"Sana hindi mo ito pagsisihan," malamig na sabi ni Vicento.Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nasabi iyon? Alam kaya niya ang isang bagay na hindi ko pa alam? May alam ba talaga siya?Maging si Denver ay tila naguluhan sa sinabi ni Vicento. Mukhang may nais pa siyang itanong pero bago pa siya makapagsalita ay itinulak na ni Jayson ang wheelchair palayo.Hinawakan ni Monica ang braso ni Denver. "Kuya, nagsimula na ang auction. Umupo ka na."Nang nagsimula na ang auction ay may iilan akong napansin sa venue. Tatlo sa mga ipinagmamalaki kong likhang sining ang isinama ni Monica sa auction.Ang una ay ang "Through The Light" isang obra na nilikha ko sampung taon na ang nakalilipas.Sa panahong iyon ay inosente pa ako. Wala pang bahid ng lungkot ang puso ko at ang bawat kulay sa obra kong iyon ay sumasalamin sa liwanag at kasiyahan na nararanasana ko pa noon— mga panahong wala pa akong ibang iniisip at wala pa ang sakit na dinadanas ko ngayon.Ang panimulang presyo ay isang daang libo. M
Ano ang ibig sabihin ni Vicento? Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang hindi na siya mananahimik?Naguguluhan ako. Napansin ko lang na palala nang palala ang ekspresyon sa mukah ni Denver— tila unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib.Sa kabilang banda ay nakapalibot ang pamilya De Leon kay Monica. Makikita sa mukha niya ang labis na kasiyahan at kayabangan habang pinag-uusapan ang kaganapan sa auction. Pinupuri siya ni Mama na punong-puno ng pagmamalaki. "Talagang kahanga-hanga ka Nica! Ilang paintings lang ay umabot na kaagad sa daan-daang milyon ang halaga!"Napangisi ako nang mapait. At gaya ng inaasahan ay hindi na naman pinalampas ng aking ina ang pagkakataong siraan ako."Hindi gaya ni Ria, iyong walang silbi na batang iyon. Akala ko pa naman may talentado siya noong bata pa dahil sabi ng guro niya mahusay siyang magpinta! Pero nasaan ngayon ang mga likha niya? Wala! Ni isang obra ay hindi ko ma lang nakita!" Bumuntonghininga siya na tila nadidismaya. "Hindi man lang si
Nakatayo ako sa tabi ng bato habang nakatitig sa bangkay na nasa harapan ko. Walang bahid ng pagkabulok o anumang bakas ng pagkamatay. Maputla ang kanyang mukha, parang may matindi siyang karamdaman. Kung hindi lang dahil sa hindi na ito humihinga, maiisip kong mahimbing lang itong natutulog.Noong una ay bahagya akong nabuhayan ng pag-asa— hindi ko pa kasi nakikita mismo ang katawan ko. Naisip ko paano kung buhay pa ako? Paano kung malubha lang akong nasugatan o nasa coma?Kung natagpuan sana ako ni Denver kaagad, baka may pag-asa pa akong mabuhay. Ngunit nang makita ko na mismo ang bangkay ko— itong nasa harapan ko, doon ko tuluyang natanggap ang katotohanan na patay na nga talaga ako.Umupo ako sa tabi ng katawan ko. Nakayuko habang tinititigan ang sarili kong mga kamay. Saan na mapupunta ang kaluluwa ko ngayon? Habang buhay na lang ba akong nasa ganitong anyo?Wala akong panlasa, wala rin akong pang-amoy, at kahit anong pilit kong umiyak, ni isang patak ng luha ay hindi tumutulo.
