All Chapters of Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle: Chapter 411 - Chapter 420

446 Chapters

Kabanata 411

Buti na lang, hindi na kailangang dumaan sa maraming proseso at hindi na kailangan ng IVF, halos mapaiyak sa tuwa si Anne ng malaman niyang buntis siya ng natural!Si Mrs. Sanvictores ay sobrang saya din na parang magiging lola na siya.Tinutulungan niya si Anne na maupo at hindi nakapagpigil na magtanong "Ano ang plano mo ngayon? Sasabihin mo na ba kay Hector?"Nilingon ni Anne si Mrs. Sanvictores at umiling "nakita mo naman siya… Hindi ko muna sasabihin sa kanya. At nakita ko sa internet na ang mga may polycystic ovary syndrome ay madaling mag-miscarriage. Masyado pang maaga , kaya hindi muna."Tumango si Mrs. Sanvictores: "Igagalang ko ang desisyon mo!”Nang gabing iyon, si Hector ay muling natulog sa maids room. Pakiramdam niya ay hindi talaga siya komportable.Gusto niyang yakapin ang kanyang mabango at malambot na asawa.Sino ba naman ang gustong yakapin ang bata? Paano magiging kasing lambot ng asawa niya ang bata, at paano magiging kasing bango ng asawa niya ang bata?Kin
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Kabanata 412

Ang kuya ni Joana ay lumapit na parang tanga at yumuko ng magalang, "Hi miss, gusto ko lang sanang malaman kung anong pangalan mo?"Napahinto si Anne sa kanyang pakikipag-usap sa iba. Nang marinig ang prente at pabigat na boses ng lalaki ay agad siyang nakaramdam ng hindi komportable."Pasensya na, hindi ako komportableng kausap ka."Matapos sabihin ito at binawi ni Anne ang tingin at patuloy na nakipag-usap kay Mrs. Sanvictores at ang grupo ng mga asawa.Pagkatapos maglakad-lakad sa buong lugar, si Bruce na hindi pa nakakaranas ng ganoong kabigat na pagtanggi, ay agad na nagalit."Miss, alam mo ba kung sino ako?"Narinig ni Anne ang sinabi niya pero hindi siya nagtakang magsalita.Si Mrs. Sanvictores ay sumulyap sa kanya na may bahagyang inis nang marinig ang tono ng boses nito.Dahil sa sumusunod siya sa kaniyang prinsipyo ng hindi pumapatol sa gulo ay hindi nagsalita si Mrs. Sanvictores.Nakita ni Bruce na hindi sumasagot ang dalawa at inisip niyang sinusuri nila ang kanyang status
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Kabanata 413

Tumayo siya nang tuwid at walang bakas ng takot."Paalala lang," dugtong niya, "hindi tamang tawagin ang kapatid mong ikakasal ngayong gabi. Isa itong engagement party, hindi kasal.""Ikalawa, ang dahilan kung bakit ang pamilya Valderama ay nasa tuktok ng mayayamang pamilya ay hindi dahil sa pang-aapi nila sa iba, kundi dahil sa walang sawang pagsisikap nilang tumulong sa pag-unlad ng Tondo.""Alam ng lahat na mababait at madaling lapitan ang matandang mag-asawa ng pamilya Valderama, at ang kanilang mga anak ay lumaki nang may disiplina at hindi kailanman inaapi ang inosente.""Kung balak ninyong makipag-ugnayan sa pamilya Valderama sa pamamagitan ng kasal, hindi ninyo dapat sirain ang kanilang reputasyon sa ganitong paraan.""At panghuli, huwag mong kalimutang buksan ang lokasyon sa iyong cellphone bago ka lumabas. Kasi may satellite sa itaas mo."Napakunot-noo ni Bruce at halatang nalito. "Anong ibig mong sabihin?"Malamig na ngumiti si Anne. "Ibig sabihin, kaya mong makita ang sari
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 414

Dahan-dahang lumapit si Jennie na puno ng kumpiyansa at kayabangan."Kami!" sagot ng kapatid ni Joana habang ipinagmamalaki ang sarili. "At ikaw? Sino ka?"Pagkasabi niya nito ay biglang nagkaroon ng malakas na tawanan sa paligid.Maging si Jennie ay napatawa."Oh? Ako? Ako lang naman ang ina ni Vince."Sa pagbitaw ng kanyang huling salita ay agad na kumalat ang bulungan at tawanan ng mga tao sa paligid."Sabi mo kamag-anak ka nila? Ni hindi mo nga kilala ang nanay ni Vince!""Nakakatawa!""Tama! Marami na akong nakitang napahiya, pero ngayon lang ako nakakita ng ganito kabilis!"“Hahhaa ang kapal ng mukha mong magmayabang, ni hindi mo kilala ang mga taong nasa harapan mo?”Hindi maipinta ang mukha ng pamilya Joana na punong-puno ng pagkainis.Dali-daling lumapit si Joana at pilit na ngumiti at sinubukang hawakan ang kamay ni Jennie."Mom, tara pumasok na po tayo, para makaupo ka na” Ngunit itinaas ni Jennie ang kanyang kamay upang pigilan si Joana."Hindi na. Isa lang itong engageme
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 415

Pagkatapos, inabot niya ang kanyang kamay—Isa para takpan ang bibig ni Anne, at ang isa naman... papunta sa kanyang dibdib.Nang dumampi ang kamay ni Bruce ay agad siyang napasigaw na parang baboy na kinakatay.“Ahah”Lumingon si Anne at nakita si Hector na lumalabas mula sa dilim, kalmado at elegante, may isang kamay sa kanyang bulsa habang mahigpit na hawak ang pulso ni Bruce. Krack!Isang malinaw na tunog ng butong nabali ang umalingawngaw.Nabali ang kamay ni Vince. Isang malakas na sipa pa at napaluhod siya sa harap ni Anne.“Ikaw, sino ka?!” Halos hindi na siya makabangon sa sobrang sakit, ngunit masama ang tingin niya kay Hector."Alam mo ba kung sino ako? Ako ang bayaw ng lalaking ikakasal ngayon! Kung babanggain mo ang bayaw ng isa sa pamilya Valderama, sa tingin mo ba makakaalis ka pa sa Tondo?"Napailing si Anne sa matinding pagka-dismaya.Ito na naman?Wala na bang alam ang pamilyang ito kundi ang manakot gamit ang kanilang kapangyarihan?Pinagpag ni Hector ang alikab
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 416

Pagkarating nila sa bulwagan ay umakyat na sa entablado ang punong-abala ng kasal.“Ladies and Gentlemen, our dear guest, opisyal nang magsisimula ang engagement party nina Mr. Vince at Ms. Joana.”Suot ang isang hindi na bago ngunit puting suit ay lumakad si Vince papunta sa entablado, may ngiting ibinato kina Anne at Hector.Biglang kumabog ang dibdib ni Anne.May masama siyang pakiramdam siya.Ang suit na iyon... iyon din...Mabilis na napansin ni Hector ang pagbabago sa mukha ni Anne. Yumuko siya at mahinang nagtanong: "Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?"Habang nagtatanong ay hinubad na niya ang kanyang coat at maingat na isinampay ito sa mga balikat ni Anne."Nilalamig ka ba?"“hindi naman.” Ginusto sanang ibalik ni Anne ang coat ni Hector, pero naalala niyang kailangang ingatan ang sarili dahil sa kanyang pagbubuntis. Sa huli, nagpasya siyang suotin na lang ito.Napansin ng mga tao sa paligid ang eksenang ito at nagbulungan sila.“Noong nakaraang eleksyon para sa foundation, s
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 417

Punong-puno ng maliliit ngunit makahulugang bagay ang PPT.Wala man ni isang larawan na nagpapakita ng mukha ni Anne, pero ang mga alaalang ito ay tila pinagtagpi-tagpi ang kwento nilang dalawa."Sa espesyal na araw na ito, gusto kong ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya na mas higit pa sa kanyang inaakala.Marahil, hindi ko naipakita nang maayos, pero ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi kailanman nagbago."Sa wakas ang titig ni Vince ay nagpaisip sa lahat na may mali kaya sabay-sabay silang tumingin kay Anne."Diyos ko, naaalala ko ang live broadcast noon… inamin ng babaeng iyon na siya ang dating fiancée ni Vince!”“Si Vince ay pamangkin ng Hector, at ngayon, ang babaeng ito ay kasama na ang Hector!""Putcha, ang tindi ng drama!"…Dinig na dinig ni Anne ang mga usapan sa paligid, kaya't unti-unting humigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran.Hindi siya makaalis, pero hindi rin siya makapag-stay!Kung aalis siya, para na rin niyang inaming siya ang bab
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 418

