Semua Bab THE WEIGHT OF THE VEIL: Bab 81 - Bab 90

124 Bab

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 81

Maagang nagising si Louie kinabukasan. Sa totoo lang, halos hindi siya makatulog nang maayos kagabi. Sa dami ng iniisip niya—hindi dahil sa kaba, kundi sa excitement—parang gusto niyang dumaan agad ang gabi para masigurado na nila ni Klarise kung totoo ngang buntis ito.Pagtingin niya sa tabi niya, mahimbing pa rin ang tulog ng asawa niya. Mahinang bumuntong-hininga siya at marahang hinaplos ang tiyan nito."Good morning, baby," bulong niya. "Kung totoo ka ngang nandiyan na… hindi ko na mahihintay na makilala ka."Biglang gumalaw si Klarise at dumilat ang mga mata nito. "Hmm… Louie?""Good morning, wifey." Ngumisi siya. "Tara, punta na tayo sa hospital."Napabangon si Klarise at tumingin sa kanya na parang naguguluhan. "Ha? Ano? Wala pa ngang almusal.""Hindi mo na kailangan ng almusal. Dapat maaga tayong makarating doon.""Tsk! Ikaw talaga! Parang ikaw ‘yung buntis, eh!""Tama ka. Para akong nababaliw sa kakaisip kung totoo nga."Napailing si Klarise, pero hindi na siya kumontra. Ala
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-22
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 82

Dalawang araw matapos makumpirma ang pagbubuntis ni Klarise, nagsimula na siyang makaramdam ng kakaiba.Habang nakaupo siya sa sofa, napakapit siya sa tiyan niya at napangiwi.Napansin iyon ni Louie at agad siyang lumapit. “Wifey, anong nangyayari?”Sumimangot si Klarise at tumingin sa asawa. “Louie… gusto ko ng manggang hilaw na may bagoong.”Napanganga si Louie. “Alas-dose na ng gabi, Klarise!”“Nagugutom ako!” reklamo niya habang nakasimangot. “At hindi lang basta mangga. Gusto ko ‘yung sobrang asim, ‘yung halos manigas ‘yung panga ko sa asim!”Napakamot ng ulo si Louie. “Seryoso ka?”“Louie Ray, buntis ako!” paangil niyang sagot.Napasinghap si Louie at mabilis na tumayo. “Sige! Sige! Hahanapan kita!”Agad itong nagsuot ng jacket at kinuha ang susi ng sasakyan.Habang palabas, dinig pa ni Klarise ang pagbulong nito, “Patay tayo kay baby…”Sa Labas, Alas-Dose ng GabiNapadpad si Louie sa isang 24-hour convenience store.Naglakad siya papunta sa fruit section at napangiwi nang makit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 83

Napahawak si Klarise sa tiyan niya. “Hindi pa nga ako sanay, Louie. Ang dami kong gustong kainin, tapos minsan wala akong gana.”Hinaplos ni Louie ang ulo niya. “Normal lang ‘yan. Kaya nga dapat mag-iingat ka.”“Alam mo, Louie Ray, masyado kang praning.”“Aba! Siyempre! Gusto mo bang mapahamak ka at si baby?”Tumawa si Klarise. “Sige na, sige na. Ikaw na ang pinakamagaling.”Ngumiti si Louie at niyakap siya nang mahigpit. “Siyempre. Ako lang naman ‘to.”Habang nakayakap sila, biglang sumimangot si Klarise.“Louie…”“Hm?”“Parang gusto kong amuyin ‘yung unan mo…”Natigilan si Louie. “H-Ha?”Kinuha ni Klarise ang unan ni Louie at inilapit sa mukha niya. Nang maamoy niya ito, biglang bumuntong-hininga siya nang malalim at ngumiti. “Aaaaaah, ang bango…”Nanlaki ang mata ni Louie. “P-Pakiulit?”“Ikaw, ang bango mo,” sagot ni Klarise habang mahigpit na niyayakap ang unan.Napalunok si Louie. “Uh… Klarise… parang kinikilabutan ako sa’yo.”Ngumiti si Klarise. “Louie Ray… pwede bang yakapin ki
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 84

