Pa-like, comments, gem votes and rate this book po. Thank you!
Belle's POV Maaga akong nagising kinabukasan, pero hindi dahil sa alarm ng cellphone ko. Kung 'di dahil sa dami ng notifications at messages na pumasok sa phone ko. Napamura ako nang makita ang laman ng inbox ko—mga screenshots ng headlines tungkol sa akin. "Yumi Chan, Magdedemanda Laban sa Asawa ng CEO!" "Villareal Group, Apektado sa Eskandalo ni Belle Ramirez!" "Ex ni Belle, Nagbigay ng Pahayag: ‘Belle has always been jealous of Yumi.’" Halos maihagis ko ang cellphone ko sa sahig. Akala mo kung sinong malinis ang ex kong si Adrian, tapos magpapa-interview na parang siya ang biktima? Mabilis akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Hindi ako papayag na magmukha akong kawawa sa harap ng mga taong ito. Lalaban ako. Paglabas ko ng kwarto, naabutan kong nakaupo si Damian sa sala, hawak ang iPad niya habang seryosong nagbabasa ng balita. Suot niya ang itim niyang three-piece suit, at sa hitsura niya, mukhang may inaasikaso na naman siyang problema—problema ko. "Good morning," bati k
Belle's POV Naiwan akong nakatulala matapos lumabas ni Damian sa opisina ko. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng silid, para bang may kung anong humigop sa lahat ng enerhiya ko. Alam kong mainit ang dugo niya sa ginawa kong press conference, pero hindi ko akalaing ganito siya magre-react. Hindi ko na dapat ikinagulat—ganito naman siya palagi. Laging kontrolado, laging may plano, laging iniisip ang negosyo bago ang emosyon. Pero ako? Hindi ko kayang lunukin na manahimik habang sinisiraan ako ng walanghiya niyang ex na si Yumi Chan. Napahawak ako sa sentido ko. Damn it, Belle. Huwag kang panghinaan ng loob. Makalipas ang ilang minuto, pinilit kong ibalik ang focus ko sa trabaho. Binuksan ko ang laptop at sinimulang basahin ang mga email na kailangan kong sagutin. Pero kahit anong pilit kong ituon ang isip ko sa trabaho, hindi ko maiwasang mapailing. Gusto kong sapakin si Damian sa sobrang inis. Kumatok ang assistant ko, si Rina. "Ma’am Belle, may dumating pong bulaklak para sa
Belle's POV Nagmamadali akong naglakad palabas ng opisina, hindi alintana ang mabilis na pintig ng puso ko. Ramdam ko pa rin ang init ng dugo ko matapos ang sagutan namin ni Damian. Sa loob ng ilang linggo na magkasama kami, hindi pa ako nakaramdam ng ganitong matinding frustration sa kanya. Paano niya nasisikmurang maging ganito kakalma habang binabalahura ako babaeng mang-aagaw? Pagdating sa elevator, pinindot ko agad ang button pababa. Habang hinihintay itong bumukas, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpaka-rattle dahil lang sa kanya. Hindi ako pwedeng magpaka-apekto sa ugali niyang masyadong perpekto para sa sarili niyang mundo. Nag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot nang makita kong si Rina ang tumatawag. "Ma’am Belle! Diyos ko, nakita n'yo na ba ang bagong article na lumabas tungkol sa inyo?" Napatigil ako. "Anong article?" "Sandali, isi-send ko po sa inyo." Maya-maya pa’y dumating ang isang link sa inbox ko. Agad kong pinindot iyon, at sa isan
Belle's POV Pagkatapos ng matinding sagutan sa emergency meeting, agad akong dumiretso sa opisina ko. Halos sumabog ang ulo ko sa galit at pagod, pero hindi ako pwedeng huminto. Pinag-aaralan ko ang draft ng statement na isusulat ni Patricia nang bumukas ang pinto at pumasok si Damian, hindi man lang kumatok. "Ano na naman?" iritadong tanong ko, hindi inalis ang tingin sa laptop screen. "Ang tapang mo talagang magdesisyon nang hindi mo ako kinokonsulta," malamig niyang sabi habang isinara ang pinto. Napairap ako at saka tumingin sa kanya. "Wow. Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin ‘yan, Damian. Para bang may pakialam ka talaga sa akin." Umupo siya sa harap ko, nakataas ang isang kilay. "I do have a say in this. Ang pangalan ko rin ang nadadamay sa issue mo." "Excuse me? Issue ko? Damian, ikaw ang asawa ko. Anuman ang mangyari sa akin, damay ka na rin. Huwag mong sabihin na para kang hindi apektado rito." "Pero hindi ako katulad mo na ang hilig magpadala sa emosyon. Dapat
Belle's POV Pagkapasok ko sa main lobby, bumungad agad sa akin ang pamilyar na presensya niya. Nakangiti siya nang mapanukso habang may hawak na iced coffee, tila ba nang-aasar na naman. Naglakad ako ng diretso, walang balak patulan ang kamalditahan niya. Pero siyempre, hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napipikon. "Oh, look who's here. The fake Mrs. Villareal," malakas niyang sabi, sapat para marinig ng mga empleyado sa paligid. Huminto ako at dahan-dahang humarap sa kanya. "Oh, look who's still obsessed with me. You talk about me more than you talk about your own man, Yumi. Hindi ba dapat masyado kang busy sa relationship mo kay Adrian?" Napangiwi siya pero agad ding nakabawi. "Hindi mo kailangang magselos, Belle. After all, ikaw ang iniwan. Hindi ka na niya mahal." Pinandilatan ko siya. "Mahal? Tingin mo ba kaya kang mahalin ng totoo? Ikaw ang tipong babae na magaling lang sa agawan. Pero kapag nakuha mo na ang gusto mo, hindi mo alam kung paano ito ingatan." Napasin
Belle's POV Mabilis akong naglakad palabas ng opisina ni Damian, hindi inalintana ang mga matang nakasunod sa akin. Wala akong pakialam kung narinig ng buong kumpanya ang sigawan namin. Wala akong pakialam kung ano pa ang isipin nila. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lalaking walang ginawa kundi saktan ako gamit ang matatalim niyang salita. Pagdating ko sa parking lot, agad akong sumakay sa kotse ko at mabilis na pinaharurot iyon paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero isang bagay lang ang sigurado ako—hindi ako makakauwi sa penthouse na ‘yon. Hindi ko kayang makita si Damian. Hindi ko kayang makasama siya sa iisang bubong matapos ang lahat ng sinabi niya. Ang sakit ng mga sinabi niya. Para siyang isang patalim na paulit-ulit akong hinihiwa sa bawat insultong binibitawan niya. Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko? Hindi pa ba sapat na iniwan ako ng ex ko para sa babaeng tinuring kong kaibigan noon? Ngayon, pati asawa ko, sinisisi ako sa lahat ng
Belle's POV Napangiwi ako nang magising kinabukasan dahil sa matinding sakit ng ulo. Para akong ginilitan ng sentido sa tindi ng hangover. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at napahawak sa noo ko. "Ugh... I swear, never again!" bulong ko sa sarili ko. Napasulyap ako sa cellphone kong nasa bedside table at agad itong kinuha. Sa loob-loob ko, may kung anong bahagi ng puso ko ang umaasa na makikita ko ang pangalan ni Damian sa screen—kahit isang text man lang. Pero wala. Zero. Blanko. Ni isang missed call, wala. Napangisi ako nang mapait. So ganito lang ‘yon? Gano’n lang ako kadaling kalimutan? Tinapon ko ang phone sa kama at napabuntong-hininga. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak pumasok sa opisina ngayon. Ano namang dahilan ko para pumasok? Para makita na naman ang Damian Villareal na wala namang pake kung umalis ako o hindi? Para panoorin si Yumi Chan na lumandi sa asawa ko sa harapan ko? "Over my dead body." Pinikit ko ang mga mata ko at pwersahang pinakalm
Damian's POV Hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng eksena ngayong gabi. Ang buong plano ko ay lumabas, uminom ng kaunti, at kahit papaano ay mag-relax. Hindi ko inakala na makikita ko rito si Belle—at mas lalong hindi ko inakala na makikita ko siyang nakikipagsayaw sa ibang lalaki. At ngayon? Ngayon, nasa harapan ko siya, nakangiti sa lalaking iyon na para bang ako lang ang hindi narito. Tangina. Dapat wala akong pakialam. Dapat wala akong maramdaman. Pero putangina, hindi ko mapigilan ang matinding selos na unti-unting sumisirit sa dugo ko nang makita ko ang paglapat ng labi niya sa pisngi ng lalaking iyon. Lucas. Tiningnan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa. Malinis, mukhang edukado, at halatang may kaya sa buhay. Pero sa paningin ko? Isa lang siyang patay-gutom na gustong sumawsaw sa isang bagay na hindi niya pag-aari. Dahil si Belle ay asawa ko. Wala siyang karapatang halikan kahit pisngi nito. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, mabilis akong lumapit sa kanila at wal
