Chapter 139Lumipas ang mga araw, naging linggo, at tuluyang naging buwan… pero ni anino ni Richard ay hindi nagpakita.Sa bawat pagdungaw ko sa bintana ng aming bahay, sa bawat paghakbang ko sa palengke, at sa bawat umagang gumigising akong umaasa — wala pa rin siya. Unti-unti kong tinanggap sa sarili ko na baka hanggang doon na lang talaga ang sandaling ibinigay sa amin ng tadhana.Hanggang sa dumating ang araw na matagal ko nang kinatatakutan.Si Lola — ang aking tanging kasama, gabay, at lakas — ay pumanaw na. Tahimik siyang namaalam sa kanyang pagtulog. Isang paalam na walang sakit, ngunit iniwan akong basang-basa ng luha at pangungulila.At doon… habang nililibing si Lola, isang banyagang lalaki ang lumapit sa akin. Matangkad, maputi, at may hawig sa ilang luma naming litrato. Bitbit ang maletang may markang “Frankfurt, Germany.” May galang ang kanyang kilos, ngunit halata ang kaba sa kanyang mga mata.“I’m looking for… Analiza,” mahina niyang sabi, bahagyang nauutal.“Bakit po?
Chapter 140Richard POVPagkababa ko ng kotse sa harap ng malaking gate ng mansyon ng mga Curtis, saglit akong napatigil. Ilang buwan na rin mula nang huli akong nandito, pero sa dami ng nangyari, pakiramdam ko'y isang buong taon ang lumipas.Tinanggap ako ng gwardiya, at agad akong pumasok. Sa loob, abala ang lahat—may mga bulaklak, gown fittings, at ilang kamag-anak na panay ang kwentuhan. Papalapit na ang kasal nina Kara at Chris, at ramdam ko ang saya ng buong paligid. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may kulang.Wala si Analiza.“Richard!” masayang bati ni Kara, sabay yakap. “At last, bumalik ka na rin.”“Congrats sa inyo,” simpleng tugon ko, pilit na nginitian sila.Lumapit si Chris, sabay tapik sa balikat ko. “Tamang-tama ka, bro. Sa kasal namin ikaw ang best man. Alam mo na.”Napangiti ako, pero agad kong ibinaling ang usapan. “Si Analiza... andito ba siya?”Nagkatinginan sina Kara at Chris. Tumikhim si Kara bago sumagot. “Richard... umalis siya. Hindi na siya dito nakatir
Chapter 141Chris POVNapakasaya ko ngayong araw.Sa wakas, sa ikatlong pagkakataon ay naging Mrs. Kara Curtis Montero muli ang babaeng pinakamamahal ko. Mula pa noong una, siya na talaga — kahit anong unos, kahit ilang ulit kaming pinaghiwalay ng tadhana, siya at siya pa rin ang pipiliin ko.Tumitig ako kay Kara habang dahan-dahan siyang lumalakad papunta sa akin. Suot niya ang wedding gown na para bang isinusuot lang niya para sa akin at sa araw na ito. Napakaganda niya — hindi ko mapigilan ang mapangiti habang ang puso ko ay tila sasabog sa tuwa.Kasunod niya, lumakad ang bunso naming si Ellie, na sobrang cute sa maliit niyang white dress habang may hawak na bulaklak. Masigla siyang ngumiti sa akin, tapos tumingin kay Kara at kumaway. Si Jacob naman, ang panganay namin, ay nakasuot ng maliit na tuxedo, proud na proud habang tinutulungan ang kapatid niya.Sobrang proud ako sa pamilya ko.Sa dinami-rami ng pinagdaanan naming pagsubok ni Kara — mula sa selos, distansya, at mga dating
