Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

Share

Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

Author: Alshin07
last update Huling Na-update: 2025-01-13 16:24:27

Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?

Siguro naman ay oo, hindi ba?

Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?

"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya.

"Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—"

"Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ninyong mga pulis para lang sa walang kwentang larong ginagawa ni Ria."

Natigilan naman ang pulis mula sa kabilang linya at hindi na nga siya nakapagsalita pa nang ibaba na ni Denver ang tawag.

Parang gusto ko tuloy matawa. Nakakatawa talagang naisip kong may pagtingin pa si Denver para sa akin!

"Hoy, Denver! Patay na ako! Kaya ka nga tinawagan ng pulis! Pero bakit iniisip mong pinaglalaruan ko lang kayo? Ganoon na ba talaga ang tingin mo sa akin?"

Pero kahit ano pa man ang sabihin ko ay wala pa rin namang silbi ang mga iyon. Isa lang naman akong hamak na kaluluwa...

"Kuya..." Kaagad namang pinulupot ni Monica ang kanyang mga kamay sa braso ni Denver na para bang isang ahas. "Paano kung galit nga talaga si Ate Ria?"

"Nang tawagan niya ako kagabi, humingi siya ng tulong sa akin," mahinang tugon ni Denver na nakatingin sa sahig— tila malalim ang iniisip.

"Baka galit pa siya sa akin dahil sinuot ko ang wedding dress na iyon? Kaya tinapon niya na lang sa kung saan. Mahal kita pero mas pinili kong magparaya at ibigay ka sa kanya. Ano pa ba ang ikinagagalit niya?" mahabang litanya ni Monica. "Isa pa, tinahi ang wedding dress na iyon ayon sa sukat ng katawan ko. Bakit galit na galit siya nang sukatin ko iyon? Milyon-milyon ang halaga niyon at basta niya na lang tinapon? Ang masaklap pa ay pumunta pa talaga siya sa presinto! Napakalaking sampal iyon sa buong angkan ng mga Victorillo!"

Ang kaninang pagkabalisa na makikita sa mukha ni Denver ay tuluyan nang nawala. Bumalik iyong ekspresyon sa mukha niya kapag ako ang pinag-uusapan— pandidiri at pagkamuhi.

Hindi ko pinangarap na ang magiging wedding dress ko ay ayon sa sukat ng katawan ni Monica. Kaya pala kahit ang mga disenyo ay ang layo kumpara sa gusto kong disenyo.

Isa pa, balingkinitan ang katawan ko. Kaya nang sukatin ko ang wedding dress ay malaki iyon sa akin. Nang mga sandaling iyon ay nagtaka ako. Tatlong beses kinuha ng sikat na mananahi ang sukat ng katawan ko. Kaya imposibleng magkamali siya.

Sa pagkakataong ito ay napagtanto kong hindi pala ako ang gustong pakasalan ni Denver— si Monica pala. Ni hindi ko alam kung kailan at paanong pinalitan niya ang sukat ng wedding dress ko na ayon sa sukat ng katawan ng kapatid ko.

Isang linggo bago ang kasal namin ay natapos na ang wedding dress ko. Nagmamadali pa ako sa pagpunta sa bridal shop sa mga oras na iyon para sana sukatin iyon. Pero nawala ang saya sa puso ko nang makitang suot-suot iyon ni Monica habang may hawak siyang bridal bouquet. Nasa tabi niya pa si Denver ng mga sandaling iyon.

"Bagay na bagay talaga kayo Mr. and Mrs. Victorillo!" pagpupuri pa ng staff na sa tingin ko ay baguhan. Alam ng karamihan na ako ang ikakasal kay Denver.

Nahihiya namang napayuko si Monica na para bang siya talaga ang ikakasal. Hindi naman tinanggi ni Denver ang sinabing iyon ng staff— na para bang ayos lang sa kanya na napagkamalang si Monica ang mapapangasawa niya.

Sa sobrang galit na naramdaman ko ng panahong iyon ay sinugod ko si Monica at malutong siyang sinampal. Wala na akong pakialam. Punong-puno ng sakit at selos ang puso ko. "Ang kapal naman ng mukha mo, Nica, para agawin sa akin ang wedding dress ko! Bakit? Ikaw ba ang magiging Mrs. Victorillo?"

