Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.
Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin? Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya. Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan. Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao! Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko. Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging masunurin ako sa iyo at hinding-hindi ko aagawin ang kahit na ano sa iyo, huwag mo lang akong saktan ulit. Na-miss ko rin sina Mama at Papa. K-Kuya... iuwi n'yo na ako..." Nang marinig nina Mama at Papa iyon ay napalitan ng pagkamuhi ang kanina lang na kasiyahan sa mga mukha nila. Walang sabi-sabi akong sinampal ni Papa. "Hindi ko sukat akalain na magiging ganoon ka na kalupit sa murang edad pa lang, Ria! Limang taon pa lang si Monica noon! Paano mo naatim na gawin sa kapatid mo iyon?" Iyon ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Papa. Napupuno na ang buong paligid ng mga bulung-bulungan mula sa mga bisita. "Nagkakamali kayo ng iniisip, Papa!" depensa ko sa sarili at nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata. "Siya ang nangulit sa akin ng gabing iyon na lumabas para manood ng fireworks display! Nagmamadali siyang naglalakad sa tulay kaya nahulog siya sa ilog! Hindi ko po siya tinulak! Hindi ko po magagawa iyon..." "Gumising ka na, Ria, at buksan mo iyang mga mata mo! Tingnan mo ang kapatid mo— dugo sa dugo at laman sa laman! Bakit siya magsisinungaling? Ang kawawa kong bunso... naghirap ka sa loob ng napakaraming taon," saad pa ni Mama na nakayakap kay Monica at umiiyak na rin. Oo, kapatid ko nga siyang tunay! Pero bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa akin? Gawain ba ito ng isang tunay na kadugo? Ang gabing iyon ay dapat sana para sa engagement namin ni Denver. Pero nauwi lang sa drama at pinagpyestahan pa ako ng lahat. Simula noon ay binansagan nila akong isang malupit na kapatid na kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap. Umiiyak na ako ng mga oras na iyon. Ang mukha kong may make up ay nahaluan na ng mga luha kong walang kasingpait. Garalgal na rin ang boses ko. Gusto kong ipaliwanag ang lahat at depensahan ang sarili ko pero walang may gustong makinig at maniwala sa akin. Nilingon ni Tito Danilo si Denver na para bang sinasabing alalayan ako. Mabait si Tito Danilo, walang duda roon. Kaagad kong nilingon si Denver at buong puso kong ipinaliwanag ang lahat. Niyakap niya ako ay hinaplos ang likod ko. "Naniniwala ako sa iyo. Ikaw ang pinakamabait, maawain, at maalalahaning babaeng nakilala ko." Paanong ang lalakeng nagsabi niyon sa akin ay naging ganito na lang bigla? Paanong ang lalakeng laging nasa tabi ko at pinagtatanggol ako ay hindi na naniniwala sa akin? Kanina pa ako nakatingin sa dalawang taong nasa kama. Punong-puno ng kalungkutan ang puso ko. Kung nadadala hanggang kamatayan ang lahat ng emosyon ay kabaliktaran naman niyon ang mga luha— gusto kong umiyak pero walang kahit isang pumatak. Oo nasasaktan ako at nalulungkot, pero pakiramdam ko ay nawala na rin ang puso ko. Kaluluwa na lang akong walang puso at walang luha. Gusto kong umalis dahil hindi na kinakaya ng mga mata kong manood. Pero katulad pa rin noong nabubuhay pa ako, ay hindi ko man lang kayang malayo kay Denver. Napipilitan na lang akong manood sa kanila. Bumangon na si Monica at umupo sa harap ng salamin suot ang mga bago kong damit. "Suklayin mo nga ang buhok ko, kuya..." sabi ni Monica at pinulot ang suklay na nasa ibaba ng salamin. Sumunod naman si Denver. Mukha na talaga silang mag-asawa kung titingnan. Napansin kong dumapo ang mga tingin ni Denver sa mga litratong nagkalat sa harap ng salamin. Mga litrato iyon kahapon sa kasal namin. Bigla na lang siyang natigil sa pagsusuklay sa buhok ni Monica. "Tigilan na natin ito, Nica. Hindi ba at napagkasunduan natin na kalilimutan ang nangyari sa atin kagabi at balik na sa dating relasyon natin bilang magbayaw?" "Oo, alam ko. Hinding-hindi ko kayo guguluhin ni Ate Ria," sagot naman ni Monica at napayuko, halatang