Punong-puno ng maliliit ngunit makahulugang bagay ang PPT.Wala man ni isang larawan na nagpapakita ng mukha ni Anne, pero ang mga alaalang ito ay tila pinagtagpi-tagpi ang kwento nilang dalawa."Sa espesyal na araw na ito, gusto kong ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya na mas higit pa sa kanyang inaakala.Marahil, hindi ko naipakita nang maayos, pero ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi kailanman nagbago."Sa wakas ang titig ni Vince ay nagpaisip sa lahat na may mali kaya sabay-sabay silang tumingin kay Anne."Diyos ko, naaalala ko ang live broadcast noon… inamin ng babaeng iyon na siya ang dating fiancée ni Vince!”“Si Vince ay pamangkin ng Hector, at ngayon, ang babaeng ito ay kasama na ang Hector!""Putcha, ang tindi ng drama!"…Dinig na dinig ni Anne ang mga usapan sa paligid, kaya't unti-unting humigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran.Hindi siya makaalis, pero hindi rin siya makapag-stay!Kung aalis siya, para na rin niyang inaming siya ang bab
Hindi nakaimik ang lahat. Ang kanilang mga mata ay sapat na para makapag-usap sila at maintindihan ang isa’t-isa.Tiningnan siya ni Joana at muling sumabog sa galit "hayop ka Vince, sinasadya mo talagang insultuhin ako!""Insultuhin ka? Kahit kailan ay hindi ko intensyon na maka-insulto ng kahit na sino.” Kalmadong sabi ni Vince. "Hindi ba gusto mo ako noon pa man? Mali pala, Mahal mo ako noon pa? Hindi mo ba ako hinangaan?"Hindi nakaimik si Joana."Dahil sobrang mahal mo naman ako noon pa man kaya siguradong hindi dahil yon sa yaman o estado ko kaya mo ako nagustuhan. Siguradong hindi mahalaga sayo ang pera. Kaya kahit anong singsing ang ibigay ko sa'yo, magugustuhan mo."Sa sobrang galit ni Joana ay namutla siya at hindi makasagot."O baka naman isa ka din sa mga babaeng hinahangad lang ay kayamanan ng isang tao at hinahamak mo ang mga mahihirap na kagaya ko?” Sa matinding inis, nagngingitngit na lang si Joana dahil pakiramdam niya ay na korner na siya "Siyempre hindi!"Matapos
Tiningnan siya ng may poot ng kapatid ni Joana at sinabing, "Napakasama mong babae ka, nananatili ka pa ring kalmado sa ganitong sitwasyon. Napakalamig ng dugo mo! Tingnan mo kung gaano karaming dugo ang nawala sa kapatid ko...""Sandali lang." Pinutol siya ni Anne, "Bagaman mukhang marami ang dugong ito, hindi ibig sabihin na lahat ay galing sa kapatid mo. At higit sa lahat, hindi ako ang pumatay sa kanya. Kung patuloy mo akong sisiraan, maaari akong tumawag ng pulis.""Ang galing niyo talagang mga edukado sa pagbabaligtad ng sitwasyon!"Sinubukan ng kapatid ni Joana na galitin ang mga tao sa paligid."Halina kayo, maging saksi kayo sa amin!""Tatawag ako ng pulis ngayon para kilalanin natin ang masamang babaeng ito!""Tulungan ninyo ang aming kawawang pamilya at ilabas ang katotohanan!"Biglang lumuhod si Christy at nagsimulang magpatirapa habang umiiyak."Wala kaming kapangyarihan o impluwensya. Maawa kayo sa amin!"Ang kanyang iyak ay nakakapangilabot, tila umaabot hanggang langit