Biglang sumugod si Monica at yumakap kay Denver. "Lolo, kasalanan ko po ito! Ako ang dapat parusahan at hindi si kuya. Ako ang tumawag sa kanya!"Hindi boto si Lolo Arnulfo kay Tita Aurora kaya hindi niya rin kailanman magugustuhan si Monica.Nanlabo ang paningin ko. Kahit sa gitna ng sakit at hirap, mas inuna pa rin ni Denver ang protektahan si Monica. Hinarang niya ang sarili para hindi matamaan ng latigo si Monica. Nagpatuloy ang latigo sa katawan ni Denver."No, please! Itigil na ninyo!" sigaw ni Monica pero tila hindi natinag ang matanda.Hanggang sa may pumalakpak sa likuran.Lahat kami ay napalingon kay Vicento na ipinasok ng kanyang assistant sa loob gamit ang kanyang wheelchair. Mbabakas ang pangungutya sa kanyang mukha."Ang ganda naman ng tanawin," ani Vicento sa nang-uuyam na tinig. "Si Denver na halos ipaglaban ng patayan ang isang babae. Hindi mo iisipin na kapatid niya ito, aakalain mong asawa niya."Kita ko ang paglaki ng mga mata ni Denver. Kahit ako ay hindi ko inasa
Hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan. "Mukhang ang laki ng pinagbago mo sa abroad," saad ni Lolo Arnulfo kay Vicento habang naglalakad sila papunta sa kung saan ay hindi ko alam. "Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito.""Ganoon na nga." Kahit sa ama niya ay malamig pa rin siyang magsalita.Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang mga taong naiwan sa likod. Si Tita Tita Aurora ay abala sa pagtulong kay Monica, sinusuri kung may natamong sugat. Samantalang si Denver ay nanatiling nakayuko at hindi maipinta ang mukha.Marahang lumapit si Tito Danilo kay Denver at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Napakalakas ng paghampas sa iyo, anak," aniya habang inaalalayan ito. "Galeno, tawagan mo kaagad si Doctor Sagun!""Opo, sir."Tahimik na inilapat ni Denver ang gamot sa kanyang sugat at saka humiga sa kama. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa gilid at hindi mapakali.Pakiramdam ko ay gusto na talaga nilang kitilin ang buhay ko. Para bang sinadya nilang burahin ako sa mundo
"Ria!"Nagising si Denver mula sa isang bangungot, humihingal, habang mahigpit na nakahawak sa kanyang dibdib. Halatang masama ang panaginip niya at pinagpapawisan nang husto ang kanyang noo. Napansin kong hindi na normal ang paghinga niya na para bang nahihirapan siyang huminga.Kaagad niyang kinapa ang cellphone sa may bedside table at mabilis akong tinawagan. Pero gaya ng dati ay hindi niya pa rin ako makontak.Binuksan niya ang aming conversation at ang huling mensahe namin ay ang pananakot niya sa akin. Doon lang yata niya napagtanto na baka hindi lang ito simpleng tampo. Hindi pa kailanman nangyari na hindi ako nagparamdam nang higit sa tatlong araw."Ang laking problema ng mga babae," naibulong niya sa sarili.Kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan si Kevin. "Pumunta ka sa jewelry store bukas ng umaga bago ang flight ko. Bilhin mo ang pinakamahal na kwintas at bumili ka na rin ng isang bouquet ng dilaw na rosas."Alam niya ang kahulugan ng dilaw na rosas— isang simbolo ng
Suot ko noon ang isang simpleng puting bestida at habang kinakabahan siya ay marahan kong inayos ang pagkakatali ng kanyang bow tie."Denver in a suit? Grabe, parang gusto kitang itago para walang ibang makakita," natatawa kong sabi noon habang hinahaplos ang kanyang dibdib.Sa sobrang tuwa ko ay naglakas-loob akong tumayo sa dulo ng aking mga paa at marahang hinalikan siya sa labi.Labing-walong taon pa lang kami noon. Ang pag-ibig namin ay parang simoy ng hangin— magaan, payapa, at puno ng pangarap.Napatingin ako sa Denver ngayon. Tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin— wala na ang dati niyang inosenteng mukha. Sa halip ay ang repleksyong bumungad sa kanya ay isang taong matanda na sa sakit at pagsisisi.Hindi na kailanman maibabalik ang nakaraan."Tara na sa airport.""Maaga pa po, sir. Gusto po ba ninyong kumain muna ng agahan? Sinabi po ni Ma'am Ria noon na hindi ninyo dapat pinapaliban ang pagkain lalo na ay may sakit kayo sa tiyan." Napahinto si Denver sa pagbukas ng pin
Kinagabihan ay nilagnat ako nang mataas. Nang malaman ito ng pamilya ko ay iniwan nila ako sa bahay. Walang kahit isang kasambahay ang naiwan. Walang sinuman ang tumingin kung buhay pa ba ako.Oo at may nagdadala ng pagkain para sa akin sa araw-araw—pero paano nila malalaman kung wala akong lakas para bumangon at kainin iyon kung hindi naman sila mismo ang nag-aalaga sa akin?Isang buong araw at gabi akong nakahandusay sa kama— nag-aagaw buhay. Sa ikatlong araw, salamat sa sarili kong resistensya ay unti-unti akong gumaling. Sa wakas ay kaya ko nang bumangon. Pinilit kong kunin ang cellphone ko—tumawag ako sa pamilya ko para sabihing okay na ako.Pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla akong napadpad sa social media na post ni Monica.[Thank you, my family.]Sa ibaba, nakita ko ang mga ngiti ng mga magulang ko at ni Kuya Mark— ang parehong pamilya na nang-iwan sa akin habang naghihingalo ako sa kama. At bago ko pa maisara ang cellphone ko bigla iyong tumunog.Si Monica.Sinagot k
Wala na roon ang dati niyang lambing. Ang natira na lang ay kalamigan. Nakikita na ba ni Denver ang tunay na pagkatao ng babaeng nasa harapan niya?Narinig kong sinabi niya sa malamig na tono. "Nica, nagsinungaling ka ba sa akin? Magsabi ka ng totoo."Dahan-dahang itinaas ni Nica ang kanyang ulo, hinanap ang mga mata ni Denver. Ngunit sa halip na dating mainit at mapag-arugang titig, ang bumungad sa kanya ay malamig at walang emosyon.Mariin niyang kinagat ang kanyang labi, ang boses niya ay halos isang bulong. "Hindi, Kuya..."Lumapit pa nang bahagya si Denver. "Nica, matagal na tayong magkasama. Ayokong niloloko mo ako, naiintindihan mo?"Kaagad na umiling si Nica, kunwari ay desperadang kumbinsihin si Denver. "Kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan, kuya, maaari akong manumpa sa Diyos. Kung may kinalaman ako sa pagkawala ni Ate Ria, sana…"Bago pa niya matapos ang pangungusap, mabilis na tinakpan ni Denver ang kanyang bibig."Huwag kang magsabi ng ganiyang sumpa," mahina ngunit matiga
Pagkarinig ng mga salitang iyon ay namutla ang lahat ng nasa silid.Nakaupo lang ako sa gilid habang tahimik na pinapanood ang bawat reaksyon nila— parang isang recorder na nagtatala ng bawat sandali ng kanilang pagkabigla.Matagal na akong patay sa paningin nila.Kung gusto lang nila ay madali namang malaman ang totoo— isang tawag lang sa airport, isang simpleng pag-iimbestiga at malilinawan na ang lahat. Pero kahit isa sa kanila ay wala ni isang nag-abalang alamin kung totoong nakarating nga ako sa Caragosa City.Pamilya ko sila. Asawa ko si Denver. Pero hindi man lang nila nalaman na hindi pala ako umalis. Pinabayaang mawala ako sa mundo na parang wala lang. Napakalaking biro nito.Nakita kong namutla si Denver. Dahan-dahang bumaba ang mga kamay niya mula sa sentido at doon ko napansin ang panginginig ng kanyang mga daliri. Malamang, kasalukuyan niyang iniisa-isa ang mga pangyayari sa isip niya— ang video, ang sinasabing “Miss De Leon” na umuupa sa bahay, ang mga saksi…At sa huli,
"Ria… minahal kita. Bakit mo ako niloko?"Pumikit ako. Hindi ko na matiis marinig ang boses niya."Kuya DJ, huwag ka nang malungkot… si ate kasi—""Tama na!" putol niya sa sasabihin ni Nica. "Huwag mo siyang ipagtanggol! Malandi talaga siya. Pinaikot lang niya ako. Kasalanan ko rin— bakit ako nabulag at hindi ko kaagad nakita ang totoo niyang pagkatao!"Ay, napagod na akong magreklamo. Sige, magalit ka. Pagsisihan mo. Tingnan natin kung gaano kasakit ang sampal ng katotohanan kapag nalaman mo ang totoo.Umalis siyang galit na galit at isinama si Nica pabalik sa siyudad. At doon, sa social media, nagtrending ang video. Ang babaeng sumasayaw na mukhang ako.Naging mainit ang usapan. Kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Pero anong magagawa nila? Patay na ako. Wala na akong pakialam. Nang malaman ng pamilya ko ang tungkol sa iskandalo ay lalo silang nagalit."Matagal ko nang sinasabi! Walang kwenta ang batang iyon!" Galit na galit si Mama. Tumayo siya at pinukpok ang mesa
Sa araw ding iyon ay sumakay sila ng eroplano. Kailangang bumiyahe sila ng mahigit sampung oras sakay ng kotse para marating ang Caragosa City— ang lugar kung saan ko raw itinago ang sarili ko.Pero dahil mas pinili niyang maniwala kay Nica ay hindi niya man lang naisipang paimbestigahan kung sumakay nga ba talaga ako ng eroplano. Kaya heto kami ngayon, naglalakbay sa mahabang daan, tumatawid sa mga kabundukan at malalayong bayan.Nakaupo ako sa passenger's seat habang nakapatong ang isang paa sa isa at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.Napakaganda.Ang ganda ng mga bundok, ng papalubog na araw, ng mga anino sa malalayong lambak.Naisip ko, kung buhay pa ako, hindi ko siguro ito mapapansin.Siguro, mas pipiliin ko pang tumitig sa cellphone ko, magbasa ng mga mensaheng hindi ko naman kailangang basahin, o kaya ay mag-isip ng paraan para mapansin ako ni Denver. Pero ngayon, wala na akong kailangang gawin kung hindi panoorin ang mundong dati ay hindi ko pinapansin.Nang magdilim ang pa
