NANGHIHINANG PUMIKIT SI MR. JAO. Bumuka ang bibig nito na tila may nais sabihin pero sa sobrang panghihina ay hindi na nito nagawa.
Napansin iyon ni Chloe ngunit marahil ay dahil iyon sa hindi pa ito tuluyang nakaka-recover. Inikot nito ang mga mata sa lahat ng taong nandoon, lahat ay nagsasaya at bilib na bilib sa kanya. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Chloe ay para siyang bida sa isang sikat na telenovela. Dumako ang mga mata niya kay Zayden. His gentle eyes bore at her. Ngumiti ito sa kanya at nag-thumbs up. Sa mga tingin at ngiti nito ay alam ni Chloe na proud sa kanya ang lalaki. Sa kabilang banda ay may namumuong kaba sa dibdib ni Yanna. Sa kabila ng pagsasaya ng lahat ay nakatitig lamang siya sa gawi ni Mr. Jao. Malungkot siyang tumungo nang maalala ang mga sinabi nila kanina pero ang mga salitang gumamit ng koneksyon para makapasok sa university ang hindi niya matatanggap. Nag-angat siya ng tingin kay Chloe. The girl is smiling sweetly to everyone. Very delicate, very demure. Sa kanilang dalawa... siya nga ba talaga ang gumamit ng koneksyon para lang makapasok sa university? "Thank you, everyone. But I honestly don't appreciate the words you threw at my friend, Czarina." Czarina scoffed. "Iyan na naman ang mga pabida niya," bulong niya sa sarili at wala namang nakarinig no'n. "Totoo namang nagmamagaling lang iyong si Czarina," sabi ng isa na naroon. "Hindi po iyan totoo. Magaling at matalino din si Czarina. Hindi lang siya nag-take ng exams dahil nag-focus sa ibang bagay," dagdag pa ni Chloe. Habang dumadami ang sinasabi ni Chloe ay dumadami rin ang rason ni Czarina na magalit dito. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob ba ito o nagbabait-baitan para kung may mangyari ay ito ang mistulang biktima. "Mas gusto ka pa rin namin, Doc. Chloe," sabi ng isang lalaki. "Single ka ba, Miss Chloe? Baka pwedeng manligaw..." "She's definitely not single," singit ng isang baritonong boses. Czarina froze to her place. Mapait siyang napangiti habang nangingilid ang mga luha. Isa na naman iyon sa mga araw na pinagtutulungan siya pero si Zayden ay kay Chloe lang nakatuon. Of course, he loves her after all. Alam naman ni Czarina na una palang ay hindi siya mahal ni Zayden. Siguro nga kasalanan niya na ipinilit niya pa ang sarili rito. "OMG?! Mr. Hart and Miss Smith?" "Bagay silaaa!" "Sabi ko na may something ang dalawa na iyan. Madalas silang makita na magkasama." Namula ang pisngi ni Chloe. Punong-puno ang puso niya sa pagkakataon na iyon. Palihim niyang sinulyapan ang pwesto ni Czarina, mukha itong kaawa-awa sa gilid at walang pumapansin. A smug smile crept out from Chloe's lips. Inilingkis niya ang kamay sa braso ni Zayden. "Zi naman," pagpapabebe niya rito. Ngumiti si Zayden sa kanya at hinaplos ang buhok nito. Ang init ng kamay at katawan nito ay nagpagaan sa pakiramdam ni Chloe. Sa totoo lang ay kanina pa ito nape-pressure, natatakot siyang magkamali. Proud na proud ang mga mata ni Zayden na nakatingin sa kanya. Samantala si Czarina ay gusto nang lumubog sa kinalalagyan. Sa isipan ay pinapagalitan na niya ang sarili kung bakit pa kasi nito pinilit na pumunta roon. Sana ay sinabi niya nalang sa daddy niya na ayaw niyang makita si Zayden, alam niya namang papayag iyon. Siguro kasi sa puso niya, sa kabila ng sakit, ay gusto niyang masilayang muli ang lalaki. "Mr. Jao!" bulalas ng isa sa kanila at lahat ay agad natuon ang atensyon sa matanda. Sa pag-aakala ng lahat ay um-okay na ito pero base sa itsura nito ngayon ay parang lumala ang kalagayan nito. Agad na lumuhod sa gilid niya si Chloe at tiningnan kung ano ang nangyayari. Halata sa matanda na hirap na itong huminga. Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Chloe. Inisip niya kung nagkamali ba siya kanina. Bakas ang sakit sa mukha ni Mr. Jao. Ang mga tingin nito ay parang may nais iparating subalit hirap. Natataranta si Chloe, sa isipan niya ay gusto na niyang awayin ang ambulansya, kung bakit pagkatagal-tagal nitong dumating. "Hindi makadaan ang ambulansya, sobrang lala raw ng traffic at medyo malayo pa sila." "Hala, ano ang gagawin?" "I suggest, isakay nalang natin sa sasakyan." Nag-aalalang tumingin si Czarina sa lalaki. Huminga siya nang malalim. "Bahala na," aniya at inagaw ang ballpen na nakalagay sa damit ng katabing lalaki. Nakatitig lang si Chloe sa lalaking nakahandusay sa kanyang harapan. Kung ano ba ang dapat niyang gawin, ano ang dapat tingnan, ay hindi niya alam. Hindi niya rin hawak ang cellphone niya upang magamit pang-search at wala ni isang pwedeng tumulong sa kanya sa mga oras na iyon. Palihim siyang napamura. Ilang taon na nga ba siyang hindi nag-aaral? She's a surgeon but she rarely do operations herself nowadays. "Doc Chloe, ano na ang nangyayari?" "Do something!" Habang nagkakagulo ang lahat ay naramdaman na lamang ni Chloe na may tumulak sa kanya."CZARINA!" Agad na umalalay si Zayden kay Chloe nang itulak ito ni Czarina. "What the hell are you doing?!" sigaw ni Zayden kay Czarina. Tila walang narinig si Czarina at nagpatuloy sa ginagawa. Mabilis ang mga naging pagkilos niya. Inayos niya ang posisyon ni Mr. Jao at tinanggal ang takip ng hawak na ballpen. Blanko ang utak niya sa mga nangyayari sa paligid. Ang gusto niya lang magawa ngayon ay mailigtas ang lalaki sa kanyang harapan. "See where your stubborness will brought you," iritadong sabi ni Zayden sa kanya. Nakayakap ito kay Chloe habang masama ang tingin kay Czarina. "Huwag ka na makialam dito." "Tama si Zi, Czarina..." mahinang sabi naman ni Chloe. "Alam naming nagagawa mo lahat ng gusto mo pero hindi ito ang tamang oras para diyan." Czarina scoffed. Napairap ito habang hindi makapaniwala sa sinasabi ng dalawa. "Ilayo-layo mo muna sa akin ang babae mo, Mr. Hart," malamig na sabi niya habang nakatingin sa mga kamay ni Zayden sa katawan ni Chloe. Bakit ba siya naii
NATAHIMIK ang lahat nang lumapit si Adrian Jao, ang unico hijo ni Freddie Jao, sa gawi ni Czarina at ng doktor. Agad napansin ni Czarina ang mumunting pawis sa noo ng lalaki at halatang nagmadali ito papunta roon. He's wearing formal clothes. Marahil ay dadalo talaga ito ng event na iyon at balak lang magpa-late. But this incident happened. Habang nag-uusap ang doctor at si Adrian ay nagbaba ng tingin si Czarina sa kanyang kamay nang makaramdam ng hapdi. Her palm is bleeding. Napalunok siya at pinigilang mag-panic. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng dugo na nanggagaling mismo sa katawan niya. It reminds her of what happened years ago. Bumigat ang paghinga niya pero sinubukan pa ring makinig sa pinag-uusapan ng dalawa sa kanyang harapan. Matapos ang ilang minuto ay humarap ang doctor sa kanya. "That's a good and perfect emergency measures you've done there, Miss Laude." Tinapik ng doctor ang balikat ni Adrian. "You should thank her, tama siya ng ginawa dahil posibleng hindi
PAGLABAS niya nang hotel ay agad niyang hinanap ang sundo niya pero mukhang wala pa roon ang driver nila. Kukunin niya na sana ang phone sa kanyang bag at tatawagan ito nang magtama ang mata nila ni Zayden.Nakahalukipkip ang lalaki habang nakasandal sa itim na mustang nito. Masyadong agaw pansin ang awra nito na kahit galit si Czarina ay hindi niya maiwasang hindi mahulog sa karisma ni Zayden.Umirap siya at lalagpasan na sana ang lalaki nang magsalita ito."Seriously? Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganito, Czarina?" may halong inis ang tono ng boses ni Zayden.Humarap si Czarina sa kanya at nagtaas ng kilay. Pasimple niyang sinilip ang loob ng sasakyan kung naroon ba si Chloe pero dahil tinted ay wala siyang makita."Nasaan ang babae mo? Himala at hindi nakabuntot sa'yo?"Gumalaw ang panga ni Zayden at halos mapigtas ang mga litid sa leeg sa sobrang galit. "Were you always like this, huh? Rude and very unreasonable," sabi ni Zayden sa kanya.Hilaw na napangiti si Czarina at tumi
BINUKSAN ni Zayden ang passenger seat ng mustang at iminuwestra iyon kay Czarina."Ako na ang maghahatid sa'yo.""No, thanks. Hihintayin ko nalang ang sundo ko," sagot ni Czarina."Gabi na, Czarina, at baka mamaya pa iyon. Let's go.""Kaya ko naman mag-taxi nalang--""Wearing that?" iritadong sabi ni Zayden.Namula ang pisngi ni Czarina. Hindi naman sobrang revealing ng damit niya pero medyo mataas nga ang slit nito at kita ang kaunting cleavage niya."Wala namang mali sa suot ko, ah?""Seriously? Sinusubukan mo bang akitin lahat ng lalaking makakasalamuha mo?"Nilabanan ni Czarina ang kagustuhang batuhin ng bag si Zayden. Sa halip ay hinigpitan nalang niya ang hawak sa strap ng bag."Wala kang pakielam!""We're still married. Kung wala kang pakielam ay ako meron. Gusto mo ba talagang pag-usapan nila na kung sino-sino ang kasama mong lalaki?"Napataas ng kilay si Czarina. Hindi niya alam kung ano ang pinupunto ng lalaki. Kanina lang ay taxi ang usapan, napunta sa suot niya, at ngayon
NAABUTAN ni Czarina sa hapag-kainan ang mga magulang at ang dalawang pinsan na hindi niya inaasahang makikita ngayong araw. "Oh my gosh! Ate Sam!!" dali-dali siyang tumakbo at niyakap ang pinsan na babae at pagkatapos ay yumakap rin sa katabi nitong lalaki. "Kuya Viktor!!" Kumikislap ang mga mata niya nang umupo siya sa harapan nila. Hindi pa nagsisimulang kumain ang mga ito, hindi pa nagagalaw ang mga pagkain sa harap nila kaya alam niyang hinihintay siya ng mga ito bago magsimula. "Kailan pa kayo nakauwi?" tanong niya sa dalawang pinsan na nasa harapan. Samantha Laude is a well-known architect. Iyon nga lang ay hindi ito sa Pinas nagtatrabaho. Naka-focus rin ang mga ginagawa nitong disenyo sa mga disenyo ng mga bahay at building sa ibang bansa. Magaling ito magdala ng sarili at akala ng lahat sa pamilya nila ay pagmomodelo ang tatahakin nitong landas. Samantalang si Viktor ang pinaka-may kakaibang trabaho sa kanilang lahat. He is a cybersecurity engineer. Naka-focus ito sa
MAG-A-ALAS KWATRO na ng hapon nang makarating si Czarina sa dati nilang bahay. May susi pa siya no'n kaya nang walang sumasagot sa pagdo-doorbell niya ay kusa nalang siyang pumasok. The house feels the same. Mabigat ang pakiramdam niyang sinuyod ang paligid. Ilang beses na nga ba siyang nagmakaawa kay Zayden sa bahay na ito? Ilang beses umasa, ilang beses umiyak... she almost lose herself in the process of loving someone. ***FLASHBACK*** "Zi, anong oras ka uuwi?" tanong ni Czarina, umaasa na makakasama niya ang lalaki ngayong araw. It's her birthday. Iyon ang unang kaarawan niya bilang may-asawa. "Bakit?" malamig na tanong ni Zayden sa kanya. Hilaw siyang napangiti pero pilit niyang itinago ang tunay na reaksyon sa lalaki. Masakit pero hindi na rin niya ito pinag-isipan ng masama, marahil ay sa sobrang dami nitong ginagawa ay nalimutan niya. Pero sa loob ni Czarina ay hindi siya makapaniwalang nakalimutan iyon ng lalaki. He used to be the first one to greet her a happy birthd
"TECHNICALLY, kasal pa rin tayo. Hindi ba dapat lang na pumunta ka roon bilang asawa ko?" iritadong sabi ni Zayden. Ayos lang naman talaga kay Czarina na pumunta sa birthday party ni Grandma pero ang hindi niya gusto ay ang pagsisinungaling nila sa harap nito. "Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya, Zayden." "Really? Ginawa mo na ng ilang beses tapos sasabihin mong hindi mo kaya?" Nalaglag ang panga ni Czarina. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabi ni Zayden. Iniwas niya ang mga mata sa lalaki upang wala itong mabasa na ano mang reaksyon sa kanya. "Ano na naman ang gusto mong palabasin dito, Mr. Hart?" Humakbang palapit si Zayden sa kanya at napaatras si Czarina. Humakbang muli si Zayden at kinakabahang umatras ng dalawang beses ang babae. Hindi niya namalayang nasa kama na siya at napaupo siya doon nang muling umatras.Nakatayo na ngayon si Zayden sa kanyang harapan, nakatunghay sa kanya, umiigting ang panga at may bahid ng galit sa mga mata.Pigil na pigil ang hi
"GALING KA SA BAHAY NI ZAYDEN?"Pagod at hinang-hina si Czarina nang makarating sa bahay ng parents niya. Nang makita ang ina sa sala, nakapambahay ito at nanonood ng TV, ay wala sa sariling ibinaba niya ang bag sa sofa at ibinagsak ang sarili sa ina. She hugged her a bit tight. Agad nag-alala ang ginang dahil sa nakuhang reaksyon sa anak. At pagkatapos ng ilang segundo ay narinig na niya ang mahihinang paghikbi ni Czarina.Masakit para kay Mrs. Laude ang lahat, ang nakikitang nasasaktan si Czarina, ang naririnig na umiiyak ito, at ang paulit-ulit na nakikitang ipinipilit nito ang sarili kay Zayden. Pero hindi niya kayang pagbawalan dati ang dalaga dahil alam niya rin na si Zayden ang kasiyahan ni Czarina. Pero sa nakikita niyang sakit sa mga mata ng anak ngayon, gusto niyang pagsisihan na hinayaan niyang matuloy ang kasal ng dalawa."Ano'ng nangyari? May ginawa na naman ba si Zayden?" hindi nakatakas ang galit sa tono ni Mrs. Laude.Huminga nang malalim si Czarina bago kumalas sa ya
"Nakahanda na ba lahat? Parating na sila..." Aligaga ang lahat nang bumaba si Czarina sa kusina. May chef sila na nandoon at kasalukuyang nagluluto at ang dalawang maid ay abala sa pag-aayos ng kung ano-ano sa mesa. Katatapos niya lang maligo at mag-ayos. Hindi pa sana siya gagayak kung hindi lang siya ginising ng maaga ng ina para ipaalala na may bisita sila ngayong araw. "Good morning po," bati niya sa lahat ng nandoon. "Good morning, Ma'am..." Lumingon sa kanya ang mommy niya at agad nagsalubong ang kilay nito nang makita ang suot niya. "Bakit iyan ang suot mo?" Tinignan ng mommy niya ang oras sa suot nitong relo. "Sa lahat ng damit ay iyan pa talaga ang napili mo. Go change. Bilisan mo at parating na sila." Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Maayos naman ang suot niyang shirt at pants. Hindi siya mukhang nakapambahay at hindi rin naman siya mukhang OA sa suot niya, kaya nga iyon ang napili niya. "Mom, okay na 'to. Wala naman tayo sa party or what so ever." "Czarina, kahit
Hindi maputol ang tingin ni Zayden sa dalawang tao na nagtatawanan sa hindi kalayuan sa pwesto niya. Ang makitang masaya ang asawa niya sa piling ng ibang lalaki ay nagpapahirap sa kalooban niya sa kasalukuyan. Lalo lang siyang naghinala na niloloko siya ni Czarina, na may relasyon na ito sa iba bago pa ito opisyal na magpahayag sa kanya na gusto na niyang makipaghiwalay."In fairness, bagay silang dalawa." Sa tinig na iyon ni Chloe ay naputol ang tingin ni Zayden sa gawi ni Czarina ay hinarap ang tunay na ka-date. "I'm happy for Czarina. At least magiging masaya tayong lahat, hindi ba? And Mr. Jao is a good choice siguradong walang aangal sa magkabilang kampo.""What do you mean?" kunot-noong tanong ni Zayden."Hindi mo alam? Malapit na magkaibigan ang mga Jao at mga Laude noon pa man pero hindi iyon alam ng madami pero ngayon ay nakikita na madalas sa mga event na magkasama ang dad ni Czarina at dad ni Adrian. Last week, naglaro pa raw sila ng golf."His in-laws don't like him for C
