All Chapters of Rejected Wife of A Heartless CEO: Chapter 81 - Chapter 90

95 Chapters

Chapter 62 - Bakit Nga Ba?

Nang bata pa ako, namangha ako sa ganda at tapang ng lola ko. Para sa akin, siya ang reyna ng aming pamilya. Siya ang nagpatatag sa amin, lalo na sa mga panahon na tila ba walang pag-asa. Mas matapang siya kaysa sa lolo ko at sa kanyang gabay ay nakamit ng De Leon ang isang malaking pag-unlad.Si Lola ko ay mahigpit sa aming pamilya, lalo na sa tatay ko na hindi gaanong magaling. Ginagawa niya ang lahat para itaas at ituro sa kanya ang mga tamang paraan at kasanayan.Si Lolo ko naman ay mahinahon at takot sa maraming bagay, at ang mama ko, bagamat madalas magmukhang masayahin sa labas, sa totoo lang, may mga kahinaan din siya na hindi niya pinapakita.Samantalang ang dalawa kong kuya ay tila ba kinuha lang ang mga karaniwang katangian ng aming mga magulang— hindi sila nagpakita ng anumang natatanging galing. Kaya naman, nang tumanda na si lola, unti-unting bumagsak ang aming pamilya.Madalas niyang sabihin na ang mga lalaki ay dapat may pananagutan at maging mahigpit sa kanilang mga k
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 63 - Kakampi

Narinig na ni Lola sinabi ko at kahit na kanina ay tumigil na siya sa pag-iyak ay muling pumatak ang kanyang mga luha, puno ng paghihirap at nasasaktan ako sa twing nakikita siyang ganito.Kasalanan ko rin ito. Maraming araw na ang lumipas— mula sa galit at pagtanggi ko noong una, hanggang sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon— natanggap ko na ang katotohanang patay na ako. Kaya ba hindi pa nawawala ang kaluluwa ko sa mundong ito dahil hindi ko pa matangap na maiiwan ko si Lola sa ganitong kalagayan?Napabayaan ko ang pamilya ko at ngayon lang nalaman ni Lola ang nangyari. Hindi niya matanggap, kaya lalo siyang nasasaktan sa pagkawala ko.Nang makita siyang umiiyak ay kaaagad na lumapit si Aling Sita at pinunasan ang luha ni Lola gamit ang isang panyo."Ay naku, Senyora, huwag na po kayong umiyak. Kailangan ninyong magpahinga at magpalakas habang hinihintay si Miss Ria. Kung palagi kayong iiyak, baka lalo pang humina ang katawan ninyo."Hindi man masabi ni Lola ang sakit na nararamda
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 64 - Malapit Nang Maglaho

Sa mga nakalipas na mga araw ay nasa ospital ako kasama si Lola. Doon niya nalaman ang buong katotohanan mula mismo sa akin.Nakita ko kung paano siya nanginig sa galit at napakapit sa kama habang nakangiwi ang kanyang mga labi, ngunit sa huli, wala siyang magawa. Tatlong araw ang lumipas bago niya tuluyang natanggap ang pagkawala ko.Alam niyang hindi na mababago ang nangyari. Sa mundong ito, walang muling nabubuhay. Ang tanging magagawa niya ay ipaghiganti ako. At siya na lang ang natitirang pag-asa ko.Nang malaman niya ang buong kwento, tila nagbago ang aura niya. Hindi na siya tulad ng dati na punong-puno ng kaba at lungkot. Ngayon, mas kalmado na siya. Kumakain at natutulog na siya nang maayos, at unti-unting bumabalik ang sigla niya.Pero hindi ibig sabihin nito ay ligtas na siya.Si Nica, na halatang may masamang balak, ay hindi tumigil sa pagtatangkang saktan siya. Ngunit hindi siya iniwan ni Aling Sita. Bawat pagkain at gamot ni Lola ay dumaan muna kay Aling Sita bago ibigay
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 65 - Kung Siya Kaya?

Halatang balisa si Denver. Hawak niya ang mangkok ng sopas, pero parang wala siyang malay sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.Sa kabilang banda, halos pumutok ang galit ni Lola nang marinig ang pinag-uusapan nila. Kung kaya pa niyang bumangon, malamang ay pinalo na niya nang malakas ang aking ama, malamang dahil sa sinabi nito.Ang anak niyang babae ay nawawala, hindi niya alam kung buhay pa ito o patay, pero mas inuna pa niyang protektahan ang kanyang pangalan kaysa humingi ng tulong.Pumasok si Nica, dala pa rin ang kanyang kumpiyansa. "Sa tingin ko, tama si Papa. Hindi ba’t nagpunta ka na sa Puerto Moco para hanapin siya? Wala namang balita, kaya sigurado akong nagtatago lang siya kung saan sa lungsod. Kung tatawag ka ng pulis, hindi lang pangalan ng pamilya natin ang masisira, maaapektuhan pa ang presyo ng stocks ng mga kumpanya natin."Hindi natinag si Denver. "Hindi… May masamang kutob ako. Muling bumalik ang bangungot ko. Napanaginipan ko si Ria— pata
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 66 - Ebedensya

