Umuwi muna ng bahay si Czarina bago puntahan si Zayden. Nadatnan niya sa bahay ang mga magulang pati na rin ang lolo at lola nito na tila kanina pa siya inaabangan. Nandoon din ang isa nitong tiyahin."Ano'ng meron?" natatawa niyang sabi.Totoong excited na siya ngayong araw. Gusto na rin niyang matapos ang lahat ng ito at ayaw na niyang magkaroon pa ng ugnayan sa kahit na kanino kila Chloe at Zayden."Good luck sa divorce mo today, hija," sabi ng tita niya at niyakap siya.Yumakap pabalik si Czarina at muling hinarap ang pamilya. Masaya silang lahat na sa wakas ay natauhan na siya. Ito ang mga tanong binigo niya noon para piliin ang lalaking sinayang ang ilang taon ng buhay niya."Hindi ka naman magpapauto ulit doon, ano?" nananantiyang sabi ng lola niya na para bang magbabago pa ang isip niya ano mang oras. "Magiging successful naman ito, 'di ba? Hindi na magbabago pa ang isip niyo?" Tumayo ang mommy niya at hinawakan ang kamay ni Czarina. "Anak, madami pang lalaki diyan na mas bet
"ARE YOU DAMN CRAZY?!" Namula ang pisngi ni Czarina sa hiya dahil sa lakas ng sigaw ni Zayden, ang kanyang asawa. Napatingin ang karamihan ng tao sa gawi nila.Sa kabila ng bulungan, ay nanginginig pa rin sa takot at sa lamig si Czarina habang balot na balot ng tuwalya."Nakita mo na ang ginawa mo? If you want to die, die alone. Huwag kang mandamay ng ibang tao," galit na sabi ni Zayden. Madilim ang mukha nito at hindi na kinokontrol ang sinasabi."Bro, stop it, you're scaring her--"Itinulak ni Zayden ang kamay na humarang sa kanya kay Czarina. Kinakabahan ang babae sa mga mata ni Zayden, na animo'y handa siyang saktan ano mang oras. Namumula na ang pisngi at ilong ni Czarina at mukha na itong kaawa-awa pero walang pakielam doon si Zayden."Zi--" nanginginig na sabi ni Czarina."Stop calling me with that name!" Dumagundong sa buong area ng pool ang boses ni Zayden. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito, ha? Bakit ba lagi mo nalang sinasaktan si Chloe? May masama ba siyang ginawa s
"LET GO OF ME!" naiinis na sabi ni Czarina at itinulak ang kamay ng lalaki. "Hindi ako sasama sa'yo at hindi ako magso-sorry sa babaeng iyon.""Ganyan ka ba talaga? Wala kang puso? You almost killed her!" marahas na wika ni Zayden. Pumikit ng mariin si Czarina. Kung may muntik mang mamatay dito ay siya iyon at hindi si Chloe.Masama naman ang tingin ni Zayden kay Czarina. Hindi niya lubos akalain na ganito kasama ang babae. Habang tumatagal ay lumalala ang mga ginagawa nito at hindi niya na hahayaan na mas grumabe pa iyon. He is determined to make her apologize."Kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi ako magso-sorry sa kanya," ani Czarina.Nagulat si Zayden sa naging pagsagot nito."Inilalabas mo na ba ang tunay na kulay mo after many years?" Nagtaas ng kilay si Zayden. Kumibot-kibot ang labi nito na tila marami pang gustong sabihin.Suminghal si Czarina at hindi makapaniwalang tiningnan si Zayden."You don't respect me at all, do you?" tanong niya sa lalaki. "Just because of that gir
