Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

Share

Rejected Wife of A Heartless CEO
Rejected Wife of A Heartless CEO
Author: Alshin07

Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

Author: Alshin07
last update Huling Na-update: 2025-01-13 16:23:41

Namatay ako nang gabi ng aking kasal.

Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan.

Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!"

Oo...

Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko.

Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display.

Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito para sa akin— ito ay para mapaligaya ng asawa ko ang ibang babae.

Naalala ko pa kung paano ako nagmakaawa sa kanya nang tawagan ko siya bago pa man tuluyang pumikit ang aking mga mata. Hindi pa nagsisimula ang fireworks display sa mga oras na iyon. Medyo maingay sa linya niya pero kaagad ko namang narinig ang malamig niyang boses. "Ano ba, Ria? Hindi pa ba sapat ang lahat para sa iyo? Binigyan na kita ng engrandeng kasal! Sinabi ko naman sa iyo na kaya ako umalis ay para lang samahan si Monica. Ano pa ba ang kailangan mo!"

Naramdaman ko ng mga sandaling iyon ay tuluy-tuloy na pag-agos ng dugo sa sugat ko. Nasa tabi ko lang ang taong nanaksak sa akin. Nakatingin siya sa akin na para bang isa lang akong langgam na hindi na kayang manlaban. Hindi na nga siya nag-abalang pigilan ako sa kung anong ginagawa ko dahil kumpyansa siyang mamatay na nga ako.

Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko gustong basta na lamang sumuko. Pinanghahawakan ko ang katiting na pag-asa. Kahit pa hindi na ako makagalaw nang maayos dahil maliban sa malalim na sugat na natamo ko ay basang-basa na rin ang suot kong wedding dress— matapos akong masaksak ay napasalampak ako sa ilog na dinaanan ko. Naramdaman ko ring nababalot na rin ng putik ang laylayan ng suot kong wedding dress. Sa isang salita ay para na akong isang basahan.

Inipon ko ang natitira ko pang lakas para magsalita. "D-Denver... i-iligtas mo ako..."

"Tama na nga, Ria! Kung hindi ka pa napapagod sa kadramahan mong ito, pwes ako, pagod na pagod na!" Halat sa boses niya na nawawalan na nga siya ng pasensya.

"H-Hindi ako n-nagsisinungaling! M-May gustong p-pumatay sa a-akin..."

"Talaga lang, ha?" sarkastikong saad ni Denver sa kabilang linya. Kahit hindi ko man siya tanaw ay alam kong nakapaskil na sa mga labi niya ang isang malamig na pagkakangisi. "Noong una ay nagpapanggap kang may sakit. Ano na naman ba ngayon, Ria? Wala ka na ba talagang puso? Kadugo mo si Monica pero parang gusto mo siyang mamatay at mawala na lang para sa sarili mong kaligayahan! Isa pa ay asawa na kita!"

Ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko ay natalo pa sa malamig at walang habag niyang mga sinabi. Nasa isang parke kami at sa kamalasan ay narito pa sa malayong parte ng ilog. Pero ganoon pa man ay naaninag ko pa nang maayos ang dugo kong nagkalat sa wedding dress ko. Dahil doon ay napagtanto kong malapit na akong sunduin ni kamatayan— nalalapit na ang aking katapusan.

Tagos hanggang buto ang mga salita niyang iyon— dahilan para mawalan na rin ako ng pag-asa. Hindi na ako nagpumilit pa at humiga na lamang sa magaspang na lupa habang malumanay na nagsalita. "P-Pero... nasa m-maayos na kalagayan ngayon si M-Monica at buhay siya... a-ako itong m-mamamatay na."

"Kung ganoon ay bilisan mo nang mamatay! Hindi na mahihirapan si Monica kapag namatay ka na!"

Bago pa man maputol ang tawag ay narinig ko pa ang boses ni Monica. "Kuya DJ, magsisimula na ang fireworks display!"