Matagal ko nang narinig ang usap-usapan na may isang babaeng matagal nang nasa puso ni Vicento— isang babaeng matagal na niyang minamahal. Paano ba magiging karapat-dapat sa kanya ang isang bulag at naging tanga na tulad ko?Kahit pa hawak ni Vicento ang kapangyarihan at kayamanan, alam kong sa mata ng pamilya Victorillo at pamilya De Leon, isa siyang taong hindi kailanman magiging sapat.Isang anak sa labas. Isang lumpo.Pero hindi ko kailanman inisip iyon. Oo, si Vicento ay isang taong malamig at malayo ang loob sa iba, pero isa rin siyang taong may paninindigan at pananagutan. Lalo na ngayon, matapos kong makita ang lahat mula sa pananaw ng isang kaluluwa.Mas lalong naging malinaw sa akin ang pagkakaiba nina Denver at Vicento. Sa totoo lang, gusto ko nang makita si Vicento na manalo. Kung si Denver ang mamumuno sa pamilya Victorillo, siguradong mapapahamak ito sa kamay ng isang hangal.Tiningnan ni Vicento nang matalim si Nica, at malamig niyang binitiwan ang babala. "Hindi ko tit
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 67 - Usapan

Sa lumang bahay ng pamilya Victorillo, tahimik na nagtitimpla ng tsaa si Don Arnulfo sa loob ng tea room.Pilit na pinapanatili ni Denver ang kanyang kumpiyansa habang lumapit siya sa matanda. "Lolo, gusto niyo bang samahan ko kayo sa ilang laro?"Habang nagsasalita, maingat niyang pinag-aaralan ang ekspresyon ng matanda— naghahanap ng senyales kung alam na ba nito ang tungkol sa kanyang pagtataksil. Ngunit bago pa siya makapagsalita muli, malakas na ibinagsak ng matanda ang tasa ng tsaa sa mesa.Nagulat si Denver, napalunok siya ng kanyang laway, at bahagyang nanghina ang kanyang mga tuhod. Halos mapasubsob siya sa sahig sa takot."Tingnan mo nga ang itsura mo," mariing sabi ng matanda. "Isang titig ko pa lang sa iyo, nanginginig ka na sa takot. Ni hindi mo kayang tapatan ni katiting ang tiyuhin mo!"Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Denver. Ibig sabihin, hindi pa alam ng matanda ang tungkol sa pagtataksil niya. Mukhang hindi ito galit dahil sa eskandalo, kung hindi dahil lang sa pagka
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 68 - Ano Iyon?

Nagkasundo sina Denver at ang kanyang tiyuhin na simulan ang plano laban kay Nica.Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Vicento ay marahan akong bumulong sa kanyang tainga bago umalis. "Salamat…."Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero napagtanto kong hindi siya kasinglamig at kasingwalang-puso gaya ng sinasabi ng iba. Bago sumara ang pinto ay parang may narinig akong mahina at malungkot na buntonghininga."Ria..."Napahinto ako. Tama ba ang dinig ko?Nang subukan kong makinig pang mabuti, wala na akong narinig kung hindi katahimikan.Nalaman ni Denver na nasa bahay ng mga De Leon si Nica, kaya palihim siyang pumasok sa kwarto nito para maghanap ng anumang bakas na may kaugnayan sa akin.Mula nang aminin ni Nica ang kanyang tunay na pagkatao sa pamilya De Leon, bihira na siyang maglagi sa bahay ng pamilya Victorillo.Kapag wala si Denver dahil sa mga business trip ay umuuwi siya sa mga De Leon. Kapag bumalik naman si Denver ay babalik din siya sa pamilya Victorillo upa
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 69 - Ganoon Kababaw

Sa likod ng bakal na pinto ay may isang maliit na silid ang lumantad. Walang tao sa loob, ngunit sa bawat sulok ng dingding ay puno ng mga larawan.Dahan-dahang lumapit si Denver, pinagmasdan ang mga ito nang mabuti at doon niya napagtantong siya ang bida sa lahat ng mga litrato.Kahit noon pa man ay may hinala na akong hindi malinis ang nararamdaman ni Nica kay Denver. Hindi ko inasahan na aabot ito sa ganitong nakakatakot na level.Sinuri ko ang bawat larawan. Maingat itong inayos mula noong unang beses siyang pumasok sa pamilya Victorillo kasama ang umampon sa kanya na si Aurora na madrasta naman ni Denver.Karamihan sa mga larawan ay patagong kinunan. Makikita na may halong lamig sa kanyang mga mata, lalong-lalo na kapag si Nica ang kaharap niya. Puno ng pagkamuhi ang kanyang tingin, waring isang matinding insulto para sa kanya ang presensya nito.Mahal na mahal niya ang kanyang ina, kaya hindi niya kailanman matanggap ang pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama lalo na at ang nap
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 70 - Frame Up

Tuluyang nasira ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Kaagad na nagbago ang expression sa mukha ni Denver— mula sa pagnanasa patungo sa malamig na pagkahinahon.Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Nica. Nakita ko na ang eksenang ito nang maraming beses, kaya naman ay hindi na ako nagulat.Sa totoo lang, masasabi kong maginoo si Denver. Ilang taon ko na siyang kasama at kahit noong nagkabalikan kami anim na buwan na ang nakalipas, isang beses lang talaga may nangyari sa amin— noong gabi ng aming pagkalasing.Gabi rin iyon nang mabuo sa sinapupunan ko ang anak namin.Pagkatapos noon, bihira na siyang makipagtalik kay Nica. Siguro, minsan lang niyang natikman ang tukso ng laman, pero sa ngayon para bang wala na siyang pakialam. Ni hindi niya ito ginagalang.Si Nica, halos hubo’t hubad habang nakaluhod sa sahig, habol ang hininga. Samantalang si Denver, maayos pa rin ang itsura— kailangan lang niyang ayusin ang sinturon at puwede na siyang umalis kahit ano mang oras.Lumapit siya sa mesa a
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 71 - Rebelasyon

Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status