"H-Hindi ba at pinakiusapan mo akong pumunta rito para sukatin ang wedding dress mo dahil abala ka? Humingi ka ng tulong sa akin..." umiiyak na pagrarason ni Monica habang hinahaplos ang pisngi niyang sinampal ko. "A-Ano itong g-ginagawa mo, ate?"

Bago ko pa man madepensahan ang sarili ko ay bigla na lamang sumulpot ang mga magulang namin. Kaagad na dinaluhan nina Mama at Papa si Monica. Nang makitang namumula ang pisngi nito ay walang pag-alinlangan akong sinampal ni Mama. Hinarang nila ang sarili nila sa harapan ni Monica habang ang mga tinging ibinibigay nila sa akin ay puno ng pagkasuklam.

"Sumusobra ka na, Maria Samantha!" sigaw ni Mama sa akin. "Sa tingin mo ba ay magagalit kami sa kanya dahil lang sa palabas mong ito!"

"Hindi ako baliw, Mama, para ipasukat sa iba ang wedding dress ko!" pagrarason ko dahil iyon naman talaga ang totoo. "Halata naman na iyang si Monica ang gumagawa lang ng kwento!"

Pumagitna naman si Kuya Mark sa amin at saka ako hinarap sa naninisi niyang mga mata. "Alam kong ayaw mo kay Nica dahil para bang kinuha niya ang atensyon at pagmamahal na dati ay nasa iyo. Pero naisip mo rin ba, Ria? Na ikaw ang dahilan kung bakit nawalay siya sa atin sa mahabang panahon? Ngayon naman ay mangyayari ulit iyon at ikaw na naman ang dahilan!"

"Hindi iyan totoo, kuya!" natataranta kong sagot habang pinipilit na hilain si Denver papunta sa tabi ko. Pero...

Ang inakala kong lalakeng mahal na mahal ako sa mahabang panahon ay papanig sa akin at ipagtatanggol ako. Pero nang nilingon ko siya ay iba ang nakikita ko sa mga mata niya— puno iyon ng poot at pandidiri.

Marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Tama na, Ria! Mas lalo lang bumababa ang tingin ko sa iyo!"

Dahil sa ginawa niyang iyon ay natumba ako sa malamig na sahig. Hindi maganda ang pagkakabagsak ko kaya napuruhan ang aking paa. Pero walang may pakialam.

Pinalibutan nila si Monica na para bang isa siyang sikat na artista. Tinulungang magbihis at lagyan ng gamot ang pisngi niyang sinampal ko— ni hindi nga iyon nasugatan.

Ang malala pa ay naririnig kong nagbubulungan ang mga tao sa paligid.

"Mabuti nga iyan sa iyo! Pinagbintangan mo ang kapatid mo. Pero ikaw lang din pala ang may utos!"

"Huy, hinaan mo lang ang boses mo!"

"Baka nga ginayuma niya lang si Mr. Denver James Victorillo. Ang walang kasingsamang tulad niya ang pakakasalan at hindi iyong mabait na bunsong anak na babae..."

Alam kong narinig lahat iyon ni Denver. Papalapit siya sa akin ngayon bitbit ang wedding dress. Tiningala ko siya at nagmakaawa. "T-Tulungan mo naman akong makatayo, babe. Napilayan y-yata ako..."

"Hanggang kailan mo ba balak ipagpatuloy ang palabas mong ito?" nanunuyang tanong niya sa akin. Tinapon niya sa akin ang wedding dress. "Sa iyo na iyan. Walang aagaw niyan sa iyo!"

Para akong napako sa kinauupuan ko at saka binuhusan nang malamig na tubig. Ang sakit lang na ganito ang turing sa akin ng lalakeng minsan nang nangakong hindi ako sasaktan.

Inaalalayan ni Mama si Monica habang papalabas sila ng shop. Nang magtama ang mga mata namin ay ganoon na lang ang galit na makikita sa kanyang mga mata. "Bakit ko ba ipinanganak pa ang babaeng walang pusong katulad mo?"

Dati, sila itong inaalagaan akong mabuti. Pero ngayon, para na lamang akong lumang sapatos na nabubulok sa isang sulok kung tratuhin nila.

Sariwang-sariwa pa sa mga alaala ko ang lahat ng iyon. Paano nga ba nangyari ang lahat ng kamiserablehan sa buhay ko?

Ah, oo nga pala.