EMOSYONAL NA NAKATINGIN si Czarina sa malinis na kwarto sa kanyang harapan. Nakalagay na sa mga maleta ang gamit niya. Sa bed side table ay ang picture frame na kuha noong kasal nila. Walang seremonya o selebrasyon. Larawan lang iyon nilang dalawa ni Zayden na nakaupo at may hawak na ballpen para pirmahan ang marriage certificate. She knew better. Noon pa man ay alam na niyang hindi naman talaga siya ang gusto ng lalaki. Pero naghabol pa rin siya hanggang sa makarating kung nasaan siya ngayon.Hurt, wounded, and broken.Malungkot niyang pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang mata at tumalikod na upang humakbang na palayo. Tahimik ang bahay at sanay na siya roon. She feels lonely being there. Pero tiniis niya. Because she wants to be the home he'll went back to, always."Ilagay ko na sa sasakyan lahat ito, Cza?"Lumingon siya kay Gardo, ang long-time family driver nila. Tumawag na siya agad sa pamilya niya nang mapagdesisyonan na tapusin na ang lahat sa kanila ni Zayden."Sige, kuya
"DIVORCED?" Nanlalaki ang mga mata ni Calix nang marinig at makita sa personal na inanunsyo iyon ni Czarina.Nilingon niya ang katabing lalaki na kanina pa galit na galit na nakatingin kay Czarina.Yes, he was there. Naroon sa mismong bar na iyon si Zayden at matamang nakamasid. Dismayado siya sa nakikita pero pinipigilan niya ang sariling gumawa ng eksena."Wait, so, ang ibig sabihin ba no'n ay--""Shut up!" iritadong sabi ni Zayden kay Calix. He gritted his teeth in anger. Tumingin siya sa malayo at pilit kinalma ang sarili. Nang medyo kumalma na ang pakiramdam niya ay bigla namang nagsigawan ang lahat at bigla siyang napalingon. And there, he saw a drunk woman dancing sexily in front of the crowd. Nasa gilid lang nito si Vince na nakahawak sa bewang niya, nakangiti, at tila proud na proud kay Czarina."Fvck. She's too drunk," sabi ni Zayden.Wala sa sariling naglakad siya patungo sa gitna at hinila ang palapulsuhan ni Czarina.Nag-angat ng tingin si Czarina at kahit lasing ay mali
'Hindi pa rin siya umuwi?'Hindi alam ni Zayden kung ano ang gagawin. Nakatitig siya sa divorce papers na nasa mesa habang nabibingi sa katahimikan ng bahay.It's been two days.Ito yata ang unang pagkakataon na ginawa iyon ni Czarina. Dati ay kahit anong pilit ni Zayden sa babae na pirmahan ang papel na iyon ay hindi nito ginagawa.Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Chloe."Oopss, the door is open, so pumasok na ako. Okay lang ba?" matamis itong ngumiti at naglakad palapit kay Zayden. "O-ofcourse," nagulat ang lalaki."Nandito ba si Czarina?" magiliw na tanong ni Chloe. "Nadaanan ko yung favorite chicken restaurant niya kaya bumili na rin ako para sa kanya."Napangiti si Zayden. Sa isip niya ay sobrang maalalahanin talaga ni Chloe. Sa kabila ng alitan sa pagitan nila ni Czarina ay ito lagi ang gumagawa ng paraan para magkaayos sila.Bagay na hindi na-a-appreciate ni Czarina."You should stop being so kind," sabi nito at kinuha ang hawak ng babae.Bumaba ang tingin ni Chloe sa pa
"TUMAWAG NA BA KAYO NG AMBULANSYA?!" Nagkakagulo na ang lahat. Walang lumalapit at lahat ay hindi malaman ang gagawin. Lumakas ang tibok ng puso ni Czarina habang nakatingin sa may katandaan ng lalaki na nakahiga sa sahig. Bumilis ang paghinga niya at iniisip mabuti kung ano ang dapat niyang gawin sa ganoong sitwasyon. Nag-aral ng medisina si Czarina, bagaman hindi na siya nag-take ng board exam at wala gaanong aktwal na experience sa paggagamot. Sa kabila no'n ay patuloy ang pag-aaral niya ng medisina, madalas siyang magbasa ng mga libro tungkol doon, manood ng medical films, at manood ng mga aktwal na operasyon. Iritado siya na lumapit kay Mr. Freddie pero agad siyang hinarangan ng mga naroon. "I'll check on him," aniya pero sa halip na palapitin ay mas lalo siyang hinarangan. "Kaya mo? Alam naming lahat na galing ka sa pamilya ng mga doctor pero hindi ka doctor, Czarina. Wala kang alam sa mga ganitong bagay kaya 'wag ka nalang mangielam. 'Wag kang magmagaling." Kinagat niya
