Hinawakan ni Adrian ang kamay ni Czarina. "Hindi mo naman kailangang gawin ang dare, Czarina," sambit ni Adrian na halata ang pag-aalala sa babae.Ngumiti si Czarina upang ipakita kay Adrian na ayos lang siya. Gayunpaman ay kita ang kaba sa mukha nito at kitang-kita rin iyon ni Adrian.Nakatingin sina Zayden at Chloe sa kanila. Naghihintay sa sunod na gagawin ni Czarina. Kumikinang ang mga mata ni Chloe na parang batang excited bumili ng laruan."Ayos lang," nakangiting sabi ni Czarina kay Adrian at sumulyap sa gawi ni Zayden. "Alam kong ayaw ni Mr. Hart na nadi-disappoint ang girlfriend niya. At isa pa, may isang salita naman ako."Malamig na tiningnan lang ni Zayden si Czarina na parang walang kwenta ang sinasabi nito."Naniniwala akong gentleman naman si Mr. Hart," sambit ni Adrian. "Kasal naman kayo ng tatlong taon at hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin naman kayo sa mata ng batas."Nagtama ang mga mata ni Czarina at Zayden. Hindi niya mabasa ang mata ng lalaki o kung ano man ang
"Hindi ka ba natatakot na makarating ito kay grandma? Sigurado ako na lalabas at lalabas sa media ito kung sakali. Hindi ka ba nag-aalala sa ka-date mo? Nakakahiya iyon sa parte niya," malamig na sabi ni Zayden, determinadong pigilan si Czarina sa gagawin. Tahimik lang sa isang tabi si Chloe, pilit kinukwestyon ang mga bagay at ang mga reaksyon ni Zayden. Talaga bang wala itong kahit na kaunting feelings lang kay Czarina? Totoo bang ayaw niya lang makarating ito kay grandma? Kinagat ni Czarina ang ibabang labi habang nilalaro ang mga daliri niya. Nag-angat siya ng tingin kay Zayden bago bumuntong-hininga dahil alam niyang may punto naman si Zayden. Sa huli ay sinabi niya nalang na, "Alright." Nagulat si Zayden sa biglaang pag-agree sa kanya ni Czarina. Effective pala talaga na gamitin si grandma sa mga ganoong bagay. Pero nawala ang kaunting saya sa puso ni Zayden nang magsalitang muli si Czarina. Humarap si Czarina kay Adrian. "I'm sorry, Adrian. Masyado akong nag-focu
Ano'ng ginagawa ni Zayden? Talaga bang binitawan niya si Chloe nang makita niya si Czarina?Lumabas ang iritasyon sa mukha ni Chloe at nakaramdam ng matinding inis.Sinundan ni Chloe ng tingin sina Czarina at Adrian habang palayo sa pwesto nila at pagkatapos ay ibinaling ang mga mata sa lalaking tulala at malalim ang iniisip.Bumuntong-hininga siya. Sa dami ng nangyari ngayong araw ay wala na siyang sapat na enerhiya para makipagtalo pa ngayon kay Zayden."Tara na," matamlay na sabi ni Chloe kay Zayden at nauna ng naglakad, hindi na hinintay pa ang lalaki.Agad napansin ni Zayden ang pagbabago ng mood ni Chloe at kilalang-kilala niya na rin ito, alam niya na bigla itong nawala sa mood at dahil iyon sa kanya.Agad hinabol ni Zayden si Chloe."Chloe..." sinubukang hawakan ni Zayden ang babae pero tinulak lang nito ang kamay niya at tiningnan siya ng masama.Maayos pa sila kanina, masaya nga nilang sinimulan ang araw.Pero nang makita si Czarina dito na may kasamang ibang lalaki ay pansi
