin mula nang lisanin ko ang buhay na minsan kong itinuring na akin. Tatlong buwan na mula nang talikuran ko si Chester at ang lahat ng may kinalaman sa kanya. Akala ko, madali lang. Akala ko, kapag malayo ako, mas mapapanatag ako. Pero habang lumilipas ang mga araw, habang patuloy akong gumigising sa umaga nang hindi siya katabi, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong ginawa ko. Nakatayo ako sa balkonahe ng lumang bahay namin sa Palawan, pinagmamasdan ang paglalaro ni Caleigh kasama si Mama Calista sa ilalim ng puno ng mangga. Ang anak ko… ang musmos na dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Caleigh’s laughter filled the air, a melody so pure that it almost made me forget the pain I carried inside me. Ngunit kahit gaano katamis ang tunog ng kanyang halakhak, may kirot pa rin sa puso ko dahil alam kong hindi kumpleto ang mundo niya. Wala ang a
Celeste's POV Mabilis akong tumakbo papasok sa aking silid nang maramdamdamang parang babagsak na lahat ng luha kom Pagkapasok na pagkapasok ko sa silid, tuluyan nang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na nagawa pang isara nang maayos ang pinto. Mabilis akong napasandal sa likod nito, hinayaan ang katawan kong dahan-dahang lumugmok sa sahig habang ang dibdib ko ay unti-unting pinupunit ng sakit na hindi ko maipaliwanag. I thought I was strong enough. I thought I had made peace with my decision. Pero isang sulyap lang sa kanya—isang tingin lang kay Chester habang may ibang babaeng nakahawak sa kanya—ay sapat na upang wasakin ang ilusyon ko na kaya kong magpatuloy nang wala siya. I covered my mouth with my trembling hands, trying to muffle my sobs. Damn it, Celeste. Get a hold of yourself. Pero paano? Paano ko pipigilan ang sariling masaktan, kung ang lalaking mahal ko, ang lalaking iniwan ko alang-alang sa kanyang kapakanan, ay ngayon ay nasa piling
Celeste's POV Malamig ang silid ko, pero hindi iyon ang dahilan. Habang pinagmamasdan ko ang lumang cellphone sa ibabaw ng mesa, pakiramdam ko'y bumabalik sa akin ang lahat ng sakit at pangungulila. Nanginginig ang mga daliri ko habang marahang hinila ang drawer sa tabi ng aking kama. Matagal ko nang itinago ang lumang cellphone na iyon—isang bagay na iniwasan kong hawakan, buksan, o kahit tingnan man lang simula nang umalis ako sa penthouse. Ngunit ngayong nasa harapan ko na ito, parang biglang bumigat ang aking dibdib. Ganoon na lang ba kabilis lumipas ang tatlong buwan? Tatlong buwang itinago ko ang sarili ko, tinakasan ang lahat, pilit na iniiwasan ang katotohanang hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Ngunit kahit ilang milya pa ang layo ko kay Chester, kahit ilang gabi ko pang pilitin ang sarili kong huwag siyang isipin, hindi ko magawa. Sa huli, hindi ako kailanman nakalaya sa kanya. Napabuntong-hininga ako nang makita kong hindi pa rin ito buhay. Mabilis kong hinanap
Celeste's POV Isang linggo akong nagkulong sa anino ng sariling mga pangamba at alaala. Paulit-ulit kong tinimbang ang dapat at hindi ko dapat gawin. Paulit-ulit kong sinabing baka isang malaking pagkakamali ang bumalik pa. Pero sa huli, bumigay ako sa iisang katotohanang hindi ko kayang itanggi—mahal ko pa rin siya. Walang nakapigil sa akin nang bumalik ako sa Maynila. Hindi na ako nagpaalam kay Mama, lalo na kay Charles. Hindi na rin ako nagdalawang-isip. Dumiretso ako sa penthouse ni Chester kasama ang anak namin. Ang tanging iniisip ko lang, gusto ko siyang makita. Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa harap ng pinto ng penthouse ni Chester. Nag-aalangan akong kumatok. Paano kung hindi niya ako gusto rito? Paano kung hindi na niya ako kailangan? Pero hindi ba't siya mismo ang nagpadala ng daan-daang mensahe? Siya mismo ang nagsabing bumalik ako? Dapat akong lumaban para sa kanya. Para sa amin. Dahan-dahan kong pinihit ang door handle. Hindi naka-lock. Humakbang ak
Celeste’s POVTila nanlambot ang tuhod ko, ngunit hindi sa kahinaan—kung 'di sa panibagong bugso ng init na gumapang mula ulo hanggang talampakan. Kasabay ng tibok ng puso ko ang bawat pintig ng pagnanasa ko para sa kaniya.Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kailangan ng salita. Dahan-dahan akong bumaba mula sa lababo. Lumapit ako kay Chester habang siya ay nakaupo sa gilid ng bathtub, ang mga mata niya ay punong-puno ng pananabik at paggalang. Ang tingin niya sa akin ay tila ako ang pinakamagandang tanawin sa mundo—hindi isang bagay ng pagnanasa lang, kung 'di isang dambanang nararapat sambahin.Hinawakan niya ang beywang ko at iginiya ako pataas, at nang ako ay pumatong sa mukha niya, para akong isang reyna sa trono—isang diyosang kinikilala ng lalaki sa ibaba ko.“Celeste,” mahinang sambit niya, puno ng pagnanasa, habang dahan-dahang ibinuka ang aking mga hita.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pinaka-sensitibong bahagi ng katawan ko. Nanginginig ako—hindi sa lamig ng tubig mula