nagpipigil ng galit. Nakatingin pa rin sa litrato namin si Denver habang sa kabilang banda naman ay bakas na bakas pa sa kama ang kababuyang ginawa nila kagabi. Kinuha ni Denver ang kanyang cellphone at tinawagan akong muli. Pero wala siyang sagot na natanggap. Kung sakali mang humiling siya sa mga pulis na hanapin ang katawan ko ay mahahanap niya pa iyon. Pero hindi niya ginawa. Binalik niya lang sa dating kinalalagyan ang cellphone niya. Nakita kong napangisi siya. "Mukhang hinayaan kitang laging nasusunod ang gusto mo, Ria." "Tama ka riyan. Magaling sa kadramahan ang kapatid kong iyon, magpapakipot pa iyon. Kaya huwag ka nang mag-alala, kuya. Baka nga siguro nakauwi na iyon sa mansyon ninyo. Hindi niya lang sinasagot ang tawag mo para pag-alalahanin ka," litanya pa ni Monica. "Kung ganoon ay umuwi na rin tayo," malamig na saad ni Denver. "Gusto kong malaman kung ano na naman ang ginawa niyang palabas." May anak na babae si Aurora at si Tito Danilo. Pero kaagad na namatay noong bata pa lang ito. Nangulila si Aurora kaya inampon niya si Monica. Nang mga panahong iyon ay kabit pa lang si Aurora. Mahirap lang si Aurora noon pero binigay niya ang lahat kay Monica para mapalaki lang ito. Kaya namang nang mamatay ang nanay ni Denver ay kaagad na kinuha ni Tito Danilo si Aurora at pinakasalan. Dahil kay Monica kaya ayaw sa akin ni Aurora. Ganoon na siya dati pa lang. Pero nang malaman niyang anak pala ng mga De Leon si Monica ay mas lumala ang ugali niya. Lagi niya pang sinasabi kay Tito Danilo na si Monica ang ipakasal kay Denver. Pero lagi ring tumatanggi si Tito Danilo sa suhestyong iyon ni Aurora. Isa sa mga dahilan niya ay ako ang nakiusap kay lolo na tulungan ang mga Victorillo noong mga panahong nahaharap sa malaking krisis ang kanilang buong angkan. Maraming nirarason si Tito Danilo kay Aurora pero ang pinakamahalagang rason sa lahat ay ako ang mahal ni Denver. Pero kalaunan ay nakita ng lahat na nahuhulog na pala sa ibang babae si Denver— ako lang itong nanatiling bulag sa katotohanan. Ilang sandali pa ay nasa mansyon na kami ng mga Victorillo. Pagkadating na pagkadating ay kaagad na magalang na bumati si Monica sa dalawa. "Magandang araw po, mama, papa." "Walang modong anak!" sigaw ni Tito Danilo habang nakatingin kay Denver, ni hindi pinansin si Monica. "May gana ka pang umuwi rito pagkatapos mong ipahiya ang buong angkan ng mga Victorillo!" Kahapon sa kasal ay nagpapalitan na kami ng singsing ni Denver nang bigla na lamang tumawag si Monica at ibinalita sa lahat ng naninikip ang kanyang dibdib at hindi makahinga nang maayos. Kaya naman ay kaagad na umalis si Denver nang walang pag-alinlangan— iniwan akong nag-iisa sa harap ng altar habang sinasalo ang lahat ng kahihiyan at panlalait. Kaagad na lumuhod si Monica sa harapan ni Tito Danilo. "Kasalanan ko po ang lahat, papa! Nanikip ang dibdib ko at hindi makahinga nang maayos kaya nakiusap akong samahan ako ni Kuya DJ. Hindi ko naman po inaasahan na magiging ganito ang resulta ng naging aksyon ko. Wala pong kasalanan si kuya. Kung may dapat mang sisihin ay ako po iyon, papa!" "Matapos siyang itulak ni Ria noong gabing iyon sa ilog ay na-trauma na si Monica. Bigla na lamang siyang nanginginig at hindi makahinga nang maayos," singit na sabi ni Aurora saka dinaluhan si Monica at niyakap ito. "Isa pa ay wala namang sinabi ang mga De Leon, kaya bakit ka ba nagagalit diyan, Danilo? Tumayo ka na riyan, Nica." Lagi namang ganito ang nangyayari. Sa loob ng ilang taon ay paulit-ulit na lang na ganito. Sa kada may alitan kami ni Monica at luluhod siya sa harapan ni Tito Danilo ay lagi na lang siya nitong pinapatayo. Lagi siyang iniintindi habang ako naman ang tagasalo ng lahat ng sakit— na para bang pinapakain ako ng prutas na walang kasing pait. Kanina pa nagpapalinga-linga si Denver, mukhang may hinahanap. Nang hindi makapagpigil ay nagtanong na siya sa kanyang ama. "Papa, nasaan si Ria?" "At nagtanong ka pa talaga niyan matapos mo siyang iwan kahapon habang nilalait siya! Pero ganoon pa man ay humingi pa siya ng tawad sa mga