Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 73 - Karma Mo Iyan Denver!

Share

Chapter 73 - Karma Mo Iyan Denver!

Author: Alshin07
last update Huling Na-update: 2025-03-11 01:03:56

Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak.

Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang.

Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia.

Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit?

Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang.

Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia.

Nakahiga siya sa kama ng ospital, nakakabit sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 74 - Guni-guni

    Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 75 - Wala Na Bang Puso? (part1)

    Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

    Namatay ako nang gabi ng aking kasal.Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan.Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!"Oo...Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko.Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display.Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

    Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?Siguro naman ay oo, hindi ba?Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya."Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—""Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ni

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 3 - Maniniwala Na Ba?

    Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin?Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya.Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan.Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao!Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko.Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 4 - Pinagkaisahan

    Noong una ay ayaw naman talaga ni Tito Danilo kay Monica dahil nga hindi niya naman ito kadugo at mas lalong hindi naman kaano-ano ng pangalawang asawang si Aurora. Pero nag-iba na ang pakikitungo niya kay Monica nang malamang isa siyang De Leon.Pero kung ikukumpara naman sa akin ay mas matimbang pa rin ako kumpara kay Monica— mas pinipili pa rin ako ni Tito Danilo."Ha? Ano?" gulat na tanong ni Tito Danilo. "Saan naman siya nagpunta? Bakit kasi hindi ka muna nag-isip bago mo siya iniwan sa altar! Tapos ngayon ay magkakaganyan ka? Ano ito lokohan!""A-Alis na muna ako papa..." natatarantang paalam ni Denver."Sasama ako, kuya!"Habang nakatingin ako sa reaksyon ni Denver ay parang gusto ko siyang pagtawanan. Huli na ang lahat para mataranta.----Kasalukuyan kaming nasa police station."Ano bang nangyayari, sir?" kaagad na tanong ni Denver sa pulis."May isang wedding dress na lumulutang kanina sa ilog na nasa Verde Park," sagot naman ng pulis. "Akala ng mga taong nag-jo-jogging doon

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 5 - Nagbago Na Nga (Part1)

    Sa huli ay hindi pa rin naniwala si Denver sa mapait na sinapit ko. Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya nang makaupo na siya sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay tinawagan niya na naman ang numero ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya habang sinasabing "can not be reach" ang numero ko.Nang hindi siya magtagumpay na matawagan ako ay binuksan niya kaagad ang Chatters. Kitang-kita ko ang pangalan ni Monica na nasa pin message. May emoji pa na puso ang pangalan ni Monica.Dati naman ay pangalan ko ang nasa pin message niya— ngayon ay hindi na.Dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman kong pinalitan niya ang pin message niya at si Monica nga iyon. Dati ay nakakainis na babae ang pinangalan niya sa kontak ni Monica pero biglang napalitan ng Nica. Nang tanungin ko siya tungkol doon ay makikita sa mga mata niya ang labis na konsensya.Paliwanag niya ay... "Nasa block list ko talaga siya. Pero tinanggal ko iyon doon kasi noong nakaraan na muntik nan

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 5 - Nagbago Na Nga (Part2)

    Alam kong nagbago na nga si Denver pero hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Hindi na nga siya ang Denver na nakilala ko. Ibang-iba na siya.Tama nga iyong sabi nila— na kapag ang isang tao ay nawawalan na ng interes sa iyo, huwag ka nang magtaka o tanungin pa ang sarili mo kung bakit. Lahat ng papasok sa isip mo ay magiging tama.Katulad na lang nang nangyari sa akin. May kutob na ako noong una na magbabago ang takbo ng isip ni Denver pagdating kay Monica. Mula noong mga panahong ayaw na ayaw niya kay Monica hanggang sa mga oras na pito sa sampung salita ay tungkol na lang lahat kay Monica— doon pa lang kapansin-pansin na ang kanyang pagbabago.Lagi niyang naalala ang mga hilig at gusto ni Monica. Kapag naman galing siyang business trip—hindi lang ako ang may pasalubong, kung hindi pati na rin si Monica.Naalala ko pa ang isang beses na binigyan niya ng regalo si Monica.Binuksan ni Monica ang isang eleganteng kahon na naglalaman ng isang mamahaling kwintas. Kum

    Huling Na-update : 2025-02-03

Pinakabagong kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 75 - Wala Na Bang Puso? (part1)

    Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 74 - Guni-guni

    Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 73 - Karma Mo Iyan Denver!

    Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak.Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang.Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia.Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit?Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang.Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia.Nakahiga siya sa kama ng ospital, nakakabit sa

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 72 - Hindi Pa Rin Naniwala

    Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 71 - Rebelasyon

    Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 70 - Frame Up

    Tuluyang nasira ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Kaagad na nagbago ang expression sa mukha ni Denver— mula sa pagnanasa patungo sa malamig na pagkahinahon.Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Nica. Nakita ko na ang eksenang ito nang maraming beses, kaya naman ay hindi na ako nagulat.Sa totoo lang, masasabi kong maginoo si Denver. Ilang taon ko na siyang kasama at kahit noong nagkabalikan kami anim na buwan na ang nakalipas, isang beses lang talaga may nangyari sa amin— noong gabi ng aming pagkalasing.Gabi rin iyon nang mabuo sa sinapupunan ko ang anak namin.Pagkatapos noon, bihira na siyang makipagtalik kay Nica. Siguro, minsan lang niyang natikman ang tukso ng laman, pero sa ngayon para bang wala na siyang pakialam. Ni hindi niya ito ginagalang.Si Nica, halos hubo’t hubad habang nakaluhod sa sahig, habol ang hininga. Samantalang si Denver, maayos pa rin ang itsura— kailangan lang niyang ayusin ang sinturon at puwede na siyang umalis kahit ano mang oras.Lumapit siya sa mesa a

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 69 - Ganoon Kababaw

    Sa likod ng bakal na pinto ay may isang maliit na silid ang lumantad. Walang tao sa loob, ngunit sa bawat sulok ng dingding ay puno ng mga larawan.Dahan-dahang lumapit si Denver, pinagmasdan ang mga ito nang mabuti at doon niya napagtantong siya ang bida sa lahat ng mga litrato.Kahit noon pa man ay may hinala na akong hindi malinis ang nararamdaman ni Nica kay Denver. Hindi ko inasahan na aabot ito sa ganitong nakakatakot na level.Sinuri ko ang bawat larawan. Maingat itong inayos mula noong unang beses siyang pumasok sa pamilya Victorillo kasama ang umampon sa kanya na si Aurora na madrasta naman ni Denver.Karamihan sa mga larawan ay patagong kinunan. Makikita na may halong lamig sa kanyang mga mata, lalong-lalo na kapag si Nica ang kaharap niya. Puno ng pagkamuhi ang kanyang tingin, waring isang matinding insulto para sa kanya ang presensya nito.Mahal na mahal niya ang kanyang ina, kaya hindi niya kailanman matanggap ang pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama lalo na at ang nap

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 68 - Ano Iyon?

    Nagkasundo sina Denver at ang kanyang tiyuhin na simulan ang plano laban kay Nica.Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Vicento ay marahan akong bumulong sa kanyang tainga bago umalis. "Salamat…."Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero napagtanto kong hindi siya kasinglamig at kasingwalang-puso gaya ng sinasabi ng iba. Bago sumara ang pinto ay parang may narinig akong mahina at malungkot na buntonghininga."Ria..."Napahinto ako. Tama ba ang dinig ko?Nang subukan kong makinig pang mabuti, wala na akong narinig kung hindi katahimikan.Nalaman ni Denver na nasa bahay ng mga De Leon si Nica, kaya palihim siyang pumasok sa kwarto nito para maghanap ng anumang bakas na may kaugnayan sa akin.Mula nang aminin ni Nica ang kanyang tunay na pagkatao sa pamilya De Leon, bihira na siyang maglagi sa bahay ng pamilya Victorillo.Kapag wala si Denver dahil sa mga business trip ay umuuwi siya sa mga De Leon. Kapag bumalik naman si Denver ay babalik din siya sa pamilya Victorillo upa

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 67 - Usapan

    Sa lumang bahay ng pamilya Victorillo, tahimik na nagtitimpla ng tsaa si Don Arnulfo sa loob ng tea room.Pilit na pinapanatili ni Denver ang kanyang kumpiyansa habang lumapit siya sa matanda. "Lolo, gusto niyo bang samahan ko kayo sa ilang laro?"Habang nagsasalita, maingat niyang pinag-aaralan ang ekspresyon ng matanda— naghahanap ng senyales kung alam na ba nito ang tungkol sa kanyang pagtataksil. Ngunit bago pa siya makapagsalita muli, malakas na ibinagsak ng matanda ang tasa ng tsaa sa mesa.Nagulat si Denver, napalunok siya ng kanyang laway, at bahagyang nanghina ang kanyang mga tuhod. Halos mapasubsob siya sa sahig sa takot."Tingnan mo nga ang itsura mo," mariing sabi ng matanda. "Isang titig ko pa lang sa iyo, nanginginig ka na sa takot. Ni hindi mo kayang tapatan ni katiting ang tiyuhin mo!"Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Denver. Ibig sabihin, hindi pa alam ng matanda ang tungkol sa pagtataksil niya. Mukhang hindi ito galit dahil sa eskandalo, kung hindi dahil lang sa pagka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status