Celeste's POV Para akong unti-unting binuhusan ng malamig na tubig sa ulo—hindi dahil sa galit kundi sa pagkagising mula sa matagal na pagkabulag sa katotohanan. Sa dami ng hinanakit ko sa puso ko, sa dami ng tanong na hindi ko na sana inaasahang masasagot pa, biglang may liwanag na unti-unting pumatay sa dilim na bumabalot sa akin. Ang galit ko kay Mama—bagama’t hindi pa tuluyang naglalaho—ay tila nabawasan, nabigyan ng paliwanag. Masakit ang katotohanang inilihim nila sa akin ang lahat, pero mas masakit pa pala ang dinanas nila noon. Ngayon ko lang naisip kung gaano kabigat ang pinasan nilang sikreto. Pinilit nilang itago ang buong katotohanan hindi dahil sa kasinungalingan kundi dahil sa takot—takot na masira ang pamilya, takot na ilayo kami sa isa’t isa, takot na mawalan ng kapayapaan. Naalala ko ang panakaw na tingin ni Papa noon tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pagkabata ko. Ang pilit niyang ngiti, ang pagbaling ng usapan. Lahat pala ‘yon ay paraan para protektahan ako mul
Celeste's POV Sabay kaming lumabas ni Chester ng kwarto—magkayakap pa rin, ang kamay niya ay nakapulupot sa beywang ko na para bang ayaw niya akong bitiwan. Halos hindi ako makatingin sa unahan habang papalapit kami sa sala. At doon ko siya nakita—si Joaquin, nakaupo sa couch, tahimik, pero halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang naghihintay roon, o kung gaano karami sa nangyari ang narinig niya. Pero ang titig niya sa akin ay sapat na para manginig ang buo kong katawan sa hiya. Napako ang tingin ko sa lamesita. Doon nakapatong ang isang bouquet ng puting rosas, simple pero elegante. Alam kong para sa akin iyon. At sa mismong pagtagpo ng mga mata namin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. 'Yung uri ng sakit na tahimik, pero ramdam mo ang bigat. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Chester sa beywang ko. Parang sinasadya niyang idiin ako sa katawan niya, ipinapamukha kay Joaquin na akin ka na muli—na hindi na siya bahagi ng mundong mulin
Celeste's POV Pareho kaming hingal na hingal habang nakahandusay sa ibabaw ng study table. Basang-basa ang balat ko ng pawis at parang nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang lakas ng sensasyong bumulusok mula sa pagkababae ko papunta sa kabuuan ng katawan ko. Pakiramdam ko ay namamaga na ako sa tindi ng walang humpay na paglabas-masok niya—walang pahinga, walang habag. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Chester. Ramdam ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya habang yakap-yakap ko siya na para bang ayokong matapos ang sandaling ito. Sa kabila ng lahat ng sakit, galit, at hindi pagkakaunawaan—narito kami. Sa isa’t isa. Muling nagtagpo. Muling bumigay. Pagkalipas ng ilang minuto, bumangon siya at naglakad papunta sa banyo. Tumitig pa siya sa akin at ngumiti. “Sabay tayong maligo,” yaya niya, pero umiling lang ako. “Hindi. Kapag sumabay ako, baka hindi na naman ako makalabas ng buhay sa loob ng shower,” natatawa kong sagot, pero totoo naman. Iba ang Chester kapag nasa tubig—mas
Celeste's POV Nagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako. Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit. "Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin. "Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko. Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa p
Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n
Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at
Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos. Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako? Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Celeste’s POV Isang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak. Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa. Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri. Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi s