Five Chapters para sa unang araw ng buwan!
Belle's POV Pagkatapos ng matinding sagutan sa emergency meeting, agad akong dumiretso sa opisina ko. Halos sumabog ang ulo ko sa galit at pagod, pero hindi ako pwedeng huminto. Pinag-aaralan ko ang draft ng statement na isusulat ni Patricia nang bumukas ang pinto at pumasok si Damian, hindi man lang kumatok. "Ano na naman?" iritadong tanong ko, hindi inalis ang tingin sa laptop screen. "Ang tapang mo talagang magdesisyon nang hindi mo ako kinokonsulta," malamig niyang sabi habang isinara ang pinto. Napairap ako at saka tumingin sa kanya. "Wow. Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin ‘yan, Damian. Para bang may pakialam ka talaga sa akin." Umupo siya sa harap ko, nakataas ang isang kilay. "I do have a say in this. Ang pangalan ko rin ang nadadamay sa issue mo." "Excuse me? Issue ko? Damian, ikaw ang asawa ko. Anuman ang mangyari sa akin, damay ka na rin. Huwag mong sabihin na para kang hindi apektado rito." "Pero hindi ako katulad mo na ang hilig magpadala sa emosyon. Dapat
Belle's POV Pagkapasok ko sa main lobby, bumungad agad sa akin ang pamilyar na presensya niya. Nakangiti siya nang mapanukso habang may hawak na iced coffee, tila ba nang-aasar na naman. Naglakad ako ng diretso, walang balak patulan ang kamalditahan niya. Pero siyempre, hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napipikon. "Oh, look who's here. The fake Mrs. Villareal," malakas niyang sabi, sapat para marinig ng mga empleyado sa paligid. Huminto ako at dahan-dahang humarap sa kanya. "Oh, look who's still obsessed with me. You talk about me more than you talk about your own man, Yumi. Hindi ba dapat masyado kang busy sa relationship mo kay Adrian?" Napangiwi siya pero agad ding nakabawi. "Hindi mo kailangang magselos, Belle. After all, ikaw ang iniwan. Hindi ka na niya mahal." Pinandilatan ko siya. "Mahal? Tingin mo ba kaya kang mahalin ng totoo? Ikaw ang tipong babae na magaling lang sa agawan. Pero kapag nakuha mo na ang gusto mo, hindi mo alam kung paano ito ingatan." Napasin
Belle's POV Mabilis akong naglakad palabas ng opisina ni Damian, hindi inalintana ang mga matang nakasunod sa akin. Wala akong pakialam kung narinig ng buong kumpanya ang sigawan namin. Wala akong pakialam kung ano pa ang isipin nila. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lalaking walang ginawa kundi saktan ako gamit ang matatalim niyang salita. Pagdating ko sa parking lot, agad akong sumakay sa kotse ko at mabilis na pinaharurot iyon paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero isang bagay lang ang sigurado ako—hindi ako makakauwi sa penthouse na ‘yon. Hindi ko kayang makita si Damian. Hindi ko kayang makasama siya sa iisang bubong matapos ang lahat ng sinabi niya. Ang sakit ng mga sinabi niya. Para siyang isang patalim na paulit-ulit akong hinihiwa sa bawat insultong binibitawan niya. Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko? Hindi pa ba sapat na iniwan ako ng ex ko para sa babaeng tinuring kong kaibigan noon? Ngayon, pati asawa ko, sinisisi ako sa lahat ng
Belle's POV Napangiwi ako nang magising kinabukasan dahil sa matinding sakit ng ulo. Para akong ginilitan ng sentido sa tindi ng hangover. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at napahawak sa noo ko. "Ugh... I swear, never again!" bulong ko sa sarili ko. Napasulyap ako sa cellphone kong nasa bedside table at agad itong kinuha. Sa loob-loob ko, may kung anong bahagi ng puso ko ang umaasa na makikita ko ang pangalan ni Damian sa screen—kahit isang text man lang. Pero wala. Zero. Blanko. Ni isang missed call, wala. Napangisi ako nang mapait. So ganito lang ‘yon? Gano’n lang ako kadaling kalimutan? Tinapon ko ang phone sa kama at napabuntong-hininga. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak pumasok sa opisina ngayon. Ano namang dahilan ko para pumasok? Para makita na naman ang Damian Villareal na wala namang pake kung umalis ako o hindi? Para panoorin si Yumi Chan na lumandi sa asawa ko sa harapan ko? "Over my dead body." Pinikit ko ang mga mata ko at pwersahang pinakalm