Natigilan si Vince, at medyo tumaas ang boses niya"Paano kita sinisira?"Hindi siya pinansin ni Anne at dumiretso ng tingin sa ibaba."Pwede ninyong dalhin si Joana sa ospital para magpagamot, pero dapat may isang miyembro ng pamilya ni Joana ang manatili rito upang linisin ang pangalan ko!""Sinasabi ko sa inyo, hindi ko itinulak si Joana. Siya mismo ang nagpanggap na nahulog mula sa itaas!""Nagsisinungaling ka!" Biglang sumingit ang kapatid ni Joana, "Buntis ang kapatid ko sa anak ng Pamilya Valderama ! Hindi sulit na isakripisyo niya ito para lang sirain ka!"Nang marinig ito, biglang may napansin si Anne.Kung totoong buntis si Joana sa anak ni Vince, paano niya nagawang gamitin ang bata para siraan siya?Habang iniisip ito ay bumulong siya ng ilang salita sa tainga ni Miggy.Mabilis namang naintindihan ni Miggy at agad na bumaba ng hagdan.Pagkatapos ay lumingon si Anne sa lahat ng naroroon."Mayroon akong isang maliit na eksperimento upang patunayan sa lahat na may blood bag s
Nang marinig ito, parang natauhan si Joana.Oo nga, paano ito humantong sa ganito?Kahit hindi siya pinapalagay ni Vince sa front seat noon, binibigyan naman siya nito ng atensyong hindi natatanggap ng iba.Inaalagaan siya nito sa trabaho at ipinagtatanggol laban sa mga nagpapainom.Tuwing umiiyak siya, inaalo siya nito ng may pagmamahal.Tuwing humihingi ng pera ang kanyang pamilya, walang pag-aalinlangan siyang tinutulungan siya ni Vince.At sa pagitan nila ni Anne, palaging siya ang pinaniniwalaan ni Vince.Paano humantong ang lahat ng ito sa ganitong punto?Tiningnan ni Joana ang matinding galit sa mata ni Vince, at pakiramdam niya ay tila may tumusok sa kanyang puso. Ipinihit niya ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata sa sakit.Pagdating ng ambulansya. In
Mabilis siyang tumakas sa bintana at tumakbo papunta sa bahay ng Pamilya Valderama ...Kailangang sabihin niya kay Vince ang katotohanan sa lalong madaling panahon!Hingal na hingal si Elaine sa kanyang pagtakbo. Nang hindi na niya kaya, dumiretso siya sa isang bahay sa paanan ng bundok at nakiusap na makigamit ng telepono.Mabilis niyang tinawagan si Vince."Hello, Kuya Vince? Ako ito, si Elaine. May mahalaga akong sasabihin sa’yo tungkol sa batang dinadala ni Joana...""Ano?!"Nanlaki ang mga mata ni Vince at kumunot ang kanyang noo."Totoo ba ang sinasabi mo?""Oo kuya totoong totoo! Kuya Vince, narinig ko mismo ang usapan nila sa mall.Kinulong nila ako sa isang bahay at nakatakas lang ako."Saglit na tumigil si Elaine bago mu
Tumango si Vince na wala pa ring kulay ang kanyang mukha, at agad na nagpunta sa control room upang burahin ang surveillance footage.Samantala, lumapit si Jennie kay Joana at sinuri ang kanyang paghinga.Buhay pa siya.Maya-maya ay bahagyang naningkit ang mga mata ni Jennie.Dahan-dahan niyang kinuha ang isang mabigat na plorera sa tabi at malakas itong ipinalo sa ulo ni Joana.Pak!Umagos ang dugo mula sa ulo ni Joana, at natakpan ng pulang likido ang kanyang mukha, na lalo pang nagpatindig-balahibo sa eksena.Matapos ang ilang saglit ay unti-unting nagkamalay si Joana.Nakita niya sina Jennie at ang matandang drayber na buhat siya, papunta sa trunk ng sasakyan.Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa matinding takot na bumalot sa kanya, kaya sinubuk