bisita dahil sa ginawa mo!" galit na sagot ni Tito Danilo. "Ang sabi niya kahapon bago umalis ay magpapalit siya ng damit pero hindi na siya bumalik. Tinulungan niyang makabangon ang pamilya natin pero niyurakan mo naman ang kanyang dignidad bilang babae!" Parang biglang natauhan si Denver. "Hindi sa kamo nakabalik? Kung ganoon ay saan siya pumunta? Pinadala niya sa akin ang lokasyon niya kagabi!" Kagaad na dinukot ni Denver ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Halatang balisa na siya at namumutla na rin. "T-Tinawagan ako ng pulis k-kanina... Ang sabi ay nakita sa parke ang wedding dress n-ni R-Ria..." Nakakatawa ka Denver. Maniniwala ka na ba ngayon na patay na ako?Noong una ay ayaw naman talaga ni Tito Danilo kay Monica dahil nga hindi niya naman ito kadugo at mas lalong hindi naman kaano-ano ng pangalawang asawang si Aurora. Pero nag-iba na ang pakikitungo niya kay Monica nang malamang isa siyang De Leon.Pero kung ikukumpara naman sa akin ay mas matimbang pa rin ako kumpara kay Monica— mas pinipili pa rin ako ni Tito Danilo."Ha? Ano?" gulat na tanong ni Tito Danilo. "Saan naman siya nagpunta? Bakit kasi hindi ka muna nag-isip bago mo siya iniwan sa altar! Tapos ngayon ay magkakaganyan ka? Ano ito lokohan!""A-Alis na muna ako papa..." natatarantang paalam ni Denver."Sasama ako, kuya!"Habang nakatingin ako sa reaksyon ni Denver ay parang gusto ko siyang pagtawanan. Huli na ang lahat para mataranta.----Kasalukuyan kaming nasa police station."Ano bang nangyayari, sir?" kaagad na tanong ni Denver sa pulis."May isang wedding dress na lumulutang kanina sa ilog na nasa Verde Park," sagot naman ng pulis. "Akala ng mga taong nag-jo-jogging doon
Sa huli ay hindi pa rin naniwala si Denver sa mapait na sinapit ko. Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya nang makaupo na siya sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay tinawagan niya na naman ang numero ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya habang sinasabing "can not be reach" ang numero ko.Nang hindi siya magtagumpay na matawagan ako ay binuksan niya kaagad ang Chatters. Kitang-kita ko ang pangalan ni Monica na nasa pin message. May emoji pa na puso ang pangalan ni Monica.Dati naman ay pangalan ko ang nasa pin message niya— ngayon ay hindi na.Dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman kong pinalitan niya ang pin message niya at si Monica nga iyon. Dati ay nakakainis na babae ang pinangalan niya sa kontak ni Monica pero biglang napalitan ng Nica. Nang tanungin ko siya tungkol doon ay makikita sa mga mata niya ang labis na konsensya.Paliwanag niya ay... "Nasa block list ko talaga siya. Pero tinanggal ko iyon doon kasi noong nakaraan na muntik nan
Alam kong nagbago na nga si Denver pero hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Hindi na nga siya ang Denver na nakilala ko. Ibang-iba na siya.Tama nga iyong sabi nila— na kapag ang isang tao ay nawawalan na ng interes sa iyo, huwag ka nang magtaka o tanungin pa ang sarili mo kung bakit. Lahat ng papasok sa isip mo ay magiging tama.Katulad na lang nang nangyari sa akin. May kutob na ako noong una na magbabago ang takbo ng isip ni Denver pagdating kay Monica. Mula noong mga panahong ayaw na ayaw niya kay Monica hanggang sa mga oras na pito sa sampung salita ay tungkol na lang lahat kay Monica— doon pa lang kapansin-pansin na ang kanyang pagbabago.Lagi niyang naalala ang mga hilig at gusto ni Monica. Kapag naman galing siyang business trip—hindi lang ako ang may pasalubong, kung hindi pati na rin si Monica.Naalala ko pa ang isang beses na binigyan niya ng regalo si Monica.Binuksan ni Monica ang isang eleganteng kahon na naglalaman ng isang mamahaling kwintas. Kum