Damian's POV Nagising ako sa malamig na espasyo sa tabi ko.Agad akong bumangon, inabot ang gilid ng kama kung saan dapat ay nakahiga si Belle, pero walang ibang naroon kundi ang bahagyang lukot na kumot at ang amoy niyang naiwan sa unan.Mabilis akong lumabas ng kwarto, umaasang matatagpuan siya sa sala o sa kusina, pero walang Belle na sumalubong sa akin.Napamura ako sa sarili.Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at tinawagan siya.Isang beses. Dalawang beses. Tatlong beses.Pero wala. Patay ang phone niya."Lintek!" napabulalas ako, pinipigilan ang bugso ng kaba sa loob ko.Hindi siya maaaring umalis. Hindi siya pwedeng basta na lang mawala.Damn it, Belle.Kahapon lang, ramdam kong bumigay na siya sa akin. Ramdam kong nagbukas na siya, na kahit papaano ay may puwang na akong nakuha sa puso niya. Pero ngayon, bigla na lang siyang nawala na parang bula?Hindi puwedeng ganito lang 'yon.Binalot ng tensyon ang dibdib ko habang pababa ako sa hagdan. Malamang nasa
Damian's POV Tahimik ang biyahe namin pauwi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang ingay ng makina at ang mababaw na paghinga ni Belle. Nakatingin siya sa labas ng bintana, hindi ko alam kung nagmamatigas lang siya o iniisip ang nangyari kanina.Ang kaninang tensyon sa pagitan namin ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko rin alam kung anong mas matimbang—ang inis ko dahil sa pagiging stubborn niya o ang hindi mapigilang pagnanasa kong muli siyang mahawakan.Hindi ko na lang pinansin ang pangungutya ng utak ko. Mas mabuting manatili na lang akong tahimik.Pero puta, ang hirap.Gustong-gusto kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong ipaalala sa kanya ang halik na hindi niya nagawang iwasan kanina. Pero nagtiis ako. Hanggang sa makarating kami sa penthouse.Pagkapasok namin sa loob, dumiretso agad siya sa hagdan, halatang iniiwasan ako."Hindi mo ba balak mag-usap?" tanong ko, hindi ko na matiis ang katahimikan.Huminto siya saglit sa gitna ng hagdan, hindi lumilingo
Damian's POV Nakahinto pa rin ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sa loob ng makipot na espasyo ng kotse, nanatiling nakakapit ang tingin ko kay Belle—ang mga mata niya nag-aapoy sa galit, pero sa ilalim ng matalim na tingin na ‘yon, may isang bagay na hindi niya maitago.Desperadong itinulak niya ako palayo. "Damian, tama na!" sigaw niya, pero kahit siya ay alam na huli na ang lahat.Napangisi ako. "Tama na? Bakit? Natatakot kang aminin ang totoo?""Anong totoo?!"Napailing ako, pinagpapasensyahan ang kakulitan niya."The truth that you liked that kiss, Belle."Bakas sa mukha niya ang frustration. Hindi niya maamin, hindi niya matanggap. At lalo akong naiinis sa kakulangan niya ng honesty."Alam mo, Damian?" Nagpahid siya ng labi niya gamit ang likod ng palad niya, animo'y may lason ang halik ko. "Napakasama mong tao! Walang kang respeto sa akin!"Napatawa ako nang mapait. "Respect? Belle, huwag mo akong turuan tungkol sa respeto. Dahil sa atin dalawa, ikaw ang mas walang respeto sa s
Damian's POV Pagkalabas na pagkalabas namin ng bar, nagsimula na agad si Belle sa walang katapusang litanya niya. "Damian! Ano bang problema mo?!" sigaw niya habang pilit na hinahatak ang braso niya mula sa hawak ko. "Ikaw ang problema ko," sagot ko nang hindi man lang nilingon siya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa parking lot, habang siya naman ay pilit na nagpupumiglas. "Let me go!" mariing sabi niya, pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya. "Bakit? Para makabalik ka sa loob at magpasilip pa sa ibang lalaki?" tumaas ang tono ng boses ko. Napahinto siya at tuluyang nabawi ang kamay niya mula sa akin. "Excuse me?!" Nakasalubong ko ang nag-aapoy niyang mga mata. "I am not—" "Not what, Belle?" madiin kong tanong habang unti-unti akong lumalapit sa kanya. "Not enjoying the attention? Huwag mo akong gawing tanga. Nakita ko kung paano ka tinitingnan ng mga lalaki sa loob. At anong ginawa mo? Hinayaan mo lang!" Nagtaas siya ng kilay. "So, kasalanan ko na nga
Damian's POV Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa party na 'to. Alam ko namang hindi ko magugustuhan. Ang ingay ng music, ang siksikan ng mga tao, at higit sa lahat—ang suot ni Belle.Damn.Nang makita ko siya kanina, halos mawalan ako ng hininga. The dress she wore clung to her body like second skin, highlighting every curve, every inch of her that should only be for my eyes. Pero ang mas lalong nagpainit sa ulo ko? Ang mga lalaking hindi mapakali sa tuwing nadadaan siya.Tulad na lang ngayon.Mula sa kinalalagyan ko, kitang-kita ko kung paano siya sinusundan ng tingin ng halos kalahati ng kalalakihan dito. They weren’t even trying to be discreet. May ilan pang mukhang nagbabalak lumapit sa kanya, pero dahil nandito ako, hindi sila makalapit. Tama lang. Dahil kapag may lumapit? Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila."Damian, relax," bulong ni Belle habang inaabot ang isang cocktail mula kay Bea. "Parang gusto mo nang gulpihin lahat ng lalaki rito, eh.""Kung may paraan l
