Share

Kabanata 403

Penulis: twinkle star
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-19 06:40:43

Lumabas mula sa kusina si Dave na may suot na apron, dala ang almusal.

"Tara, Anne! Tikman mo ang espesyal na almusal ni ninong!"

Nahihiyang ngumiti si Anne. "Halos tanghalian na po ‘to, ninong."

"Hindi mo kasi alam. Dito sa bahay namin, kapag weekend, ang almusal ng alas-diyes ng umaga ay maagang-maaga pa! Karaniwan, isang beses lang kami kumakain, alas-diyes ng umaga at alas-tres ng hapon."

Napangiti si Anne. Alam niyang sinabi ito ni Dave para maibsan ang kanyang pag-aalangan.

Ngunit hindi niya maikakaila ay unti-unti na siyang napapalapit sa pamilyang Sanvictores.

Sa bahay na ito ay nararamdaman niya ang init ng isang tunay na pamilya, isang bagay na bihirang mangyari sa kanya.

Hindi tulad ng pamilya ni Hector na isang relasyon ng mag-asawa, ang pamilya sanvictores ay mas katulad ng pamilya ng kanyang ina.

Pagkaupong-pagkaupo ni Anne ay abala sina Dave at Miggy sa pagbibigay sa kanya ng pagkain.

Masayang nag-uusap ang pamilya ng apat tungkol sa mga balita at napuno ng halakhak ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 404

    Paano nangyari na ang marangal at kinatatakutang hari ng Tondo ay na-insulto nang ganito?Kung dati ito nangyari ay matagal na niyang binalibag ang mesa at nabali na ang braso ng kung sino mang lumastangan sa kaniya?!Matapos mapatawa ni Miggy si Anne ay nagsimula siyang magkuwento tungkol sa paaralan.Mukha siyang bata, at ang boses niya ay parang isang spoiled na kapatid na nakikipagkulitan sa kanyang ate. Napakalapit ng dalawa, na para talagang magkapatid, kaya ang mukha ni Hector ay kasing-itim ng ilalim ng palayok."Miggy! Hindi ka ba puwedeng magsalita nang maayos?" Mahigpit na hinawakan ni Hector ang chopsticks, "Ilang taon ka na? Puro 'ate' pa rin ang bukambibig mo?"Huminto saglit si Miggy, tumingin nang seryoso kay Hector at sumago: "Ilang taon na ako? Ang mga kaedad ko ay puro nakababatang kapatid ni Ate Anne, hindi tulad mong matanda na."Hector: ...Sakit sa puso +10."At saka, uso ngayon ang 'baby,' hindi mo ba alam? haist'?"Hector: ...Sakit sa puso +100.Pagkasabi nit

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-19
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 405

    Habang nagsasalita si Hector ay lihim niyang inoobserbahan ang ekspresyon ni Anne "Hindi ko sana tinuloy ang pagtulog sa tabi mo, kahit na alam kong ikaw iyon nung gabing iyon..."Sa sobrang inis ni Anne ay natawa na lang siya at tumayo para umalis "Ang galing mo, Hector! Gusto ko lang sanang sabihin na ang totoong ikinagalit ko ay hindi ang patagong pag-inom mo ng birth control pills, kundi ang hindi mo pagsasabi sa akin nang direkta na ayaw mong magkaanak tayo! Hindi ko inasahang ang dami mo palang ginawang kalokohan sa likod ko."Hector: ...Aray! Mali pala ang sagot ko.Sa halip na maayos ay lalo lang lumala ang sitwayson.Nang makita niyang paalis na si Anne ay nanlaki ang mga mata ni Hector at agad niyang hinawakan ang kamay nito, ang kanyang tono ay naging mas mapagpakumbaba."Honey naman–,Aminado akong nagkamali ako. Mas marami lang akong nagawa dahil sobrang mahal kita.""Oh, uminom ka ng birth control pills dahil mahal mo ako?" Pinilit ni Anne na iwaksi ang kanyang kamay,

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-19
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 406

