Malamig na ngumisi ang kapatid niya. "Ang pera ang nagpapaikot sa mundo. Mahirap makahanap ng tunay na reporter? Hindi problema 'yan hahanap lang ako ng mga siga at magpapanggap silang reporters..."At agad niya itong isinagawa.Sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon, mabilis niyang nakahanap ng grupo ng mga tao upang harangan si Vince sa harap ng city library pagkatapos ng trabaho.Si Vince ay naghanap ng impormasyon sa loob ng aklatan nang buong mag-hapon. Nang siya ay lumabas, tila lutang ang kanyang isipan, ngunit bigla siyang pinalibutan ng ilang "lalaking mamamahayag" at "self-media" personalities.Hawak nila ang kanilang mga kamera, may ilan pang may bitbit na mikropono, at marahas siyang tinulak sa gitna nila."Mr. Vince, ano ang masasabi mo sa mga tsismis na ikaw ang naging dahilan ng pagkawala ng sampu-sampung bilyong ng Valderama Group?""Ano ang opinyon mo sa kumakalat na balita sa internet na isa kang walang-hiya na lalaki na tumakas matapos matulog kasama ang isang baba
Matapos ang lahat, alam naman nilang lahat kung posible bang may mangyari sa isang taong lango sa alak.Sa galit ni Anne, ipinagtanggol niya ang sarili at si Hector."Vince, kahit anong hindi pagkakaunawaan ang nangyari sa atin noon, bilang mga nakatatanda, taos-puso kaming umaasa ng Uncle mo na makapag-asawa ka ng babaeng nararapat sa'yo.Kahit man lang isang mabuting babae, hindi isang tusong babae na hindi mo naman mahal, at tiyak na wawasak sa buhay mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang narinig ang malamlam na tinig ni Joana."Sino ang tuso at sino ang hindi mabuti? Future Auntie, hindi ba masama ang magsalita ng masama tungkol sa iba sa kanilang likuran?"Dahan-dahang pumasok si Joana, suot ang isang maluwag na damit para sa buntis, habang hinihimas ang kanyang patag na tiyan.Naningkit ang mga mata ni Donya Estrelita. "Anong ginagawa mo rito?""Pinaghahandaan ang kasal namin ni Vnce!" ngumiti si Joana at lumapit kay Vince, mahigpit na hinawakan ang kamay nito."Sinabi ni Vin
Biglang sumikip ang mga mata ni Hector. "Pakinggan mo muna ang paliwanag ko."Hindi nagpakita ng anumang emosyon si Anne at simple niyang pinulot ang bote, binasa ang nakasulat dito, at nanigas ang panga sa galit."Ano'ng gusto mong ipaliwanag pa? Gusto mong ipaliwanag kung bakit ayaw mong magkaanak sa akin? O gusto mong ipaliwanag ang epekto ng boteng ito ng gamot?"Umiling si Anne, umatras ng dalawang hakbang, at tumitig kay Hector ng may poot."Hector, hayop ka!Alam mong ilang herbal medicine ang ininom ko nitong mga nakaraang buwan para ayusin ang katawan ko.Pati asukal, isinuko ko. Nag-eehersisyo ako araw-araw, nagpapakuha ng dugo kada buwan lahat ng ito ginawa ko para magkaanak tayo!Pero palihim mo palang iniinom ang ganitong klaseng gamot sa likod ko!"Sa sobrang galit, ibinato niya ang bote ng gamot kay Hector."Kaya pala tuwing hinihiling ko sa'yo na makipagtulungan sa akin sa panahon ng ovulation ko ay palagi kang umiiwas!Ayaw mo talagang magkaanak sa akin, hindi ba?"Na