Belle's POV Pagpasok pa lang namin sa exclusive bar kung saan ginaganap ang birthday party ni Bea, alam ko na agad na hindi mapapakali si Damian. His entire aura screamed disapproval—mula sa pagtaas ng kilay niya sa malalakas na music hanggang sa paraan ng pag-scan niya sa paligid na parang may hinahanap na kaaway. But what really set him off was my outfit. “Belle.” His voice was sharp as he leaned down towards me. “Ano ‘yang suot mo?” Napairap ako at mabilis na lumayo sa kanya bago pa niya ako mahawakan. “Damit.” “You call that a dress?” Napatigil ako sandali at binalingan siya. “Anong problema mo sa dress ko?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, and I could literally feel his disapproving gaze. My dress was a silky, backless number that hugged my curves just right. Medyo above the knee, but nothing too scandalous. At least, not in my opinion. “You’re practically naked,” he hissed. Napahinto ako sa gitna ng dance floor at tumingala sa kanya, nakapamewang. “Naked? Damia
Belle's “Damian, pupunta ako sa party ni Bea sa Friday.” Itinaas ko ang tingin mula sa phone ko at tiningnan si Damian na kasalukuyang abala sa pagtali ng necktie niya sa harap ng salamin. Kadarating lang namin sa penthouse mula sa trabaho, at ngayon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanya ang tungkol sa imbitasyon ni Bea. Nagtagal ng ilang segundo bago siya sumagot, pero hindi niya ako nilingon. “No.” Napakunot ang noo ko. “No?” Binitiwan niya ang necktie at saka humarap sa akin, nakataas ang isang kilay. “Hindi ka pupunta.” I stared at him, baffled. “What do you mean, ‘hindi ako pupunta?’ Damian, kaibigan ko si Bea. Birthday niya. Siyempre kailangan kong pumunta!” He exhaled sharply. “I don’t care. You’re not going.” Napasinghap ako sa sobrang inis. “Excuse me? Sino ka para pagbawalan ako?” Tumawa siya nang sarcastic. “Sino pa ba? Asawa mo ako, Belle.” “Oh, wow. Ngayon mo lang naisip na asawa mo ako? Kapag gusto mong kontrolin ang kilos ko?” Naglakad siya
Belle's POV Naramdaman ko agad ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko nang magising ako kinabukasan. Pilit kong idinilat ang mga mata ko at napabuntong-hininga habang kinakalma ang sariling puso.Tila hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Mula sa muling pagharap ko kay Adrian hanggang sa pagsuntok ni Damian sa kanya—at higit sa lahat, ang huli kong ginawa bago kami umuwi.I kissed him.Napapikit ako habang niyayakap ang unan.Ano ba kasing pumasok sa isip ko? Bakit ko siya hinalikan sa pisngi? Lalo ko lang pinapalala ang sitwasyon namin!Mabilis akong napailing. Hindi. Hindi dapat ako mag-overthink. Siguro, nadala lang ako ng emosyon. Siguro, isang paraan lang ‘yon ng pasasalamat kay Damian sa pagtatanggol niya sa akin.Bumaba ako ng kama at naghilamos bago bumaba. Hindi pa ako gaanong nakakain kagabi, kaya ramdam kong kumakalam ang sikmura ko.Pagdating ko sa dining area, saglit akong natigilan sa nasaksihan ko.Si Damian ay nakatayo sa gilid ng mesa habang inaay
Belle's POV Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang paglayo ni Damian patungo sa restroom. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko matapos niyang itaboy si Yumi. Hindi ko rin maitatangging may kaunting satisfaction akong naramdaman nang makita kong napahiya ang babae. Pinakialaman ko ang baso ng tubig sa harapan ko, pilit na itinataboy ang kung anumang emosyon ang unti-unting lumalabas sa sistema ko. Hindi dapat. Hindi ko dapat hinahayaang magkaroon ng puwang si Damian sa puso ko. Contract marriage lang ‘to. Walang emosyon. Walang tunay na pagmamahal. Pero bakit may kung anong init sa dibdib ko kanina nang ipagtanggol niya ako? Napailing ako. Hindi. Hindi ko dapat isipin ‘yun. Siguro ay napagod na lang siya sa pambabastos ni Yumi. ‘Yun lang ‘yon. Walang iba. Sakto namang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may biglang tumabi sa akin. "Belle." Halos matapon ang tubig mula sa baso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Unti-unti a