    Ang pangarap niyang pag-aasawa ay isang masayang pagsasama ng mag-asawa, may cute at mababait na mga anak, isang matamis na pamilya na madalas lumabas, naglalaro, at nagpapalipad ng saranggola."Kailangan ko munang huminga nang malalim. Medyo mabigat ito para sa akin."Nang marinig ito ay mas lalong nagmukhang kaawa-awa si Hector "hon, dinidiscriminate mo ba ako?"Anne:???"Ayon sa batas, kung may sakit ang isa sa mag-asawa, hindi puwedeng maghain ng diborsyo ang kabilang partido dahil lang sa karamdaman nito."Hindi na maintindihan ni Anne ang sasabihin niya kaya napahawak siya sa kanyang noo “Samantalang si Miggy ay lumapit sa kaniya. "Ate, huwag kang mag-alala. Ako ang bahala rito. Kaya kong gamutin ang sakit ni bayaw.""Ugh—" Muling napaduwal si Anne at tiningnan si Hector nang may matinding pag-ayaw "Naduduwal talaga ako dahil sa'yo. Hindi ko na kaya, aakyat muna ako sa taas para humiga."Pagkasabi nito ay tumalikod siya at umakyat sa itaas.Hindi nakaimik si Hector at ang lah

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 407

    "Ikaw—!" Galit na galit si Joana at napakagat sa kanyang mga ngipin. "Kapag namatay ang bata sa engagement party ko, hindi na ako pakakasalan ni Vince! Pwede pa namang ipalaglag ang batang ito sa susunod!""Oh! Oh! Mali ka diyan." Ngumiti si Euleen nang may kasinungalingan sa kanyang mga mata. "Kapag mas natagalan ito, mas malaki ang posibilidad na matuklasan ni Vince na hindi siya ang ama ng bata, kundi ang matandang ginamit mo para sa artificial insemination."Habang nagsasalita, hinagod ni Euleen ang pisngi ni Joana gamit ang kanyang pulang kuko."Pero... kung si Anne ang magiging dahilan ng iyong pagkakunan sa mismong engagement party mo, mapipilitan ang Pamilya Valderama na ipakasal agad si Vince sa’yo para isalba siya at maiwasan ang mas malaking gulo."Napaisip si Joana. Mukhang may punto si Euleen.Biglang may narinig silang "clang!"May natapakan si Elaine na bote!Nagulat sina Euleen at Joana, at mabilis nilang binuksan ang pinto ng hagdanan.Sa sobrang takot, agad tuma

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 408

    Pagkatapos ay sumunod ang pait.Halos napaiyak siya.Nakita ni Mrs. Sanvictores ang pilit na ngiti ni Anne at hindi napigilang yakapin siya at aliwin."Kasalanan ko ito. Kung hindi ko sana ito sinuggest sayo... hindi ka na sana nalungkot ngayon.""Naku wala kang kasalanan, Ayos lang ako." Malalim na huminga si Anne at umiling.Pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha ni Mrs. Sanvictores. "Huwag mo akong lokohin, Anne. Kung ako nga nalulungkot, paano pa kaya ikaw?"Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi pa rin ako naniniwala! Kasi yang mga sintomas mo, lahat yan ee para sa mga buntis! Baka masyado pang maaga para mag check?” Pagkasabi nito, biglang itinupi ni Mrs. Sanvictores ang kanyang manggas, sumugod sa banyo, nagsuot ng disposable gloves, at sinimulang halungkatin ang basurahan."Naku po, Huwag na, madumi 'yan!" Mabilis siyang pinigilan ni Anne."Anong madumi? Hindi madumi ang gamit ng inaanak ko! At isa pa, may gloves naman akong gamit!"Sa kabila ng pagtutol ni Anne ay kinuha

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 409

    Maingat siyang ginabayan ni Anne "honey, subukan mong ngumiti. At kapag kinakausap mo ang baby, kailangan mong baguhin ang tono mo, subukan mong gawing cute ang boses mo. sigurado akong mas makikinig siya sa’yo."Ngumiti si Hector, isang pilit at nakakatakot na ngiti sabay nagsalita nang mabagal at madiin "Kain, nyam..nyam..."Para itong eksena sa horror movie.At tama nga, nang makita ng bata ang kakaibang anyo ni Hector ay bigla itong napaiyak! "Awww!" Mabilis niyang binuhat ang bata at inalo ito. Kusang yumakap ang bata sa kanya at humilig sa kanyang dibdib.Biglang nangitim ang mukha ni Hector: !!!Hoy, bata! Bakit ka dumikit nang ganyan?!Hindi mo alam kung saan ka dumidikit, ha?!Hinding-hindi ako magkakaanak!At kung magkakaroon man… siguro mga 3, 5, o 7 taon pa mula ngayon!Hindi ko matitiis na ang anak ko mismo ang uminom ng gatas mula sa asawa ko…Wala namang kamalay-malay si Anne sa iniisip ni Hector`. Ang nasa isip lang niya ay baka may baby siya sa tiyan niya, kaya lal

