Lahat ng Kabanata ng Rejected Wife of A Heartless CEO: Kabanata 71 - Kabanata 80

95 Kabanata

Chapter 52 - Naloko Na!

Sa sobrang galit ay sinunggaban ni Lola ang kuwelyo ni Nica. "Wala kang puso! Kapatid mo siya! Paano siya mabubuhay nang wala siyang daliri?"Nanlamig ang mga mata ni Nica. Hindi maintindihan ni Lola ang kahulugan ng tingin niya— pero ako, alam ko.Alam kong ang gusto niyang sabihin ay wala na akong kinabukasan. Alam niyang wala na akong buhay. Pero hindi niya iyon sasabihin kay Lola. Hindi pa ngayon."Kaya kung gusto mong bumalik siya nang buhay," aniya, "Pirmahan mo na ang transfer agreement."Lalong bumilis ang paghinga ni Lola sa galit. "Hayop ka! Tatawagan ko ang mga magulang mo!"Napangisi si Nica at iniunat ang kanyang mga kamay na parang wala siyang pakialam. "Sige, subukan mo."Kaagad na dinial ni Lola ang numero ni Papa."Umuwi ka kaagad! Ang apo mo, hindi nagpunta sa Puerto Moco. Dinukot siya ni Nica! Pinutol niya ang daliri ni Ria!"Pero imbes na mag-alala, malamig lang ang sagot ni Papa."Mama, ano na naman iyang pinagsasasabi mo? Hindi ka na naman ba natulog nang maayos?
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 53 - Ang Buong Katotohanan

Pagkapirma pa lang ng kasunduan ay nakuha na ni Nica ang lahat ng gusto niya. Wala nang silbi para sa kanya si Lola.Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin. Sa sobrang kaba kaagad akong pumosisyon sa harap ng lola ko at pilit siyang pinoprotektahan."Nica, huwag mong sabihing... Lumayas ka rito! Lumayas ka!"Kahit na halos sumabog na ang boses ko sa lakas, hindi nila ako naririnig o nakikita.Bakit ba ako namatay nang ganito kasama? Habang ang kaaway ko ay nakatayo sa harapan ko nang walang hadlang?Sa kalagayan ngayon ng lola ko ay hindi na siya dapat ma-stress nang ganito. Sa kagustuhang malaman ang kalagayan ko ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Nica."Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa apo ko? Bakit hindi ko na siya makikita?"Ngumiti si Nica nang malamig. "Anong ibig kong sabihin? Literal na namatay na si Ria, matagal na."Nanigas ang mukha ni lola. Tila hindi makapaniwala sa narinig niya. Mahina at basag ang kanyang tinig nang tanungin niya ulit. "A-Anon
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 54 - Mabuti Na Lang

Nang makita niya ang sumunod na larawan, kung saan aktwal nang binabalatan ang aking katawan ay napuno ng galit ang kanyang puso. Itinaas niya ang kanyang tungkod at buong lakas na hinampas si Nica sa ulo."Hayop ka! Mamamatay-tao ka! Hindi ka papatawarin ng langit!"Pero matanda na si Lola. Kahit ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa hampas ay mabilis itong nailagan ni Nica. Dahil dito, nawalan ng balanse si Lola at bumagsak sa sahig."Lola!"Napakalakas ng pagbagsak niya. Sinubukan kong yakapin siya. Humampas ang malakas na hangin sa loob ng bahay ay nilipad ang kanyang kulay-abo nang buhok.Pero dumaan lang ang kanyang katawan sa mga braso ko na para bang hangin lang ako.At sa isang iglap— lumagapak siya sa sahig."Lola, ayos ka lang ba!"Lumuhod ako sa tabi niya at pinagmamasdan siya habang nangangatog ang katawan ko sa matinding takot."Tulungan niyo kami! May tao ba riyan!"Sumigaw ako nang desperado. Nagbabasakali na may makarinig sa akin.Dahan-dahang lumapit si Nica kay
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 55 - Wala Nang Saysay Denver