Chapter 142"Good luck sa flight mo, alis na baka maiwan ka pa!" tawag ko kay Richard habang tinatapik ko siya sa balikat."Sige, tol. Salamat," sagot niya ng seryoso, pero ramdam ko ang bigat sa tinig niya—yung halo ng kaba, pag-asa, at takot.Tumayo siya mula sa upuan, kinuha ang kanyang coat, at tahimik na naglakad papunta sa labasan kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Tahimik ko siyang sinundan ng tingin. Sa bawat hakbang niya, alam kong dala-dala niya ang bigat ng mga salitang hindi niya nasabi noon pa man.Alam kong hindi madaling desisyon ito para sa kanya. Pero minsan, kailangan mong maging matapang para sa taong hindi mo kayang mawala."Richard," tawag ko bago siya tuluyang makapasok sa kotse.Napalingon siya. "Oo?""Sabihin mo na lahat. Huwag mo nang ulitin ‘yung pagkakamali mong nanahimik," sabi ko ng seryoso.Tumango siya, at saglit na ngumiti. "Hindi na ako papalya ngayon, Chris."Sabay sara ng pinto ng kotse. Saglit lang, umandar na ito paalis.Habang papalayo ang il
Chapter 143Habang naglalakad kami, ang mga tanawin ng dagat ay napakaganda, at sa isip ko, walang ibang mas mahalaga kundi ang oras namin ngayon. Walang iba. Walang hadlang. Kami lang.Nakarating kami sa isang villa na may balcony na nakaharap sa dagat. Ang lugar ay tahimik at pribado—perpekto para sa amin.Hindi ko na kayang maghintay pa, kaya hinawakan ko ang kamay ni Kara at inakay siya sa loob ng villa."Ngayon, walang makakagulo sa atin," sabi ko habang ini-lock ko ang pinto.Magkasama kaming naglakad patungo sa kama, at sa mga mata ni Kara, nakita ko ang mga emosyon—pag-ibig, kaligayahan, at saya. Hindi ko na kailangan ng anumang bagay pa. Kami na lang."Pahinga muna tayo, Mahal!" sambit ko kay Kara, habang inihihiga siya sa kama at hinahaplos ang kanyang buhok. Ang init ng katawan ko, at kahit gaano man kami kasaya at ka-excited, parang gusto ko lang muna siyang yakapin at magpahinga kasama siya.Tumingin siya sa akin ng may ngiti. "Ang bilis mong mapagod, ha?" biro ni Kara ha
Chapter 144 Kara POV Napangiti ako sa sinabi ni Chris. Kaya yumakap ako dito at isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang tibok sa kanyan puso at ito ay musika sa aking pandinig. "Chris, I'm scared!" wika ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. "Hmmm," tanging tugon niya sa akin. Dahil sa pagsabi niya yun ay may nararamdaman akong kakaiba sa aking katawan para akong siniliban ng apoy. "Shhh.... Don't scared," sabay haplos niya sa aking buhok. "Mula ngayon, kayong tatlo ang mahalaga sa akin. Wala ng iba," mahina niyang sabi sa aking. "Chris, pwede bang gawin nating ngayon?" sambit ko dito. Agad itong umatras kaya inangat ko ang aking ulo para makita ko ang kanyang mukha. "Kara?! Sigurado ka?" tanong niya. "Oo, at ayaw kong sayangin ang ating honeymoon," ngiti ko dito na may pang-akit. Kaya hinalikan niya ako sa aking labi marahan ngunit mapusok. Hanggang pumunta ito sa aking leeg doon ay sinipsip niya na parang gustong Mag-iwa
Chapter 145Kinabukasan. Nagising ako sa init ng yakap ni Chris. Nakatagilid ako habang nakasiksik pa rin sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghaplos sa aking braso, tila ba ayaw niyang mabitawan ako kahit sa isang saglit. “Good morning, my wife…” bulong niya sa akin, sabay halik sa aking noo. Napangiti ako. “Good morning, my husband,” pabulong ko ring tugon. Sandali kaming natahimik. Parang ayaw naming gumalaw sa kama, masarap kasi ang ganitong pakiramdam—yung parang wala nang iba pang mahalaga kundi ang isa’t isa. Pero bigla… PRRRRRT! Naputol ang aming sandali sa pagtunog ng cellphone ni Chris. Kinuha niya ito sa side table at nakita kong biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Kara, kailangan kong umalis. Emergency ito,” seryoso niyang sabi habang agad bumangon at nagdamit. “Anong nangyari?” takang tanong ko habang hinahabol ang kanyang tingin. Hindi agad siya sumagot. Parang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya sa akin. Pero sa huli, nil