Nagising si Denver kinahapunan at kahit hindi ko man siya maramdaman ay alam kong mabigat ang ulo niya dahil sa kalasingan mula kagabi.Nakita ko kung paano siya gumalaw— marahan, para bang binabangungot pa rin ng mga alaala ko. Bago pa niya tuluyang idilat ang kanyang mga mata ay iniunat niya ang kamay saka marahang hinaplos ang makinis na likod ng babaeng nakayakap sa kanya.At mula sa kanyang bibig ay narinig ko ang pangalan ko."Ria…"Puno ng hinanakit.Pero nang tuluyan niyang imulat ang kanyang mga mata ay para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Halos mapatalon siya sa gulat dahil hindi ako ang babaeng katabi niya.Mabilis niyang itinulak si Nica palayo na para bang hindi makapaniwala.At ako?Nakaupo lang sa tabi habang pinagmamasdan ang lahat na walang galit at walang sakit— wala na lang talaga."B-Bakit? A-Anong ginagawa mo rito?"Nang makita ko ang reaksyon ni Denver ay napangiti na lang ako— hindi sa saya, kung hindi sa pagkadismaya.Naupo ako sa taas ng mesa at maraha
Nakinig lang ako sa kanila at dahan-dahan kong inabot ang cake. Nanginginig ang kamay ko habang dinadama ang lamig na nanggagaling sa cake.Gusto ko sanang tikman kahit isang kagat lang. Kahit isang subo lang ng pagmamahal ni Lola. Ngunit sa halip na tamis ay isang matinding hapdi ang bumalot sa dibdib ko. Walang nakakarinig sa sigaw ng kaluluwa kong nagdurusa.Diyos ko… bakit ako?Bakit ako pa ang namatay?Hindi ko matanggap.Bakit ang mga mabubuting tao pa ang nawawala kaagad sa mundo? Samantalang ang masasama ay nabubuhay nang matagal?Sa kabilang banda ay hindi pa rin makatulog si Lola.Paulit-ulit siyang nagpapalit ng posisyon sa kama at niyayakap ang antigong aklat na animo ay ito ang tanging nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.Paano na tayo ngayon, Lola?Katulad noong bata pa ako ay niyayakap ako ni Lola nang mahigpit at buong init. Gusto kong mabuhay ulit para matupad ang lahat ng kanyang mga dasal para sa akin at para maramdaman kong muli ang init ng yakap niya.Pero kahit ano
Matagal bago siya muling nakapagsalita."Sana ay sumaya ka," mahina niyang saad bago tumalikod at lumayo na para bang hindi natuwa sa pagtanggi ko ng tulong niya.Lumipad siya patungong ibang bansa nang mismong araw na iyon.Kahit ganoon pa man ay pinadalhan ko pa rin siya ng imbitasyon at isang maliit na regalo. Pero hindi siya dumating sa araw ng kasal namin ni Denver.Halos hindi ko na maalala ang huling beses na nagkaroon kami ng matinong pag-uusap. Kaya ngayong nawala ako ay bakit siya pa ang naghanap sa akin?Ni ang sarili kong pamilya ay walang pakialam kung nasaan man ako. Pero si Vicento ay nag-abala pa para hanapin ako. At kung tama ang hinala ko ay hindi siya naparito para batiin si Lola sa kaarawan niya. Nandito siya para tiyakin kung darating ako.Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit?Unti-unting natahimik ang buong paligid. Nagsimula nang ihain ng mga katulong ang isang napakalaking cake na may higit sa sampu ang layers.Lahat ay nagsiksikan sa paligid ni Lola at binab
Hindi nasiyahan si Mama sa sinabing iyon ni Lola. Bahagya siyang yumuko at binabaan ang boses saka muling nagsalita. "Napakaraming bisita ang nandito ngayon, Mama. Hindi natin pwede silang balewalain dahil lang sa wala si Ria rito. Besides, mukhang made-delay rin ang pagdating niya ngayon dahil sa panahon. Magtabi na lang tayo ng piraso ng cake para sa kanya.""Baka naman hindi talaga balak umuwi ni Ria, Lola," dagdag pa ni Kuya Mark.Isa-isa nang nagsalita ang mga tao sa paligid. Pilit na hinihikayat si Lola na hiwain na ang cake at ituloy ang kasiyahan. Pero tila walang nakapansin na ang liwanag sa kanyang mga mata ay unti-unting nawawala."Nangako sa akin ang batang iyon na uuwi siya sa tamang oras. Hindi pa siya sumusuway sa usapan kahit kailan," malungkot na saad ni Lola at may halong pag-aalala iyon. "May nangyari siguro sa kanya. Hindi na siya makontak sa numero niya. May nagpunta na ba sa Caragosa City para hanapin siya?"Nagpalitan ng tingin sina Mama at Papa. Halatang mga gu
Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila.""Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?""Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo...""At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A