All Chapters of Rejected Wife of A Heartless CEO: Chapter 51 - Chapter 60

95 Chapters

Chapter 37 - Mga Posibilidad

Napalakas ang hampas ni Denver sa mesa bago siya biglang tumayo. "Kalokohan iyan!" galit niyang sigaw. "Anong basehan mo para sabihin iyan?"Kaagad na lumapit si Kevin upang pakalmahin siya. "Sir Denver, kalma lang po."Huminga nang malalim si Denver at hinawakan ang kwelyo ng suot niyang polo saka naupong muli. Halata sa kilos niya ang matinding galit. Kinuha niya ang baso ng malamig na tsaa, uminom ng kaunti at saka malamig na tinitigan ang private investigator."Sige, ituloy mo," malamig niyang utos.Nag-aalangan man ay nagpatuloy sa pagsasalita ang detective. "Mr. Victorillo, nasa makabagong teknolohiya na tayo. Imposibleng may isang tao na biglang mawawala nang walang anumang bakas. Kahit pa sabihing may dalang pera si Mrs. Victorillo ay kailangan pa rin niyang magpakita ng ID para makabili ng ticket sa kahit anong pampublikong transportasyon.""Pwede siyang gumamit ng itim na sasakyan lalo na iyong hindi napapansin," sagot ni Denver sa masungit nitong tono."Oo, posible nga iyon
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 37 - Mga Posibilidad (Part2)

Nang makaalis na ang detective at napaupo muli si Denver sa may hardin.Kagabi lang ay bumuhos ang malakas na ulan. Naamoy ko pa ang sariwang halimuyak ng mga dahon at lupa. Parang binasbasan ng ulan ang buong mundo, nilinis ang lahat, at pinakintab ang mga bagay na natakpan ng alikabok.Napatingin si Denver sa puno sa harap niya. Namumulaklak na iyon pero ang kanyang tingin ay tila malayo— parang may hinahanap siyang sagot sa pagitan ng mga sanga. At may isang swing ang nakasabit doon. Tumayo si Denver at nilapitan iyon."Sir, mukhang hindi maganda ang lagay ninyo. Gusto niyo bang magpahinga muna? Ipapaalam ko kaagad sa inyo kung may balita na," alok ni Kevin.Mahigpit na hinawakan ni Denver ang kapitan ng swing habang nasa malayo ang tingin. "Dati ay mahilig si Ria umupo rito para magpaaraw."Kita sa mukha ni Kevin ang pagsubok niyang pakalmahin ito. "Oo nga, noon ay napakaganda ng pagsasama ninyo. Naaalala ko pa na habang nakaupo siya rito ay kayo naman ang nagtutulak ng swing."N
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 38 - Si Mama At Si Lola

Matapos ang ilang segundong katahimikan, dinurog ni Denver ang baso sa mesa, tila handa nang isugal ang lahat."May kilala akong mga taong may koneksyon sa mga sindikatong ito. Ngayong ako mismo ang humihingi ng pabor, hinihiling ko sa inyo— hanapin ninyo siya para sa akin. Kapag naibalik ninyo siya sa akin, tatanawin iyan ng Victorillo bilang malaking utang na loob. Sabihin ninyo ang gusto ninyong kapalit, at pag-uusapan natin."Nagningning ang mata ng ilan sa kanila.Alam nilang bihirang magpakababa ang isang Victorillo. Kung makuha nila ang pabor ng pamilya ay siguradong aangat ang negosyo nila.Nag-atubili si Mr. Montero bago bumuntonghininga. "Mr. Victorillo, maaari ba naming malaman kung sino ang babaeng ito?"Saglit siyang natahimik. Nakita kong bumigat ang kanyang dibdib at tila may kung anong bumabagabag sa kanya."She’s my…"Naputol ang kanyang pangungusap. Halos marinig ko ang pagpigil niya ng hininga bago tuluyang magbago ang sagot niya."She’s my cousin."Nanigas ang kata
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 39 - Usaping Yaman

