Все главы THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE: Глава 131 - Глава 140

157

Chapter 131

Chapter 131Kinabukasan, pagmulat ko ng mata, agad akong nakatanggap ng tawag mula sa Manila. Tinutukan ko ang tawag, at agad kong naisip—may hiring kami sa korte ngayon at dahil isa akong judge, kailangan andoon ako."Shit," wika ko sa sarili ko. "Ngunit may kailangan pa akong gawin." Hindi ko na pwedeng ipagpaliban.Nagmadali akong nag-ayos at tinawagan si Kara para ipaalam na kailangan ko munang magtungo sa Manila, pero may importante rin akong kailangan ayusin bago ako umalis. Hindi ko pa nakakalimutan ang mga sinabi ni Tito Curtis, at higit sa lahat, hindi ko kayang hindi maiparating kay Lola ni Analiza ang aking intensyon.Pagdating ko sa bahay ni Analiza, agad kong nilapitan si Lola. Matigas pa rin ang mukha nito, pero naramdaman ko ang respeto at pasensya sa bawat hakbang ko."Magandang araw po, Lola," sabi ko, seryoso pero magalang. "Kailangan ko po sanang magpaalam. May tinatawag po akong duty sa Manila, pero bago ako umalis, nais ko pong sabihin na balak ko pong liligawan a
last updateПоследнее обновление : 2025-04-07
Читайте больше

Chapter 132

Chapter 132Ilang oras ang lumipas bago ako tuluyang makarating sa korte. Agad akong sinalubong ng court staff at ang aking judicial assistant, dala ang ilang dokumentong kailangang pirmahan bago magsimula ang session.Pagkapasok ko sa opisina, tahimik akong naupo sa aking lamesa. Dinampot ko ang balikat ng aking robe at marahan itong sinuot—isang paalala na muli kong isusuot ang bigat ng responsibilidad bilang hukom.May mga kasong kailangang dinggin ngayong araw—civil disputes, isang annulment hearing, at isang financial fraud case. Isa-isa kong sinulyapan ang mga dokumento. Ang bawat detalye ay may kasamang bigat, may buhay at reputasyon ang nakataya."Judge, ready na po ang courtroom," mahinahong pahayag ng aking clerk.Tumango lang ako at tumindig. Tahimik kong tinahak ang hallway patungong courtroom, ang bawat hakbang ay sinasalubong ng katahimikan ng mga taong naroon.Pagpasok ko sa courtroom, lahat ay tumayo.“Court is now in session,” ani ng bailiff.Umupo ako sa aking upuan,
last updateПоследнее обновление : 2025-04-07
Читайте больше

Chapter 133

Chapter 133Matapos ang ilang minutong katahimikan, muling tumingin ako sa listahan ng mga aplikante. Tatlo pa ang natitira. Tinawag ko ang susunod.“Next applicant,” mahinahong sabi ko, pero may diin sa tono.Pumasok ang isang babae, mga nasa late twenties, naka-formal at maayos ang postura. May hawak na folder at diretsong tumingin sa akin. May kumpiyansa sa kilos pero hindi arogante.“Name and background,” utos ko habang binubuklat ang folder.“Atty. Clarisse Ramos, Your Honor. Summa cum laude sa San Beda Law, at dating associate ng isang kilalang law firm sa Makati. Tatlong taon na po akong nagpa-practice.”Tumango ako, saka nagsalita, “Maraming galing sa papel, Atty. Ramos. Pero ang tanong—paano mo hinaharap ang isang kasong ang ebidensya ay laban sa kliyente mo, ngunit naniniwala kang inosente siya?”Sandaling nag-isip si Atty. Ramos. “Your Honor, bilang abogado, tungkulin ko pong ipaglaban ang kliyente ko base sa mga available na ebidensya at batas. Pero kung nararamdaman kong
last updateПоследнее обновление : 2025-04-08
Читайте больше