Nagtinginan ang mga magulang ni Joana at halatang nag-aalangan. "Sigurado ka ba? Kung gayon, gusto namin ng 50 milyon bilang kabayaran."Sa sobrang inis sa pagiging makapal ng mukha ng pamilyang ito ay natawa na lang si Vince, ngunit matigas pa rin niyang sinabi, "Bitiwan niyo muna siya. Ako ang magbabayad ng pera."Muling nagkatitigan ang mag-asawa bago tuluyang binitiwan si Anne.Hindi pa rin natuwa ang kapatid ni Joana at nagreklamo sa kanyang mga magulang. "50 million lang ang ipapabayad niyo?. Ayaw niya nang pakasalan si Joana. Kung gano'n, hindi naman siguro sobra kung hingin natin ang 100 milyon!"Agad na tumugon si Jonard, ang ama ni Joana "Tama! Ngayon, tinatanggihan mo nang pakasalan ang anak ko, kaya kailangan mong bayaran siya bilang kabayaran sa nawala niyang kabataan. Gusto namin ng 100 milyon! Ay Hindi—200 milyon!""Okay." Walang pag-aalinlan
"Kay ka nakipagrelasyon kay Vince dahil iniligtas ka niya sa sunog?" Napuno ng pagkagulat at panghihinayang ang mga mata ni Hector."Oo." Tumango si Anne, hinimas ang kanyang dibdib at bahagyang nagreklamo na may halong lambing, "Kasalanan mo ito. Hindi mo naman sinabi sa akin kaagad, tuloy nagtiiis pa ako ng tatlong taon"Kung sinabi mo lang kaagad sa akin baka hindi natin nasayang ang tatlong taon.”Napapailing na gusto sanang dumilat nang husto ni Hector: "Ang pagliligtas sa'yo ay hindi naman malaking bagay. Ano bang espesyal sa isang lalaking inililigtas ang babaeng mahal niya?"Dati, pakiramdam ni Anne ay napakaemosyonal ng sandaling iyon, pero ngayon, bigla siyang natigilan at malawak na iminulat ang mga mata habang nakatingin kay Hector: "Ikaw...""Ano'ng meron sa akin?" Sagot ni Hector na parang natural lang, hindi man lang nagbago ang ekspresyon. "Misis ko hindi naman sigurong mali na aminin ko din ang pagmamahal ko sayo tutal ay umamin ka na sakin!” Anne: ...Habang sinasab
"Sa simula pa lang, alam mong si Anne na ang nakalaan para sa akin! Ang lola mo ang gustong ipakasal kami. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa'yo! Vince, sino ba talaga ang nang-agaw sa ating dalawa?"Habang sinasabi ito, mahigpit niyang hinawakan ang kwelyo ni Vince, binuhat siya mula sa sahig at walang pakundangang inihagis palabas ng silid."Mula ngayon, kung maglakas-loob ka pang magkaroon ng anumang ideya tungkol kay Anne, huwag mo akong sisihin kung magiging walang-awa ang Uncle mo sayo."Pagkasabi nito, diretsong itinapon niya ito sa pasilyo na may malakas na tunog.Hanggang sa muling magsara ang pinto ng silid, matagal pang nanatiling tulala si Anne, hindi siya makagalaw, at naging blangko ang kanyang isip. "Totoo ba ang sinabi mo?"Kalmadong tinaas ni Hector ang kilay niya at walang pakialam na sumagot."Huwag kang mag-alala, hindi na maglalakas loob si Vince na black-mail-in ka ng tungkol dito.” Sa labis na tuwa at pagkabigla, mabilis na bumaba mula sa kama si Anne at m
Biglang kumalabog ang pinto nang buksan ito ni Vince.Napalakas ang kaba ni Anne at itinulak si Hector palayo.Nang bumagsak si Hector mula sa kama, tinitigan niya si Anne ng may inis sa mukha."Bakit ka kinakabahan? Hindi mo ba alam na nakasex na kita ng ilang beses? Sige nga. Paano mo nakuha ang dalawang bata sa tiyan mo?"Hindi nakasagot si Anne at napayuko na lang sabay iling.Hindi inasahan ni Vince na makikita ang dalawa sa kama ng ospital, kaya medyo nahihiya siya."Pumunta lang ako dito para