Belle's POV “Let go of me, Damian!” Pilít kong kinakalas ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakahawak niya, pero para siyang bakal na hindi natinag kahit anong pilipit ko. His grip was firm, almost painful, at lalo lang akong nainis sa presensiya niya. Pagdating namin sa opisina niya, agad niyang sinara ang pinto at hinarap ako nang may matalim na tingin. “What the hell was that, Belle?” malamig niyang tanong. Suminghap ako, pilit na kinakalma ang sarili ko kahit na gusto ko nang ipamukha sa kanya na hindi ako ang nagsimula ng gulo. “Kung tinatanong mo kung bakit ko sinabunutan si Yumi kanina, well, let me remind you that she started it first. Binuhusan niya ako ng malamig na kape, Damian! Ano ‘yon, dapat ngumiti na lang ako at magpasalamat?” "That's not the point," madiin niyang sagot. "You made a scene, Belle. In front of my employees. Now, I have to clean up your mess." Napalunok ako, pero hindi ako umatras. “Oh, so it’s my mess now? And what, you’re just going to let Yumi
Last Updated : 2025-02-27 Read more