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 410

    Agad namang sumagot si Mrs. Sanvictores. "Pupunta ako! Kailangan kong bantayan ang inaanak ko!"Tumango rin si Chairman Dave.Nagtaas din ng kamay si Miggy. "Sasama ako! Kailangan kong protektahan ang Ate ko! Kapag lumapit sa kanya ang lalaking ‘yon, babasagin ko ang mukha niya!"Bahagyang lumambot ang puso ni Anne, at hindi niya napigilang ngumiti.Sa pamilya Sanvictores ay naramdaman niya ang tunay na init ng isang pamilya.Kung sana ganito rin ang totoo niyang pamilya ay masaya rin sana siya.Nang marinig ito ni Hector ay tumango rin siya. Ito mismo ang dahilan kung bakit niya iginagalang ang pamilya Sanvictores.Kung sino ang nagpoprotekta sa pinakamamahal niyang babae, iyon din ang bibigyan niya ng pagpapahalaga."Tamang-tama na sasama kayo. Hindi ko pa maaaring ipakita sa publiko ang relasyon namin ni Anne. Kaya mas panatag ang loob ko kung kayo ang kasama niya."Habang nagsasalita ay hinawakan ni Hector ang likod ng kamay ni Anne. "Ang Black Hawk Hall ang misteryosong orga

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 411

    Buti na lang, hindi na kailangang dumaan sa maraming proseso at hindi na kailangan ng IVF, halos mapaiyak sa tuwa si Anne ng malaman niyang buntis siya ng natural!Si Mrs. Sanvictores ay sobrang saya din na parang magiging lola na siya.Tinutulungan niya si Anne na maupo at hindi nakapagpigil na magtanong "Ano ang plano mo ngayon? Sasabihin mo na ba kay Hector?"Nilingon ni Anne si Mrs. Sanvictores at umiling "nakita mo naman siya… Hindi ko muna sasabihin sa kanya. At nakita ko sa internet na ang mga may polycystic ovary syndrome ay madaling mag-miscarriage. Masyado pang maaga , kaya hindi muna."Tumango si Mrs. Sanvictores: "Igagalang ko ang desisyon mo!”Nang gabing iyon, si Hector ay muling natulog sa maids room. Pakiramdam niya ay hindi talaga siya komportable.Gusto niyang yakapin ang kanyang mabango at malambot na asawa.Sino ba naman ang gustong yakapin ang bata? Paano magiging kasing lambot ng asawa niya ang bata, at paano magiging kasing bango ng asawa niya ang bata?Kin

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20

Bab terbaru

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 449

    Habang gigil na gigil siya, bigla niyang itinaas ang kanyang bidding sign, nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang ina-auction. Nang makita ito ng lahat, agad silang natakot at hindi na nangahas makipag-agawan sa kanya. Pero may ilan pa ring nagbulungan. "Nag-bid si Hector?, mukhang totoo nga ang tsismis na baog siya." Hector: ... Sa entablado ay bumagsak ang martilyo ng auctioneer. "Congratulations Mr. Hector! Sayo na ang jade chatm sa halagang limang milyon!" Hector: ... "Ang susunod na item ay isang first-grade floating flower jadeite, isang Peaceful Buddha pendant, na sumisimbolo ng kapayapaan at kasaganaan. Magsisimula ang bidding sa 6.6 milyon." Isa itong napakagandang jadeite pendant. Nagtaasan ang mga bidding sign ng mga naroon. Di nagtagal, umabot na sa 10 milyon ang presyo ng pendant. "11 milyon." Itinaas ng isang lalaking nakaupo sa likod ni Hector ang kanyang sign at bumaling sa katabi niya, "Kakabuntis lang ng misis ko, sabi nila napakabuti ni

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 448

    Nanginig sa takot ang nurse at agad na tumakbo palabas upang tawagin ang direktor. Tumingala si Anne kay Hector. "Ano bang ginagawa mo? Bakit parang takot na takot ka sa nurse?" Inayos ni Hector ang kanyang salamin at seryosong sinabi, "Mas mabuting mag-ingat. May kapangyarihan ang pamilya Cruz, at hindi ito agad palalampasin ni Euleen. Kailangan kong maging maingat. Hindi ko maaaring ipagsapalaran ang buhay mo at ng bata." Pagkarinig nito ay nakaramdam ng init sa puso si Anne. Alam niyang mahalaga kay Hector ang sanggol, kahit hindi niya ito hayagang sinasabi. Hindi nagtagal ay dumating ang matandang direktor ng ospital, na personal na kilala ni Hector. Pagkapasok pa lang ng matandang direktor ay agad na iniabot ni Hector sa kanya ang bote ng suwero. "Tingnan mo nga, may mali ba sa gamot na ito? Simula ngayon, lahat ng gamot para sa asawa ko ay dadaan muna sa'yo. Ikaw rin mismo ang magbibigay ng suwero sa kaniya." Ang matandang direktor, na katatapos lang magsagaw