tingnan si Anne. Kung okay na siya, aalis na din ako."Humarap si Vince at lilingon na sana para umalis.Pero tumayo si Hector mula sa sahig, at ang boses niya ay kasing malamig ng yelo."Wait. Vince, bakit parang hindi ko yata maalala na ikaw ang unang pumasok sa apoy para iligtas si Anne?"Napatulala si Anne. Dito, ay tila naiintindihan niya ang buong katotohanan tungkol sa nangyaring pagligtas ni vince sa kaniya sa sunog. Si Vince ay parang na-pako sa kanyang pwesto ng isang kahoy na
Tumingin si Anne sa doktor: "Huwag mo siyang pakinggan. Gawin mo ang lahat para iligtas ang mga anak ko. Hindi na masyado masakit ang tiyan ko ngayon."Napakamot sa sentido ang doktor."Titingnan natin ang aktwal na kondisyon."Pagpasok ni Anne sa operating room, tulala si Hector at parang nakita niya ang multo ni Renz."Ano’ng sinabi ni Anne? Dalawang bata? Tama ba yung narinig ko?""Boss, tama po ang narinig ninyo. Dalawang bata rin ang narinig ko. Binabati kita..."Hindi pa natatapos si Renz sa pagsasalita nang dalawang beses na kumibot ang labi ni Hector, saka siya bumulong"Dalawa agad..."Renz: ..."Hehe~ aba boss, sa totoo lang, may ibang tao nga na tatlo ang anak sa isang pagbubuntis! Minsan nga, may apat o lima pa!"Tiningnan siya ni Hector nang malamig "niloloko mo ba ako?""Oo nga boss" Matigas ang tono ni Renz. "Nakakatuwa diba?""Hindi!"Renz ...Makalipas ang kalahating oras, ipinasok na si Anne sa kanyang regular na kwarto. Agad na pinuntahan siya ni Hector."Sir Hector
Dahan-dahan siyang lumapit kay Anne at bawat hakbang niya ay nagpapalakas ng kaba sa paligid.Ngumiti ng mahina si Anne at mahina niyang sinabi, "nilalamig ako.""Anong nangyari sayo? Nasaktan ka ba?"Hindi nakayanan ni Hector kahit isang segundo pa. Mabilis na nawala ang kanyang malamig na ekspresyon, at agad itong napalitan ng labis na pag-aalala.Bumaba ang tono ng kanyang boses, naging banayad at puno ng lambing.Samantala, nakatulala si Renz sa isang tabi: "...Hah???""‘Yon na ‘yon?"Hindi pinansin ni Hector ang reaksyon ni Renz. Mabilis niyang hinubad ang kanyang makapal na jacket, hinila ang maruming kumot, at ibinalot ito kay Anne.Nang mahila niya ang kumot, napansin ng kanyang mata ang mga patak ng dugo sa sahig, at bigla siyang nanginig."Anne, anong nangyari sa’yo?"Ang boses ni Hector ay punong-puno ng takot-mas matindi pa kaysa sa takot na naramdaman niya noong iniisip niyang baka mawala ito habang papunta pa lang siya rito!Ngumiti si Anne ng mapait at halos wala nang n
Ngunit nag-atubili si Vince bago mahigpit na hinawakan ang braso ni Anne. "Anne, may gustong sumira sa akin doon. Kaya tumakas na tayo. Huwag mo nang alalahanin ang nangyari sa Tondo. Umalis na tayo papuntang ibang bansa."Habang sinasabi niya ito, may matinding sakit sa kanyang mga mata nang tingnan niya ang tiyan ni Anne."Ituturing ko na rin ang batang ito na akin.Anne, maniwala ka sa akin... Noong araw, handa akong isakripisyo ang buhay ko para sa’yo. At totoo ang pagmamahal ko sayo. Wala nang ibang tao sa mundo na magmamahal sa’yo nang higit sa akin. Kaya sumama ka na sa akin!""Vince, kumalma ka." Malakas ang pagkakahawak ni Vince sa braso ni Anne, at nagdulot ito ng sakit sa kaniya. Mas lalong kinilabutan si Anne nang makita ang pagiging desperado at dilim sa mga mata ni Vince.Sa harapan niya ay ang walang katapusang puting dagat.Dahil buntis siya, imposible para sa kanya na tumalon. Wala siyang ibang nagawa kundi subukang pakalmahin si Vince."Vince, maniwala ka sa akin,
