Good morning 🌄
Belle's POV Mabilis akong naglakad palabas ng opisina ni Damian, hindi inalintana ang mga matang nakasunod sa akin. Wala akong pakialam kung narinig ng buong kumpanya ang sigawan namin. Wala akong pakialam kung ano pa ang isipin nila. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lalaking walang ginawa kundi saktan ako gamit ang matatalim niyang salita. Pagdating ko sa parking lot, agad akong sumakay sa kotse ko at mabilis na pinaharurot iyon paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero isang bagay lang ang sigurado ako—hindi ako makakauwi sa penthouse na ‘yon. Hindi ko kayang makita si Damian. Hindi ko kayang makasama siya sa iisang bubong matapos ang lahat ng sinabi niya. Ang sakit ng mga sinabi niya. Para siyang isang patalim na paulit-ulit akong hinihiwa sa bawat insultong binibitawan niya. Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko? Hindi pa ba sapat na iniwan ako ng ex ko para sa babaeng tinuring kong kaibigan noon? Ngayon, pati asawa ko, sinisisi ako sa lahat ng
Belle's POV Napangiwi ako nang magising kinabukasan dahil sa matinding sakit ng ulo. Para akong ginilitan ng sentido sa tindi ng hangover. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at napahawak sa noo ko. "Ugh... I swear, never again!" bulong ko sa sarili ko. Napasulyap ako sa cellphone kong nasa bedside table at agad itong kinuha. Sa loob-loob ko, may kung anong bahagi ng puso ko ang umaasa na makikita ko ang pangalan ni Damian sa screen—kahit isang text man lang. Pero wala. Zero. Blanko. Ni isang missed call, wala. Napangisi ako nang mapait. So ganito lang ‘yon? Gano’n lang ako kadaling kalimutan? Tinapon ko ang phone sa kama at napabuntong-hininga. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak pumasok sa opisina ngayon. Ano namang dahilan ko para pumasok? Para makita na naman ang Damian Villareal na wala namang pake kung umalis ako o hindi? Para panoorin si Yumi Chan na lumandi sa asawa ko sa harapan ko? "Over my dead body." Pinikit ko ang mga mata ko at pwersahang pinakalm
Damian's POV Hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng eksena ngayong gabi. Ang buong plano ko ay lumabas, uminom ng kaunti, at kahit papaano ay mag-relax. Hindi ko inakala na makikita ko rito si Belle—at mas lalong hindi ko inakala na makikita ko siyang nakikipagsayaw sa ibang lalaki. At ngayon? Ngayon, nasa harapan ko siya, nakangiti sa lalaking iyon na para bang ako lang ang hindi narito. Tangina. Dapat wala akong pakialam. Dapat wala akong maramdaman. Pero putangina, hindi ko mapigilan ang matinding selos na unti-unting sumisirit sa dugo ko nang makita ko ang paglapat ng labi niya sa pisngi ng lalaking iyon. Lucas. Tiningnan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa. Malinis, mukhang edukado, at halatang may kaya sa buhay. Pero sa paningin ko? Isa lang siyang patay-gutom na gustong sumawsaw sa isang bagay na hindi niya pag-aari. Dahil si Belle ay asawa ko. Wala siyang karapatang halikan kahit pisngi nito. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, mabilis akong lumapit sa kanila at wal
Damian's POV Naramdaman ko ang paninigas ng buong katawan niya. Nagpumiglas siya, pero hindi ko siya hinayaang makawala. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga, ang bahagyang panginginig ng kanyang katawan, at ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Damn it. Hindi ko dapat ginagawa ‘to. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa simula, hindi siya gumanti. Alam kong gulat siya sa ginawa ko. Pero nang maramdaman kong medyo lumalambot ang kanyang mga labi, akala ko may pag-asa akong mapatunayang hindi niya kayang labanan ang halik ko. Bigla niyang kinagat ang labi ko. "Tangina, Belle!" napamura ako nang maramdaman ang sakit. Napaatras ako, hawak ang labi kong may bahagyang dugong lumabas. Bago ko pa siya masermunan sa ginawa niya, dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ko. Nanlilisik ang mata niya habang tinititigan ako na parang gusto akong sunugin nang buhay. "Putangina mo, Damian!" sigaw niya, puno ng galit ang boses. "Ano bang akala mo sa’kin, ha?! Na basta mo na lang