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 447

    Napansin ng doktor na batay sa kanyang propesyonal na karanasan ay may phoebia si Hector sa mga baby. Kaya naman pinindot niya ang isang button at nakangiting nagsalita, “Sir, pakinggan niyo po ang tibok ng puso ng mga baby? Ang tunog ng tibok ng puso ng isang baby ay parang sa dolphin, isa ang tunog ng dolphin sa nakapagpapagaling na tunog sa buong mundo." Nang marinig ito ni Anne, bahagya siyang nag-alinlangan. Noong huling check-up niya kasama si Mrs. Sanvictores sa isang pribadong clinic ay sira ang speaker kaya hindi niya narinig ang tibok ng puso ng baby. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya iyon. Pagkaraan ng ilang sandali, pumailanlang sa silid ang tunog na parang tren na tumatakbo. Dongdongdong, dongdongdong. Mabilis at malakas. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Anne ang koneksyon niya sa kanyang mga anak. Hindi niya naiwasang malauha sa tuwa. "Baby, hello!" Habang sinasabi ito ay tumingin siya kay Hector na may luha sa mata “Ang ganda ng

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 446

    "Kay ka nakipagrelasyon kay Vince dahil iniligtas ka niya sa sunog?" Napuno ng pagkagulat at panghihinayang ang mga mata ni Hector."Oo." Tumango si Anne, hinimas ang kanyang dibdib at bahagyang nagreklamo na may halong lambing, "Kasalanan mo ito. Hindi mo naman sinabi sa akin kaagad, tuloy nagtiiis pa ako ng tatlong taon"Kung sinabi mo lang kaagad sa akin baka hindi natin nasayang ang tatlong taon.”Napapailing na gusto sanang dumilat nang husto ni Hector: "Ang pagliligtas sa'yo ay hindi naman malaking bagay. Ano bang espesyal sa isang lalaking inililigtas ang babaeng mahal niya?"Dati, pakiramdam ni Anne ay napakaemosyonal ng sandaling iyon, pero ngayon, bigla siyang natigilan at malawak na iminulat ang mga mata habang nakatingin kay Hector: "Ikaw...""Ano'ng meron sa akin?" Sagot ni Hector na parang natural lang, hindi man lang nagbago ang ekspresyon. "Misis ko hindi naman sigurong mali na aminin ko din ang pagmamahal ko sayo tutal ay umamin ka na sakin!” Anne: ...Habang sinasab

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 445

    "Sa simula pa lang, alam mong si Anne na ang nakalaan para sa akin! Ang lola mo ang gustong ipakasal kami. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa'yo! Vince, sino ba talaga ang nang-agaw sa ating dalawa?"Habang sinasabi ito, mahigpit niyang hinawakan ang kwelyo ni Vince, binuhat siya mula sa sahig at walang pakundangang inihagis palabas ng silid."Mula ngayon, kung maglakas-loob ka pang magkaroon ng anumang ideya tungkol kay Anne, huwag mo akong sisihin kung magiging walang-awa ang Uncle mo sayo."Pagkasabi nito, diretsong itinapon niya ito sa pasilyo na may malakas na tunog.Hanggang sa muling magsara ang pinto ng silid, matagal pang nanatiling tulala si Anne, hindi siya makagalaw, at naging blangko ang kanyang isip. "Totoo ba ang sinabi mo?"Kalmadong tinaas ni Hector ang kilay niya at walang pakialam na sumagot."Huwag kang mag-alala, hindi na maglalakas loob si Vince na black-mail-in ka ng tungkol dito.” Sa labis na tuwa at pagkabigla, mabilis na bumaba mula sa kama si Anne at m