Malakas ang hangin sa daungan.Awtomatikong itinakip ni Anne ang kanyang makapal na jacket sa kaniyang katawan at tinawagan si Vince."Nandito na ako."Nagbigay si Vince ng numero ng cruise ship: "Anne, sumakay ka na.""Hindi!" Tumanggi si Anne nang matigas. "Vince, may asawa na ako. Hindi ako sasakay bastahan sa kahit na saan. Pwede kitang kausapin dito mismo sa daungan, pero ‘yan na ang hangganan ko."Wala nang nagawa si Vince kundi bumaba ng cruise ship at lumapit kay Anne.Habang naglalakad siya, may drone na palaging nakasunod sa kanya.Naramdaman ni Anne na may kakaiba, pero hindi niya matukoy kung ano iyon.Si Vince, na may bigote at suot ang kanyang jacket at sumbrero, ay lumapit kay Anne na may bakas ng takot sa mukha.Nang makita niya ito sa ganoong kalagayan, parang may kumurot sa puso ni Anne.Dati, si Vince ay isang mataas ang tingin sa sarili at matagumpay na binata sa kanilang mundo. Paano siya nauwi sa ganito?"Anne, masaya ako na pumunta ka." Malungkot na ngumiti si V
Napabuntong-hininga si Mrs.Heidi at saka naguguluhang nagsalita. "Ibig mong sabihin, sinadya mong si Euleen ang gumastos ng lahat?""Oo." Tumango si Anne, "At sa tingin ko, ito rin ang nais mangyari ng direktor ng Women's Federation."Mula nang sinimulan niya ang planong ito, matagal nang nahalata ni Anne na nais ng direktor ng Women's Federation na si Euleen ang maging "tagapag-ligtas ni Joana kahit na ang totoo ay maglilikha ito ng negatibong usap-usapan laban sa kaniya.."Pagkatapos ng lahat, kabilang ito sa usaping pangkababaihan, ngunit isang espesyal na kaso ang tungkol kay Joana, isang uri ito ng kaso na napakahirap lutasin.Kinagabihan, ipinost ni Anne sa kanyang personal na social platform ang kanyang mga tala mula sa library.Ipinaalam niya ang iba't ibang paraan kung paano hinaharap ang mga kaso ng mga taong nawalan ng malay at walang kamag-anak na mag-aalaga sa kanila.Maaaring kumonsulta ang ospital sa mga kamag-anak na nasa bilangguan at ibenta ang mga ari-arian para sa
Natawa na lang si Anne sa kapilyuhan ng kaniyang asawa. [wala na talaga akong masabi sayo Hector! Dinaig mo pa si Joana sa kadramahan!]Napapailing na sabi ng utak ni Anne. Pero para hindi masyadong mapahiya si Vince ay nagkunwaring nagalit si Anne at masamang tumingin kay Hector.Agad namang yumuko si Hector na parang isang maamong tuta at mahinang bumulong, "Misis ko, sorry na! Gagawa na lang ako ng sulat ng paghingi ng tawad pag-uwi natin."Napatawa si Anne sa kanya, at sa kanyang mga mata, makikita ang bahagyang pagtangkilik at pagmamahal."Tama na ‘yan, huwag ka nang magdrama. Umalis na tayo."Habang naglalakad sila palayo, saglit na nilingon ni Hector si Vince, na halatang naiinis, bago hinapit ang balikat ni Anne at sinabi,"Ano bang espesyal sa tatlong taon? Anne, gusto kong makasama ka sa loob ng tatlumpu, animnapu, hanggang pitumpung taon…"Muling pinisil ni Anne ang kanyang braso dahil alam na alam niya ang ibig sabihin ng asawa niya. "Sige na, tumahimik ka na."Habang