May malapad na ngiti si Mama pagkapasok niya sa loob ng bahay at kaagad kong napansin ang maliit na kahon na bitbit niya— mukhang isang regalo."Mama, alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw. Narinig ko rin na hindi ka masyadong kumakain. Hindi tama iyan," aniya habang inilapag ang kahon sa mesa. "Nagmalasakit lang si Nica. Pumunta siya sa isang auction at binili ang dalawang set ng mangkok at kubyertos na gawa sa buto mula sa Indonesia."Kaagad kong napansin ang panlalamig sa mukha ni Lola. "Hindi ko iyan kailangan." Diretsong sagot niya. "At lalong hindi ko gusto ang galing kay Nica."Napatingin si Mama sa mga laman ng kahon bago muling humarap kay Lola. "Mama, tingnan mo muna bago mo tanggihan."Binuksan ni Mama ang kahon at inilabas ang mga kubyertos. Maganda ang set— porselanang bughaw at puti. Malinis at elegante ang disenyo.Pero imbes na bulaklak o hayop ang drawing doon ay may kakaibang nakasulat sa ibabaw ng mga mangkok. Mukhang mga nakasulat iyon
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 39 - Usaping Yaman (Part2)

Ang halagang para sa akin lumiit nang lumiit pero hindi ko na iyon ininda. Nang mga panahong iyon ay patay na ang pagmamahal ko kay Denver. Kasabay ng pagkawala ng anak ko ay nawala na rin ang pagpapahalaga ko sa mga materyal na bagay.Walang halagang maaaring ibayad upang maibalik ang anak kong hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong mabuhay at makita ang mundo.At kahit alam kong nakinabang nang husto ang pamilya namin sa mga proyekto ng pamilya Victorillo anim na buwan na ang nakalipas, hindi ko iyon ginamit upang hingin ang nararapat sa akin. Hindi naman salat sa pera ang pamilya De Leon. Ayaw lang talaga nilang bigyan ako ng parte. Dahil ang lahat ng pera ay nakalaan kay Nica.Alam kong matagal na niyang gusto ang isang set ng mamahaling alahas— isang collectible jewelry na nagkakahalaga ng eighty million . Hindi man lang nagdalawang-isip si Mama. Kinuha niya ang pera mula sa dapat ay akin at binili niya iyon para kay Nica. At nang dumating ang alahas ay nakita ko kung paano niy
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 40 - Walang Natira

Alam kong matagal nang iniiwasan ni Lola ang kahit anong bagay na galing kay Nica. Karaniwan ay tinatapon na lang niya ang mga ipinapadala nito."Hayaan mo na lang muna rito," mahinang saad ni Lola. "Baka sakaling makadagdag ng biyaya para makabalik sa atin ang apo ko," sabi nito kay Aling Sita.Napangiti ako nang mapait.Lola, kahit gaano pa karaming biyayang ipunin mo para sa akin ay hindi na ako kailanman makakauwi. Pero kung makakatulong iyon sa pagpapakalma ng loob mo ay hayaan na lang natin.Nanatili akong nakatayo sa gilid ng kama niya at tahimik na nagbabantay. Bilang kaluluwa ay hindi ko na nararamdaman ang gutom o pagod. Hindi ko na rin alam kung ilang araw na akong nagmamasid mula sa dilim hanggang sa liwanag. Pero kung may isang bagay na nagbago, iyon ay ang hindi ko na kailangang manatili sa tabi ni Denver.Hangga’t may abo ko sa isang lugar ay kaya kong magpakita roon. Iyon ang napagtanto ko sa nakalipas na mga araw.Abo…Bigla akong napaisip.Kung nagagamit ko ang abong
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 41- Ano Pa Ang Parating? (Part1)

Napayuko si Nica nagkunwaring nahihiya. "Ha? Ibibigay ninyo sa akin ang shares ninyo? Hindi po tama iyon. Ang gusto ko lang naman ay mahalin ninyo ako Mama, Papa, at ng mga kapatid ko. Para saan pa ang kayamanan kung hindi ko mararamdaman ang pagmamahal ninyo?"Napangiti si Papa at hinaplos ang ulo niya. "Napakabuti mong bata. Syempre mahal ka namin. Kunin mo na anak. Isang maliit na kabayaran lang ito sa pagkakahiwalay natin noon. Alam kong marami kang tiniis noong bata ka pa."Bahagyang umiling si Nica, tila nagpapakumbaba. "Matagal na po iyon at wala na iyon sa akin. Ang mahalaga, nandito na kayo. Sa pagmamahal ninyo pa lang, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo." Huminga siya nang malalim at bumaling kay Mama. "Pero Ma, paano kung bumalik si Ate Ria? Siguradong malulungkot siya."Kaagad sumimangot si Mama. "Bakit naman siya malulungkot? Kami ang nagdesisyong ibigay sa iyo ang shares namin. Wala siyang pakialam doon. At isa pa, hindi babagsak ang pamilya De Leon
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 41 - Ano Pa Ang Parating? (Part2)