NANGHIHINANG PUMIKIT SI MR. JAO. Bumuka ang bibig nito na tila may nais sabihin pero sa sobrang panghihina ay hindi na nito nagawa. Napansin iyon ni Chloe ngunit marahil ay dahil iyon sa hindi pa ito tuluyang nakaka-recover. Inikot nito ang mga mata sa lahat ng taong nandoon, lahat ay nagsasaya at bilib na bilib sa kanya. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Chloe ay para siyang bida sa isang sikat na telenovela. Dumako ang mga mata niya kay Zayden. His gentle eyes bore at her. Ngumiti ito sa kanya at nag-thumbs up. Sa mga tingin at ngiti nito ay alam ni Chloe na proud sa kanya ang lalaki. Sa kabilang banda ay may namumuong kaba sa dibdib ni Yanna. Sa kabila ng pagsasaya ng lahat ay nakatitig lamang siya sa gawi ni Mr. Jao. Malungkot siyang tumungo nang maalala ang mga sinabi nila kanina pero ang mga salitang gumamit ng koneksyon para makapasok sa university ang hindi niya matatanggap. Nag-angat siya ng tingin kay Chloe. The girl is smiling sweetly to everyone. Very delicate,
Umuwi muna ng bahay si Czarina bago puntahan si Zayden. Nadatnan niya sa bahay ang mga magulang pati na rin ang lolo at lola nito na tila kanina pa siya inaabangan. Nandoon din ang isa nitong tiyahin."Ano'ng meron?" natatawa niyang sabi.Totoong excited na siya ngayong araw. Gusto na rin niyang matapos ang lahat ng ito at ayaw na niyang magkaroon pa ng ugnayan sa kahit na kanino kila Chloe at Zayden."Good luck sa divorce mo today, hija," sabi ng tita niya at niyakap siya.Yumakap pabalik si Czarina at muling hinarap ang pamilya. Masaya silang lahat na sa wakas ay natauhan na siya. Ito ang mga tanong binigo niya noon para piliin ang lalaking sinayang ang ilang taon ng buhay niya."Hindi ka naman magpapauto ulit doon, ano?" nananantiyang sabi ng lola niya na para bang magbabago pa ang isip niya ano mang oras. "Magiging successful naman ito, 'di ba? Hindi na magbabago pa ang isip niyo?" Tumayo ang mommy niya at hinawakan ang kamay ni Czarina. "Anak, madami pang lalaki diyan na mas bet
Mula kaninang umalis sila sa hotel ay napansin na ni Zayden ang pananahimik ni Chloe na para bang napakalalim ng iniisip nito. Nang nagbuga ng hininga ang babae ay hindi na niya natiis na hindi magtanong."May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. "May masakit ba sa'yo?""Zi," kinagat ni Chloe ang ibabang labi. Iniisip niya kung tama bang tanungin si Zayden o 'wag nalang. "Hmm?" "Totoo ba talagang mag-di-divorce na kayo ni Czarina?"Natatakot si Chloe na magsaya ng maaga. Natatakot ito na baka hindi totoo ang lahat o baka sa huli ay bawiin din ng dalawa ang plano nilang maghiwalay. She loves Zayden. Ayaw niyang mapunta ito kay Czarina. Tatlong taon na rin siyang naghihintay at aminado siya na kahit sabihin niyang ayos lang ay napapagod na rin siya.At ngayon na kahit papaano ay may pag-asa siyang nakikita, natatakot siyang umasa ng sobra."Oo," mabilis at kalmadong sagot ni Zayden. Nakatingin lang ito sa daan kaya hindi makita ni Chloe ang tunay na reaksyon nito.Nakahinga nang ma