Sa sobrang galit, sinunggaban ni Vince si Joana at mahigpit na kinamkam ang kanyang leeg!"Napaka-walanghiya mo para gamitin ang artificial insemination para pilitin akong pakasalan ka?!Iniwan ko ang sarili kong ina para tulungan ka sa problema ng pamilya mo, pero sa halip na magpasalamat, ganito pa ang ginawa mo sa akin!Bakit?! Bakit?! Joana, papatayin kita!Kailanman, hindi ako magpapakasal sa isang walang utang na loob, mapanlinlang, at nakakasuklam na babae tulad mo!Kapag nakikita kita ngayon, gusto kong sumuka!"Mahigpit na hinawakan ni Vince ang leeg ni Joana, niyugyog ito nang todo, at ang kanyang mga mata ay puno ng dugo sa galit, tuluyan na rin siyang nawalan ng katinuan.Sa simula ay nagawa pang sumagot ni Joana at ipagtanggol ang sarili.Pero habang lumilipas ang mga segundo, palakas nang palakas ang pagkakasakal ni Vince sa kanya.Paunti-unti ang kanyang paghinga, pakiramdam niya ay nasa bingit na siya ng kamatayan.Namula ang kanyang mukha at leeg, nanlaki ang kanyang
Narinig niya ang banayad na boses ng kaniyang ama mula sa kabilang linya.Isang tono na hindi niya kailanman narinig mula pa noong siya ay bata pa.Sa isang iglap ay naramdaman niyang namasa ang kanyang mga mata.At matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Muling nagsalita si Rolando na may banayad na tono"Ay pasensya na. Natutulog ka na ba? Naistorbo ba kita?""Hindi naman. Gising pa ako."Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone niya at naramdaman niya ang kaunting panginginig sa kanyang dibdib.Sa napakaraming taon ngayon lang niya nadama ang ganitong klase ng pag-aalala mula sa kanyang ama.Narinig niya ang mahihinang tawa ni Rolando."Aba, kasalanan ko pala. Hindi ko alam kung kasama mo si Hector ngayon, kaya hindi dapat kita tinawagan.Gusto sana kitang makita, hindi ka na kasi bumalik sa bahay namin.Gusto ko lang tanungin ka... naagrabyado ka ba sa piling ni Hector? Mabuti ba ang trato niya sa'yo?"Napuno ng luha ang mga mata ni Anne.Tumingala siya at tiningna
Mula simula hanggang wakas, si Elaine lang ang anak na babae ni Rolando sa kanyang puso.Umalis si Anne nang may kabiguan at mas lalong nalulumbay.Ito nga ba ang dahilan kung bakit niya gustong magkaroon ng anak na tanging kanya lang , isang pamilya na handa niyang bunuuin?Hindi man lang naramdaman ni Hector kung gaano siya nasaktan nang malaman niyang may polycystic ovary syndrome siya.Magmula ng malaman niya iyon ay palagi siyang naghahanap ng impormasyon sa internet, at habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot na baka hindi siya magkaanak.May mga taong may polycystic ovary syndrome, at may mga mag-asawang naghirap ng sampung taon at hindi pa rin nagkakaroon ng anak.Talaga namang nag-aalala si Anne, kaya naglakad siya nang naglakad hanggang sa magtungo siya kay Mrs. Sanvictores. Sa oras na iyon ay kakabalik lang ni Elaine sa kanyang kwarto nang biglang pumasok si Beth, isang kasambahay ng pamilya Valderama, at mayabang niyang inilabas ang kamay papunta kay Elaine."Ibigay m
Kaya pinagpalitniya ang dalawang bata at iniwan ang anak ni Felyn sa pintuan ng ampunan.Pinaalagaan niya sa Mendoza family ang bata.Ngayon tapos na ang problema niyang magpakahirap mag-alaga ng anak ng kapatid niya?Pagkatapos, nalaman niya na si Rolando at Felyn ay sobrang naniniwala sa mga pamahiin. Naiinis sila dahil muntik nang mabaon sa utang ang pamilya nila nang ipanganak ang panganay nilang anak, kaya naisip niyang kumuha ng manghuhula na magsabi ng masamang bagay tungkol kay Anne at magbigay ng magandang bagay tungkol kay Elaine para higit pang paboran siya ng pamilya Mendoza at bigyan siya ng mas maraming benepisyo.Kung makikinabang si Elaine sa pamilya Mendoza, hindi ba't magiging magaan ang buhay niya bilang isang tiyahin?At tama ang naging desisyon niya dahil sa mga taon na lumipas ay nakakuha siya ng daan-daang libo mula kay Elaine.At pagkatapos makuha ang credit card ay lumabas na si Beth ng kwarto ni Elaine.Sa kabilang panig, na-track ni Hector si Anne na nasa pam
