Bawi ako today.
Belle's POV Napapikit ako nang madiin matapos ang mainit na halik na ibinigay sa akin ni Damian—sa harap ng lahat ng empleyado, managers, at executives ng kumpanya. Hindi ko alam kung paano ko babangon mula rito. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko habang nakikiramdam sa paligid. Hindi ko magawang tumingin kahit kanino, lalo na kay Adrian, na alam kong siguradong nawasak ang pride. Pinaglaruan ni Damian ang apoy, at ako ang naiwan dito—nangangapa kung paano tatakasan ang nakakapasong init. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang banayad na haplos ni Damian sa likod ng kamay ko. Parang wala lang sa kanya ang eksenang ito, samantalang ako, pakiramdam ko ay gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Maya-maya, bumuntong-hininga si Adrian. "I have to go," aniya, malamig ang tono. "There's an emergency I need to attend to." Dagli siyang tumayo at naglakad palabas ng conference room. Walang lingon-lingon. Lihim akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil umalis na
Belle's POV Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Ang alam ko lang, sa sandaling ito, ang lalaking nasa harapan ko—si Damian Villareal, ang lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko—ay ang tanging bagay na mahalaga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya palapit, at bago pa siya makapag-react, dumampi na ang labi ko sa labi niya. Soft. Warm. Passionate. Para akong nasa ibang mundo habang unti-unting lumalim ang halik namin. Nararamdaman ko ang matibay niyang bisig na humigpit sa beywang ko, parang sinasabing hindi niya ako hahayaang mawala. Napapikit ako habang nilalasap ang bawat segundo. Pero bago pa ako tuluyang magpatangay sa init ng halik namin, isang malakas na pagsabog ang pumuno sa kalangitan. BOOM! Gumulantang sa akin ang malalakas at sunod-sunod na tunog, dahilan para bahagya akong mapatalon. Agad akong lumayo kay Damian, nanginginig pa ang labi sa nangyari, at itinuon ang paningin sa langit. Fireworks. Napanganga ako. Ang buong langit ay puno
Damian's POV Nang buksan ko ang pinto ng opisina ko, agad akong natigilan. Nagdilim ang paningin ko nang makita ang lalaking walang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay ko at sirain ang relasyon namin ni Belle. Si Adrian Villareal—ang dating fiancé ni Belle at pamangkin ko—nakaupo sa swivel chair ko na parang pag-aari niya ang opisina ko. Sa sahig, nakakalat ang bubog ng basag na larawan namin ni Belle—ang nag-iisang picture frame na inilagay ko sa mesa ko bilang patunay ng relasyon namin. Para bang isang saglit lang, nawala ang lahat ng pagpipigil ko. Lalong nag-init ang dugo ko nang makita ko ang mapanuksong ngiti sa labi ni Adrian. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig kong tanong habang marahan akong lumapit sa kanya. Pero hindi sumagot si Adrian. Sa halip, marahan niyang nilalaro ang isang piraso ng basag na salamin mula sa picture frame, saka tumingin sa akin na parang tinatantiya kung hanggang saan ang pasensya ko. "You know, Uncle," panimula niya, nilagay ang basag na sa
Damian's POV Pinanood ko si Adrian habang palabas ng opisina ko, halatang masama ang loob niya. Kahit pa napuno ng dugo at pasa ang mukha niya, hindi pa rin nawala ang bahagyang ngiti niya. Nang isara ni Belle ang pinto at lumapit sa akin, wala na akong ibang inisip kundi siya lang. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya tumingin sa akin, ang mga mata niya puno ng pag-aalala. "Damian, ang mukha mo," mahinang sabi niya habang hinahawakan ang baba ko, pinagmamasdan ang sugat sa gilid ng labi ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Wala 'to, sweetheart. Maliit na bagay lang—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang bumunot ng isang panyo mula sa kanyang bag at marahas na pinunasan ang sugat ko. "Aray!" Napasinghap ako sa hapdi. "Maliit na bagay?" singhal niya, sinamaan ako ng tingin. "Damian, binugbog mo rin siya! At ikaw? Ano ‘to?" itinuro niya ang pasa sa gilid ng panga ko. "Ano ‘to, ha?" Napailing ako, kunwaring naduduwal sa sakit. "Be