Nawala na ang boses ni Denver sa kabilang linya at tanging ihip na lang ng hangin ang naririnig ko. Nalaglag sa gilid ng ilog ang cellphone kong nababalot na rin ng sarili kong dugo dahil kusa ko na iyong binitiwan. Nasabuyan ako ng tubig sa mukha— hanggang sa nahaluan na rin iyon ng aking mga luha.

Napatingala ako sa malawak na kalangitan at natatanaw ko ang ilang mga drone na malayang lumilipad sa ere. Para itong mga bituin sa madilim na kalawakan. Hindi nagtagal ay binusog ang pandinig ko ng mga ingay mula sa fireworks. Binalot na rin ng liwanag ang mga mata ko.

Sa pagkakatanda ko ay inabot si Denver ng anim na buwan para sa paghahanda ng fireworks display na ito. Pero ngayon ay inilaan niya ito sa kapatid ko para sumaya ito.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang may nagpadala ng litrato sa akin. Isang litrato na nababalot ng fireworks ang kalangitan habang nakasandal sa ibang babae ang aking asawa. Nakangiti pa siya na hindi niya man lang nagagawa sa akin.

Sa kaligayahang nararamdaman nila ngayon ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata— hanggang sa hanggan.

Sabi nila ay nabubuhay raw muli ang isang tao matapos nitong mamatay— reincarnation.

Kung totoo mang may buhay pa pagkatapos ng kamatayan kong ito ay ayaw ko nang makilala pang muli si Denver James Victorillo.

Pero hanggang kamatayan din yata ang kamalasan ko. Dahil nang magmulat ako ng mga mata ay nasaksihan ko ang paghahalikan ng isang lalake at isang babae sa ilalim nang mapayapang kalangitan.

Naghahalikan ang asawa kong si Denver at ang kapatid kong si Monica.

"Bakit mo nagawa sa akin ito, Denver!" Kaagad ko silang sinulong na para bang nawawala na sa sarili. Pero nang hawakan ko sila ay tumagos lamang ang mga daliri ko sa katawan nila.

Natigilan ako at napayuko. Siniyasat ko nang maigi ang buo kong katawan at nakitang parang kasingkapal lang ng usok iyon. Isa pa ay wala man lang nakakapansin sa akin.

Saglit akong napapaisip at inalala ang mga nangyari. Doon ko pa lang napagtanto na namatay na pala ako at para bang dinala ang kaluluwa ko mismo sa harapan nila— sa dalawang taong nanakit sa akin.

Habang nakatingin ako sa malalim nilang paghahalikan, napatunayan kong kahit pala patay na ay makakaramdam pa rin ng pighati sa puso nila.

Halos sabay kaming lumaki ni Denver at matatawag kong childhood sweetheart kami. Kamakailan lang ay sumumpa siya sa akin na kapatid lamang ang tingin niya kay Monica. Na isang tao lang ang mahal niya at ako iyon.

Naagaw ang atensyon ko nang magkaroon muli ng panibagong fireworks sa kalangitan. Dahil sa biglaang pag-ingay niyon ay tila ba nagising sa reyalidad si Denver. Marahan niyang tinulak palayo si Monica. "H-Hindi ito maaari, Nica..."

Halata pa rin ang pamumula sa mukha ng kapatid ko. Bilang babae ay alam kong nag-aapoy na ang kanyang nararamdaman. Kinagat niya pa ang kanyang labi. "H-Hindi ko sinasadya, kuya. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko."

Hinaplos naman ni Denver ang ulo ni Monica. "A-Ayos lang. Hindi naman kita sinisisi. May tatawagan lang ako."

Nakita kong numero ko ang tinatawagan ni Denver.

Namanhid na yata ang puso ko. Mahigit dalawampung taon na kaming magkakilala, pero nauwi lang sa wala ang lahat ng iyon.

Saka niya pa lang ako maaalala kung kailan tapos na silang maghalikan? Kahit pa tawagan niya ako ay wala na ring silbi iyon dahil isa na akong bangkay sa mga oras na ito.