Chapter 146 Chris POV Habang nasa van paalis ng city para sa biglaang business emergency na tinawag ni Mr. Huang, hindi mapakali ang pakiramdam ko. Parang may mali. Hindi ko maipaliwanag, pero ramdam ng dibdib ko ang bigat. Pagtingin ko sa cellphone ko— 10 missed calls. Lahat galing kay Kara. Agad kong pinindot ang huling tawag, pero hindi na ito umaandar. Switched off na ang phone niya? “Damn it.” Napatulig ako nang may pumasok na notipikasyon sa Messenger. Unknown sender. 3 video files. Kinabahan ako. Agad ko itong binuksan kahit na mahina ang signal. Unti-unting nag-load ang unang video. At doon, gumuho ang mundo ko. Si Kara. Nakagapos sa upuan. May piring ang mata. At may panyong nakatali sa bibig niya, pigil ang sigaw. Halatang pinipilit niyang kumalma kahit nanginginig ang buong katawan niya. “Putang—” napamura ako, agad na napahawak sa manibela ng sasakyan kahit hindi ako ang nagda-drive. “Paki-preno! Stop the van! NOW!” Huminto kami sa gilid ng kalsada. Pinano
Chapter 158 Napalunok siya. Hindi siya makagalaw. Ang buong boardroom ay tila nahulog sa ilalim ng lupa—walang hangin, walang galaw, puro titig lamang sa akin. “Chris... pwede natin pag-usapan ‘to. Hindi ako kalaban—ginamit lang nila ako. Pamilya tayo—” sabi ni Ramon pero agad ko itong pinutol. “Ginamit ka? At sino'ng pinatay ang pamilya ko? Sino'ng nagsangla sa pangalan ng kompanya kapalit ng mga illegal na transaksyon? Huwag mo akong lokohin. Alam kong may bahid ng dugo ang bawat sentimong kinita mo," malamig kung sabi doto at puno ng galit. Tinapik ko ang baril sa mesa. Tumunog ito—matinis, nakabibingi sa gitna ng katahimikan. “Akala mo ba hindi kita nakilala noon pa lang? Akala mo hindi ko alam ang koneksyon mo kay Kenya? Mas matagal kong inipon ang ebidensya kaysa sa oras na ginugol mong traydorin ako," matalim ko itong tinitigan. Tumingin ako sa shareholders na kasabwat ni Ramon. “Mga kasamahan ninyo, pinatay ko na. Mga lihim ninyo, hawak ko na. Kung may isa pang magt
Chapter 157Tumitig ako sa paligid—mga dingding ng kuta ni Kenya na minsang naging simbolo ng kanyang kapangyarihan. Ngayon, ito ang magiging libingan ng lahat ng kanyang kasalanan.Narinig ko ang mahinang static sa earpiece ko."Boss, lahat ng exits naka-lock na. Mga tauhan ni Kenya, cornered. Awaiting green light," sabi sa kabilang linya ng tauhan ko. "Green light. Ipadama sa kanila kung paano dumurog ang demonyo," isang ngiti nang demonyo ang kumawala sa aking labi. Agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng baril—ratatatatat!—kasunod ang mga sigaw ng pagmamakaawa, pagtakas, at panginginig. Walang awa. Walang kahabag-habag. Isa-isang nalagas ang mga kalaban, tinamaan sa ulo, sa dibdib—sigurado, wala nang tatayo.Humakbang ako palapit sa patay na katawan ni Kenya, duguan, wasak ang ulo pero kita pa rin ang dating ngisi sa kanyang labi."Sa huli, ikaw pa rin ang natalo. Katulad ng palad ng mga traydor," bulong ko sa sarili. Kumuha ako ng maliit na device sa bulsa ko—blast trigg
