Dalawang taon nang nasa Australia si Samantha para tuparin ang pangarap niya. Pero kahit malayo, hindi siya tumigil sa pagsubaybay sa buhay ni Cailyn.Ngayon, magkasama silang kumakain sa isang pribadong lugar. Tahimik lang si Cailyn, tila walang pakialam habang dahan-dahang kinukuha ang gulay gamit ang chopsticks. Pero ang sumunod niyang sinabi, malamig at diretso.“Sa huli, magdi-divorce din kami ni Austin. Wala nang koneksyon, wala nang kahit ano.”"Ano?!" Napalunok si Samantha, natigilan bago sumandal sa upuan. "Sigurado ka? Talagang gusto mo na siyang hiwalayan?"Tatlong taon nang kasal si Cailyn at Austin, pero ni minsan, hindi siya tinuring bilang asawa. Sa paningin ng iba, isa lang siyang alila—isang pangtapal sa buhay ng lalaking ni hindi marunong umamin sa nararamdaman niya.At naalala ni Samantha ang isang eksena bago siya umalis papuntang ibang bansa.Isang gabi, nakalimutan ni Cailyn maghanda ng hapunan dahil sa pag-uusap nila ni Sam. Pagkauwi ni Austin, napansin nitong wa
Huling Na-update : 2025-02-05 Magbasa pa