Napakabog ang dibdib ni Hector, at bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. “Gano’n ba ang iniisip ni Anne?”“Hindi ko masasabi nang sigurado.” Wala namang narinig si Mrs. Sanvictores mula mismo kay Anne at ayaw niyang gumawa ng gulo. “Pero sina Vince at Euleen, paulit-ulit nilang sinasabi kay Anne na may ‘great love’ ka raw sa puso mo na hindi mo makuha, kaya ipinadala mo siya sa ibang bansa nang maraming taon… Sa sobrang dalas marinig ni Anne ang mga salitang ‘yon, paano niya ‘yon hindi iisipin?”Naguluhan si Hector.Kaya pala nitong mga nakaraang araw, palaging tinatanong siya ni Anne ang tungkol sa kanyang ‘great love’.Mukhang may mga nagkakalat ng tsismis laban sa kaniya para sirain silang mag-asawa!Samantala, sinamantala ni Mrs. Sanvictores ang pagkakataon at nagtanong “Hector, mahal mo ba talaga ‘yung taong pinadala mo sa ibang bansa?”“Tinutukoy mo ba si Charlene?” “Oo! Siya nga!” Naging masigla ang ekspresyon ni Mrs. Sanvictores at pakiramdam niya malapit na niyang mabun
Habang nagsasalita, hinaplos niya ang noo ni Anne para tingnan kung may lagnat siya."Ayos na ayos ako. Nag stop na ang bleeding ko. Hindi na din ako nagsusuka buong araw. Kaya buong araw na nakaramdam ako ng ginhawa.” Habang sinasabi ito ay hinaplos ni Anne ang kanyang tiyan nang malumanay."Mukhang napakabait ng dalawang baby natin."Nang marinig ni Hector na maayos ang pakiramdam ng kanyang asawa, bahagyang lumuwag ang kanyang noo at yumuko upang halikan siya."Ugh~" Biglang naduwal si Anne.Hector: ...Napahiya si Anne. Kakadeklara lang niya na hindi siya "naduwal" buong araw, pero heto siya ngayon, tila sinampal ng sarili niyang salita. Nakita ni Hector ang kanyang pagkapahiya niya kaya malambing niyang hinaplos ang kanyang ulo."Ayos lang 'yan. Anne, kahit ano pa ang itsura mo, mahal pa rin kita.Kahit masuka ka sa sahig, ako ang maglilinis para sa'yo.Dahil mag-asawa tayo, at habangbuhay tayong magsasama.Maraming bagay tayong pagdaraanan sa hinaharap , hindi lahat maganda
Matapos iyon ay inutusan sila ni Hector na umalis.Walang nagawa sina Rolando, Felyn, at Elaine kundi umalis nang kahiya-hiya.Habang nasa daan ay hindi napigilan ni Rolando ang pagrereklamo kay Elaine. "Kasalanan mo 'to!Nawala tuloy ang pinakamagandang pagkakataon para makuha ang loob ni Hector.Siguradong iniisip niya na hindi natin kinuha si Anne nung lumabas siya sa police station.Ngayon, ang pamilya Sanvictores ang nakinabang nang wala silang ginawa!"Samantala, durog na durog ang kalooban ni Felyn."Tama ka!Yung jade bracelet na iyon ay binili pa sa auction kaya tiyak na milyon ang halaga noon!Pero sa halip na ibigay sa akin, ang tunay niyang biyenan, ay ibinigay pa sa isang outsider!"Sa mga naririnig ay sobrang naiini si Elaine. Gayunpaman, hindi niya ipinakita ito sa kanyang mukha."Mama, Papa, sa tingin ko hindi na tayo dapat masyadong lumapit kay Ate.Pagkapasok ko pa lang sa kwarto, parang sumikip na ang dibdib ko.Ngayon naman, sumasakit ang ulo at tiyan ko."Pagk