Abala si Calix sa pakikipaghalikan sa nakakandong sa kanyang babae nang dumating si Zayden. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Zayden. Pinagapang niyang muli ang dalawang kamay sa halos wala ng saplot na katawan ng babae bago binalingan ang kaibigan."Chicks, bro?" offer niya rito at sa halip na matuwa ay lalong tumalim ang tingin ni Zayden kay Calix."Fvck. 'Wag mo akong simulan," iritado at nakairap na sabi ni Zayden bago pasalampak na umupo sa sofa ng exclusive club kung nasaan sila ngayon.Tinapik ng mahina ni Calix ang babae na parang inuutusan ito na umalis muna at iwan sila. Nakasimangot man pero sumunod pa rin ang babae at nagnakaw pa ng huling halik bago nawala."Base sa reaksyon mo ngayon, I assume nabasa mo na ang mga balita?" sabi ni Calix habang nagsasalin ng alak sa malinis na baso sa mesa. "Ano'ng balita?" salubong ang kilay na tanong ni Zayden."Huh?" takang saad ni Calix. "Hindi mo pa nababasa? Eh, bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away na naman kayo nung kabit mo?"N
Mainit ang mga mata ni Zayden habang binabasa ang mga komento sa article tungkol kay Czarina at Adrian. 'In fairness, bagay naman talaga sila.' 'Buti hiniwalayan ni Czarina Laude si Mr. Hart, halata namang red flag yung guy. Lagi nga'ng kasama yung anak ng mga Smith.' 'We stand with women who knows their worth.' 'Pakasal na sana sila talaga' Pabagsak na hinagis ni Zayden ang cellphone sa may mesa at kinuha ang baso na may lamang alak. "Daming hate comments, tsk," sabi ng kaibigan niya. "Pero may point naman yung iba dito. Bagay naman talaga si Czarina at Adrian, grabe rin ang chemistry ng dalawang iyon." Dahan-dahang umangat ang mga mata ni Zayden kay Calix. Ang mga mata nito ay parang mangangain. "Bakit?" inosenteng tanong ni Calix. "May masama ba sa sinabi ko?" "Really, man?" malamig na sabi ni Zayden. "Ayaw mo na bang sikatan ng araw?" Ngumuso si Calix at iniwas ang tingin kay Zayden habang bumubulong pa rin. "Wala namang mali sa sinabi ko, ah? Hindi ko naman
"ARE YOU DAMN CRAZY?!" Namula ang pisngi ni Czarina sa hiya dahil sa lakas ng sigaw ni Zayden, ang kanyang asawa. Napatingin ang karamihan ng tao sa gawi nila.Sa kabila ng bulungan, ay nanginginig pa rin sa takot at sa lamig si Czarina habang balot na balot ng tuwalya."Nakita mo na ang ginawa mo? If you want to die, die alone. Huwag kang mandamay ng ibang tao," galit na sabi ni Zayden. Madilim ang mukha nito at hindi na kinokontrol ang sinasabi."Bro, stop it, you're scaring her--"Itinulak ni Zayden ang kamay na humarang sa kanya kay Czarina. Kinakabahan ang babae sa mga mata ni Zayden, na animo'y handa siyang saktan ano mang oras. Namumula na ang pisngi at ilong ni Czarina at mukha na itong kaawa-awa pero walang pakielam doon si Zayden."Zi--" nanginginig na sabi ni Czarina."Stop calling me with that name!" Dumagundong sa buong area ng pool ang boses ni Zayden. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito, ha? Bakit ba lagi mo nalang sinasaktan si Chloe? May masama ba siyang ginawa s
"LET GO OF ME!" naiinis na sabi ni Czarina at itinulak ang kamay ng lalaki. "Hindi ako sasama sa'yo at hindi ako magso-sorry sa babaeng iyon.""Ganyan ka ba talaga? Wala kang puso? You almost killed her!" marahas na wika ni Zayden. Pumikit ng mariin si Czarina. Kung may muntik mang mamatay dito ay siya iyon at hindi si Chloe.Masama naman ang tingin ni Zayden kay Czarina. Hindi niya lubos akalain na ganito kasama ang babae. Habang tumatagal ay lumalala ang mga ginagawa nito at hindi niya na hahayaan na mas grumabe pa iyon. He is determined to make her apologize."Kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi ako magso-sorry sa kanya," ani Czarina.Nagulat si Zayden sa naging pagsagot nito."Inilalabas mo na ba ang tunay na kulay mo after many years?" Nagtaas ng kilay si Zayden. Kumibot-kibot ang labi nito na tila marami pang gustong sabihin.Suminghal si Czarina at hindi makapaniwalang tiningnan si Zayden."You don't respect me at all, do you?" tanong niya sa lalaki. "Just because of that gir
