All Chapters of Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle: Chapter 391 - Chapter 400

449 Chapters

Kabanata 391

Dahil umabot sa daily limit ang presyo ng stock ng Valderama, maganda ang buong mag-hapon ni Anne.Maraming tao sa paaralan ang nakakaalam na napangasawa niya ang isang miyembro ng pamilya Valderama at binati siya."Teacher Anne, congratulations! Umabot sa daily limit ang stock ng Valderama!""Teacher Anne, congrats!""Teacher Anne, kung may inside information ka, huwag mo kaming kalimutan!"Ngumiti lang si Anne at patuloy na naglakad patungo sa kanyang mesa. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang gamit at handa na siyang umalis.Biglang tumakbo si Mary papunta sa kanya na punung-puno ng sigla."Anne, gusto mo bang mamasyal pagkatapos ng trabaho? Samantalahin mo na at ilibre mo ako, ako ang iyong dakilang kanang kamay! Hahaha sige na mag barbecue na tayo!” "Hmmm pag isipan ko” pang-aasar ni Anne sa kaibigan niya.“Ee… Anne naman. Grabe siya oh!” “Hahaha siyempre naman ililibre talaga kita pero masyadong simple ang barbecue. Dapat kitang ilibre, kasama ang Mama mo ng private dining sa
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 392

Medyo nahiya si Anne kaya agad siyang pumasok sa elevator.Pero hindi niya inaasahan na mas lalo pang lumala ang sitwasyon pag-akyat niya.Ang mga senior executives na hindi pa nakakaalis ng opisina ay malamang na nakatanggap na ng balita mula sa ibaba, kaya pumila sila sa koridor para salubungin siya."Good Morning, Madam!.""Ang galing mo, Madam! Ikaw ang unang nagbukas ng pintuan sa muling pag-angat ng Valderama sa stock market!""Anong unang hakbang? Si Mrs. Anne ang nagligtas sa Valderama Group of Company!""Oo nga! Napakasuwerte ni Madam!"Lalong namula si Anne sa hiya habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga tao.Alam niyang puro pambobola ang mga sinasabi nila, pero hindi niya mapigilang matuwa.Biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO at lumabas si Hector na may nakangiting mukha at mayabang na sinabi"Tama kayong lahat, ang aking asawa ay tunay na suwerte para sa kanyang asawa!"Lalo nang namula si Anne at sa narinig niya kay Hector ay parang nag-aapoy na ang kanyang mukha
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 393

Bahagyang natigilan si Anne, at narinig niya ang seryosong boses ni Hector."Dapat masanay ka na, honey. Ganito ang magiging trato sa'yo ng lahat bilang asawa ng presidente. Ito ang kultura sa aming kumpanya."Matapos ng sandaling pag-iisip ay sinserong sinabi ni Hector:"Anne, masayang masaya ako na makikita ko na ang aking very own Teacher Anne ay kikinang at patuloy na gumaganda sa gitna ng mga papuri ng lahat.Ayaw kong makita kang nakayuko at sumusunod lang kay Vince.Ayaw kong makita kang nagtitiis ng lahat para sa tinatawag nilang 'pamilya.' Napakasakit nun para sa akin.Kung gaano ka binabansagang malas ng pamilya Mendoza, mas lalo kong ipapakita sa lahat na ikaw ang pinaka-maswerteng tao!Ikaw ang babaeng nagbago ng aking kapalaran at nagdala sa akin ng panghabang-buhay na kaligayahan!Kaya dapat kang maniwala sa sarili mo!"Namasa ang mga mata ni Anne at niyakap niya si Hector sa leeg saka mariing hinalikan ito...Kung gaano katamis ang nangyayari sa kanila ay hindi naman ga
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 394