Si Elaine naman, ay napuno ng inggit nang makita niyang may personal na nutritionist na nag-aasikaso sa kanyang kapatid. Kaya naman mas lalo siyang naging pursigidong makapasok sa pamilya Valderama. Hinawakan niya ang manggas ni Felyn at nagpa-cute"Mommy, pinangako mo sa akin noon na tutulungan mo ako."Nagulat sina Anne at Mrs. Heidi sa narinig. Sabay silang tumingin kay Felyn.Bahagyang nataranta si Felyn, pero pinilit niyang ngumiti kahit hindi natural."Ganito kasi 'yun, Anne. Ang dahilan talaga kung bakit kami nandito kasi gusto naming tulungan mo ang kapatid mo na makapagpakasal kay Vince.Kapag nakasal ang kapatid mo sa Pamilya Valderama , mas matutulungan niyo na ang isa't isa.At bilang mga magulang ninyo, magiging panatag na kami na kahti mawala kami ay okay na kayong magkapatid." Pagkabagsak ng boses ni Felyn ay diretsahang tinanggihan ito ni Anne."Hindi ko kayo tutulungan"Si Elaine ang unang hindi natuwa."Bakit hindi mo kami tutulungan?! Ate, hindi porket maganda na
Ang pinaka-nagulat sa lahat ay si Felyn."Paano siya nabuntis? Ito… Hindi ba nakita niyo naman ang resulta ng medical examination at malinaw na nagsasabing hindi posible…"Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi ay matalim siyang tiningnan ni Rolando.Kaya agad na tumikom ang bibig ni Felyn.Pumasok ang bodyguard para magtanong at nang lumabas ito, sinabi niya, "okay po, pwede na kayong pumasok."Agad na pumasok sina Rolando at Felyn, bitbit ang kanilang mga regalo.Sinubukan ding ngumiti ni Elaine habang pumapasok pero halatang pilit ito.Hindi talaga siya makangiti ngayon.Paano nabuntis si Anne?!Ang inakala niya, kahit pa napangasawa nito si Hector, matatanggal din ito sa bahay dahil sa pagiging baog.Paano ito nabuntis sa loob lamang ng maikling panahon?Pagkapasok sa kwarto, ang unang ginawa ni Elaine ay dumiretso sa dulo ng kama, kinuha ang medical records, at binasa ito."Kambal?! Ate, kambal ang dinadala mo?!" pasigaw niyang sabi sa labis na pagkagulat.At halata sa boses n
Galit na galit na binuksan ni Joshua ang pinto ng private room at sumigaw, "Lumayas kayong lahat!"Nanginig sa takot ang mga tauhan niya na naghihintay sa labas."Boss, bakit kayo nagalit?""Kung hindi mo gusto ang babaeng binigay namin sayo, hahanap pa kami ng iba!"Hinablot ni Joshua ang kwelyo ng isa sa kanyang mga alipores at sumigaw, "Putang ina, marunong ka bang humanap ng babae? Pano ko makakapag enjoy nito kung yung babae ay isang Puta na hindi man lang nanlalaban sa akin. Punyeta. Napakalandi ng binigay niyo sa akin!” Habang sinasabi niya ito, napatingin siya sa isang maamong dalaga na hindi kalayuan. Lumapit siya rito, tinakpan ang bibig nito, at kinaladkad ito papasok sa loob ng kwarto.Makalipas ang ilang sandali, narinig sa loob ang nakakasakit sa taingang sigaw ng babae at ang galit na pinagmumura ni Joshua."Hector, ang lakas ng loob mong apihin ang kapatid ko!""Papatayin kita, papatayin kita!""Gusto kong patayin ang babaeng minamahal mo at lahat ng babaeng nasa pal
Samantala, sa bahay ng pamilya Cruz…Habang si Euleen ay naka sitting pretty sa kaniyang kwarto at nagpapa-manicure suot lamang ang kanyang damit pantulog ay biglang bumukas ng may malakas na kalabog ang pintuan niya. Pagkatapos noon ay sunod sunod na pumasok ang mga armadong kalalakihan na nakasuot ng explosion-proof suits.Hinablot nila ang mga braso ni Euleen, pilit siyang nagpupumiglas at sumisigaw habang kinakaladkad siya."Tulong! Punyeta naman ang mga bodyguard! Daddy—Mommy—-Tulungan niyo ako!” Nang makaabot sa sala sila Euleen ay biglang tumayo ng may pagka-gulat ang tiyuhin nito. Agad niyang sinita ang mga lalaking nakaitim na may kala-kaladkad kay Euleen. Tumayo ito at lumapit saka malakas na sumigaw. "Ang lakas ng loob niyo! Hayagang kayong pumasok sa pribadong bahay at nang-kidnap ng tao. Wala na bang batas sa paningin niyo?Ang hayop na Hector na yan?! Sigurado akong siya ang may kagagawan nito!” Mayabang itong tumayo sa mga taong nasa harapan niya. "Punyeta!Kil
