Все главы THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE: Глава 121 - Глава 130

157

Chapter 121

Chapter 121 Kara POV Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Chris. Next month?! Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang plano niya. Lahat ngayon ay nakatingin sa akin. Si Miguel nakanganga pa. Si Richard parang pipigil ng tawa. Si Lance ngumiti habang umiinom ng tubig. Si Papa naman, seryoso ang tingin na para bang sinasabi, “Sige na, anak. Huwag mo na patagalin.” Si Ellie at Jacob naman, abala sa pagkain at wala pang kaalam-alam na malapit nang mangyari ang pinaka-importanteng araw sa aming buhay. Huminga ako nang malalim saka tumingin kay Chris. Nakita ko sa mata niya ang kaba, pero mas nangingibabaw doon ang sinseridad. “Eh kung next week na lang?” biro ko sabay ngiti. Halos sabay-sabay silang napatili. Si Miguel muntik na mabilaukan sa kanin, si Richard napatayo, at si Chris… biglang natulala. Para siyang hindi makahinga. “Kara… seryoso ka ba?” usisa ni Chris, takot na parang sasabog ang puso niya. Tumango ako, ngumiti, at sabay sabing, “Seryosong-seryoso.” Biglang s
last updateПоследнее обновление : 2025-04-05
Читайте больше

Chapter 122

Chapter 122Habang si Richard ay patagilid na nagtatangka na magmukhang hindi apektado, napansin ko ang malalim na paghinga ni Chris. Tinignan ko siya ng mabilis at naghintay na makita kung ano ang reaksyon niya."Nakita mo 'yon?" bulong ko kay Chris, na parang hindi makapaniwala sa nakita.Ang mata ni Chris ay nakatutok kay Richard, at sa hindi ko maipaliwanag na paraan, parang may sinasabi ang kanyang mata na hindi niya kailanman ipinapakita sa ibang tao—hindi na siya natuwa sa nangyari. "Si Richard kasi, sobra na sa pagpapakita ng interes kay Analiza," sagot ni Chris, sabay patagilid ng ulo, ngunit parang may kabuntot na pagkabahala.Sumingit ang mata ni Kiara sa aming pag-uusap, "Baka nga may namumuong 'something' kay Richard, pero okay lang, hindi ba?" sabay halakhak."Huwag mong gawing biro 'yan," sabi ko kay Kiara habang ang mata ko ay muling tumingin kay Richard, na parang naliligaw na sa mga huling tanaw ni Analiza.Habang kami ay nag-uusap, si Chris ay nagmukhang seryoso, an
last updateПоследнее обновление : 2025-04-06
Читайте больше

Chapter 123

Chapter 123Richard POVHindi ko maintindihan kung anong nangyari. Parang slow-mo ang lahat nang makita ko si Analiza kanina. Yung simpleng ngiti niya, parang may sariling spotlight. Pati boses niya—maliit, mahinhin—pero tinamaan agad ‘yung puso ko.At ngayon, habang pinagmamasdan ko silang nagtatawanan sa harapan ko, ako naman 'to—nakatitig lang sa pinto kung saan siya nawala. Tangina. Totoo ba 'to? First time yata ako na ganito ka-tulala sa isang babae.Napakamot ako sa batok. Akala ko cool pa rin ako. Akala ko hindi halata. Pero si Kara, mabilis eh. Parang alam agad ang iniisip ko. Pati ‘yung mga tropa, may mga tukso agad. At si Chris… tahimik, pero ramdam kong may tensyon.Pero hindi ako pumasok dito para makipagkumpetensya. Gusto ko lang siyang makilala. Kahit kaunti. Gusto kong malaman kung ano ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya, kung paano siya ngumiti ng totoo, hindi ‘yung pakitang-tao lang.At saka… iba siya. Hindi siya tulad ng mga babaeng nakilala ko sa korte o sa mga pa
last updateПоследнее обновление : 2025-04-06
Читайте больше