Tumikhim muli si Chloe at sinubukang pagaanin ang tensyon sa pagitan nilang apat lalo na nang makita niya ang nag-aapoy na mga mata ni Zayden. Sinadya niyang lumapit sa pwesto nila Czarina kanina nang makita niya ito upang ipamukha sa babae na siya ang nagwagi sa kanilang dalawa, na siya ang pinili ni Zayden.Pero ngayon ay hindi nagugustuhan ni Chloe ang nangyayari."Akala ko ay seryoso at busy kang tao, Mr. Jao," nakangiting sabi ni Chloe. "Hindi ko alam na magkakasundo pala kayo nitong si Czarina. By the way, I'm a friend of hers din."Gustong masuka ni Czarina sa sinabi ni Chloe. Kung may isang bagay man siyang pinagsisihan sa lahat ng nangyari bukod sa pagpipilit na pakasalan si Zayden, ay yun yung kinaibigan niya si Chloe."That's because I like her," diretsahang sabi ni Adrian. Hindi alam ni Czarina kung seryoso ba ito o talagang tinutulungan lang siya ni Adrian sa harap ng dalawa. Nang marinig iyon ay naramdaman ni Chloe ang paninigas ng katabi niya. Hindi mapakali ang isipan
Nagpanting ang mga tainga ni Czarina sa narinig. Uminit ang ulo niya at hindi na niya napigilang hindi magtaas ng ulo upang harapin sila. Hindi siya makapaniwala na sa bibi pa mismo manggagaling ang mga salitang iyon"So, alam mo pala na hindi pa kami divorced?" kalmado pero may lamang sambit niya habang nakatingin kay Chloe. Natigilan si Chloe at nakaramdam ng kaba sa paraan ng pagkausap sa kanya ni Czarina, inaasahan niyang hindi ito sasagot. Para bang may ipinapahiwatig ang mga salita ni Czarina at pinagmumukha siyang kabit at mang-aagaw.Pero sa mga mata na Chloe ay hindi iyon totoo. Siya naman talaga ang mahal ni Zayden noon pa man, siya ang gusto nitong pakasalan, kung hindi lang mas mayaman ay mas maimpluwensya ang pamilya ni Czarina, kung hindi lang pinilit ni Czarina, ay siya naman dapat ang asawa ni Zayden ngayon.Napansin ni Zayden ang pag-iiba ng kulay ng mukha ni Chloe. Agad niyang inakbayan ang babae at tinapunan ng matatalim na tingin ang gawi ni Czarina. Lumalabas na
"Way to reject someone on the first date, huh?" pabirong saad ni Adrian.Nahihiyang tumungo si Czarina habang nilalaro ang mga daliri niya. Ayaw niyang ma-offend ang lalaki lalo na't ang pamilya niya ang nagpakilala nito sa kanya."Hindi naman sa ganoon, Adrian, hindi lang talaga..." nagbuga siya ng hininga. "Alam ko na maraming babae ang mas better para sa iyo, hindi yung tulad ko na kinasal na."Namungay ang mga mata ni Adrian. Sa halip na masaktan o mapanghinaan ng loob ay tumaas lalo ang respeto at paghanga niya kay Czarina. Noon pa man ay madami na siyang naririnig na magagandang balita tungkol dito pero pinilit niyang hindi na kilalanin ng husto ang babae dahil alam ng lahat kung gaano nito kamahal si Zayden. At nang ikasal ang dalawa, napagtanto ni Adrian na hindi siya kailanman magkakaroon ng tyansa kay Czarina.Hanggang sa dumating ang pagkakataon ngayon."Czarina," umiling siya at natawa ng kaunti. "Stop downgrading yourself. Deserve mo lahat ng mayroon ka, ng mga tao sa pal