Lumabas ng kwarto si Zayden na may kausap pa rin sa cellphone. Nasa likod nito si Calix na naghihintay na makausap siya."Uhh, Sir, si Ma'am Chloe po pala hinahanap kayo kanina at nasabi ko na um-attend kayo ng private dinner party. Hiningi niya ang address kaya naibigay ko po..."Bago pa matapos ng assistant niya ang sasabihin ay natanaw niya na si Chloe na papasok sa loob. Malaki ang ngiti nito at kitang-kita na punong-puno ng enerhiya.Habang naglalakad palapit sa kanya ang babae ay hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Paano nagawa ni Chloe na iligtas siya sa ganoon kaliit na katawan? Talagang buwis-buhay ang ginawa ng babae para sa kanya. Lumingon siya at nakita si Calix. Ang tanong nito kanina ay muling bumalik sa kanyang isipan.'Si Chloe dapat. Siya lang ang pwede kong piliin'Sinalubong ni Zayden ang babae upang alalayan. Mahinhing ngumiti si Chloe sa kanya at agad yumakap."Chloe," malambing na bati niya sa babae. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko ay nagpapahinga ka?"Ngumu
Tulala na nakatitig sa kawalan si Zayden nang madatnan ni Calix sa loob ng kwarto. Lumingon ito sa pintuan nang maramdamang may dumating.Hindi nagsalita si Calix at nakatitig lang kay Zayden. Nagtataka na ito sa kinikilos ng kaibigan."What?" masungit na tanong ni Zayden na medyo nailang sa titig ni Calix na para bang inaakusahan siya ng kung ano."Problema, bro?" tanong ni Calix bago naglakad palapit sa sofa kung saan nandoon si Zayden.Nagbuga nang hininga si Zayden. Madami ng laman ang kanyang isipan ngayon na pakiramdam niya ay sasabog na siya ano mang oras. Isa pang ikinagagalit niya ay ang ginawa ni Mr. Luhan kay Czarina. Pangalawa ay ang sarili niya na hindi niya maintindihan."May sigarilyo ka diyan?" tanong niya kay Calix.Tumaas ang isang kilay ni Calix bago mapang-asar na ngumiti. Kinuha nito sa kanyang bulsa ang baon na sigarilyo at lighter at pahagis na binigay iyon kay Zayden."May maganda rin naman palang epekto itong divorce, eh. Since hindi mo naman na makakasama sa
Galit at mapupusok na halik ang muling ibinigay ni Zayden kay Czarina. His hands started roaming around her body like he owns every bit of it. Sa ilang taon nilang pagsasama ay kailanman hindi siya nawalan ng kontrol. Pero ngayon ay hindi niya maintindihan ang sarili."Open your mouth," malamig at galit na utos niya kay Czarina.Hindi iyon sinunod ng babae at mas lalong nagalit si Zayden. "Fvck, just listen, won't you?" iritadong sabi ni Zayden.Nalaglag ang strap ng dress ni Czarina at nagtagal ang mga mata doon ng lalaki. Wala sa sariling ibinaba rin nito ang isang strap ng dress at kaunti nalang ay halos makikita na ang kabundukan ni Czarina.Umangat muli ang mukha ni Zayden. Galit ang nakikita iya sa mga mata ni Czarina. His fury led him to another decision to kiss her harshly again. Kinagat nito ang ibabang labi ng babae at bumuka ang bibig nito nang mapa-aray. His tongue played with her mouth and he kissed every part of her like it will be his last time.Natigilan siya nang mar
"Hindi mo na ba ako mahal, Czarina?" pag-uulit ni Zayden sa tanong niya."Ano sa tingin mo ang sagot diyan?" Mapait na ngumiti si Czarina. Nagulat siya sa tanong ng lalaki at aminado siyang hindi niya rin alam ang sagot doon.Pagmamahal? Hindi naman iyon basta mawawala. Ilang taon din ang ginugol niya para makuha ang atensyon nito at hindi rin naman ganoon kadali para kay Czarina na iwan ito. Pero pagod na siya. Ilang beses na ba siyang nagmukhang tanga at kaawa-awa sa harapan nina Choe at Zayden? She feels worthless all the time. At ayaw na niyang mangyari iyon ulit.Itinaya niya ang buhay niya para sa lalaking itinataya ang buhay para sa iba.Dumilim ang mukha ni Zayden. Ang mga mata niya ay napuno ng kakaibang galit."Ganyang klase ng babae ka pala, huh? Mabilis magbago ang isip. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang may gusto ng kasal na ito. Now what? Aalis ka lang din kung kailan mo gusto?"Mapait na natawa si Czarina. Insulto ang dating ng mga salita ni Zayden para sa kanya. At hin