Hindi nakaimik ang lahat. Ang kanilang mga mata ay sapat na para makapag-usap sila at maintindihan ang isa’t-isa.Tiningnan siya ni Joana at muling sumabog sa galit "hayop ka Vince, sinasadya mo talagang insultuhin ako!""Insultuhin ka? Kahit kailan ay hindi ko intensyon na maka-insulto ng kahit na sino.” Kalmadong sabi ni Vince. "Hindi ba gusto mo ako noon pa man? Mali pala, Mahal mo ako noon pa? Hindi mo ba ako hinangaan?"Hindi nakaimik si Joana."Dahil sobrang mahal mo naman ako noon pa man kaya siguradong hindi dahil yon sa yaman o estado ko kaya mo ako nagustuhan. Siguradong hindi mahalaga sayo ang pera. Kaya kahit anong singsing ang ibigay ko sa'yo, magugustuhan mo."Sa sobrang galit ni Joana ay namutla siya at hindi makasagot."O baka naman isa ka din sa mga babaeng hinahangad lang ay kayamanan ng isang tao at hinahamak mo ang mga mahihirap na kagaya ko?” Sa matinding inis, nagngingitngit na lang si Joana dahil pakiramdam niya ay na korner na siya "Siyempre hindi!"Matapos
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 419

Tiningnan siya ng may poot ng kapatid ni Joana at sinabing, "Napakasama mong babae ka, nananatili ka pa ring kalmado sa ganitong sitwasyon. Napakalamig ng dugo mo! Tingnan mo kung gaano karaming dugo ang nawala sa kapatid ko...""Sandali lang." Pinutol siya ni Anne, "Bagaman mukhang marami ang dugong ito, hindi ibig sabihin na lahat ay galing sa kapatid mo. At higit sa lahat, hindi ako ang pumatay sa kanya. Kung patuloy mo akong sisiraan, maaari akong tumawag ng pulis.""Ang galing niyo talagang mga edukado sa pagbabaligtad ng sitwasyon!"Sinubukan ng kapatid ni Joana na galitin ang mga tao sa paligid."Halina kayo, maging saksi kayo sa amin!""Tatawag ako ng pulis ngayon para kilalanin natin ang masamang babaeng ito!""Tulungan ninyo ang aming kawawang pamilya at ilabas ang katotohanan!"Biglang lumuhod si Christy at nagsimulang magpatirapa habang umiiyak."Wala kaming kapangyarihan o impluwensya. Maawa kayo sa amin!"Ang kanyang iyak ay nakakapangilabot, tila umaabot hanggang langit
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 420

Natigilan si Vince, at medyo tumaas ang boses niya"Paano kita sinisira?"Hindi siya pinansin ni Anne at dumiretso ng tingin sa ibaba."Pwede ninyong dalhin si Joana sa ospital para magpagamot, pero dapat may isang miyembro ng pamilya ni Joana ang manatili rito upang linisin ang pangalan ko!""Sinasabi ko sa inyo, hindi ko itinulak si Joana. Siya mismo ang nagpanggap na nahulog mula sa itaas!""Nagsisinungaling ka!" Biglang sumingit ang kapatid ni Joana, "Buntis ang kapatid ko sa anak ng Pamilya Valderama ! Hindi sulit na isakripisyo niya ito para lang sirain ka!"Nang marinig ito, biglang may napansin si Anne.Kung totoong buntis si Joana sa anak ni Vince, paano niya nagawang gamitin ang bata para siraan siya?Habang iniisip ito ay bumulong siya ng ilang salita sa tainga ni Miggy.Mabilis namang naintindihan ni Miggy at agad na bumaba ng hagdan.Pagkatapos ay lumingon si Anne sa lahat ng naroroon."Mayroon akong isang maliit na eksperimento upang patunayan sa lahat na may blood bag s
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more
PREV
1
...
404142434445
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status