Kaagad na binitiwan ni Denver ang hawak na baso na may lamang juice. Nilapitan niya ako at masamang tiningnan na parang mortal na kaaway. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya na ako. "Manahimik ka na lang! Alam mo, Ria, bakit hindi ko napansin noon pa na napakakitid niyang utak mo? Step-sister ko si Nica at kapatid mo siya. Dahil lang sa kwintas ay nagkakaganyan ka? Bakit hindi mo na lang siya pagbigyan?"Napahigpit ang hawak ko sa kwintas na inabot sa akin kanina ni Monica. Pakiramdam ko ay tumagos sa balat ko ang pendant ng kwintas dahil nakakaramdam na ako ng kirot at hapdi. Hindi ako makapaniwalang nanggaling ang mga salitang iyon mismo sa bibig ni Denver.Ang kaninang mga paliwanag na dapat sana ay sasabihin ko ay nanatili na lang sa mga labi ko at hindi ko na maibuka pa ang bibig ko. Nakatitig lang ako kay Denver. Matagal ko na siyang kilala pero sa mga oras na iyon ay para siyan ibang tao at nakakaramdam na ako ng pagkatakot sa kanya.Simula niyon ay lagi nang hadlang
Pinagbintangan ako ni Monica na tinulak ko siya sa hagdan, gayong siya lang naman ang may gawa niyon sa sarili niya. Planado niya ang lahat ng iyon dahil bigla na lang dumating si Denver at sakto namang nasa sahig pa siya. Kaagad siyang tinulungan ni Denver.Kaagad akong lumapit kay Denver para ipaliwanag ang nangyari pero tinula niya lang ako. Pero pinagtanggol ko pa rin ang sarili ko. Tinuro ko ang CCTV camera. "May ebedensya akong hindi ako ang tumulak sa kanya!"Tiningnan ako ni Denver sa malamig niyang mga mata na dati ay kay Monica niya binibigay. "Ginagalit mo talaga ako, Ria."Doon ko napagtantong hindi na nga ako ang mahal niya. Sa lahat ng bagat ay mas pinaniniwalaan niya si Monica kaysa sa akin na sobrang tagal niya ng kasama at sabay na lumaki.Nang oras na iyon ay nawalan ako ng malay dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakatulak sa akin ni Denver. Nagising na lang akong nasa hospital na— nag-iisa. At ang bungad pa sa akin ng doktor ay isa at kalahating buwan na
Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Dati ay kay amo pa ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngayon ay wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kung hindi pagkainis."Anong tinitingin-tingin mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. "Anong klaseng operasyon ba ang sinasabi mo?"Dahil katatapos ko lang operahan kaya pakiramdam ko ay nasaksak ako sa may tiyan ko. Walang kalagyan ang sakit na nararamdaman ko na para bang gusto ko na lang mamatay.Matapos marinig ang tanong niya— lalo na ang paraan ng pagtatanong niya ay naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Monica. May kung ano sa puso ko ang nagsasabing baka ng totoo ang mga sinabing iyon ni Monica.Wala nang mas sasakit pa sa pusong sugatan. Ayaw ko nang magpaliwanag pa kay Denver. Hindi rin naman siya maniniwala. Nalunod na ang puso ko sa labis na galit. Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko nang magpakasal. Pero siya itong pumilit tapos ganito ang ipapakita niya sa akin? Nangako pa siyang lalayuan na si Monica, tsk. Pataw
Simula niyon ay unti-unti na akong nagbago— sa ugali man o sa nararamdaman ko para kay Denver. Napagpasyahan kong kunin ang ebidensya ng lihim na relasyon nina Denver at Monica. Kahit pa gumamit si Monica ng maraming paraan para mapalapit kay Denver, ang pinakamalapit na narating niya ay halik lang. Hindi kailanman lumampas si Denver sa linya para mahawakan siya.Pero sapat na ang mga iyon para magyabang si Monica sa akin. Madalas siyang magpadala ng mga malisyosong larawan at chat logs, tapos bigla niya itong binabawi. Ang hindi niya alam, kinunan ko ng screenshot ang bawat isa at itinabi ko ang lahat.Pinaplano ko ang isang malaking paghihiganti—isang pagsabog ng katotohanan sa mismong araw ng aming kasal. Sisirain ko sila. Pagkatapos ay aalis ako sa nakakasuklam na lungsod na ito at putulin ang anumang koneksyon sa kanila habambuhay.Akala ko magiging perpekto ang plano ko. Pero hindi ko inasahan na aalis si Denver mismo sa kasal namin at si Monica—ni anino niya, hindi nagpakita.A