EMOSYONAL NA NAKATINGIN si Czarina sa malinis na kwarto sa kanyang harapan. Nakalagay na sa mga maleta ang gamit niya. Sa bed side table ay ang picture frame na kuha noong kasal nila. Walang seremonya o selebrasyon. Larawan lang iyon nilang dalawa ni Zayden na nakaupo at may hawak na ballpen para pirmahan ang marriage certificate. She knew better. Noon pa man ay alam na niyang hindi naman talaga siya ang gusto ng lalaki. Pero naghabol pa rin siya hanggang sa makarating kung nasaan siya ngayon.Hurt, wounded, and broken.Malungkot niyang pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang mata at tumalikod na upang humakbang na palayo. Tahimik ang bahay at sanay na siya roon. She feels lonely being there. Pero tiniis niya. Because she wants to be the home he'll went back to, always."Ilagay ko na sa sasakyan lahat ito, Cza?"Lumingon siya kay Gardo, ang long-time family driver nila. Tumawag na siya agad sa pamilya niya nang mapagdesisyonan na tapusin na ang lahat sa kanila ni Zayden."Sige, kuya
Mainit ang mga mata ni Zayden habang binabasa ang mga komento sa article tungkol kay Czarina at Adrian. 'In fairness, bagay naman talaga sila.' 'Buti hiniwalayan ni Czarina Laude si Mr. Hart, halata namang red flag yung guy. Lagi nga'ng kasama yung anak ng mga Smith.' 'We stand with women who knows their worth.' 'Pakasal na sana sila talaga' Pabagsak na hinagis ni Zayden ang cellphone sa may mesa at kinuha ang baso na may lamang alak. "Daming hate comments, tsk," sabi ng kaibigan niya. "Pero may point naman yung iba dito. Bagay naman talaga si Czarina at Adrian, grabe rin ang chemistry ng dalawang iyon." Dahan-dahang umangat ang mga mata ni Zayden kay Calix. Ang mga mata nito ay parang mangangain. "Bakit?" inosenteng tanong ni Calix. "May masama ba sa sinabi ko?" "Really, man?" malamig na sabi ni Zayden. "Ayaw mo na bang sikatan ng araw?" Ngumuso si Calix at iniwas ang tingin kay Zayden habang bumubulong pa rin. "Wala namang mali sa sinabi ko, ah? Hindi ko naman
Abala si Calix sa pakikipaghalikan sa nakakandong sa kanyang babae nang dumating si Zayden. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Zayden. Pinagapang niyang muli ang dalawang kamay sa halos wala ng saplot na katawan ng babae bago binalingan ang kaibigan."Chicks, bro?" offer niya rito at sa halip na matuwa ay lalong tumalim ang tingin ni Zayden kay Calix."Fvck. 'Wag mo akong simulan," iritado at nakairap na sabi ni Zayden bago pasalampak na umupo sa sofa ng exclusive club kung nasaan sila ngayon.Tinapik ng mahina ni Calix ang babae na parang inuutusan ito na umalis muna at iwan sila. Nakasimangot man pero sumunod pa rin ang babae at nagnakaw pa ng huling halik bago nawala."Base sa reaksyon mo ngayon, I assume nabasa mo na ang mga balita?" sabi ni Calix habang nagsasalin ng alak sa malinis na baso sa mesa. "Ano'ng balita?" salubong ang kilay na tanong ni Zayden."Huh?" takang saad ni Calix. "Hindi mo pa nababasa? Eh, bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away na naman kayo nung kabit mo?"N