Naroon ang gulo sa loob ng silid— kalat-kalat ang mga gamit at sa labas ay bumabagyo. Ang malakas na hangin ay nagdadala ng ulan sa loob, pinabasa ang mga kasulatan ng libro na nakalagay sa may bintana.Nakahandusay si Lola sa sahig at hindi na gumagalaw. Hindi ko alam kung nawalan lang siya ng malay o ano. Ayokong isipin ang mas malalang posibilidad.Sa sahig ay may mga basag na plato.Alam kong may likas na paggalang si Mama kay Lola. Kahit minsan ay nagrereklamo siya nang pabulong, mahal pa rin niya ito sa kanyang puso.Nang makita niya ang eksena kaagad siyang napasigaw at dali-daling lumapit kay Lola.Si Nica naman ay tila hindi inaasahan ang biglaang pagdating ni Mama. Isang saglit na nagpakita ng matinding kasamaan ang kanyang mga mata ngunit mabilis itong nawala at kaagad siyang nagpalit ng ekspresyon."Ma, bigla na lang akong sinugod ni Lola! Sinubukan ko siyang alalayan, pero hindi ko siya naabutan kaya siya natumba... Kasalanan ko ito!"May mga bakas ng sampal sa mukha niya
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 56 - Impyerno!

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Denver sa sinabi ni Mueller dahil napatigil siya.Nang makita naman ni Mueller na sobrang pangit ng ekspresyon sa mukha ni Denver ay nagsalita pa siya ulit. "But sometimes, miracles happen. Maybe the person you're looking for is still alive."Kahit sino, mararamdaman na lang ang kasinungalingan sa sinabi niyang iyon.Hindi ko na inintindi ang reaksyon ni Denver. Mas gusto kong malaman kung nasasaktan ba si Papa ngayong nalaman niyang nasa panganib ako.Madilim sa loob ng sasakyan. Nakapikit si Papa habang nakasandal sa upuan. Kita ko ang mahigpit niyang pagkakapigil sa armrest at ang madiin na pagkakapirmi ng kanyang manipis na labi.Naalala ko ang dati niyang pagmamahal sa akin— noong nawala si Nica, itinuring niya akong kayamanan, parang prinsesa sa palad niya. Noon, palaging may ngiti sa kanyang mukha tuwing kasama ako. Pero mula nang mahulog ako sa patibong ni Nica, unti-unting nawala ang tiwala ng pamilya ko sa akin. At dahil masyadong pina
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 57 - Sukdulang Kasamaan

Yumuko ang lider at nagsabi. "Over here. Please follow me."Sinubukan kong takpan ang aking tainga upang hindi marinig ang mga desperadong sigaw ng mga inosenteng babae, ngunit kahit anong gawin ko ay ramdam ko pa rin ang kanilang paghihirap sa hangin.Ang totoong bangungot ay hindi pa nagsisimula.Sa dulo ng pasilyo ay may nakita akong ilang lalaking maiitim ang mga mukha, ang kanilang mga mata ay malamig at nakakatakot. Nakatayo sila roon, may hawak na AK-47, mahigpit ang hawak nila rito na parang handang gamitin anumang oras.Kahit patay na ako, ramdam ko pa rin ang takot mula sa titig ng mga mabangis na taong iyon.Sa sahig na tiles ay may nakikitang mga bahid ng dugo— hindi pa ito tuluyang natutuyo. Base sa kulay nito, malinaw na may nasaktan o namatay rito ilang oras lang ang nakalipas. Hindi ko pinagdududahan na hindi lang panakot ang mga baril nila. Sa lugar na ito ay wala talagang halaga ang buhay ng tao.Ang mga lalaking ito, sigurado akong sila ang sinasabing mga mercenary
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 58 - Hindi Pa Pala

Nararamdaman ko kung bakit kinakabahan si Denver— ang babaeng nakatalikod sa amin ay may pagkakahawig sa akin, mula sa hubog ng katawan hanggang sa kulay ng balat.Hindi niya matanggap. Asawa niya iyon, pero ganito na lang siya tratuhin ng ibang lalaki?Ang babaeng nasa kama ay hindi gumalaw ni sumagot man lang. Samantala, walang pakialam ang manager na nagsindi ng sigarilyo. "Are you here to redeem this?"Walang sinuman ang nakahula sa gagawin ni Denver. Sa kabila ng kanyang pino at marangal na pagkilos noon, bigla siyang nagpaputok ng baril at mabilis na sinipa ang manager, dahilan para lumipad ito at bumangga sa pader.Bago pa makabawi ang manager, kaagad siyang sinunggaban ni Denver, hinawakan sa kwelyo ng kanyang makulay na polo, at sinuntok nang malakas sa mukha.Pulang-pula ang mga mata ni Denver, parang isang demonyong nagmula sa impiyerno."Who gave you the right to touch my wife!"Biglang may pumutok na baril. Hindi alam kung sino ang nagpaputok, pero umalingawngaw ito sa bu
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