Nakita ko kung paano lumayo nang bahagya si Denver sa kanya. "Nica, tigilan mo nga iyan!"Pero nagpatuloy pa rin si Monica. Ang mga mata niyang malamlam at ang mga labi ay may mapanuksong mga ngiti. "Kuya, hindi ba at tinanong mo ako kagabi nang maraming beses. Halata namang mahal mo ako kaya bakit nagpapanggap kang parang walang nangyari?"Dahan-dahang idinikit ni Monica ang dibdib niya sa braso ni Denver at bumulong sa tainga nito. "Kwarto ni Ate ito. Hindi ba exciting kung dito natin gawin..."Walang hiya ka Monica! Gusto niya pa talagang gambalain ay babuyin ang natitirang tahimik na lugar para sa akin!"Lumabas ka na! Lumabas ka na!" sumigaw ko nang malakas ngunit walang ni isa man sa kanila ang nakarinig.Wala akong makitang pananabik sa mga mata ni Denver. Ang mayroon lang ay bahid ng pagkabahala. "Nica, ang sabi mo kagabi ay hindi na mauulit pa iyon at iyon na ang huli.""Huwag kang mag-alala, kuya. Hindi ko sasabihin sa iba. Hindi mo na kailangang mahirapan pa at pigilin ang
Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab
Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"
Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a
Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n
Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako
Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila
Tuluyang nasira ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Kaagad na nagbago ang expression sa mukha ni Denver— mula sa pagnanasa patungo sa malamig na pagkahinahon.Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Nica. Nakita ko na ang eksenang ito nang maraming beses, kaya naman ay hindi na ako nagulat.Sa totoo lang, masasabi kong maginoo si Denver. Ilang taon ko na siyang kasama at kahit noong nagkabalikan kami anim na buwan na ang nakalipas, isang beses lang talaga may nangyari sa amin— noong gabi ng aming pagkalasing.Gabi rin iyon nang mabuo sa sinapupunan ko ang anak namin.Pagkatapos noon, bihira na siyang makipagtalik kay Nica. Siguro, minsan lang niyang natikman ang tukso ng laman, pero sa ngayon para bang wala na siyang pakialam. Ni hindi niya ito ginagalang.Si Nica, halos hubo’t hubad habang nakaluhod sa sahig, habol ang hininga. Samantalang si Denver, maayos pa rin ang itsura— kailangan lang niyang ayusin ang sinturon at puwede na siyang umalis kahit ano mang oras.Lumapit siya sa mesa a
Sa likod ng bakal na pinto ay may isang maliit na silid ang lumantad. Walang tao sa loob, ngunit sa bawat sulok ng dingding ay puno ng mga larawan.Dahan-dahang lumapit si Denver, pinagmasdan ang mga ito nang mabuti at doon niya napagtantong siya ang bida sa lahat ng mga litrato.Kahit noon pa man ay may hinala na akong hindi malinis ang nararamdaman ni Nica kay Denver. Hindi ko inasahan na aabot ito sa ganitong nakakatakot na level.Sinuri ko ang bawat larawan. Maingat itong inayos mula noong unang beses siyang pumasok sa pamilya Victorillo kasama ang umampon sa kanya na si Aurora na madrasta naman ni Denver.Karamihan sa mga larawan ay patagong kinunan. Makikita na may halong lamig sa kanyang mga mata, lalong-lalo na kapag si Nica ang kaharap niya. Puno ng pagkamuhi ang kanyang tingin, waring isang matinding insulto para sa kanya ang presensya nito.Mahal na mahal niya ang kanyang ina, kaya hindi niya kailanman matanggap ang pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama lalo na at ang nap
Nagkasundo sina Denver at ang kanyang tiyuhin na simulan ang plano laban kay Nica.Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Vicento ay marahan akong bumulong sa kanyang tainga bago umalis. "Salamat…."Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero napagtanto kong hindi siya kasinglamig at kasingwalang-puso gaya ng sinasabi ng iba. Bago sumara ang pinto ay parang may narinig akong mahina at malungkot na buntonghininga."Ria..."Napahinto ako. Tama ba ang dinig ko?Nang subukan kong makinig pang mabuti, wala na akong narinig kung hindi katahimikan.Nalaman ni Denver na nasa bahay ng mga De Leon si Nica, kaya palihim siyang pumasok sa kwarto nito para maghanap ng anumang bakas na may kaugnayan sa akin.Mula nang aminin ni Nica ang kanyang tunay na pagkatao sa pamilya De Leon, bihira na siyang maglagi sa bahay ng pamilya Victorillo.Kapag wala si Denver dahil sa mga business trip ay umuuwi siya sa mga De Leon. Kapag bumalik naman si Denver ay babalik din siya sa pamilya Victorillo upa