"ARE YOU DAMN CRAZY?!" Namula ang pisngi ni Czarina sa hiya dahil sa lakas ng sigaw ni Zayden, ang kanyang asawa. Napatingin ang karamihan ng tao sa gawi nila.Sa kabila ng bulungan, ay nanginginig pa rin sa takot at sa lamig si Czarina habang balot na balot ng tuwalya."Nakita mo na ang ginawa mo? If you want to die, die alone. Huwag kang mandamay ng ibang tao," galit na sabi ni Zayden. Madilim ang mukha nito at hindi na kinokontrol ang sinasabi."Bro, stop it, you're scaring her--"Itinulak ni Zayden ang kamay na humarang sa kanya kay Czarina. Kinakabahan ang babae sa mga mata ni Zayden, na animo'y handa siyang saktan ano mang oras. Namumula na ang pisngi at ilong ni Czarina at mukha na itong kaawa-awa pero walang pakielam doon si Zayden."Zi--" nanginginig na sabi ni Czarina."Stop calling me with that name!" Dumagundong sa buong area ng pool ang boses ni Zayden. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito, ha? Bakit ba lagi mo nalang sinasaktan si Chloe? May masama ba siyang ginawa s
Huling Na-update : 2025-02-07 Magbasa pa