Malamig na ngumisi ang kapatid niya. "Ang pera ang nagpapaikot sa mundo. Mahirap makahanap ng tunay na reporter? Hindi problema 'yan hahanap lang ako ng mga siga at magpapanggap silang reporters..."At agad niya itong isinagawa.Sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon, mabilis niyang nakahanap ng grupo ng mga tao upang harangan si Vince sa harap ng city library pagkatapos ng trabaho.Si Vince ay naghanap ng impormasyon sa loob ng aklatan nang buong mag-hapon. Nang siya ay lumabas, tila lutang ang kanyang isipan, ngunit bigla siyang pinalibutan ng ilang "lalaking mamamahayag" at "self-media" personalities.Hawak nila ang kanilang mga kamera, may ilan pang may bitbit na mikropono, at marahas siyang tinulak sa gitna nila."Mr. Vince, ano ang masasabi mo sa mga tsismis na ikaw ang naging dahilan ng pagkawala ng sampu-sampung bilyong ng Valderama Group?""Ano ang opinyon mo sa kumakalat na balita sa internet na isa kang walang-hiya na lalaki na tumakas matapos matulog kasama ang isang baba
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 395

Matapos ang lahat, alam naman nilang lahat kung posible bang may mangyari sa isang taong lango sa alak.Sa galit ni Anne, ipinagtanggol niya ang sarili at si Hector."Vince, kahit anong hindi pagkakaunawaan ang nangyari sa atin noon, bilang mga nakatatanda, taos-puso kaming umaasa ng Uncle mo na makapag-asawa ka ng babaeng nararapat sa'yo.Kahit man lang isang mabuting babae, hindi isang tusong babae na hindi mo naman mahal, at tiyak na wawasak sa buhay mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang narinig ang malamlam na tinig ni Joana."Sino ang tuso at sino ang hindi mabuti? Future Auntie, hindi ba masama ang magsalita ng masama tungkol sa iba sa kanilang likuran?"Dahan-dahang pumasok si Joana, suot ang isang maluwag na damit para sa buntis, habang hinihimas ang kanyang patag na tiyan.Naningkit ang mga mata ni Donya Estrelita. "Anong ginagawa mo rito?""Pinaghahandaan ang kasal namin ni Vnce!" ngumiti si Joana at lumapit kay Vince, mahigpit na hinawakan ang kamay nito."Sinabi ni Vin
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 396

Biglang sumikip ang mga mata ni Hector. "Pakinggan mo muna ang paliwanag ko."Hindi nagpakita ng anumang emosyon si Anne at simple niyang pinulot ang bote, binasa ang nakasulat dito, at nanigas ang panga sa galit."Ano'ng gusto mong ipaliwanag pa? Gusto mong ipaliwanag kung bakit ayaw mong magkaanak sa akin? O gusto mong ipaliwanag ang epekto ng boteng ito ng gamot?"Umiling si Anne, umatras ng dalawang hakbang, at tumitig kay Hector ng may poot."Hector, hayop ka!Alam mong ilang herbal medicine ang ininom ko nitong mga nakaraang buwan para ayusin ang katawan ko.Pati asukal, isinuko ko. Nag-eehersisyo ako araw-araw, nagpapakuha ng dugo kada buwan lahat ng ito ginawa ko para magkaanak tayo!Pero palihim mo palang iniinom ang ganitong klaseng gamot sa likod ko!"Sa sobrang galit, ibinato niya ang bote ng gamot kay Hector."Kaya pala tuwing hinihiling ko sa'yo na makipagtulungan sa akin sa panahon ng ovulation ko ay palagi kang umiiwas!Ayaw mo talagang magkaanak sa akin, hindi ba?"Na
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 397

Sa sobrang galit, sinunggaban ni Vince si Joana at mahigpit na kinamkam ang kanyang leeg!"Napaka-walanghiya mo para gamitin ang artificial insemination para pilitin akong pakasalan ka?!Iniwan ko ang sarili kong ina para tulungan ka sa problema ng pamilya mo, pero sa halip na magpasalamat, ganito pa ang ginawa mo sa akin!Bakit?! Bakit?! Joana, papatayin kita!Kailanman, hindi ako magpapakasal sa isang walang utang na loob, mapanlinlang, at nakakasuklam na babae tulad mo!Kapag nakikita kita ngayon, gusto kong sumuka!"Mahigpit na hinawakan ni Vince ang leeg ni Joana, niyugyog ito nang todo, at ang kanyang mga mata ay puno ng dugo sa galit, tuluyan na rin siyang nawalan ng katinuan.Sa simula ay nagawa pang sumagot ni Joana at ipagtanggol ang sarili.Pero habang lumilipas ang mga segundo, palakas nang palakas ang pagkakasakal ni Vince sa kanya.Paunti-unti ang kanyang paghinga, pakiramdam niya ay nasa bingit na siya ng kamatayan.Namula ang kanyang mukha at leeg, nanlaki ang kanyang
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Kabanata 398