Damian's POV Tahimik ang paligid nang makarating ako sa penthouse. Tanging ang mahinang tunog ng wall clock ang bumati sa akin. Hindi ko na nagawang alisin ang suot kong coat, mabilis akong naglakad papasok sa loob, hinahanap ang presensya ni Belle.Nang marating ko ang living room, doon ko siya nakita.Mahimbing siyang natutulog sa sofa, suot pa rin ang kanyang work clothes. Nakapatong sa kandungan niya ang laptop, bukas pa rin ang screen. Mukhang napagod siya sa pagtatrabaho at hindi na nagawang lumipat sa kama.Napailing ako."Lagi mo na lang pinapagod ang sarili mo," bulong ko, lumalambot ang boses ko nang hindi ko namamalayan.Lumapit ako sa kanya at maingat na inalis ang laptop mula sa kandungan niya. Inayos ko ang gamit niya sa mesa at siniguradong walang babagsak o masisira. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, hindi ko mapigilang titigan siya.Maliwanag ang ilaw mula sa lampshade kaya kitang-kita ko ang maamong mukha ni Belle. Mahinahon ang kanyang paghinga, ang mahaba niy
Damian's POV Nagising ako sa malamig na pakiramdam sa tabi ko. Wala si Belle. Agad akong bumangon, bumaba ang kamay ko sa kama, hinahanap ang init ng katawan niya. Ngunit ang natagpuan ko lang ay ang malamig na espasyo kung saan siya dapat nakahiga. Napakunot ang noo ko. Anong oras na ba? Dumiretso ako sa bedside table at kinuha ang phone ko. Alas otso na ng umaga. Nag-inat ako at tumayo mula sa kama. Hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na gumising nang wala siya sa tabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang hindi buo ang umaga ko nang hindi siya ang unang taong nakikita ko. Napailing ako sa sarili ko. Damn it, Damian. You’re getting too attached. Isinuot ko ang isang plain black shirt at lumabas ng kwarto. Habang bumababa ako ng hagdanan, biglang bumungad sa akin ang isang malakas na sigaw. "Ay! Huwag mo akong niloloko, Belle! Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa anak kong ‘yun!" Nanlaki ang mga mata ko. Si Mom? Napabilis ang hakbang ko pababa, nag-aalala
Belle's POV Nakaupo ako sa harap ng isang full-length mirror habang si Damian ay abala sa paghahalungkat ng mga designer dresses na pinadala ng isang high-end boutique. Mula kanina, hindi na siya tumigil sa pagsasalansan ng iba't ibang damit na gusto niyang ipasuot sa akin para sa upcoming family gathering."Try this one," he said, handing me a sleek, champagne-colored gown. "I think this will look good on you."Napatingin ako sa kanya at napairap nang bahagya. "Damian, I’ve tried ten dresses already."He smirked, obviously enjoying my misery. "And we’re just getting started, sweetheart."Napabuntong-hininga na lang ako. I knew this was important for him, so kahit pagod na ako sa paulit-ulit na pagsukat, I let him do his thing.He was surprisingly good at choosing outfits. Alam ko namang may taste talaga siya pagdating sa fashion, pero hindi ko in-expect na ganito siya ka-particular sa bawat detalye. Lahat ng gowns na ipinapasuot niya sa akin ay elegante, pero may halong sensuality—s
Belle's POV The night had been going smoothly—or so I thought. Habang abala ako sa pagmamasid sa engrandeng pagtitipon, hindi ko maiwasang mapangiti nang makita si Damian na kausap ang ilang bisita, his demeanor confident yet effortless. His mother, Darlene Villareal, stood proudly beside him, beaming with approval. For a moment, I let myself breathe, sipping on my wine as I tried to blend into the background. Ngunit ang katahimikan ko ay hindi nagtagal nang lumapit sa akin si Violeta—the woman who exuded elegance yet carried an air of superiority that was impossible to ignore. I felt her gaze rake over me, mula ulo hanggang paa, her perfectly arched brows slightly raised as if she couldn’t believe what she was seeing. "Here we go," I thought, keeping my face neutral. “Ex-fiancé mo si Adrian Villareal, right?” she asked, her tone dripping with mockery. Hindi ako agad sumagot. I simply lifted my glass and took a slow sip of wine, my eyes flickering toward Damian, who was still en
Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag
Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa
Belle’s POVPagkapasok pa lang namin sa private villa sa Maldives, para akong nanaginip.Sa bawat sulok ng lugar ay puro pag-ibig—mula sa rose petals na nakabuo ng heart shape sa king-sized bed, hanggang sa champagne na nakahanda sa may terrace, at ang mala-paraisong tanawin ng dagat na parang may sariling kwento ng kasalan at pangarap.Nakahawak sa baywang ko si Damian habang iniikot niya ako sa loob ng villa. “Do you like it?” bulong niya sa akin, habang pinapadampi ang labi niya sa gilid ng aking tainga.“I love it,” bulong ko pabalik. “But I love you more.”Ngumisi siya at binuhat ako papunta sa kama. “Then allow me to show you how much I love you too, Mrs. Villareal.”Napatawa ako habang yakap-yakap ang leeg niya. “Again? Hindi pa ba sapat ang pagpapakasal?”“Never enough when it comes to you.”Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama, at sa gitna ng mga puting petals at linen sheets, pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko—parang ngayon pa lang niya ako ulit nakita.“You’r
Belle’s POV Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin—isang malaki, arkong salamin na may golden frame at nakapuwesto sa loob ng private bridal cabana na nasa mismong tabi ng dagat. I could barely recognize myself. The woman staring back had eyes glowing with peace, lips curved in a soft, dreamy smile, and cheeks radiating with something deeper than happiness—fulfillment. Naka-off shoulder na ivory silk gown ako na may manipis na tulle overlay, at sa ilalim ng aking kamay, ramdam na ramdam ko ang munting umbok ng aking tiyan. Our baby. Our miracle. "Iba talaga ang glow mo, Ma’am Belle," ani ni Tessa, ang aming makeup artist, habang pinaplastada ang mga baby hairs sa gilid ng aking mukha. "Baka babae 'yan, siguradong napakaganda!" Napatawa ako nang mahina habang patuloy sa paghimas sa tiyan ko. "Kahit ano pa, basta healthy siya. Pero kung babae, may kakumpetensiya na ako sa puso ni Damian." "Eh ‘di masaya!" sabay tili ni Tessa at ng isa pang stylist. "Pareho kayong princess!" Ti
Belle’s POV Mula nang malaman ni Damian na buntis ako, halos hindi siya mawalay sa tabi ko. Kung puwede lang niyang ipalagay ang kama niya sa loob ng OB-GYN clinic, siguradong ginawa na niya. Every check-up, every scan, every prenatal vitamin—he was always there. Lagi siyang nakaalalay, nakaagapay, at kung minsan, mas kabado pa kaysa sa akin. Dalawang linggo na mula nang kumpirmahin namin ang pagbubuntis, at ngayon ay isang espesyal na araw. Pauwi na mula sa business trip abroad si Mommy Darlene. Hindi niya pa alam ang balita, kaya sabik na sabik kami ni Damian na ibahagi ang surpresa—na magiging isa na siyang lola. Nasa loob kami ng malawak na family lounge ng ancestral mansion ng mga Villareal. Hawak ko ang isang piraso ng satin ribbon na nakatali sa maliit na gift box na may laman na baby onesie na may burdado: “See you soon, Lola!” Hinihimas-himas ko ang tiyan ko habang nakaupo sa sofa, sinusubukang pakalmahin ang kaba at kasabikan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala mins