Habang gigil na gigil siya, bigla niyang itinaas ang kanyang bidding sign, nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang ina-auction. Nang makita ito ng lahat, agad silang natakot at hindi na nangahas makipag-agawan sa kanya. Pero may ilan pa ring nagbulungan. "Nag-bid si Hector?, mukhang totoo nga ang tsismis na baog siya." Hector: ... Sa entablado ay bumagsak ang martilyo ng auctioneer. "Congratulations Mr. Hector! Sayo na ang jade chatm sa halagang limang milyon!" Hector: ... "Ang susunod na item ay isang first-grade floating flower jadeite, isang Peaceful Buddha pendant, na sumisimbolo ng kapayapaan at kasaganaan. Magsisimula ang bidding sa 6.6 milyon." Isa itong napakagandang jadeite pendant. Nagtaasan ang mga bidding sign ng mga naroon. Di nagtagal, umabot na sa 10 milyon ang presyo ng pendant. "11 milyon." Itinaas ng isang lalaking nakaupo sa likod ni Hector ang kanyang sign at bumaling sa katabi niya, "Kakabuntis lang ng misis ko, sabi nila napakabuti ni
Nanginig sa takot ang nurse at agad na tumakbo palabas upang tawagin ang direktor. Tumingala si Anne kay Hector. "Ano bang ginagawa mo? Bakit parang takot na takot ka sa nurse?" Inayos ni Hector ang kanyang salamin at seryosong sinabi, "Mas mabuting mag-ingat. May kapangyarihan ang pamilya Cruz, at hindi ito agad palalampasin ni Euleen. Kailangan kong maging maingat. Hindi ko maaaring ipagsapalaran ang buhay mo at ng bata." Pagkarinig nito ay nakaramdam ng init sa puso si Anne. Alam niyang mahalaga kay Hector ang sanggol, kahit hindi niya ito hayagang sinasabi. Hindi nagtagal ay dumating ang matandang direktor ng ospital, na personal na kilala ni Hector. Pagkapasok pa lang ng matandang direktor ay agad na iniabot ni Hector sa kanya ang bote ng suwero. "Tingnan mo nga, may mali ba sa gamot na ito? Simula ngayon, lahat ng gamot para sa asawa ko ay dadaan muna sa'yo. Ikaw rin mismo ang magbibigay ng suwero sa kaniya." Ang matandang direktor, na katatapos lang magsagaw
Napansin ng doktor na batay sa kanyang propesyonal na karanasan ay may phoebia si Hector sa mga baby. Kaya naman pinindot niya ang isang button at nakangiting nagsalita, “Sir, pakinggan niyo po ang tibok ng puso ng mga baby? Ang tunog ng tibok ng puso ng isang baby ay parang sa dolphin, isa ang tunog ng dolphin sa nakapagpapagaling na tunog sa buong mundo." Nang marinig ito ni Anne, bahagya siyang nag-alinlangan. Noong huling check-up niya kasama si Mrs. Sanvictores sa isang pribadong clinic ay sira ang speaker kaya hindi niya narinig ang tibok ng puso ng baby. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya iyon. Pagkaraan ng ilang sandali, pumailanlang sa silid ang tunog na parang tren na tumatakbo. Dongdongdong, dongdongdong. Mabilis at malakas. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Anne ang koneksyon niya sa kanyang mga anak. Hindi niya naiwasang malauha sa tuwa. "Baby, hello!" Habang sinasabi ito ay tumingin siya kay Hector na may luha sa mata “Ang ganda ng