Nakatayo ako sa tabi ng bato habang nakatitig sa bangkay na nasa harapan ko. Walang bahid ng pagkabulok o anumang bakas ng pagkamatay. Maputla ang kanyang mukha, parang may matindi siyang karamdaman. Kung hindi lang dahil sa hindi na ito humihinga, maiisip kong mahimbing lang itong natutulog.Noong una ay bahagya akong nabuhayan ng pag-asa— hindi ko pa kasi nakikita mismo ang katawan ko. Naisip ko paano kung buhay pa ako? Paano kung malubha lang akong nasugatan o nasa coma?Kung natagpuan sana ako ni Denver kaagad, baka may pag-asa pa akong mabuhay. Ngunit nang makita ko na mismo ang bangkay ko— itong nasa harapan ko, doon ko tuluyang natanggap ang katotohanan na patay na nga talaga ako.Umupo ako sa tabi ng katawan ko. Nakayuko habang tinititigan ang sarili kong mga kamay. Saan na mapupunta ang kaluluwa ko ngayon? Habang buhay na lang ba akong nasa ganitong anyo?Wala akong panlasa, wala rin akong pang-amoy, at kahit anong pilit kong umiyak, ni isang patak ng luha ay hindi tumutulo.
Last Updated : 2025-02-19 Read more