Nagsimula ang lahat noong bago pa lang naglimang taong gulang si Monica. Araw ng pasko iyon at nagmakaawa siya sa akin na samahan ko raw siya sa labas para panoorin ang fireworks display na gaganapin sa kabilang bayan— gusto niya raw panoorin sa malapitan.

Paniguradong maraming tao ang pupunta roon at ayaw ko namang dalawa lang kaming pumunta. Kaya pinakiusapan ko ang mga bodyguard namin na samahan kami. Dadaan kami sa isang maliit na tulay at sa ibaba niyon ay payapa ang ilog na para bang naghihintay rin sa magaganap na fireworks display. Marahil dahil na rin sa sobrang pananabik ay napalayo si Monica sa amin. Natabunan na siya ng mga tao na papunta rin sa kabilang bayan.

Nataranta na lang ako nang makitang nahulog sa ilog si Monica. Hindi ako nagdalawang-isip na tumalon sa ilog para iligtas siya. Ni hindi na ako nakasigaw pa ng tulong. Wala na akong pakialam ng mga sandaling iyon. Ang gusto ko lang mangyari ay ang iligtas ang aking kapatid.

Nagtagumpay naman akong makalapit sa kinaroroonan niya at nahawakan siya sa kanyang kamay. Pero bigla na lamang nagwala ang ilog na kanina lang ay payapa. Walong taon lang ako noon at ano ang lakas ko kumpara sa nagwawalang ilog?

Nabitiwan ko ang kamay niya at tumama ako sa isang malaking bato. Nawalan ako ng malay. Nang magmulat ako ng mga mata ay mukha na ni Denver ang nakita ko na siyang nagligtas sa akin. Habang hindi naman nakita si Monica. Ilang taon din namin siyang hinanap, pero lagi kaming bigo.

Simula noon ay naging malapit na kami sa isa't isa ni Denver. Sabay kaming lumaki at naging childhood sweetheart kami.

Nang tumuntong ako ng labingwalong taong gulang, bago pa lang kaming opisyal na magkarelasyon ni Denver noon, ay dinala ng papa niya ang pangalawang asawa nito na si Aurora sa mansyon ng mga Victorillo kasama ang ampon nito— na kalaunan ay malalaman naming ang kapatid kong matagal na naming hinanap na si Monica.

Kinamumuhian ni Denver sina Aurora at Monica nang mga panahong iyon. Pero parang aso itong si Monica na laging nakabuntot kay Denver. Laging siyang nagrereklamo sa akin na naiinis siya kay Monica gaya ng pagkainis niya kay Aurora.

Oo, kay Monica naiinis at nandidiri si Denver noon. Pero paano ba bumaliktad ang lahat at ako na iton kinamumuhian niya?

Tatlong taon na ang nakalipas— iyon ang gabi ng aming engagement ni Denver. Nang gabi ring iyon ay nanumbalik ang lahat ng alaala ni Monica at doon namin nalaman lahat na siya pala ang nawawala kong kapatid.

Napuno ng ligaya ang buong gabi naming iyon dahil sa wakas ay nakasama na namin si Monica. Inisip ko pa na doble pala ang selebrasyon na iyon— engagement party namin ni Denver at ang pagbabalik sa amin ni Monica.

Pero mali pala ako nang naisip.

Dahil iyon pala ang gabi kung saan magbabago na ang lahat sa buhay ko, na tapos na ang aking maliligayang sandali at malalagyan na ng tuldok ang inakala kong perpekto kong buhay.

Biglang lumuhod sa harapan ko si Monica nang gabing iyon at nagbitiw ng mga salitang parang bombang biglang sumabog. Hinawakan niya ang laylayan ng aking damit habang umiiyak. "A-Ate... bakit mo naman ako niloko ng gabing iyon para lumabas? Ay pagkatapos ay tinulak mo ako sa ilog..."

Kaugnay na kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 3 - Maniniwala Na Ba?

    Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin?Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya.Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan.Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao!Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko.Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

    Namatay ako nang gabi ng aking kasal.Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan.Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!"Oo...Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko.Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display.Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito

    Huling Na-update : 2025-01-13

Pinakabagong kabanata

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 3 - Maniniwala Na Ba?

    Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin?Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya.Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan.Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao!Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko.Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

    Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?Siguro naman ay oo, hindi ba?Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya."Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—""Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ni

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

    Namatay ako nang gabi ng aking kasal.Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan.Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!"Oo...Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko.Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display.Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status