Ano'ng ginagawa ni Zayden? Talaga bang binitawan niya si Chloe nang makita niya si Czarina?Lumabas ang iritasyon sa mukha ni Chloe at nakaramdam ng matinding inis.Sinundan ni Chloe ng tingin sina Czarina at Adrian habang palayo sa pwesto nila at pagkatapos ay ibinaling ang mga mata sa lalaking tulala at malalim ang iniisip.Bumuntong-hininga siya. Sa dami ng nangyari ngayong araw ay wala na siyang sapat na enerhiya para makipagtalo pa ngayon kay Zayden."Tara na," matamlay na sabi ni Chloe kay Zayden at nauna ng naglakad, hindi na hinintay pa ang lalaki.Agad napansin ni Zayden ang pagbabago ng mood ni Chloe at kilalang-kilala niya na rin ito, alam niya na bigla itong nawala sa mood at dahil iyon sa kanya.Agad hinabol ni Zayden si Chloe."Chloe..." sinubukang hawakan ni Zayden ang babae pero tinulak lang nito ang kamay niya at tiningnan siya ng masama.Maayos pa sila kanina, masaya nga nilang sinimulan ang araw.Pero nang makita si Czarina dito na may kasamang ibang lalaki ay pansi
"Hindi ka ba natatakot na makarating ito kay grandma? Sigurado ako na lalabas at lalabas sa media ito kung sakali. Hindi ka ba nag-aalala sa ka-date mo? Nakakahiya iyon sa parte niya," malamig na sabi ni Zayden, determinadong pigilan si Czarina sa gagawin. Tahimik lang sa isang tabi si Chloe, pilit kinukwestyon ang mga bagay at ang mga reaksyon ni Zayden. Talaga bang wala itong kahit na kaunting feelings lang kay Czarina? Totoo bang ayaw niya lang makarating ito kay grandma? Kinagat ni Czarina ang ibabang labi habang nilalaro ang mga daliri niya. Nag-angat siya ng tingin kay Zayden bago bumuntong-hininga dahil alam niyang may punto naman si Zayden. Sa huli ay sinabi niya nalang na, "Alright." Nagulat si Zayden sa biglaang pag-agree sa kanya ni Czarina. Effective pala talaga na gamitin si grandma sa mga ganoong bagay. Pero nawala ang kaunting saya sa puso ni Zayden nang magsalitang muli si Czarina. Humarap si Czarina kay Adrian. "I'm sorry, Adrian. Masyado akong nag-focu
Hinawakan ni Adrian ang kamay ni Czarina. "Hindi mo naman kailangang gawin ang dare, Czarina," sambit ni Adrian na halata ang pag-aalala sa babae.Ngumiti si Czarina upang ipakita kay Adrian na ayos lang siya. Gayunpaman ay kita ang kaba sa mukha nito at kitang-kita rin iyon ni Adrian.Nakatingin sina Zayden at Chloe sa kanila. Naghihintay sa sunod na gagawin ni Czarina. Kumikinang ang mga mata ni Chloe na parang batang excited bumili ng laruan."Ayos lang," nakangiting sabi ni Czarina kay Adrian at sumulyap sa gawi ni Zayden. "Alam kong ayaw ni Mr. Hart na nadi-disappoint ang girlfriend niya. At isa pa, may isang salita naman ako."Malamig na tiningnan lang ni Zayden si Czarina na parang walang kwenta ang sinasabi nito."Naniniwala akong gentleman naman si Mr. Hart," sambit ni Adrian. "Kasal naman kayo ng tatlong taon at hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin naman kayo sa mata ng batas."Nagtama ang mga mata ni Czarina at Zayden. Hindi niya mabasa ang mata ng lalaki o kung ano man ang
Naningkit ang mga mata ni Zayden sa tinuran ni Czarina. "Sa tingin mo ba ay may pakielam ako sa kahit anong gagawin mo?" malamig na wika niya sa babae. "Concern lang ako, baka magmukha kang sobrang nakakaawa kapag natalo ka."Nakatitig si Chloe kay Zayden. Kanina niya pa pinipigil ang hininga dahil sa paratang kanina ni Czarina, aminado siya na iyon din ang unang pumasok sa isipan niya, na baka nagseselos si Zayden. At ngayon na narinig niya ang sagot ni Zayden ay nakahinga siya nang maluwag.Umakyat ang magkabilang sulok ng labi niya at mayabang na tumingin kay Czarina. Ngayon ay determinado na si Chloe na talunin at pahiyain ang babae.Humarap sa kanya si Czarina at tumango bilang senyales na magsimula na sila.Hindi sumagot si Czarina sa sinabi ni Zayden, hindi rin siya na-offend dahil inaasahan na niya ang sagot nito. Aminado siya na kinakabahan siya dahil hindi naman siya marunong pero sa mga oras na iyon ay mas importante ang pride niya kaysa sa kahit na anong dare pa ang ipagaw
