"Marunong ka ba maglaro ng golf, hija?" tanong ni Mr. Freddie Jao kay Czarina.Nasa entrance na sila ng golf course ngayon kasama ang mga magulang ni Czarina at Adrian. Nakasuot lang ng puti na ternong pants at shirt si Czarina at sun visor cap.Nahihiyang umiling si Czarina sa tanong ni Mr. Jao. Mahilig sa larong golf ang ama niya maging ang mga kaibigan nito, normal na iyon sa mundo ng mga mayayaman. Pero kahit kailan ay hindi nahilig doon si Czarina, hindi rin kasi masipag mag-aral kung hindi siya interesado sa isang bagay."Hindi po," nakangiting sagot niya at nagkibig ng balikat. "Bihira lang din po ako pumunta sa ganito.""Really?" manghang sambit ni Mr. Jao bago tinuro ang anak. "Alam mo, saktong-sakto, magaling sa golf itong si Adrian. May libreng trainer ka na," dagdag pa nito bago humalakhak.Tatanggi na sana si Czarina pero tumingin muna siya sa gawi ni Adrian. Ngumiti ang lalaki sa kanya at nag-thumbs up."Pwede naman," anito at nagtaas-baba pa ng dalawang kilay kay Czari
Last Updated : 2025-04-04 Read more