Semua Bab Rejected Wife of A Heartless CEO: Bab 41 - Bab 50

95 Bab

Chapter 29 - Ang Totoo (Part2)

Wala na roon ang dati niyang lambing. Ang natira na lang ay kalamigan. Nakikita na ba ni Denver ang tunay na pagkatao ng babaeng nasa harapan niya?Narinig kong sinabi niya sa malamig na tono. "Nica, nagsinungaling ka ba sa akin? Magsabi ka ng totoo."Dahan-dahang itinaas ni Nica ang kanyang ulo, hinanap ang mga mata ni Denver. Ngunit sa halip na dating mainit at mapag-arugang titig, ang bumungad sa kanya ay malamig at walang emosyon.Mariin niyang kinagat ang kanyang labi, ang boses niya ay halos isang bulong. "Hindi, Kuya..."Lumapit pa nang bahagya si Denver. "Nica, matagal na tayong magkasama. Ayokong niloloko mo ako, naiintindihan mo?"Kaagad na umiling si Nica, kunwari ay desperadang kumbinsihin si Denver. "Kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan, kuya, maaari akong manumpa sa Diyos. Kung may kinalaman ako sa pagkawala ni Ate Ria, sana…"Bago pa niya matapos ang pangungusap, mabilis na tinakpan ni Denver ang kanyang bibig."Huwag kang magsabi ng ganiyang sumpa," mahina ngunit matiga
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Baca selengkapnya

Chapter 30 - Children's House

Simula nang bumalik siya sa opisina ay napansin kong tila wala siya sa kanyang sarili. Hindi niya magawang mag-fokus sa trabaho.Dahil dito ay nagkamali siya sa pagpirma ng ilang dokumento. Isang bagay na hindi niya karaniwang nagagawa.Nang i-report ng mga executives ang quarterly profit ng kumpanya, lumabas na bumaba ito ng ilang porsyento. Lahat ay natakot, handa nang makatikim ng matinding sermon mula sa kanya.Ngunit laking gulat nila nang sabihin niyang... "Maganda ang trabaho ninyo. Pagbutihin niyo pa sa susunod na quarter."At pagkatapos ay walang anumang pag-aaksaya ng oras, tumayo siya at lumabas ng silid.Naglakad siya pabalik sa kanyang opisina at marahang niluwagan ang kanyang kurbata. Doon ay naghihintay si Kevin."May nalaman ka na ba?" malamig niyang tanong."Opo, Sir. Lumabas sa imbestigasyon namin na hindi si Ma’am Ria ang nangungupahan sa Caragosa City. Isang dalaga ang nakatira roon. Ang pangalan niya ay Zoe De Leon. Narito po ang kanyang larawan."Isang litrato an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 31 - Malalaman Na Ba Ang Katotohanan?

Madalas may mga volunteer na pumupunta sa bahay-ampunan upang magbigay ng tulong. Kabilang dito ang ilang artista at negosyante.Pero alam kong karamihan sa kanila ay may kanya-kanyang dahilan— hindi lahat ay may dalisay na puso. Ang iba ay ginagawa ito para sa publicity, para linisin ang kanilang pangalan, o para lang magmukhang mabuting tao sa harap ng publiko.Noong naroon pa ako ay hindi ko kailanman nakita si Ms. Beverly, kaya sigurado akong kakarating lang niya kamakailan.Ewan ko ba pero parang may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya kay Denver. Kahit gaano niya subukang itago ay nararamdaman ko ang kakaibang tingin na iyon— parang may lihim siyang nais ipahiwatig.Ngumiti siya nang banayad at sinabi. "Nakakabilib ka Mr. Victorillo. Napakaalaga mo sa asawa mo. I’m amazed! Siguradong napakaganda ng relasyon ninyo, hindi ba?"Sandaling natigilan si Denver. Halatang hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o dahil sa bigat ng nararamda
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 32 - Nalaman Na Ni Denver (Part1)