Chapter 134

Chapter 134Muli akong tumayo mula sa aking upuan sa itaas ng korte, hawak ang desisyon matapos ang ilang oras ng pagdinig. Tahimik ang buong silid—lahat ay nakatingin, naghihintay sa aking sasabihin. Ang akusado, si Mr. Lorenzo Alviar, ay nakatungo habang hawak ang bangko sa kanyang harapan. Ang mga testigo, abogado, at mga kaanak ng biktima ay tahimik na rin, halos walang gumagalaw."Sa mga ebidensyang inilahad sa harap ng korte... sa mga testimonya ng mga testigong walang bahid ng pagdududa... at sa malinaw na motibong napatunayan sa paglilitis na ito..."Lumingon ako sa akusado. “Ikaw, Mr. Alviar, ay napatunayang guilty sa kasong estafa at panlilinlang sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.”Napalunok ito, at bahagyang napapikit. Naramdaman ko ang tensyon sa silid."Bilang kaparusahan, ang nasasakdal ay hinahatulan ng dalawampung taon ng pagkakakulong sa Bureau of Corrections. Bukod pa rito, ikaw ay inaatasang ibalik ang halagang nawaldas sa biktima na nagkakahalaga ng ma
last updateПоследнее обновление : 2025-04-08
Читайте больше

Chapter 135

Chapter 135Agad kong inayos ang barong ko at kinuha ang coat sa likurang bahagi ng opisina. Habang naglalakad palabas ng korte, seryoso kong tinawagan si Miguel.“Miguel, samahan mo ako. Pupuntahan natin ang anak ni Alberto Rivas sa ospital. Gusto kong makita ang kondisyon ng bata. At ako na rin ang aaku sa lahat ng gastusin—mula sa operasyon kung mayroon man, hanggang sa gamot at pang-araw-araw na pangangailangan.”“Noted, Judge. Susunod po ako sa kotse.”Makalipas ang tatlumpung minuto, narating namin ang pampublikong ospital sa Maynila. Amoy alcohol at antiseptic, maingay ang paligid ngunit ramdam ang lungkot sa bawat pasilyo. Inihatid kami ng isang nurse sa ward kung saan naroon si Elias Rivas.Sa pagkakakita ko sa binatilyo, tila may kirot na tumama sa dibdib ko. Nasa 17 anyos lamang, payat at maputla, may oxygen sa ilong, at nakakabit ang suwero sa kamay. Hindi ako makapaniwala na ganito kabigat ang dinadala ng isang menor de edad.Tahimik akong lumapit at ngumiti.“Ako si Judg
last updateПоследнее обновление : 2025-04-08
Читайте больше

Chapter 136

Chapter 136Tumango ako. “Oo. Pero limitado lang ang oras, at walang emosyonal na gulo. Nasa proseso pa rin tayo ng kaso mo.”Dahan-dahan siyang lumapit, habang ang dalawang guard ay nakabantay sa gilid. Umupo si Alberto sa silyang nasa gilid ng kama. Tahimik muna ito, tila iniipon ang loob, bago nagsalita.“Anak…”Dumilat si Elias, marahan. Nang makita niya ang kanyang ama, agad namuo ang luha sa kanyang mga mata. “Pa…”Hindi na nakapagsalita agad si Alberto. Napayuko siya, pinipigil ang hikbi. “Patawarin mo ako, anak… Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko sana pinabayaan ang sarili ko. Hindi kita sana pinagdusa.”Mahina ngunit malinaw ang sagot ni Elias, “Ayos lang, Pa. Buhay pa po ako. Pwede pa nating ayusin…”Tumalikod ako saglit, pinigil ang emosyon. Hindi ito ang eksenang madalas makita sa korte. Hindi ito hustisya sa papel— ito ang hustisya ng puso.“Judge,” sambit ni Elias. “Salamat po. Kung hindi po kayo tumulong… baka wala na ako ngayon.”Lumapit ako at hinawa
last updateПоследнее обновление : 2025-04-08
Читайте больше

Chapter 137

Chapter 137 "Enough. I have already seen the evidence. You will be held accountable for your actions. Ang mga kasama mo na nagblackmail kay Alberto at ginamit siya, lahat ng iyon ay lilitaw sa susunod na mga araw. Hindi ka makakapalag," seryoso kong sabi. "Please, Judge, I... I made a mistake. Don’t ruin me. Don’t ruin my future," takot nitong sabi ni Rodriguez. "It's too late, Rodriguez. You’ve made your choices. Now, it’s time to face the consequences," matapang na sabi ni Miguel. Ang paglilitis ay nagpapatuloy. Si Rodriguez ay nahatulan ng kasong extortion, at magbabayad siya ng malaki, pati na rin ang paghaharap ng mga parusang legal para sa kanyang papel sa blackmail na nagdulot ng mga kasiraan sa buhay ni Alberto at sa negosyo ng buong kumpanya. Naglakad si Rodriguez palabas ng korte, ngunit ang bawat hakbang ay may kasamang kabiguan. Hindi na niya mababalik ang mga pag kakataon na pinili niyang gamitin ang mga tao para sa kanyang pansariling kapakinabangan. Si Albert
last updateПоследнее обновление : 2025-04-08
Читайте больше