Damian's POV Hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng eksena ngayong gabi. Ang buong plano ko ay lumabas, uminom ng kaunti, at kahit papaano ay mag-relax. Hindi ko inakala na makikita ko rito si Belle—at mas lalong hindi ko inakala na makikita ko siyang nakikipagsayaw sa ibang lalaki. At ngayon? Ngayon, nasa harapan ko siya, nakangiti sa lalaking iyon na para bang ako lang ang hindi narito. Tangina. Dapat wala akong pakialam. Dapat wala akong maramdaman. Pero putangina, hindi ko mapigilan ang matinding selos na unti-unting sumisirit sa dugo ko nang makita ko ang paglapat ng labi niya sa pisngi ng lalaking iyon. Lucas. Tiningnan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa. Malinis, mukhang edukado, at halatang may kaya sa buhay. Pero sa paningin ko? Isa lang siyang patay-gutom na gustong sumawsaw sa isang bagay na hindi niya pag-aari. Dahil si Belle ay asawa ko. Wala siyang karapatang halikan kahit pisngi nito. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, mabilis akong lumapit sa kanila at wal
Damian's POV Naramdaman ko ang paninigas ng buong katawan niya. Nagpumiglas siya, pero hindi ko siya hinayaang makawala. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga, ang bahagyang panginginig ng kanyang katawan, at ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Damn it. Hindi ko dapat ginagawa ‘to. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa simula, hindi siya gumanti. Alam kong gulat siya sa ginawa ko. Pero nang maramdaman kong medyo lumalambot ang kanyang mga labi, akala ko may pag-asa akong mapatunayang hindi niya kayang labanan ang halik ko. Bigla niyang kinagat ang labi ko. "Tangina, Belle!" napamura ako nang maramdaman ang sakit. Napaatras ako, hawak ang labi kong may bahagyang dugong lumabas. Bago ko pa siya masermunan sa ginawa niya, dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ko. Nanlilisik ang mata niya habang tinititigan ako na parang gusto akong sunugin nang buhay. "Putangina mo, Damian!" sigaw niya, puno ng galit ang boses. "Ano bang akala mo sa’kin, ha?! Na basta mo na lang
Damian's POV Nang lingonin ko si Belle, nakaupo na siya sa kalsada . Napabuntong-hininga ako at binalikan siya. "Bakit ka bumalik?" pagtataray niya. "Iuuwi na kita," kalmadong sabi ko. "Ayoko!" Humugot ako ng malalim na hininga at binuhat siya. Napamura ako nang bigla niyang kagatin ang tainga ko at sinubokang bumaba. Ipinasok ko siya sa loob ng kotse ko at hinawakan ng mahigpit ang braso niya nang subokan niyang tumakbo. "Hahalikan ulit kita kung hindi ka sasama sa akin," pagbabanta ko. Palihim akong ngumiti at isinara ang pinto. Sinulyapan ko si Belle nang makapasok na ako sa driver's seat. Napabuga ako ng hangin nang magtama ang mga mata namin. "Matulog ka muna," saad ko at binuhay ang makina ng kotse. *** Pagdating namin sa bahay, napansin kong nakatulog pala si Belle sa biyahe. Maingat ko siyang binuhat hanggang sa nakarating kami sa kaniyang silid. Nang ibaba ko siya bigla na lang siyang napahawak sa akin. "Tangina, Belle!" Halos mabali ang leeg ko sa gul
Belle's POV Mahapdi ang mata ko. Parang may humahampas na maso sa ulo ko. Napangiwi ako at napasinghap ng hangin. Putangina. Hangover. Pumikit ako ulit, nag-iipon ng lakas para bumangon, pero bigla akong natigilan. May kakaiba. Mainit ang paligid. Hindi dahil sa sikat ng araw na pumapasok sa kwarto, kundi dahil sa isang bagay—o isang tao—na nakadikit sa katawan ko. Nagmulat ako ng mata, at doon ko na-realize ang isang bagay na nagpabangon sa 'kin nang parang na-electrocute. Si Damian ay nakahiga sa tabi ko nang n*******d. Okay, hindi naman totally hubad, pero naka-boxers lang siya at nakalitaw ang matipunong dibdib niya. Ang gwapo pa rin niya kahit tulog. Napalunok ako. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. Nagkipag-inuman ako. Nagwala sa harap ni Damian. Naghalikan kami. Gusto kong mauntog sa pader. Dahan-dahan akong gumapang palayo, pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, biglang gumalaw si Damian at umungol nang bahagya. Napahinto ako sa paggalaw. Nagdasal ako