Damian's POV Nang lingonin ko si Belle, nakaupo na siya sa kalsada . Napabuntong-hininga ako at binalikan siya. "Bakit ka bumalik?" pagtataray niya. "Iuuwi na kita," kalmadong sabi ko. "Ayoko!" Humugot ako ng malalim na hininga at binuhat siya. Napamura ako nang bigla niyang kagatin ang tainga ko at sinubokang bumaba. Ipinasok ko siya sa loob ng kotse ko at hinawakan ng mahigpit ang braso niya nang subokan niyang tumakbo. "Hahalikan ulit kita kung hindi ka sasama sa akin," pagbabanta ko. Palihim akong ngumiti at isinara ang pinto. Sinulyapan ko si Belle nang makapasok na ako sa driver's seat. Napabuga ako ng hangin nang magtama ang mga mata namin. "Matulog ka muna," saad ko at binuhay ang makina ng kotse. *** Pagdating namin sa bahay, napansin kong nakatulog pala si Belle sa biyahe. Maingat ko siyang binuhat hanggang sa nakarating kami sa kaniyang silid. Nang ibaba ko siya bigla na lang siyang napahawak sa akin. "Tangina, Belle!" Halos mabali ang leeg ko sa gul
Belle's POV Mahapdi ang mata ko. Parang may humahampas na maso sa ulo ko. Napangiwi ako at napasinghap ng hangin. Putangina. Hangover. Pumikit ako ulit, nag-iipon ng lakas para bumangon, pero bigla akong natigilan. May kakaiba. Mainit ang paligid. Hindi dahil sa sikat ng araw na pumapasok sa kwarto, kundi dahil sa isang bagay—o isang tao—na nakadikit sa katawan ko. Nagmulat ako ng mata, at doon ko na-realize ang isang bagay na nagpabangon sa 'kin nang parang na-electrocute. Si Damian ay nakahiga sa tabi ko nang n*******d. Okay, hindi naman totally hubad, pero naka-boxers lang siya at nakalitaw ang matipunong dibdib niya. Ang gwapo pa rin niya kahit tulog. Napalunok ako. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. Nagkipag-inuman ako. Nagwala sa harap ni Damian. Naghalikan kami. Gusto kong mauntog sa pader. Dahan-dahan akong gumapang palayo, pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, biglang gumalaw si Damian at umungol nang bahagya. Napahinto ako sa paggalaw. Nagdasal ako
Belle's POV Pagdating namin sa opisina, gusto ko na agad mag-resign.Hindi ko alam kung anong kamalasan ang bumalot sa katawan ko ngayong araw, pero isang malaking pagkakamali ang sumabay kay Damian papunta rito.Kahit anong pilit kong lumayo, talagang ginawa niyang mukhang sweet at normal ang relasyon namin—kahit hindi naman talaga.Pagpasok pa lang namin sa lobby ng kumpanya, nakangisi siyang umakbay sa akin, dahilan para mapatingin ang lahat ng empleyado sa paligid."Good morning, Sir Damian! Good morning, Ma’am Belle!" bati ng ilang staff habang hindi maitatangging nagbubulungan sila.Naririnig ko na agad ang iba’t ibang teorya nila.“Grabe, ang sweet talaga nila!”“Hindi ko akalain na clingy pala si Sir Damian!”“Bagay na bagay sila! Sana all may ganitong boss.”Halos mapangiwi ako sa mga naririnig ko. Ang hindi nila alam, isang malaking palabas lang ang lahat ng ‘to!Pilit kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko. "Damian, ano ba! Ang aga-aga, nakakairita ka!" pabulong kong
Belle's POV Hindi ko alam kung paano ako napasok sa sitwasyong ito. Dapat ay nasa harap ako ng laptop ko ngayon, busy sa trabaho at ini-ignore ang lahat ng kaepalan ni Damian. Pero heto ako, nakaupo sa isang high-end restaurant kasama ang lalaking pinakamalaking abala sa buhay ko. At oo, pinilit niya akong makipag-lunch sa kanya. Literal na pinilit. Bago pa man ako makapagdesisyon na hindi sumama, ini-schedule na ni Damian ang lunch namin sa sekretarya niya. At dahil sa galing niya sa pang-iintriga, ipinakalat niya sa opisina na magde-date daw kami. Ang resulta? Hindi ko na nagawang umatras dahil sa dami ng empleyadong nagtatanong kung saan daw kami kakain at kung ano ang espesyal na okasyon. Wala akong nagawa kung' di ang sumama sa demonyong ‘to. Nasa isang private dining area kami ng restaurant, isang bahagi na tila ginawa lang para sa mga big-time na negosyante o celebrities na gusto ng privacy. "Damian, let’s make this quick," sabi ko habang inaayos ang napkin sa kandungan
Damian's POV"Mommy! Daddy! Look at me!"Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak.Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade."You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo."More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya."Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat.Five years.Five wonderful, crazy, beautiful years.Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle.Nagpalit ako ng trabaho setup — ang assista