Maya-maya ay natigil sa pag-ring ng cellphone ni Denver. Hindi iyon sinagot ni Denver. Sa halip ay nanatili ang mga mata niya sa pinapanood na pelikula— Titanic ang palabas na iyon.Eksaktong nasa eksena na ang paglubog ng barko. Tumama na ito sa yelo at unti-unti nang lumulubog habang nagkakagulo na ang lahat. Napansin kong nakatitig lang si Denver sa eksena habang seryoso ang ekspresyon.Iniisip niya rin kaya kung anong naramdaman ko nang nasa gitna ako ng karagatan?Nakikita kong unti-unting bumabagsak ang balikat niya para bang nadadala sa eksena. Nang tumalon ang bidang lalaki sa nagyeyelong tubig at iniwan ang babae sa kahoy ay nakita ko ang bahagyang pag-ikot ng kanyang kamao. At nang tuluyang lumubog ang lalaki sa dagat at iniwan ang babaeng walang nagawa kung hindi panooring maglaho ang lalake. Dalawang patak ng luha ang marahang dumaloy sa pisngi ni Denver.Bigla siyang bumuntonghininga. At sa napakahinang boses, narinig ko ang pangalan ko mula sa kanyang bibig."Ria..."Big
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 42 - Hindi Na Maibabalik

Sa mga sumunod na araw ay nakita kong nagpaayos si Denver ng bahay. Tinawag niya ang hardinero upang putulin ang mga damong ligaw na halos nilamon na ang buong bakuran. Inutusan niya rin ang mga kasambahay na linisin ang buong bahay.Nang pumasok siya sa aming silid ay nanatili siyang nakatayo sa harap ng kama. Muli niyang tiningnan ang mga sapin na minsang naging saksi sa pagtataksil niya kay Nica noong mismong gabi ng kasal namin.Mula sa kanyang mahinang ekspresyon, alam kong may bumabagabag sa kanya."Palitan ang lahat ng sapin sa kama." Isang malamig na utos ang lumabas sa kanyang bibig. Napakunotnoo ang kasambahay. "Bago pa po ito, Sir. Wala pa pong natutulog dito. Hintayin na lang po nating bumalik si Ma’am bago ito palitan."Kung alam mo lang, manang…Denver, nararamdaman mo na rin bang marumi ang lugar na ito?Walang emosyon niyang hinila ang bedsheet. "Itapon na lang. Palitan ang kama.""S-Sige, Sir.""Palitan niyo rin ang carpet."Para bang akala niya, sa pagpapalit ng mga
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 43 - Huli Na Ang Lahat

Sa opisina ay naging abala si Denver sa mga natambak na gawain.Mula umaga hanggang hatinggabi ay sunod-sunod ang mga meeting niya, walang pahinga. Kung noon ay tinatamad siyang dumalo sa meetings, ngayon ay para bang may gusto siyang tapusin nang mabilis.Hanggang sa dumating na ang alas-dos ng madaling araw. Pumasok si Kevin at may dalang hapunan. "Sir, kumain muna kayo. Alam kong hindi pa kayo nagdi-dinner."Inilapag niya sa mesa ang isang mainit na clay pot ng seafood porridge at ilang maliliit na pastry na pampainit ng sikmura. Alam kong isa ito sa mga paborito niya.Pagkakuha ng kutsara ay tinikman niya iyon pero bigla siyang natigilan."Sir, malamig na po ba? Gusto niyo bang ipainit ko ulit?" tanong ni Kevin nang makita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Denver."Hindi naman..."Nakatitig siya sa seafood porridge nang matagal. Para bang may bumalik sa kanyang alaala. Hanggang sa marahan siyang nagsalita. "Dati ay palagi akong ipinagluluto ni Ria ng ganito. Alam niyang mahina
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status