Narinig niya ang banayad na boses ng kaniyang ama mula sa kabilang linya.Isang tono na hindi niya kailanman narinig mula pa noong siya ay bata pa.Sa isang iglap ay naramdaman niyang namasa ang kanyang mga mata.At matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Muling nagsalita si Rolando na may banayad na tono"Ay pasensya na. Natutulog ka na ba? Naistorbo ba kita?""Hindi naman. Gising pa ako."Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone niya at naramdaman niya ang kaunting panginginig sa kanyang dibdib.Sa napakaraming taon ngayon lang niya nadama ang ganitong klase ng pag-aalala mula sa kanyang ama.Narinig niya ang mahihinang tawa ni Rolando."Aba, kasalanan ko pala. Hindi ko alam kung kasama mo si Hector ngayon, kaya hindi dapat kita tinawagan.Gusto sana kitang makita, hindi ka na kasi bumalik sa bahay namin.Gusto ko lang tanungin ka... naagrabyado ka ba sa piling ni Hector? Mabuti ba ang trato niya sa'yo?"Napuno ng luha ang mga mata ni Anne.Tumingala siya at tiningna
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Kabanata 399

Mula simula hanggang wakas, si Elaine lang ang anak na babae ni Rolando sa kanyang puso.Umalis si Anne nang may kabiguan at mas lalong nalulumbay.Ito nga ba ang dahilan kung bakit niya gustong magkaroon ng anak na tanging kanya lang , isang pamilya na handa niyang bunuuin?Hindi man lang naramdaman ni Hector kung gaano siya nasaktan nang malaman niyang may polycystic ovary syndrome siya.Magmula ng malaman niya iyon ay palagi siyang naghahanap ng impormasyon sa internet, at habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot na baka hindi siya magkaanak.May mga taong may polycystic ovary syndrome, at may mga mag-asawang naghirap ng sampung taon at hindi pa rin nagkakaroon ng anak.Talaga namang nag-aalala si Anne, kaya naglakad siya nang naglakad hanggang sa magtungo siya kay Mrs. Sanvictores. Sa oras na iyon ay kakabalik lang ni Elaine sa kanyang kwarto nang biglang pumasok si Beth, isang kasambahay ng pamilya Valderama, at mayabang niyang inilabas ang kamay papunta kay Elaine."Ibigay m
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Kabanata 400

Kaya pinagpalitniya ang dalawang bata at iniwan ang anak ni Felyn sa pintuan ng ampunan.Pinaalagaan niya sa Mendoza family ang bata.Ngayon tapos na ang problema niyang magpakahirap mag-alaga ng anak ng kapatid niya?Pagkatapos, nalaman niya na si Rolando at Felyn ay sobrang naniniwala sa mga pamahiin. Naiinis sila dahil muntik nang mabaon sa utang ang pamilya nila nang ipanganak ang panganay nilang anak, kaya naisip niyang kumuha ng manghuhula na magsabi ng masamang bagay tungkol kay Anne at magbigay ng magandang bagay tungkol kay Elaine para higit pang paboran siya ng pamilya Mendoza at bigyan siya ng mas maraming benepisyo.Kung makikinabang si Elaine sa pamilya Mendoza, hindi ba't magiging magaan ang buhay niya bilang isang tiyahin?At tama ang naging desisyon niya dahil sa mga taon na lumipas ay nakakuha siya ng daan-daang libo mula kay Elaine.At pagkatapos makuha ang credit card ay lumabas na si Beth ng kwarto ni Elaine.Sa kabilang panig, na-track ni Hector si Anne na nasa pam
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more
PREV
1
...
3839404142
...
45
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status