Chapter 124

Chapter 124Napangiti si Kara. Yung totoo na. Yung parang natuwa na na-curious ako ng ganito. "Sige, ituturo ko. Pero may kondisyon." "Anong kondisyon?" "Kung sakaling ayaw niya kausapin, hindi ka magpupumilit. At higit sa lahat, walang drama. Hindi ‘to romcom sa pelikula, Kuya." Tumango ako agad. "Deal." "Good. Bukas ng hapon, bibisita ako doon. Gusto mo, sabay na tayo?" "Mas okay ‘yon. Salamat, Kara." "Pag niloko mo 'yun, ikaw ang may kaso sa akin. Walang piyansa." Napatawa ako pero ramdam ko ‘yung bigat ng babala niya. Hindi lang basta protektadong pinsan si Analiza. Isa siyang taong kailangang pakitunguhan nang may respeto. At handa akong gawin ‘yon. Simula pa lang ito. Pero seryoso ako.Napailing si Chris habang pinupunasan ang kamay niya sa tuwalya. "Tol, baka mas mauna ka pa sa amin ni Kara ikasal sa inasta mo."Napatawa ako, pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. "Eh kung ganun nga ang mangyari, edi jackpot?""Grabe ‘to, oh!" singit ni Kara, na ngayo’y nakaupo na ul
last updateПоследнее обновление : 2025-04-06
Читайте больше

Chapter 125

Chapter 125 Biglang tumahimik ang paligid sa loob ko. Parang may kirot akong naramdaman. "Pasensya na, baka masyado na akong nangungulit," sabi ko agad. Ngumiti si Kara. "Hindi naman. Actually, kung seryoso ka talaga, good thing na gusto mo siyang makilala nang buo. Hindi lang ‘yung itsura niya, kundi kung sino talaga siya." Tumango ako. At sa puso ko, may isang bagay akong na-realize, gusto kong malaman ang bawat kwento sa likod ng mga mata ni Analiza. Hindi para makialam… kundi para mas maintindihan kung bakit tila isang tingin pa lang, ay parang kilala ko na siya."Alam mo Kara," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa may balkonahe, "Parang ang dami niyang tinatago… si Analiza."Napatingin si Kara sa akin, hawak ang isang baso ng juice. "Tinatago? Anong ibig mong sabihin?""Hindi ko alam," sagot ko habang dumungaw sa tanawin ng taniman sa likod ng bahay. "May aura siya na parang… ang daming iniisip, pero ayaw ipakita. Parang sanay siyang magtiis."Tahimik si Kara sandali,
last updateПоследнее обновление : 2025-04-06
Читайте больше

Chapter 126

Chapter 126Pagsapit ng gabi, agad akong nag-ayos. Naligo ako nang mas matagal kaysa sa usual, sinigurong mabango, plantsado ang polo, at bagong linis ang sapatos. Hindi ito court hearing, pero feeling ko... mas intense pa.Habang inaayos ko pa ang buhok ko sa salamin ng sala nila Kara, biglang lumapit si Mr. Curtis—tatay ni Kara."Iho," seryoso niyang bungad, "para hindi ka mabukya... haranahin mo siya."Sabay abot ng lumang gitara na parang galing pa sa panahon ng mga harana ni Harana King.Napakunot noo ako. "H-ha? Harana po?""Oo naman!" sagot niya, parang proud na proud. "Klasik ‘yan! Wala nang tatalo sa lalaking may gitara. Baka sa unang kaskas mo pa lang, lumabas na siya sa balkonahe.""Uh... Tito, sure po kayo? Eh baka masampal ako ng walis tingting," sabi ko habang hawak-hawak ang gitara na parang ito ang kalaban ko sa courtroom.Biglang dumaan si Ellie. "Tito Richard, ako na lang kakanta. Gusto ko ‘yung 'Let It Go'!"Napahagalpak ng tawa ang lahat sa bahay."Richard, galinga
last updateПоследнее обновление : 2025-04-06
Читайте больше

Chapter 127

Chapter 127"Kailan pa nagkaroon ng pinsan si Kara na hindi ko kilala? Ako ba ay pinagluluto mo, iho?!" medyo masungit pero matalas na tanong ng matanda.Para akong natuyuan ng laway. Literal na nagka-tongue twister ang utak ko."A-ay hindi po, Lola!" mabilis kong sagot habang hawak pa rin ang gitara na parang shield."Pinsan po ako sa magiging asawa ni Kara… si Chris po!" Napatingin ako kay Chris na agad namang nag-thumbs up from afar, pero halatang ayaw lumapit."Kaya po pinsan ko na rin po si Kara… by extension po! Family na rin po kumbaga!" sabay ngiting pilit na parang estudyanteng di nakapag-review pero pinilit ipasa ang oral exam.Tahimik.Tinitigan lang ako ng lola.Parang naramdaman kong na-scan na ang buong pagkatao ko. Gusto ko na nga sanang umatras nang dahan-dahan habang may dignidad pa.Tapos bigla siyang nagsalita."Sa susunod, 'wag kang pupunta rito ng hindi kumakain. Payat ka. Hindi bagay sa apo ko ang malnourished."Napakurap ako."Teka, ha? Ibig sabihin… pasado ako
last updateПоследнее обновление : 2025-04-06
Читайте больше