Isang linggo matapos ang nakakabaliw na paglilihi ni Klarise, tumawag ang isa sa kanyang mga kasamahan sa ballet."Klarise! May malaking balita ako!"Nagkatinginan sina Klarise at Louie. Kinuha niya ang telepono at lumayo ng bahagya. "Ano ‘yon?""Napili ang grupo natin para mag-perform sa isang malaking theater event! Klarise, ikaw ang magiging spotlight! Ikaw ang magiging bida sa performance!"Nanlaki ang mata ni Klarise. "T-Talaga?""Oo! Pero… may problema. Kung hindi ka makakasama, mapipilitan kaming palitan ka."Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya kayang palampasin ang ganitong oportunidad. Pangarap niya ito.Pero... buntis siya."Klarise?"Napalunok siya. "Oo… Sasama ako."Isang linggo bago ang performance, todo ang ensayo ni Klarise. Kahit pa pinilit niyang huwag ipahalata kay Louie, hindi nito naiwasang mapansin ang madalas niyang pagkapagod at kawalan ng ganang kumain."Klarise, sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Louie isang gabi habang magkasama silang k
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 85

Pero hindi siya ngumiti. Hindi niya kayang ngumiti."Bakit hindi mo sinabi sa akin?"Napayuko si Klarise. "Louie, sorry…""‘Sorry’? ‘SORRY’ LANG? Klarise, muntik mo nang ipahamak ang anak natin!"Nagsimula nang tumulo ang luha ni Klarise. "Alam kong nagkamali ako…""Bakit, Klarise? Bakit ka nagsinungaling?""Dahil pangarap ko ‘yon, Louie!"Napapikit si Louie. "Klarise, ako rin, may pangarap. Pero hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko para lang matupad ‘yon!"Tahimik.Huminga nang malalim si Louie. Lumapit siya kay Klarise, saka marahang hinawakan ang kamay nito."Mahal kita, Klarise. Mahal na mahal kita. Pero hindi ko kayang mawala ka."Tumulo ang luha ni Klarise. "Hindi na mauulit, Louie… pangako.""At ‘pag lumabas na si baby, saka mo na lang ulit balikan ang pagsasayaw mo," pagtatapos ni Louie habang hinahaplos ang buhok ni Klarise."Pero—"Agad niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang daliri niya. "Wala nang pero-pero, wifey. Muntik mo nang ikapahamak ang sarili mo pati ang baby nati
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 86

"Tingnan mo ‘yan! Buntis na ‘yan pero bayolente pa rin!" natatawang hirit ni Louie."Eh kasi nakakainis ka!"Dahil sa tawa at kulitan nilang dalawa, gumaan ang atmosphere sa loob ng kwarto."O siya, tama na ‘yan," ani Pilita. "Magpahinga ka na, anak. At ikaw naman, Louie, bantayan mong mabuti ‘yang asawa mo. Kapag may nangyaring masama, alam mo na kung sino ang sisingilin namin."Nagbigay ng matikas na saludo si Louie. "Opo, Mommy Pilita. Walang makakalapit sa asawa ko at kay baby! Kahit lamok, huhulihin ko!"Napailing si Klarise. "Ikaw lang naman ang istorbo sa pahinga ko eh.""Eh kasi ang cute mo pag iritable ka!" sagot ni Louie bago siya kiniliti sa tagiliran."LOUIE RAY! HINDI KA NA TALAGA TITIGIL?!""NEVER, WIFEY! HANGGANG SA PAGSILANG MO!"Sa kabila ng pag-aalala, sermon, at stress ng araw na ‘yon, ang mahalaga lang sa kanila ngayon ay ang pagiging masaya.At sa bawat tawanan at inisan, alam ni Klarise na kahit anong mangyari, nasa tabi lang niya si Louie—ang lalaking minahal ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 87

Hinaplos ni Louie ang tiyan niya. "At ikaw, baby, ‘wag kang magmana sa katigasan ng ulo ng mommy mo, ha?"Napatawa si Klarise kahit may luha pa sa mata niya. "Tanga! Eh kanino pa ba magmamana ‘yan kundi sa’yo?"Napailing si Louie. "Wala na nga palang ligtas ‘tong batang ‘to. Pati ako pala matigas ang ulo."Doon na rin napangiti ang staff. Hindi nila inaasahang ganito kabilis lumambot ang tensyon.Lumapit si Madam Felice at hinawakan ang kamay ni Klarise. "Iha, magpapahinga ka muna, pero gusto kong malaman mo na hihintayin ka namin. Balik ka kapag kaya mo na ulit."Nagulat si Klarise. "Talaga, Madam?"Tumango ito. "Oo naman. Ang talent mo ay hindi dapat sayangin, pero dapat ding isipin ang mas mahalagang bagay—ang pamilya mo."Napangiti si Klarise at muling napatingin kay Louie. "Narinig mo ‘yon? Balik ako pag okay na ako."Umismid si Louie. "Tingnan na lang natin."Napailing si Klarise at kinurot siya sa tagiliran. "Grabe ka! Hindi mo ba ako susuportahan?""Sa pagsasayaw? Sa ngayon, h
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 88