Nakailang ring na ay wala pa ring sumasagot sa tawag ni Denver. Kilala niya ako. Kapag tinatawagan niya ako ay hindi lalagpas sa tatlong ring ay sinasagot ko na kaagad ang tawag niya. Pero paano ko pa masasagot ang tawag niya kung patay na ako?

Kunot ang noo ni Denver nang harapin niyang muli si Monica. "Puntahan ko ang lokasyon na pinadala sa akin kanina ni Ria."

Oh? Naaalala niya pa pala ako?

Oo nga pala, habang nagmamakaawa ako kanina sa kanya ay pinadala ko ang lokasyon ng parke— sa pagbabaka sakaling puntahan niya ako. Pero kung pupunta nga siya ngayon ay maaabutan niya pa ang walang buhay kong katawan. Hindi ko naman kasi alam kung anong plano ng taong pumatay sa akin sa katawan ko— kung ayaw niyang mahuli siya ay malamang itatago niya ang katawan ko.

Bago pa man makahakbang papalayo si Denver ay nahawakan na siya ni Monica sa kamay niya.

"K-Kuya, pwede bang samahan mo na lang ako?" nagmamakaawang hiling ni Monica.

"Pero si Ria kasi..." saad pa ni Denver at halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan.

"Kilala mo naman si Ate Ria, mahilig magdrama iyon at mag-imbento ng istorya. Naalala mo ba noong sinabi niyang inoperahan daw siya? Hindi ka nagdalawang-isip na iwan ang isang business deal na nagkakahalaga ng bilyon-bilyon para lang puntahan siya. Pero buhay naman siya at masigla pa! Tapos sabo niya pa ay may nakasunod daw sa kanya parati, pero wala naman talaga., hindi ba?" mahabang litanya ni Monica. "Lumaki si Ate sa luho at nasusunod lahat ng gusto niya. Mahilig siyang mag-imbento at magdrama. Siya ang panganay na anak na babae ng mga De Leon, sinong magtatangkang saktan siya?"

Ang mga sinabing iyon ni Monica ang nagpawala sa pag-aalinlangan ni Denver. Huminga siya nang malalim at napamasahe sa kanyang noo— halata sa ayos ng kanyang mga kilay ang pagod. "Kung katulad mo lang sana ang kapatid mong iyon."

Napangiti naman si Monica.

Naalala ko pa ang sinabi ni Denver noon... "Ang mga batang hindi napalaki nang tama ang siyang mga wala sa katwiran. Pero ang aking Maria Samantha ay napakapuro."

Hindi nga pumunta si Denver sa pinadala kong lokasyon. Sa halip ay dinala niya pa si Monica sa kwartong nakalaan para sa aming dalawa. Ang kwartong iyon ay parte ng venue kung saan ginanap ang aming kasal.

Nakasunod lang ako sa kanila at nang nasa harapan na sila ng kwartong iyon ay hinarang ko ang sarili ko pintuan para hindi sila makapasok. Pero nagmistula lang akong parang isang insekto na pinipigilan ang isang halimaw.

Kay lapad nang pagkakangiti ni Monica habang tumatagos lang sa kaluluwa ko. Kahit noong nabubuhay pa ako ay hindi ko na siya mapigilan. Ngayon pa kayang patay na ako?

Ilang saglit pa ay lumabas ng banyo si Monica habang suot-suot ang nighties ko— iyon sana ang susuotin ko bilang surpresa para kay Denver.

Manipis iyon kaya kitang-kita ni Denver ang katawan ni Monica sa loob niyon. Napalunok-laway pa siya habang titig na titig sa katawan ni Monica. Halata na sa mga mata niya ang panggigil.

Matagal kaming nagkasama kaya alam na alam ko ang ganitong reaksyon niya— nabubuhayan na siya ng dugo.

Nararamdaman ko ang senswal na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Magkahalong galit at lungkot ang pumuno sa aking puso.

"D-Damit iyan ni Ria, Nica..." paalala ni Denver sa kapatid ko.