Chapter 59 - Umuwing Luhaan

Salamat naman. Kahit hindi nila natagpuan ang bangkay ko, kahit hindi nila ako nailigtas, at least may isang buhay na hindi nawala.Si Julia ay binitbit palabas ng silid na iyon habang tila wala pa rin sa sarili. Halatang matindi ang dinanas niya dahil hindi lang siya umiiwas sa sinumang lalapit, kung hindi ayaw rin niyang kumain o uminom. Halos hindi na siya makausap— panigurado, gumuho na ang mental health niya.Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ito sapat para kay Denver. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa kanya habang tinuturo si Julia."There's still no news about Ria. What was the point of bringing her here?" malamig niyang tanong.Si Papa naman ay halatang pagod na rin. Halos hindi siya natulog buong magdamag. Napahawak siya sa tulay ng ilong niya bago sumagot. "Si Manager Moros ay may malawak na koneksyon. Baka may malaman siya. Kailangang gastusan ito at wala namang mawawala kung susubukan natin. Kilala ko ang batang ito— baka sakaling may alam siya tungkol kay Ria. Isang par
last updateHuling Na-update : 2025-02-27
Magbasa pa

Chapter 60 - Nakikita Niya Ako?

Dumaan muna si Papa sa pamilya ni Julia para magpaalam bago siya tumuloy sa ospital kasama si Denver.Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng ospital ay nakita ko ang mga doktor at nars na nagmamadaling naglalakad. Ang mga pasyenteng nasa bingit ng kamatayan na isinusugod sa emergency room, at ang mga pamilya nilang umiiyak sa labas— wasak, sira, parang nawalan na ng pag-asa.Mga kaso ng matinding karamdaman. Mga taong malapit nang mamaalam.Nagmamadaling pumasok si Papa sa isang kwarto. "Mama, nandito na ako."Nakahiga si Lola sa kama ng ospital. May nakasalpak na oxygen sa ilong niya at ang dating maputlang mukha ay mas lalo pang nanlambot, tila nauubusan na ng kulay at buhay."Ilang araw pa lang ang nakakalipas, maayos pa siya... Bakit bigla siyang nagkaganito?"Biglang sumugod si Nica, umiiyak at nanginginig. "Papa, kasalanan ko ito! Nang umalis ka papuntang airport, natakot ako na walang mag-aalaga kay Lola, kaya pinuntahan ko siya. Pero hindi maganda ang pakiramdam niya nan
last updateHuling Na-update : 2025-02-27
Magbasa pa

Chapter 61 - Sa Wakas!

Pagdilat pa lang ng mga mata ni Lola kaagad siyang pinalibutan ng lahat."Ma, gising ka na!" sigaw ni Papa.Napansin ko ang matinding pagbabago sa mukha ni Nica. Nagmadali rin siyang lumapit, pero hindi nakaligtas sa akin ang malamig na ningning sa kanyang mga mata. Alam kong wala na siyang balak pang hayaang mabuhay si Lola. Nakapagmaskara man siya ng pag-aalala, ramdam ko ang pag-usig ng konsensya niya.Nakasuot si Lola ng oxygen mask at hindi makapagsalita pero nakatitig siya sa direksyon ko.Tama ba ang iniisip ko? O baka naman may iba siyang tinitingnan? Pero kahit may alinlangan ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong tawagin siya. "Lola..." bulong ko.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pagkarinig niya nito ay kaagad bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.Napalunok ako at isang ideya ang pumasok sa isip ko. Dahan-dahan akong gumalaw mula sa isang panig ng kwarto papunta sa kinaroroonan ni Nica. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong sumusunod ang tingin ni Lola sa bawat
last updateHuling Na-update : 2025-02-27
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status