“Ma, hindi ko ‘to magagawa kung wala kayo. Lalo na si Louie… siya ang naging lakas ko.” Niyakap niya ang ina.Sunod na lumapit si Georgina. “Klarise… patawad kung minsan, naging malamig kami. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ka namin minahal. Hindi lang kami sanay magpakita. Pero simula ngayon… hindi na namin hahayaang maramdaman mong mag-isa ka.”Napaluha si Klarise. “Thank you po, Ma. Hindi ko inakala na darating ang panahong mararamdaman kong ganito ako kamahal ng pamilya natin.”Lumapit si Louie sa kanilang usapan. “Magmula ngayon, Klarise Olive Ray, asawa kita, karamay kita, kabiyak kita—sa lahat ng bagay. Kahit saan pa umabot ang buhay natin, ‘di kita iiwan.”“At ikaw lang din, Louie. Sa hirap, sa ginhawa… sa lungkot, at sa pinakamasasayang araw natin—kasama mo ako.”“So… honeymoon?” pabirong sabat ni Philip na naging dahilan ng mahinang tawanan.Napailing si Klarise, pinisil ang braso ni Louie. “Papa naman!”“Joke lang, iha. Pero seryoso, deserve niyong dalawa ang konting
Last Updated : 2025-04-06 Read more