Napaatras ang nurse nang makita si Denver. "S-Sir Denver..."Pinanood ko ang pagkataranta ng nurse, halatang hindi mapakali. Kung lalaki lang ang nurse na ito, malamang ay hinawakan na niya ito sa kwelyo para piliting magsalita."Ano iyong sinabi mo kanina? Ano ang nangyari kay Ria at sa bata?" Desperado ang boses niyang tanungin iyon.Nagkatinginan ang dalawang nurse, halatang nagtataka kung bakit parang hindi alam ni Denver ang sinasabi nila."Si Mrs. Victorillo po ay nagkaroon ng miscarriage dati. Dito mismo ginawa ang operasyon sa kanya."Nagkaroon ng katahimikan. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras habang hinintay ko ang magiging reaksyon ni Denver.Ang isa pang nurse ay mas matapang at naglakas-loob na magtanong. "Sir Denver, hindi niyo po ba alam na buntis si Ma’am Ria?"Ang simpleng tanong na iyon ay parang kidlat na biglang tumama kay Denver. Kita ko kung paano lumaki ang mga mata niya, parang hindi makapaniwala."Buntis siya?"Ang nurse ay tila nag-aalangan kung paano sasagut
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 32 - Nalaman Na Ni Denver (Part2)

Sa puntong iyon, nanlamig ang katawan ko.Pero si Denver, kahit sa harap ng ebidensya, pilit pa ring ipinagtatanggol si Nica. "Hindi… hindi ako naniniwala. Baka may maling impormasyon dito. Kilala ko si Nica. Hindi niya kayang saktan si Ria. At saka, magkapatid sila, paano niya magagawang ipahamak ang sariling kapatid?"Napangisi si Ryan at kasabay noon ay ang mapait kong pagtawa.Kapag talaga si Nica ang nasasangkot, hindi kailanman ako bibigyan ni Denver ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko. Kapag ako ang pinagdududahan, mabilis siyang makapaghusga.Minsan pa, pinatunayan niyang walang halaga ang tiwala niya sa akin.Nag-angat ng kilay si Ryan. "Kung ayaw mong paniwalaan ang sinasabi ko, wala na akong magagawa. Pero may paraan para makita mo mismo ang sagot."Sa isang tawag lang, mabilis na nakuha ni Denver ang footage ng surveillance camera noong araw na iyon.Habang nakatutok siya sa screen, tahimik kong pinanood ang pagbabago ng ekspresyon niya. Alam kong hindi kayang kunan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 33 - Riley

Dumiretso si Denver sa sementeryo— sa address na binigay sa kanya ni Ryan. Halata sa kanya ang pagmamadali na hindi pa siya humihinga nang maluwag simula nang malaman ang lahat.Sa gitna ng mapayapang lugar, nakita niya ang puntod na itinayo ko para sa aming anak.Ayon sa nakasanayan, hindi na kinakailangang bigyan ng lapida ang mga batang hindi man lang nasilayan ang mundo. Ngunit hindi ko nagawang sundin ang tradisyong iyon. Sa puso ko, nabuhay ang anak ko— kahit isang araw lang.Kung ikukumpara sa ibang puntod, ang sa kanya ay payak— walang larawan, walang petsa ng kapanganakan o kamatayan. Tanging dalawang pangalan lang ang nakaukit doon.Riley De LeonItinayo ni: Maria Samantha De LeonNanginginig ang kamay ni Denver habang hinaplos ang mga letra sa malamig na bato. Mahina siyang bumulong, punong-puno ng sakit at pagkalito."Riley De Leon… Ang daya mo, Ria. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"Malamig ang sagot ko sa kanya, isang sagot na kailanman ay hindi na niya maririnig.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 34 - Kasinungalingan Na Naman (Part1)

Mabigat ang mga ulap sa ibabaw ng mansyon ng mga De Leon at ang malakas na ihip ng hangin ay parang nagbabadya ng masamang panahon.Katatapos lang ng matinding ulan at ngayon naman ay mukhang uulan ulit. Ang dilim ng kalangitan ay parang may bagong unos na paparating.Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Mama. Tumingin siya sa likuran ni Denver, halatang may hinahanap. Nang mapagtanto niyang wala siyang kasama ay para bang may bahagyang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata."Hindi pa ba bumabalik si Ria?" tanong niya at halatang naiinis."Hindi pa po..." malamig na sagot ni Denver.Napailing si Mama at sumimangot. "Hindi ko talaga alam kung anong silbi ng pagpapalaki ko sa kanya! Kaunting problema lang ay tumatakbo na palabas ng bahay!"Ibinaba niya ang tingin kay Denver at saka napakunot-noo nang mapansin ang putik sa kanyang mamahaling suit."Denver, saan ka ba nanggaling? Bakit ang dumi mo?""Nadulas lang ako sa daan. Nasaan si Nica?"Pagkarinig sa pangalan ni Nica ay biglang lumambo
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 34 - Kasinungalingan Na Naman (Part2)

Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Denver mula sa kwelyo ni Nica. Nakita ko kung paano unti-unting lumuwag ang mahigpit niyang pagkakahawak. At doon ko napagtanto—ginagabayan na naman ni Nica ang utak ni Denver sa direksyong gusto niya."Kitang-kita ko, Kuya," patuloy pa ni Nica, "Ang reaksyon ni Tito noong nakita niya si Ate Ria. Para bang hindi siya ang tiyuhin, kung hindi isang lalaking nag-aalala sa kanyang kasintahan. Hindi ba nakakapagtaka? Matagal siyang nasa ibang bansa at halos wala siyang balita kay Ate, pero bakit ganoon ang mga mata niya noong araw na iyon?"Nagtagumpay siya. Kitang-kita ko kung paano unti-unting nilason ni Nica ang isip ni Denver. At lalo pa niyang idiniin ang kanyang punto."Isipin mo rin, Kuya. Pagkatapos ng pagkawala ng bata, dumiretso ka kaagad sa ospital, pero sinabi ba sa iyo ni Ate ang tungkol sa nangyari? Hindi, hindi ba?" Saglit siyang tumigil, hinayaang lumubog ang bawat salita niya sa isip ni Denver. "Kung siya mismo hindi nagsabi, paano ko pa ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 35 - Tensyon at Katotohanan

Nang bumalik si Denver sa mansyon ng mga Victorillo ay nadatnan niyang naglalaro ng chess sina Vicento at si Lolo Arnulfo.Isang bihirang tanawin.Dati ay si Vicento at ang matanda ay parang mortal na magkaaway. Pero ngayon? Halatang nagbago na ang lahat. At ramdam ni Denver ang banta ng magiging posisyon niya sa pamilyang ito."Lolo, Uncle..." bati niya at pilit pinapakalma ang sarili.Saglit siyang sinukat ng tingin ni Lolo Arnulfo. "Tingnan mo ang sarili mo, Denver. Ganyan ba ang itsura ng magiging presidente ng Victorillo Group?"Marumi ang suot niyang suit at may bakas ng putik sa kanyang sapatos saka basang-basa rin ang kanyang buhok. Kaya halata na wala talaga siya sa ayos.Itinaas ni Vicento ang isang chess piece at pinagmasdan siya ng malamig na tingin. "Hindi nga talaga mukhang presidente," sabay bagsak ng itim na piyesa sa chessboard.Diretso ang kanyang sinabi. Walang kahit anong pagpapaikot. Halata ang pagkamuhi niya kay Denver. Pero wala nang pakialam si Denver sa insult
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-24
Baca selengkapnya

Chapter 36 - Maniniwala Na Ba?

Painom pa lang sana ng tsaa si Denver pero nang marinig ang sinabing iyon ni Vicento ay nalaglag ang tasa mula sa kanyang kamay na. Bumagsak iyon sa carpet at dahan-dahang sumipsip ang tsaa sa mamahaling tela.Kita sa mukha ni Denver ang pagkabigla. "Anong sinasabi mo?"Ngunit sa halip na sagutin siya nang diretso ay isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Vicento."Ang tanga-tanga ng babaeng iyon. Sumakay sa barko para hanapin ka. Pero nasalubong nila ang isang malakas na alon. Lumubog ang barkong sinasakyan niya at natangay siya ng alon. Dalawang araw siyang palutang-lutang sa dagat at kumakapit lamang sa isang kahoy na tabla. Kung hindi ko siya nasagip, patay na siya ngayon."Para akong natulos sa kinatatayuan.Sa mga salitang iyon ay biglang bumalik sa akin ang lahat— ang nakapapasong init ng araw na tila sinusunog ang bawat hibla ng aking balat, ang alat ng tubig-dagat na paulit-ulit kong nalulunok at ang kakila-kilabot na pakiramdam ng kawalan sa gitna ng isang walang kata
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-24
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
10
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status