Awtomatikong umangat ang isang kilay ni Czarina sa tanong na iyon ni Chloe. Ilang taon din ba sila naging magkaibigan? Ilang taon na nag-share sa iisang lalaki? Natitiyak niya na kilalang-kilala siya ni Chloe kaya hindi niya mapigilang hindi maging sarkastiko rito. "Talaga? Hindi mo alam kung marunong ako maglaro o hindi?" may halong inis na sambit ni Czarina. Nagulat si Chloe sa pagsagot na iyon ni Czarina at parang bata na idinikit ang sarili kay Zayden, tila nagsusumbong sa pagiging mataray ni Czarina sa kanya. "At bakit niya naman dapat malaman kung marunong ka o hindi?" sagot ni Zayden sa kanya. Pinigilan niya na mapakitang nasaktan at dismayado siya sa ginawa ni Zayden. Kahinaan talaga ni Zayden ang inaaway o sinusungitan si Chloe. Kapag ganoon na ang nangyari ay si Zayden na ang makakaaway mo, maski ang asawa niya pa ang gumawa no'n. Czarina was always jealous about it. Kung paano ipagtanggol ni Zayden si Chloe... kahit kailan ay hindi niya iyon ginawa kay Czarina.
Maganda ang mood ni Zayden kaninang umaga kaya nga napilit ito ni Chloe na lumabas ngayon at mag-date. Sa golf course siya dinala ng babae. Ngunit ang kaninang magandang pakiramdam niya ay biglang sumama nang makita si Czarina. Bumaba ang mga mata niya sa magkahawak-kamay na mga kamay nina Czarina at Adrian. Naaalalay si Adrian sa kanyana tila tinuturuan ito maglaro.Pero alam ni Zayden na hindi lang basta pagtuturo ng laro ang balak ni Adrian. Lalaki siya kaya basang-basa na niya ang kapwa lalaki.Nagulat ang dalawa nang makita siya at si Chloe. Umayos ng tindig si Adrian at nagbigay ng kaunting espasyo sa kanila ni Czarina.Palihim na umirap naman si Chloe nang makita ang ekspresyon ni Zayden. Sa halip na masolo niya ngayong araw ang lalaki ay mayroon na naman siyang kaagaw sa atensyon nito."What a coincidence!" Nauna na si Zayden na magsalita nang walang umimik sa kanilang apat, pare-pareho silang gulat.Sarkastikong ngumisi si Czarina sa dalawa. Hindi niya alam kung sinadya ng mg
"Marunong ka ba maglaro ng golf, hija?" tanong ni Mr. Freddie Jao kay Czarina.Nasa entrance na sila ng golf course ngayon kasama ang mga magulang ni Czarina at Adrian. Nakasuot lang ng puti na ternong pants at shirt si Czarina at sun visor cap.Nahihiyang umiling si Czarina sa tanong ni Mr. Jao. Mahilig sa larong golf ang ama niya maging ang mga kaibigan nito, normal na iyon sa mundo ng mga mayayaman. Pero kahit kailan ay hindi nahilig doon si Czarina, hindi rin kasi masipag mag-aral kung hindi siya interesado sa isang bagay."Hindi po," nakangiting sagot niya at nagkibig ng balikat. "Bihira lang din po ako pumunta sa ganito.""Really?" manghang sambit ni Mr. Jao bago tinuro ang anak. "Alam mo, saktong-sakto, magaling sa golf itong si Adrian. May libreng trainer ka na," dagdag pa nito bago humalakhak.Tatanggi na sana si Czarina pero tumingin muna siya sa gawi ni Adrian. Ngumiti ang lalaki sa kanya at nag-thumbs up."Pwede naman," anito at nagtaas-baba pa ng dalawang kilay kay Czari