Umuwi muna ng bahay si Czarina bago puntahan si Zayden. Nadatnan niya sa bahay ang mga magulang pati na rin ang lolo at lola nito na tila kanina pa siya inaabangan. Nandoon din ang isa nitong tiyahin."Ano'ng meron?" natatawa niyang sabi.Totoong excited na siya ngayong araw. Gusto na rin niyang matapos ang lahat ng ito at ayaw na niyang magkaroon pa ng ugnayan sa kahit na kanino kila Chloe at Zayden."Good luck sa divorce mo today, hija," sabi ng tita niya at niyakap siya.Yumakap pabalik si Czarina at muling hinarap ang pamilya. Masaya silang lahat na sa wakas ay natauhan na siya. Ito ang mga tanong binigo niya noon para piliin ang lalaking sinayang ang ilang taon ng buhay niya."Hindi ka naman magpapauto ulit doon, ano?" nananantiyang sabi ng lola niya na para bang magbabago pa ang isip niya ano mang oras. "Magiging successful naman ito, 'di ba? Hindi na magbabago pa ang isip niyo?" Tumayo ang mommy niya at hinawakan ang kamay ni Czarina. "Anak, madami pang lalaki diyan na mas bet
Last Updated : 2025-03-15 Read more