Belle's POV Maagang tumunog ang cellphone ko, ang soft chime nito ay parang bumabasag sa tahimik na umaga. Medyo antok pa ako, ngunit nang makita ko ang pangalan na naka-display sa screen—Mrs. Darlene Villareal—agad akong napabangon.Napakagat-labi ako habang tinititigan ang pangalan. Hindi ko inaasahan na tatawagan ako ng mismong ina ni Damian. Sa ilang araw kong pananatili sa kanilang estate, hindi pa kami masyadong nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang matagal. Magalang naman siya sa akin, pero nararamdaman ko pa rin ang subtle distance sa pagitan namin.Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. “Good morning, Mrs. Montiero.”“Good morning, Belle,” ang boses niya ay elegante at kalmado. “Are you free today?”Napakurap ako. “Uh… yes, po.”“Good,” sagot niya. “I’d like to take you shopping. Just the two of us.”Halos mahulog ako sa kama sa gulat. Did I hear that right?“A-Ako po?”“Yes. Be ready in an hour. Damian already knows. I’ll have the driver pick you up.”Bago pa ako makas
Belle’s POV Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng mga hininga namin at ang malambot na alon na humahaplos sa dalampasigan. Ang mga labi ni Damian ay nakakabit pa rin sa mga labi ko, at sa sandaling iyon, nakalimutan ko na kung nasaan kami at kung sino kami. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Damian—ang init ng katawan niya, ang haplos ng kanyang mga kamay, at ang pakiramdam na ako lang ang babae sa buong mundo. Ramdam ko ang matinding emosyon ni Damian sa halik na iyon. Hindi lang ito basta pagnanasa; ito ay lahat ng nararamdaman niya na matagal nang nakatago. Ang tensyon sa pagitan namin ay matagal nang nabuo—mga araw, linggo ng mga hindi nasabi at hindi naipaliwanag—at ngayon na kami ay magkasama, talagang magkasama, parang may isang bagay kaming binubuksan na mas malalim pa. “Belle,” mahina niyang bulong habang binibreak ang halik. Ang noo niya ay dumampi sa noo ko, at pareho kaming humihingal. “I’m not going to lie. You’re making it hard for me to control myself.” Buman
Belle’s POV After breakfast, Damian kept his promise. We left the Villarreal estate, escaping the suffocating atmosphere of silent judgments and unspoken words. He drove in silence, his grip on the steering wheel tight. His jaw clenched, his mind obviously replaying everything that had happened earlier. Alam kong hindi pa rin niya natatanggap ang mga pang-iinsulto ni Violeta. I reached out and placed my hand over his, my fingers gently brushing against his knuckles. “Damian, relax.” He let out a slow breath. “I hate them.” I let out a small chuckle. “No, you don’t. You’re just mad.” “I’m not mad,” he countered. “I’m furious.” Napatingin ako sa kaniya, watching the storm brewing in his eyes. He was a man who always had control over every situation, but when it came to me, he was different—reckless, possessive, and ready to burn the world down if it meant keeping me safe. "You don't have to fight everyone for me, Damian," I said softly. He scoffed. “You’re my wife. They should
Belle’s POV Morning light seeped through the curtains, painting golden streaks across the room. Damian’s arms were still wrapped tightly around me, as if refusing to let me go. His breathing was even, his chest rising and falling against my back. For a moment, I allowed myself to stay still, savoring the warmth of his embrace. After what happened last night, his presence felt like a protective cocoon, shielding me from the cruel world outside. Pero hindi ako mananatili lang dito. I needed to get up. I needed to breathe. Dahan-dahan akong kumawala mula sa pagkakayakap niya, careful not to wake him. Nang makatayo ako, dumiretso ako sa bintana, tinanaw ang malawak na hardin ng mansion. Everything looked peaceful, yet inside me, a storm still raged. Violeta’s words echoed in my mind. “You don’t belong here.” “You’re just hopping from one Villarreal to another.” “Damian deserves someone better.” Napalunok ako, my fingers curling against the windowsill. I thought I was stronger than
Belle's POV Nakahiga ako sa kama, nakabalot sa malambot na kumot na ipinilit ni Damian na itakip sa akin. He sat on the edge of the bed, his elbows resting on his knees, his hands clasped tightly together—his entire posture radiating tension. Tahimik lang siya, but the storm in his eyes was impossible to miss. Alam kong gigil na gigil siyang harapin si Violeta, pero pinili niyang manatili sa tabi ko. “Damian,” I called softly. He didn't respond immediately. Instead, he exhaled sharply before running a hand down his face. “You need to rest, Belle.” Alam kong iniwasan niya lang ang gusto kong pag-usapan, pero hindi ako papayag na hayaan siyang magpakain sa galit. I reached out and touched his arm. “Damian, look at me.” His muscles tensed under my touch, but he obeyed. Slowly, he turned to face me, his dark eyes locking onto mine. “I should have been there sooner,” he muttered, his voice tight with frustration. “I should have—” I placed my hand over his, stopping him. “You were t