"Alam ko," saad ni Monica na kanina pa nakalapit kay Denver. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito. "Kuya, alam kong matagal mo nang hindi mahal si ate. Dahil ako na ang gusto mo, hindi ba?"

"T-Tumigil ka na, Nica..." malamig na saad ni Denver.

Kaagad na umiyak si Monica habang nagsasalita na parang isang miserableng nilalang. "Pagkatapos ng gabing ito ay magiging bayaw na kita, kuya! Hindi naman a-ako gahaman. Kahit ngayong gabi lang, k-kuya... gusto kong angkinin mo ako..."

"Maibibigay ko ang lahat sa iyo, Nica, maliban lang diyan sa hinihiling mo!" Tinulak niya si Monica at bahagyang lumayo sa kanya.

Galit na nagdadabog si Monica habang sumisigaw. "Kung ganoon ay ibibigay ko na lang ang sarili ko sa ibang lalake diyan sa labas! O sa mga janitor diyan! Pwede rin sa mga kilala kong model! O baka naman pwede rin sa mga nanlilimos sa ilalim ng tulay!"

"Walang kwenta naman iyan, Nica!"

"Eh, ayaw mo naman sa akin at ayaw mong pagbigyan ang kahilingan ko—"

Kaagad ni hinilan ni Denver si Monica at siniil ng halik sa mga labi nito.

"Hindi!" sigaw ko habang nasasaktan sa mga nakikita pero walang kahit na sino ang nakarinig man lang.

Ang lalakeng inalayan ko ng aking puso at buong pagmamahal sa mahigit na sampung taon ng aking buhay ay nakakipagtalik ngayon sa aking kapatid— sa unang gabi pa namin bilang mag-asawa, sa mismong kwarto na para sana sa amin.

Awang-awa ako sa sarili habang nanonood sa bawat galaw nila, habang nakikinig sa bawat ungol na pumuno sa buong kwarto— nanonood sa lalakeng minahal ko na ilabas ang nag-aalab niyang nararamdaman.

Kinabukasan ay makikita sa katawan ni Monica ang mga pulanh marka mula sa mga haplos ni Denver. Nahihiya pa siyang yumakap at magpailalim sa mga braso ni Denver.

Mukhang ngayon pa lang natauhan si Denver. Bakas sa mukha nito na hindi nagustuhan ang nangyari sa nagdaang gabi. "Iyong kagabi, ay..."

Para bang sinasabi ng reaksyon niya na nadala lang siya kagabi.

Nagpapatawa ba siya? Matapos niyang magpaligaya ng ibang babae ay magsisisi siya ngayon? Ang kapal ng mukha!

"Huwag kang mag-alala, kuya. Hindi ko sasabihin kay ate. Simula ngayon ay mag-bayaw na lang tayo. Mag-aaral ako sa ibang bansa at hinding-hindi na ako magpapakita sa iyo," paliwanag ni Monica.

"Sino namang nagsabi sa iyo na umalis ka?" nakasimangot na tanong ni Denver. "Ikaw talaga—"

Bago pa man matapos ni Denver ang sanang sasabihin ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Isang seryosong boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Mr. Victorillo, may nakakakita ng isang mamahaling wedding dress sa isang parke. Napag-alaman naming suot iyon ng asawa mo kahapon sa kasal ninyo. Inaanyayahan ka naming pumunta rito sa police station para sa magiging kooperasyon ninyo sa gaganaping imbestigasyon."

Kaugnay na kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

    Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?Siguro naman ay oo, hindi ba?Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya."Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—""Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ni

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 3 - Maniniwala Na Ba?

    Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin?Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya.Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan.Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao!Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko.Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging

    Huling Na-update : 2025-01-13

Pinakabagong kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 3 - Maniniwala Na Ba?

    Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin?Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya.Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan.Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao!Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko.Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

    Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?Siguro naman ay oo, hindi ba?Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya."Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—""Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ni

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

    Namatay ako nang gabi ng aking kasal.Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan.Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!"Oo...Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko.Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display.Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status