Chapter 156 Chris POV Patay ang lahat ng ilaw. Tanging pula at kumikislap na emergency lights ang gumagabay sa bawat hakbang ko. Dugo ang naging guhit ng daan. Mga katawan ng mga tauhan ni Kenya ang nilampasan ko—walang awa, walang habag. Hindi sila ang pakay ko. Pero humarang sila, kaya tinanggal ko. Hindi na ito negosyo. Hindi na ito personal. Isa na itong paghuhukom. Nilagay ko sa cold mode ang comms. Wala munang distractions. Ako lang. Ako lang ang tatapos kay Kenya. "Sa dami ng kasalanang ginawa mo, Kenya, wala kang lugar kahit sa impyerno," bulong ko na may panganib. Umalingawngaw ang boses niya mula sa loob ng panic room. "Kung lalaki kang tunay, pumasok ka rito! Harapin mo ako!" galit na sigaw ni Kenya mula sa speaker na bakas sa boses nito ang pagtarannta. Ngumisi ako. ‘Yan ang gusto ko—ang marinig siyang natataranta. Ang boses ng isang taong sanay mag-utos pero ngayon ay unti-unting nawawalan ng kontrol. "Pumapatay ka ng mga inosente. Ginulo mo ang buhay
Chapter 155 Kenya POV Sa loob ng isang marangyang underground safehouse na nakabaon sa ilalim ng isla, nakaupo ako sa isang leather chair. Tahimik. Isang baso ng mamahaling alak sa kamay ko. Pinagmamasdan ko ang malaking monitor sa harapan ko, kung saan kita ang bawat sulok ng isla—motion sensors, thermal cameras, encrypted com-lines. Ako si Kenya. Hindi ako basta-basta kriminal. Ako ang mastermind. Ang hindi makikita, ang hindi mahuhuli. Ang nagtago sa loob ng gobyerno, lumusot sa mga batas, at pinaniwala ang mundo na patay na ako. “Chris Montero...” bulong ko habang pinapaikot-ikot ang alak sa baso. “Tinatanggal mo ako isa-isa sa mga asset ko. Pero hindi mo alam, ako ang nagturo sa’yo ng galit.” Tumayo ako, lumapit sa isang metal vault, at binuksan ito gamit ang fingerprint at voice code. Hissss. Lumabas ang maliliit na vials—neurotoxins, experimental serums, at DNA samples. “Your wife was just the beginning. Your pain fuels the game.” Lumapit ang isa sa m
Chapter 154 Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko nakita—ang isang mukha na akala ko'y kakampi, kapatid, pamilya. Si Lander. Ang adopted son ni Grandpa. Ang taong itinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Nakaayos siya. Maayos ang suot, pero sa likod ng malamig niyang titig, alam kong matagal niya na itong pinlano. “Ikaw…?” halos hindi makalabas ang boses ko. Ngumisi siya habang papalapit. “Ang hirap pala ng pakiramdam na palaging ikaw ang pinoprotektahan, Chris. Lahat ng attention, lahat ng tiwala—binigay sa’yo ni Grandpa. Pero ako? Ako ang laging nasa anino mo.” Tinutok ko sa kanya ang baril. “Anong kinalaman mo kay Mr. K?” “Simple lang. Ako ang totoong utak. Siya lang ang pasimuno. Lahat ng galaw niya, ako ang nagbigay ng basbas.” Tumawa siya ng malamig. “Si Kara? Hindi dapat siya ang target. Pero nung nalaman kong minahal mo siya nang higit pa sa sarili mo, alam kong siya ang kahinaan mo.” Pak! Hindi ko napigilan. Isang malakas na suntok ang tumama s
Chapter 153 728G-KARA. Pinangalanan niya ang passcode ayon sa pangalan ng asawa ko. Dahan-dahan akong napahawak sa baril sa aking tagiliran. Tumalikod ako, huminga ng malalim, saka tumingin kay Revenant. "Ihanda ang sasakyan. Pabayaan mo na 'tong si Ramon dito... hanggang makalimutan niya ang sarili niyang pangalan." “Chris... wag, awa na... may pamilya ako—!” Lumingon ako, ang mga mata ko'y wala ng kahit anong emosyon. “May pamilya rin akong kinitil ninyo. Ngayon... patas na tayo.”Walang ni isang patak ng awa sa puso ko.BLAG!BLAG!BLAG!Tatlong putok. Diretso sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi na siya gumagalaw. Ang puting pader sa likod niya, ngayon ay puno na ng dugo. Tumalsik ang katawan ni Ramon sa likod ng upuan, napalugmok, walang buhay.Tahimik ang buong silid. Tanging echo ng mga putok at mabigat kong paghinga ang naririnig.Lumapit si Revenant, seryoso ang tingin.“Sigurado ka bang hindi natin kailangan 'to buhay?” tanong niya, pero alam niyang huli