Belle's POV The night had been going smoothly—or so I thought. Habang abala ako sa pagmamasid sa engrandeng pagtitipon, hindi ko maiwasang mapangiti nang makita si Damian na kausap ang ilang bisita, his demeanor confident yet effortless. His mother, Darlene Villareal, stood proudly beside him, beaming with approval. For a moment, I let myself breathe, sipping on my wine as I tried to blend into the background. Ngunit ang katahimikan ko ay hindi nagtagal nang lumapit sa akin si Violeta—the woman who exuded elegance yet carried an air of superiority that was impossible to ignore. I felt her gaze rake over me, mula ulo hanggang paa, her perfectly arched brows slightly raised as if she couldn’t believe what she was seeing. "Here we go," I thought, keeping my face neutral. “Ex-fiancé mo si Adrian Villareal, right?” she asked, her tone dripping with mockery. Hindi ako agad sumagot. I simply lifted my glass and took a slow sip of wine, my eyes flickering toward Damian, who was still en
Belle's POV Nakaupo ako sa harap ng isang full-length mirror habang si Damian ay abala sa paghahalungkat ng mga designer dresses na pinadala ng isang high-end boutique. Mula kanina, hindi na siya tumigil sa pagsasalansan ng iba't ibang damit na gusto niyang ipasuot sa akin para sa upcoming family gathering."Try this one," he said, handing me a sleek, champagne-colored gown. "I think this will look good on you."Napatingin ako sa kanya at napairap nang bahagya. "Damian, I’ve tried ten dresses already."He smirked, obviously enjoying my misery. "And we’re just getting started, sweetheart."Napabuntong-hininga na lang ako. I knew this was important for him, so kahit pagod na ako sa paulit-ulit na pagsukat, I let him do his thing.He was surprisingly good at choosing outfits. Alam ko namang may taste talaga siya pagdating sa fashion, pero hindi ko in-expect na ganito siya ka-particular sa bawat detalye. Lahat ng gowns na ipinapasuot niya sa akin ay elegante, pero may halong sensuality—s
Damian's POV Nagising ako sa malamig na pakiramdam sa tabi ko. Wala si Belle. Agad akong bumangon, bumaba ang kamay ko sa kama, hinahanap ang init ng katawan niya. Ngunit ang natagpuan ko lang ay ang malamig na espasyo kung saan siya dapat nakahiga. Napakunot ang noo ko. Anong oras na ba? Dumiretso ako sa bedside table at kinuha ang phone ko. Alas otso na ng umaga. Nag-inat ako at tumayo mula sa kama. Hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na gumising nang wala siya sa tabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang hindi buo ang umaga ko nang hindi siya ang unang taong nakikita ko. Napailing ako sa sarili ko. Damn it, Damian. You’re getting too attached. Isinuot ko ang isang plain black shirt at lumabas ng kwarto. Habang bumababa ako ng hagdanan, biglang bumungad sa akin ang isang malakas na sigaw. "Ay! Huwag mo akong niloloko, Belle! Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa anak kong ‘yun!" Nanlaki ang mga mata ko. Si Mom? Napabilis ang hakbang ko pababa, nag-aalala
Damian's POV Tahimik ang paligid nang makarating ako sa penthouse. Tanging ang mahinang tunog ng wall clock ang bumati sa akin. Hindi ko na nagawang alisin ang suot kong coat, mabilis akong naglakad papasok sa loob, hinahanap ang presensya ni Belle.Nang marating ko ang living room, doon ko siya nakita.Mahimbing siyang natutulog sa sofa, suot pa rin ang kanyang work clothes. Nakapatong sa kandungan niya ang laptop, bukas pa rin ang screen. Mukhang napagod siya sa pagtatrabaho at hindi na nagawang lumipat sa kama.Napailing ako."Lagi mo na lang pinapagod ang sarili mo," bulong ko, lumalambot ang boses ko nang hindi ko namamalayan.Lumapit ako sa kanya at maingat na inalis ang laptop mula sa kandungan niya. Inayos ko ang gamit niya sa mesa at siniguradong walang babagsak o masisira. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, hindi ko mapigilang titigan siya.Maliwanag ang ilaw mula sa lampshade kaya kitang-kita ko ang maamong mukha ni Belle. Mahinahon ang kanyang paghinga, ang mahaba niy