"M-Mr. Hart, a-anong ginagawa niyo rito?" Kinakabahang tanong ni Mr. Luhan. Kita ang takot sa mukha nito. "W-wag kang maniwala sa babaeng iyan. Siya ang lumapit sa akin, pinuntahan niya ako rito. Kita mo 'yang suot niya? Sinuot niya iyan para sa akin." Halos malaglag ang panga ni Czarina sa sinabi ng lalaki. Gusto niyang sugurin ito sa inis at iyon na nga sana ang gagawin niya kung hindi lang siya pinigilan ni Zayden. Sa isang iglap ay nawala si Zayden sa kanyang harapan at naroon na ito sa tabi na ito ni Mr. Luhan. Walang sinayang na segundo si Zayden at agad pinadapo ang kamao niya sa lalaki. Magkabilang suntok ang pinakawalan niya at hindi pa ito natigil doon. Kwinelyuhan niya si Mr. Luhan. Halos mapasigaw si Czarina nang makita ang kalagayan ni Mr. Luhan. Hinang-hina na ito at halos hindi na maidilat ang kanyang mata. Pero hindi makuntento roon si Zayden, muli pa itong nagpakawala ng malakas na suntok sa mukha ng lalaki. Tumalsik ang dugo mula sa bibig ni Mr. Luhan at kinabaha
SA LIKOD NG HOTEL ay parang may maliit na park. Maganda iyon tuwing umaga pero ngayon ay walang kailaw-ilaw at medyo nakakatakot. Sinuyod ni Czarina ang paligid at mukhang wala namang tao kaya nagpatuloy siya sa paglakad.Hindi niya inaasahang makikita si Zayden ngayon. Masama pa rin ang loob niya sa lalaki dahil sa ginawa nito noong nakaraan. Kailan ba ito matututo na makinig sa dalawang side ng istorya? Inis na napamura si Czarina habang masama ang tingin sa sahig na para bang iyon ang may kasalanan sa kanya."Oh..." Nag-angat ng mukha si Czarina at nakita ang isang lalaki na nasa edad forty pataas na. May hawak itong baso ng whiskey sa isang kamay at malagkit ang tingin sa kanya.Kinabahan si Czarina. Hindi niya namalayang halos nasa dulo na pala siya ng lugar na iyon at medyo malayo na sa exit door ng hotel kung saan siya nanggaling.Aalis na sana siya nang hawakan nito ang palapulsuhan niya. Bumilis ang paghinga ni Czarina at kinakabahan na siya."Ang kinis mo, ah," sabi ng lala
"ANG TAGAL NG DALAWANG MATANDANG IYON," pabirong sabi ng nasa tapat niyang lalaki. Nagtinginan ang lahat sa pintuan at kuryoso rin ang mga matang sumunod doon ni Czarina. Hindi niya alam kung sino ang paparating. "Busy'ng busy ang mga Hart ngayon. Dire-diretso ang contract signing at business deals." Kumalabog ang dibdib ni Czarina nang marinig ang apelyidong iyon. Kung ganoon ay ama ni Zayden ang hinihintay nila? Hindi pa siya handa na makitang muli ang father in law niya matapos nilang magdesisyon ni Zayden na maghiwalay na. O alam naman kaya ng mga ito? O katulad ng gagawin nila kay grandma ay magsisinungaling din sila sa mga ito? Halos pagpawisan si Czarina sa kaba at agad nag-isip na ng pwedeng palusot para makapagpaalam agad mamaya. "Sorry po, we're late." Kung kanina ay malakas ang kabog sa dibdib niya ngayon ay halos magwala na iyon para makalabas. Nahigit niya ang hininga nang makita ang asawa. Simpleng puting long sleeves at dark pants lang ang suot ni Zayden