Chapter 138

Chapter 138Analiza POVHindi ko alam kung bakit ako nawiwili sa kaibigan ng fiancé ng pinsan kong si Kara. Hindi naman kami madalas nagkakausap. Tahimik siya, parang laging malalim ang iniisip. Pero noong unang kita ko pa lang sa kanya, may kung anong kumislot sa dibdib ko—parang kilig na hindi ko maintindihan.Si Judge RichardRichard Santiago. Kamag-anak pala sa fiance din ni Kiara na si Lance. Oo, isang judge. Matikas, may tindig, at seryosong-seryoso palagi ang mukha. Pero sa likod ng kanyang mga mata, may lalim na parang may mabigat siyang bitbit na hindi sinasabi. At ewan ko ba kung bakit, pero gusto ko siyang basahin. Gusto kong malaman kung anong meron sa kanya, kung ano ang nagpapalalim ng titig niya.Hindi ko naman ito planado. Wala sa isip kong magkakagusto ako sa isang tulad niya. Pero bakit tuwing naririnig ko ang pangalan niya sa bibig nina Kara at Chris, parang may hindi mapigilang ngiti sa labi ko? At ngayon pa talaga, tinanong ko pa kung kailan siya babalik dito. Na
last updateПоследнее обновление : 2025-04-08
Читайте больше

Chapter 139

Chapter 139Lumipas ang mga araw, naging linggo, at tuluyang naging buwan… pero ni anino ni Richard ay hindi nagpakita.Sa bawat pagdungaw ko sa bintana ng aming bahay, sa bawat paghakbang ko sa palengke, at sa bawat umagang gumigising akong umaasa — wala pa rin siya. Unti-unti kong tinanggap sa sarili ko na baka hanggang doon na lang talaga ang sandaling ibinigay sa amin ng tadhana.Hanggang sa dumating ang araw na matagal ko nang kinatatakutan.Si Lola — ang aking tanging kasama, gabay, at lakas — ay pumanaw na. Tahimik siyang namaalam sa kanyang pagtulog. Isang paalam na walang sakit, ngunit iniwan akong basang-basa ng luha at pangungulila.At doon… habang nililibing si Lola, isang banyagang lalaki ang lumapit sa akin. Matangkad, maputi, at may hawig sa ilang luma naming litrato. Bitbit ang maletang may markang “Frankfurt, Germany.” May galang ang kanyang kilos, ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata.“I’m looking for… Analiza,” mahina niyang sabi, bahagyang nauutal.“Bakit po?
last updateПоследнее обновление : 2025-04-09
Читайте больше

Chapter 140

Chapter 140Richard POVPagkababa ko ng kotse sa harap ng malaking gate ng mansyon ng mga Curtis, saglit akong napatigil. Ilang buwan na rin mula nang huli akong nandito, pero sa dami ng nangyari, pakiramdam ko'y isang buong taon ang lumipas.Tinanggap ako ng gwardiya, at agad akong pumasok. Sa loob, abala ang lahat—may mga bulaklak, gown fittings, at ilang kamag-anak na panay ang kwentuhan. Papalapit na ang kasal nina Kara at Chris, at ramdam ko ang saya ng buong paligid. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may kulang.Wala si Analiza.“Richard!” masayang bati ni Kara, sabay yakap. “At last, bumalik ka na rin.”“Congrats sa inyo,” simpleng tugon ko, pilit na nginitian sila.Lumapit si Chris, sabay tapik sa balikat ko. “Tamang-tama ka, bro. Sa kasal namin ikaw ang best man. Alam mo na.”Napangiti ako, pero agad kong ibinaling ang usapan. “Si Analiza... andito ba siya?”Nagkatinginan sina Kara at Chris. Tumikhim si Kara bago sumagot. “Richard... umalis siya. Hindi na siya dito nakatir
last updateПоследнее обновление : 2025-04-10
Читайте больше
Предыдущий
1
...
111213141516
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status