Belle’s POV Sabay kaming pumasok ni Damian sa kompanya. Sanay na ang mga empleyado sa ganitong tanawin—ang CEO na tila personal bodyguard at driver ko na rin, at ako, ang dating “contract wife,” na ngayon ay hindi na kailangang magpanggap. Kung dati ay panay tinginan at scripted smiles lang ang pinapakita namin sa publiko, ngayon, kahit hindi namin sabihin, alam ng lahat: mahal namin ang isa’t isa. Damian no longer hides his possessiveness. He holds my hand even during elevator rides. He kisses my temple in the hallway. He places his palm on the small of my back when we walk past staff. At kung minsan, maririnig mo pa siyang magbanta—biro pero may halong totoo—sa mga lalaking masyadong matagal tumitig sa akin. “We’re getting married again next month,” Damian told his mom over dinner last night, while his fingers absentmindedly traced patterns on my thigh under the table. “About time,” sagot ni Mommy Darlene habang tumatawa. “Next goal: apo. Damian, tumatanda ka na, anak. Ayoko
Belle’s POVGabi na nang marating namin ang bahay. Buong araw kaming naglibot sa kung saan-saang boutique, café, at high-end shops. Ang dami naming napag-usapan, at hindi ko pa rin ma-process hanggang ngayon na… she likes me. Hindi ako sanay sa ganung uri ng pagtanggap, lalo na sa isang tulad niyang may mataas na antas sa lipunan.Habang nasa loob ako ng sasakyan, tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Ang mga streetlights ay naglalambitin sa dilim, parang mga bituing nagbabantay sa gabi.“I really enjoyed today,” sabi ni Mrs. Villareal habang nakangiting nakatingin sa akin.Napatingin ako sa kanya. “Ako rin po. Thank you for spending the day with me, and for everything… sobra-sobra po talaga.”Hinawakan niya ang kamay ko sandali. “You’re welcome, hija. And please, feel free to call me Mommy Darlene next time, okay?”Parang may kumalabit sa puso ko. That single line made me feel something I didn’t know I was longing for—belongingness.Pagkababa ko sa harap ng bahay, tinulu
Belle's POV Maagang tumunog ang cellphone ko, ang soft chime nito ay parang bumabasag sa tahimik na umaga. Medyo antok pa ako, ngunit nang makita ko ang pangalan na naka-display sa screen—Mrs. Darlene Villareal—agad akong napabangon. Napakagat-labi ako habang tinititigan ang pangalan. Hindi ko inaasahan na tatawagan ako ng mismong ina ni Damian. Sa ilang araw kong pananatili sa kanilang estate, hindi pa kami masyadong nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang matagal. Magalang naman siya sa akin, pero nararamdaman ko pa rin ang subtle distance sa pagitan namin. Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. “Good morning, Mrs. Darlene Montiero Villareal.” “Good morning, Belle,” ang boses niya ay elegante at kalmado. “Are you free today?” Napakurap ako. “Uh… yes, po.” “Good,” sagot niya. “I’d like to take you shopping. Just the two of us.” Halos mahulog ako sa kama sa gulat. Did I hear that right? “A-Ako po?” “Yes. Be ready in an hour. Damian already knows. I’ll have the driver pick
Belle’s POV Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng mga hininga namin at ang malambot na alon na humahaplos sa dalampasigan. Ang mga labi ni Damian ay nakakabit pa rin sa mga labi ko, at sa sandaling iyon, nakalimutan ko na kung nasaan kami at kung sino kami. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Damian—ang init ng katawan niya, ang haplos ng kanyang mga kamay, at ang pakiramdam na ako lang ang babae sa buong mundo. Ramdam ko ang matinding emosyon ni Damian sa halik na iyon. Hindi lang ito basta pagnanasa; ito ay lahat ng nararamdaman niya na matagal nang nakatago. Ang tensyon sa pagitan namin ay matagal nang nabuo—mga araw, linggo ng mga hindi nasabi at hindi naipaliwanag—at ngayon na kami ay magkasama, talagang magkasama, parang may isang bagay kaming binubuksan na mas malalim pa. “Belle,” mahina niyang bulong habang binibreak ang halik. Ang noo niya ay dumampi sa noo ko, at pareho kaming humihingal. “I’m not going to lie. You’re making it hard for me to control myself.” Buman