Chapter 152Nakahawak si Revenant sa balikat ni Veronica habang nanginginig siyang nagsimulang magsalita. Ang mukha niya'y duguan, ang mga mata'y punong-puno ng takot—pero ngayon, wala akong pakialam. Wala akong puwang sa awa. Hindi sa babaeng ito. Hindi matapos ang nangyari kay Kara."Si Mr. Kenya ang lider, pero hindi lang siya ang may sala," bungad niya, habang kumakapit sa hininga niya."Meron pa—mga kasabwat niya sa loob ng gobyerno, mga negosyanteng naghugas-kamay, at... isang tao sa loob ng circle mo, Chris.""Sino?!" singhal ko, habang dumadagundong ang dibdib ko sa galit.Lumapit ako sa kanya, halos ilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sabihin mo kung sino, Veronica. Bago ako mawalan ng kontrol!""Ramon... si Ramon Del Fierro ang isa sa mga utak ng lahat ng ito!" halos wala nang boses si Veronica sa kakaiyak at kakasigaw. "Matagal na silang konektado ni Mr. K—matagal na nilang gustong pabagsakin ka, Chris!"Napatigil ako. Ang pangalan ni Ramon ay parang lasong biglang sumabog sa u
Chapter 151Tumayo ako, nilapitan siya. Hinawakan ko ang kanyang panga at pinilit siyang tumingin sa akin.“Dapat ba akong maawa ngayon? Dahil umiiyak ka? Dahil nagsusumamo ka?”“Chris… patawad… please…” bulong niya, halos hindi ko na marinig.“Patawad?” Binitiwan ko siya at tumalikod. Kinuha ko ang itim na gloves sa bulsa ko.“Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero ipapakita ko sa’yo—kung paanong humingi ng awa ang tunay na makasalanan.”Narinig ko ang pagsigaw niya.“Chris, huwag! May anak ako!”Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon, malamig ang tingin ko.“Dapat inisip mo 'yan bago mo hinatak ang pisi ng bomba sa katawan ng INA ng mga ANAK KO.”At ngayon…Wala nang makapipigil sa akin.Si Veronica ang simula. At bawat kalaban nila…Kasunod na.Nakapikit ako habang naririnig ko ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Veronica. Ang bawat “please” niya ay musika sa tenga ko—isang sirang plaka na gusto ko nang basagin.“Chris… kahit anong galit mo… hindi ito ang paraan. May
Chapter 150Dugo ang gusto ko.Paghihirap ang ipapatikim ko.At sa bawat hiningang kukunin ko sa kanila— pangalan mo ang isisigaw nila, Kara.Tahimik ang gabi. Walang ingay maliban sa hampas ng alon sa dalampasigan at ang mabigat kong paghinga.Nakaharap ako ngayon sa isang maliit na urn na pilit kong kinakapitan — ang natitirang abo ni Kara.Ang init ng metal ay tila hindi galing sa apoy kundi sa galit na bumabalot sa buong sistema ko.Kinuha nila siya.Hindi lang basta kinuha. Winasak nila siya.Hanggang sa wala na akong naisalba kundi ang abo niyang pilit kong pinagsama-sama matapos ang pagsabog.Dahan-dahan kong hinawakan ang urn."Uuwi na tayo, Kara," bulong ko, halos walang tunog.Isang pangakong dumudugo sa bawat salita.Uuwi tayo. Pero hindi para ipahinga ka. Hindi para bigyan ka ng katahimikan.Uuwi tayo para sa digmaang ako mismo ang magbubukas.Ipinatong ko ang urn sa likurang bahagi ng sasakyan. Binuksan ko ang compartment sa ilalim ng upuan kung saan nakatago ang matagal