Mahigpit siyang niyakap ni Louie, hinahagod ang kanyang likod habang tahimik siyang nilulunod ng emosyon. Ang sakit ay parang dagat na hindi matapos-tapos, hinahatak siya pababa, pero sa yakap ng kanyang asawa, may bahagi sa kanyang puso na nakakahanap ng kaunting kapayapaan."Mahal kita, Klarise," bulong ni Louie, mahina pero puno ng paninindigan. "Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Hindi mo kailangang mag-isa sa sakit na ‘to."Napahigpit ang yakap ni Klarise sa kanya, hindi pa rin makapagsalita. Dahil sa lahat ng bagay na bumabagabag sa kanya, isang bagay lang ang malinaw—hindi siya nag-iisa.Kinabukasan, hindi na naman bumangon si Klarise mula sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame, walang emosyon, walang reaksyon."Mahal, bumangon ka na. Kakain tayo," malumanay na aya ni Louie, nakaupo sa tabi niya."Hindi ako gutom."Napabuntong-hininga si Louie. Dalawang araw na siyang halos hindi kumakain ng maayos. Alam niyang hindi ito simpleng lungkot lang—ito ay depresyon."Mahal, kahi
Last Updated : 2025-04-01 Read more