Damian’s POVHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo.She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words.Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful.Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo."Are you happy?" bulong ko.Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya.Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle.Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, naririni
Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki
Belle's POV“Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?”Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.”Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.”“Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.”Napahalakhak ako. “Ten agad?”“Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.”Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko.Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo.“Okay ka lang, Wifey?” tanong niya habang nakati
Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag
Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa
Belle’s POVPagkapasok pa lang namin sa private villa sa Maldives, para akong nanaginip.Sa bawat sulok ng lugar ay puro pag-ibig—mula sa rose petals na nakabuo ng heart shape sa king-sized bed, hanggang sa champagne na nakahanda sa may terrace, at ang mala-paraisong tanawin ng dagat na parang may sariling kwento ng kasalan at pangarap.Nakahawak sa baywang ko si Damian habang iniikot niya ako sa loob ng villa. “Do you like it?” bulong niya sa akin, habang pinapadampi ang labi niya sa gilid ng aking tainga.“I love it,” bulong ko pabalik. “But I love you more.”Ngumisi siya at binuhat ako papunta sa kama. “Then allow me to show you how much I love you too, Mrs. Villareal.”Napatawa ako habang yakap-yakap ang leeg niya. “Again? Hindi pa ba sapat ang pagpapakasal?”“Never enough when it comes to you.”Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama, at sa gitna ng mga puting petals at linen sheets, pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko—parang ngayon pa lang niya ako ulit nakita.“You’r
Belle’s POV Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin—isang malaki, arkong salamin na may golden frame at nakapuwesto sa loob ng private bridal cabana na nasa mismong tabi ng dagat. I could barely recognize myself. The woman staring back had eyes glowing with peace, lips curved in a soft, dreamy smile, and cheeks radiating with something deeper than happiness—fulfillment. Naka-off shoulder na ivory silk gown ako na may manipis na tulle overlay, at sa ilalim ng aking kamay, ramdam na ramdam ko ang munting umbok ng aking tiyan. Our baby. Our miracle. "Iba talaga ang glow mo, Ma’am Belle," ani ni Tessa, ang aming makeup artist, habang pinaplastada ang mga baby hairs sa gilid ng aking mukha. "Baka babae 'yan, siguradong napakaganda!" Napatawa ako nang mahina habang patuloy sa paghimas sa tiyan ko. "Kahit ano pa, basta healthy siya. Pero kung babae, may kakumpetensiya na ako sa puso ni Damian." "Eh ‘di masaya!" sabay tili ni Tessa at ng isa pang stylist. "Pareho kayong princess!" Ti
Belle’s POV Mula nang malaman ni Damian na buntis ako, halos hindi siya mawalay sa tabi ko. Kung puwede lang niyang ipalagay ang kama niya sa loob ng OB-GYN clinic, siguradong ginawa na niya. Every check-up, every scan, every prenatal vitamin—he was always there. Lagi siyang nakaalalay, nakaagapay, at kung minsan, mas kabado pa kaysa sa akin. Dalawang linggo na mula nang kumpirmahin namin ang pagbubuntis, at ngayon ay isang espesyal na araw. Pauwi na mula sa business trip abroad si Mommy Darlene. Hindi niya pa alam ang balita, kaya sabik na sabik kami ni Damian na ibahagi ang surpresa—na magiging isa na siyang lola. Nasa loob kami ng malawak na family lounge ng ancestral mansion ng mga Villareal. Hawak ko ang isang piraso ng satin ribbon na nakatali sa maliit na gift box na may laman na baby onesie na may burdado: “See you soon, Lola!” Hinihimas-himas ko ang tiyan ko habang nakaupo sa sofa, sinusubukang pakalmahin ang kaba at kasabikan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala mins