Belle's POV Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan, nakatanaw sa labas ng bintana. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang biglang pagbabago ng ugali ni Damian. Kung dati, tila lagi siyang naglalagay ng pader sa pagitan namin, ngayon naman, pakiramdam ko, ayaw na niya akong pakawalan. Napailing ako nang maalala ang kaninang umaga—ang hindi niya pagpapaalis sa akin sa kama, ang pagiging sobrang clingy niya sa loob ng condo, at ngayon, habang nasa sasakyan, hawak-hawak niya ang kamay ko mula kanina. Alam kong normal lang naman na humawak ng kamay ang isang mag-asawa. Pero iba kasi ito. Dati-rati, ni hindi man lang niya ako mahawakan kapag may ibang tao sa paligid. Pero ngayon, mahigpit ang pagkakahawak niya, na parang may takot siyang baka bigla na lang akong mawala. "Damian, ano bang problema mo?" tanong ko, bahagyang iginalaw ang kamay ko para ipaalam sa kanya na masyadong mahigpit ang kapit niya. "Nothing." I turned to him and raised an eyebrow. "Not
Last Updated : 2025-03-16 Read more