Chapter 129

Chapter 129Hanggang sa tuluyan na nga kaming umuwi sa mansion ng mga magulang ni Kara.Tahimik akong naglalakad, hawak-hawak pa rin ang gitara ni Tito Curtis na hindi man lang nagamit ng maayos. Sa halip na serenade, naging background prop lang ito sa action scene starring… si Lola at ang kanyang legendary shotgun.“Hoy, Judge,” sambit ni Kara habang binubuksan ang gate, “next time, paalam ka muna kay Lola. Hindi kasi siya basta-basta nagpapapasok ng hindi niya kilala. Lalo na kung lalake.”“Napansin ko nga,” sagot ko habang binababa ang gitara. “Parang hawak ni Lola ang entry pass kay Analiza, no? Kahit may VIP ka pa, hindi ka papapasukin kung wala kang ‘Lola Approval.’”Tumawa si Chris. “O baka kailangan mo munang dumaan sa hazing. Level one pa lang ‘yun, tol.”Si Miguel naman, kunwari seryoso, pero halatang nang-aasar. “Kaya mo ‘yan, Judge. Just prepare next time—maybe wear a bulletproof vest… and bring pancit.”Napailing ako pero hindi ko rin napigilang matawa. “Hindi bale… kahit
last updateПоследнее обновление : 2025-04-07
Читайте больше

Chapter 128

Chapter 128 Nagkanya-kanyang takbo! May nadapa pa sa pag-ikot ng tsinelas. May isa pang napatalon sa maliit na kanal. Yung may dalang bulaklak? Iniwan ang bouquet. Yung may prutas? Nalaglag ang mangga—at natapakan pa ng kasama niya. “AYOKO NG MANLILIGAW NA MAIIWAN LANG ANG PRUTAS!” Sigaw pa ni Lola habang itinutok sa hangin ang shotgun. Sabay blag! na pwersang sinara ang pinto. Kami naman nina Kara, Miguel, at Chris? Halos mamatay kami sa kakatawa. “Richard…” humahagikhik si Kara habang umiiyak na sa kakatawa. “Mukhang wala kang karibal… pinagtabuyan ni Lola lahat!” “Pero—” singit ni Miguel, “kaya mo ba si Lola kung ikaw naman ang lumapit?” Napatingin ako sa shotgun na halos lumabas sa bintana kanina. Napakagat-labi ako. Challenge accepted. “Kung si Lola ang final boss…” bulong ko. “Ready na ‘ko for level 99.”Habang nagtatawanan pa rin kami, biglang naging seryoso ang mukha ni Kara. Umupo siya sa harapan ko, nagkrus ng mga braso at tumingin nang diretso sa akin.“Richar
last updateПоследнее обновление : 2025-04-07
Читайте больше

Chapter 130

Chapter 130Napangiti ako ng bahagya. "Hindi mo lang sila naipagtanggol, Miguel. Pinrotektahan mo rin ang integridad ng buong kumpanya. Ganyan ang abogado na dapat pinipili.""At ganyan din ang Judge na dapat tinuturing na tropa," sabay kindat ni Lance sa akin, para bang pilit binabalanse ang seryosong usapan sa konting biruan."Hoy, seryoso ako dito," sagot ko, pero bahagyang napatawa rin. "Hindi biro ang corporate sabotage. Isang maling galaw, pwedeng mawala ang tiwala ng mga investors.""Oo nga," dagdag ni Miguel. "Kaya ngayon pa lang, mas pinalakas na namin ang audit team. Lahat ng branch, surprise inspections na ang setup."Tumango ako, muling naging seryoso. "Good move. Prevention ang pinakamabisang depensa. Mas mabuti nang maagapan kaysa habulin sa korte."Tahimik kaming sandali—lahat kami nakatingin sa mesa, parang sabay-sabay iniisip kung gaano kahalaga ang mga desisyong ginagawa para sa kinabukasan ng negosyo… at ng pamilya."At mas mabuti na ring sa mga taong pinagkakatiwal
last updateПоследнее обновление : 2025-04-07
Читайте больше
Предыдущий
1
...
111213141516
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status