Pagkatapos ay sumunod ang pait.Halos napaiyak siya.Nakita ni Mrs. Sanvictores ang pilit na ngiti ni Anne at hindi napigilang yakapin siya at aliwin."Kasalanan ko ito. Kung hindi ko sana ito sinuggest sayo... hindi ka na sana nalungkot ngayon.""Naku wala kang kasalanan, Ayos lang ako." Malalim na huminga si Anne at umiling.Pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha ni Mrs. Sanvictores. "Huwag mo akong lokohin, Anne. Kung ako nga nalulungkot, paano pa kaya ikaw?"Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi pa rin ako naniniwala! Kasi yang mga sintomas mo, lahat yan ee para sa mga buntis! Baka masyado pang maaga para mag check?” Pagkasabi nito, biglang itinupi ni Mrs. Sanvictores ang kanyang manggas, sumugod sa banyo, nagsuot ng disposable gloves, at sinimulang halungkatin ang basurahan."Naku po, Huwag na, madumi 'yan!" Mabilis siyang pinigilan ni Anne."Anong madumi? Hindi madumi ang gamit ng inaanak ko! At isa pa, may gloves naman akong gamit!"Sa kabila ng pagtutol ni Anne ay kinuha
Last Updated : 2025-03-20 Read more