Isang linggo matapos ang muntikang trahedya sa entablado, ramdam ni Klarise ang malaking pagbabago sa kilos ni Louie. Mas naging sobrang protective ito—mas madalas siyang alagaan, bantayan, at literal na sundan kahit saan siya magpunta.Kung dati, may oras pa itong magbiro at mang-asar, ngayon, seryoso na talaga.At sa totoo lang… parang hindi na siya makahinga sa sobrang pagbabantay nito."Louie, seryoso ka ba?" tanong ni Klarise habang nakaupo sa kama at nakatingin sa harapan ng aparador.Nakatayo si Louie sa tabi, naka-cross arms, at may mahigpit na titig sa kanya. "Oo, wifey. Wala ka nang isusuot na high heels simula ngayon.""What?! Pero kahit sandals lang?""Flat lang. Wala nang takong."Napatakip ng bibig si Klarise at umiling. "Ang OA mo, Louie!""Hindi ito pagiging OA, Klarise. Aksidente na nga ang nangyari sayo, tapos papayagan pa kitang magsuot ng sapatos na pwedeng magpabagsak sayo? Hindi na ako papayag."Nagpumiglas si Klarise at tumayo sa harap nito. "Ano? Pati sapatos k
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 89

Sa kanilang maluwag at eleganteng sala, nagtipon-tipon ang mga magulang nila—sina Georgina, Philip, Pilita, at Hilario—at lahat sila ay mukhang handang maglunsad ng isang intervention laban kay Klarise.Nakaupo siya sa sofa na parang isang batang nahuling gumawa ng kasalanan, habang si Louie naman ay nakatayo sa tabi niya, halatang gigil pa rin sa nangyari."ANO?!" sabay na sigaw nina Georgina at Pilita. "Muntikan nang mawala ang apo namin?!"Napayuko si Klarise, hindi makatingin sa kanila. "O-opo…"Napahawak sa dibdib si Pilita. "Diyos ko, hija! Bakit mo ginawa ‘yon?! Hindi mo ba inisip kung anong pwedeng mangyari?"Tumaas ang kilay ni Hilario at tumikhim. "Tama si Pilita. Klarise, hindi ito biro. Ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis mo ang pinakamapanganib. At ikaw, anong ginawa mo? Sumayaw ka pa sa entablado na parang hindi ka nagdadala ng bata?!"Singhal ni Georgina, "Alam mo bang ‘yung tawag ni Louie kanina, akala ko kung ano na! Halos mahimatay ako sa kaba! At ngayon, narito k
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 90

Ramdam ni Klarise ang panginginig ng kamay ni Louie, at doon siya tuluyang napaluha."Pasensya na, Louie… Hindi ko na ulit gagawin."Ngumiti si Louie at hinaplos ang pisngi niya. "Good. Kasi kung uulitin mo, talaga namang ipapadlock kita sa bahay natin.""Ang OA mo!" napahalakhak si Klarise, pero may halo pa ring emosyon ang boses niya."Totoo naman, ‘di ba?" Nagtaas ito ng kilay. "Kung ‘yun lang ang paraan para protektahan kayo, wala akong pakialam kung tawagin mo akong overacting."Ngumiti si Klarise at hinawakan ang kamay ng asawa. "Promise, makikinig na ako sa ‘yo.""Good." Tumayo si Louie at nag-unat. "At dahil d’yan, may surprise ako sa ‘yo.""Ha?" Napatayo si Klarise. "Ano na namang drama ‘yan, Louie Ray?"Ngumiti si Louie. "Basta sumama ka lang sa akin."Wala siyang nagawa kundi bumangon at sumunod dito.Pagbaba nila ng bahay, bumungad sa kanya ang isang maaliwalas na hardin na may maliliit na ilaw sa paligid. Sa gitna nito, may nakahandang picnic setup—isang malambot na blank
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7891011
...
13
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status