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 444

    Biglang kumalabog ang pinto nang buksan ito ni Vince.Napalakas ang kaba ni Anne at itinulak si Hector palayo.Nang bumagsak si Hector mula sa kama, tinitigan niya si Anne ng may inis sa mukha."Bakit ka kinakabahan? Hindi mo ba alam na nakasex na kita ng ilang beses? Sige nga. Paano mo nakuha ang dalawang bata sa tiyan mo?"Hindi nakasagot si Anne at napayuko na lang sabay iling.Hindi inasahan ni Vince na makikita ang dalawa sa kama ng ospital, kaya medyo nahihiya siya."Pumunta lang ako dito para tingnan si Anne. Kung okay na siya, aalis na din ako."Humarap si Vince at lilingon na sana para umalis.Pero tumayo si Hector mula sa sahig, at ang boses niya ay kasing malamig ng yelo."Wait. Vince, bakit parang hindi ko yata maalala na ikaw ang unang pumasok sa apoy para iligtas si Anne?"Napatulala si Anne. Dito, ay tila naiintindihan niya ang buong katotohanan tungkol sa nangyaring pagligtas ni vince sa kaniya sa sunog. Si Vince ay parang na-pako sa kanyang pwesto ng isang kahoy na

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 443

    Tumingin si Anne sa doktor: "Huwag mo siyang pakinggan. Gawin mo ang lahat para iligtas ang mga anak ko. Hindi na masyado masakit ang tiyan ko ngayon."Napakamot sa sentido ang doktor."Titingnan natin ang aktwal na kondisyon."Pagpasok ni Anne sa operating room, tulala si Hector at parang nakita niya ang multo ni Renz."Ano’ng sinabi ni Anne? Dalawang bata? Tama ba yung narinig ko?""Boss, tama po ang narinig ninyo. Dalawang bata rin ang narinig ko. Binabati kita..."Hindi pa natatapos si Renz sa pagsasalita nang dalawang beses na kumibot ang labi ni Hector, saka siya bumulong"Dalawa agad..."Renz: ..."Hehe~ aba boss, sa totoo lang, may ibang tao nga na tatlo ang anak sa isang pagbubuntis! Minsan nga, may apat o lima pa!"Tiningnan siya ni Hector nang malamig "niloloko mo ba ako?""Oo nga boss" Matigas ang tono ni Renz. "Nakakatuwa diba?""Hindi!"Renz ...Makalipas ang kalahating oras, ipinasok na si Anne sa kanyang regular na kwarto. Agad na pinuntahan siya ni Hector."Sir Hector

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 442

    Dahan-dahan siyang lumapit kay Anne at bawat hakbang niya ay nagpapalakas ng kaba sa paligid.Ngumiti ng mahina si Anne at mahina niyang sinabi, "nilalamig ako.""Anong nangyari sayo? Nasaktan ka ba?"Hindi nakayanan ni Hector kahit isang segundo pa. Mabilis na nawala ang kanyang malamig na ekspresyon, at agad itong napalitan ng labis na pag-aalala.Bumaba ang tono ng kanyang boses, naging banayad at puno ng lambing.Samantala, nakatulala si Renz sa isang tabi: "...Hah???""‘Yon na ‘yon?"Hindi pinansin ni Hector ang reaksyon ni Renz. Mabilis niyang hinubad ang kanyang makapal na jacket, hinila ang maruming kumot, at ibinalot ito kay Anne.Nang mahila niya ang kumot, napansin ng kanyang mata ang mga patak ng dugo sa sahig, at bigla siyang nanginig."Anne, anong nangyari sa’yo?"Ang boses ni Hector ay punong-puno ng takot-mas matindi pa kaysa sa takot na naramdaman niya noong iniisip niyang baka mawala ito habang papunta pa lang siya rito!Ngumiti si Anne ng mapait at halos wala nang n

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 441

    Ngunit nag-atubili si Vince bago mahigpit na hinawakan ang braso ni Anne. "Anne, may gustong sumira sa akin doon. Kaya tumakas na tayo. Huwag mo nang alalahanin ang nangyari sa Tondo. Umalis na tayo papuntang ibang bansa."Habang sinasabi niya ito, may matinding sakit sa kanyang mga mata nang tingnan niya ang tiyan ni Anne."Ituturing ko na rin ang batang ito na akin.Anne, maniwala ka sa akin... Noong araw, handa akong isakripisyo ang buhay ko para sa’yo. At totoo ang pagmamahal ko sayo. Wala nang ibang tao sa mundo na magmamahal sa’yo nang higit sa akin. Kaya sumama ka na sa akin!""Vince, kumalma ka." Malakas ang pagkakahawak ni Vince sa braso ni Anne, at nagdulot ito ng sakit sa kaniya. Mas lalong kinilabutan si Anne nang makita ang pagiging desperado at dilim sa mga mata ni Vince.Sa harapan niya ay ang walang katapusang puting dagat.Dahil buntis siya, imposible para sa kanya na tumalon. Wala siyang ibang nagawa kundi subukang pakalmahin si Vince."Vince, maniwala ka sa akin,

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status