Nang marinig ang mga sinabi ni Chloe ay agad naalala ni Zayden si Czarina. Ramdam niya kung gaano siya kamahal ni Czarina noon, napagod din ba ito gaya ng sinabi ni Chloe? Parang sinasaksak ang puso niya sa naisip.Kumurap-kurap siya at muling ibinalik kay Chloe ang atensyon. Ang babaeng ito ang nagligtas sa kanya, utang niya kay Chloe ang lahat, kaya dapat lang na ibigay niya rin sa babae ang buhay na deserve nito.Hinuli niya ang mga kamay ni Chloe at hinalikan iyon habang nakatingin sa mukha ng babae. Nawala ang kunot sa noo ni Chloe at gumaan ang pakiramdam nito sa ginawa ni Zayden, sa isang iglap ay parang nakabawi na agad si Zayden sa kanya."Tapusin lang natin ang birthday ni grandma, hmm? Pagkatapos no'n kinabukasan din ay tuloy na ang divorce namin ni Czarina. Kapag filed na iyon at maayos na, you can now be Mrs. Hart. Ibibigay ko sa'yo ang dream wedding mo." Ngumiti si Zayden kay Chloe. "Matutuloy na rin sa wakas ang kasal natin. Let me know what kind of wedding do you want,
Humahagikhik sa saya si Chloe habang binabasa ang mga comment sa bago niyang post. Kabi-kabilaan din ang headline tungkol sa kanila. Sumandal siya sa balikat ni Zayden at pinakita ang mga comments."Zi, tignan mo dali!" kinikilig na sabi ni Chloe. "Ang daming nacu-curious kung sino ang kasama ko."Kumunot ang noo ni Zayden at sa halip na sa comment tumingin ay sa pictures nila ni Chloe tumutok ang mga mata niya. Naiirita niyang ginalaw ang balikat at hinarap si Chloe."Nag-post ka sa social media?" hindi napigilan ni Zayden mainis.Lumambot ang mukha ni Chloe. "Ah..." kinagat nito ang ibabang labi at sinuot ang nagpapaawa niyang mukha. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita ang mukha mo, Zi..."Napapikit si Zayden habang umiiling. Hinilot nito ang sentido. Tiyak na makikita iyon ni grandma at lagot siya 'pag nagkataon."Tungkol ba ito kay Grandma?" tanong ni Chloe at hinawakan ang braso ng lalaki para pakalmahin. "Don't worry, Zi, gumagawa na ng paraan ang family ko tungkol diyan. Pi
Nagulat si Czarina sa sinabi ng ama. Iyon ang unang beses na sinabi sa kanya iyon ng dad niya gamit ang tono na hindi niya rin gustong pakinggan. Sa pagkakasabi nito ay tila ba inoobliga siya at hindi siya pwedeng humindi.Hindi nagustuhan ng mga magulang ni Czarina ang nangyari ngayong araw, sa isipan nila ay umiral na naman ang pagiging marupok ng anak kay Zayden. Hindi sila galit sa babae pero natatakot sila na masaktan muli ito."Dad," kinakabahang sabi ni Czarina. Natatakot siyang mapagalitan kapag mali ang nasabi. "P-pwede po ba'ng hindi pumunta?Promise, itutuloy ko ang divorce. M-may nangyari lang po talaga ngayong araw kaya hindi kami natuloy..."Hindi umimik ang ama ni Czarina at tumingin lang sa kanya. Sa kaseryosohang meron ito ngayon ay alam na agad ni Czarina kung ano ang sagot nito."Pero, dad, hindi pa ako divorced kay Zayden. Legally, kasal pa rin ako sa ibang lalaki. H-hindi ba siya magagalit? O baka madismaya lang siya," palusot niya na ang tinutukoy ay ang ka-blind
Bagsak ang balikat ni Czarina na umuwi sa bahay nila. Pagdating sa bahay ay nasa sala ang lahat at naghihintay sa kanya. "Anak, kumusta?" Excited na lumapit ang mommy niya sa kanya na siyang unang nakapansin ng pagdatig ng anak.Lahat ay naglingunan sa kanya. At sa sandaling iyon, halos lahat ay pigil ang hininga habang hinihintay ang sasabihin ni Czarina.Pero taliwas sa inaasahang magandang balita ay tipid na ngumiti si Czarina at iniling ang ulo, tila sinasabi na hindi tuloy at hindi nangyari ang gusto niyang mangyari ngayong araw.Dismayadong nagbuga ng hininga ang lola niya at tumayo. Wala na itong sinabi pa pero sa kilos palang nito ay kita na hindi niya gusto ang nangyari. Nalukot ang mukha ng lahat."Sinabi namin na 'wag mong paiiralin ang puso mo ngayon, hindi ba? Czarina, ilang taon ka na bang nagpaka-martyr kay Zayden? Hindi mo pa rin ba ito isusuko?" emosyonal na sabi ng mommy niya.Nakagat ni Czarina ang ibabang labi. "Mom--"Bago pa siya makapagpaliwanag ay umalis na an