Kaagad na binitiwan ni Denver ang hawak na baso na may lamang juice. Nilapitan niya ako at masamang tiningnan na parang mortal na kaaway. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya na ako. "Manahimik ka na lang! Alam mo, Ria, bakit hindi ko napansin noon pa na napakakitid niyang utak mo? Step-sister ko si Nica at kapatid mo siya. Dahil lang sa kwintas ay nagkakaganyan ka? Bakit hindi mo na lang siya pagbigyan?"
Napahigpit ang hawak ko sa kwintas na inabot sa akin kanina ni Monica. Pakiramdam ko ay tumagos sa balat ko ang pendant ng kwintas dahil nakakaramdam na ako ng kirot at hapdi. Hindi ako makapaniwalang nanggaling ang mga salitang iyon mismo sa bibig ni Denver. Ang kaninang mga paliwanag na dapat sana ay sasabihin ko ay nanatili na lang sa mga labi ko at hindi ko na maibuka pa ang bibig ko. Nakatitig lang ako kay Denver. Matagal ko na siyang kilala pero sa mga oras na iyon ay para siyan ibang tao at nakakaramdam na ako ng pagkatakot sa kanya. Simula niyon ay lagi nang hadlang sa relasyon namin si Monica. May pagkakataon na bibigyan ko ng regalo si Denver at sa susunod na araw ay bibigyan din siya ni Monica ng regalo na katulad ng sa akin. Higit sa lahat pati sa pananamit niya ay nagbago na rin siya. Mahilig siya sa mga dark colors, pero ngayon ay matitingkad na kulay na ang sinusuot niya. Noong nakaraang taon ay umalis ng bansa si Denver para tingnan ang isa niyang proyekto. Nagkaroon ng lindol sa kinaroroonan ni Denver at nagka-landslide pa. Nang malaman ko ang nangyari ay nag-book kaagad ako ng ticket. Pero hindi ko alam na tinago ni Monica ang passport at visa ko. Nang mga sandaling iyon ay hindi ako makasakay ng eroplano kahit may koneksyon naman kami. Nang araw ding iyon ay lumipad si Monica papunta sa lugar kung na saan si Denver. Dahil sa lakas ng lindol ay maraming tower ang naapektuhan at halos walang maayos na komunikasyon sa lugar kung nasaan si Denver. Kaya wala akong balita sa kanya. Sa sobrang pag-aalala ay kahit ilegal na gawain ay pinasok ko ng mga panahong iyon. Dahil na rin sa koneksyon ng pamilya namin ay nakapuslit ako sa isang barko. Iyon nga lang ay pitong araw ang mangyayaring paglalayag sa karagatan. Wala na akong pakialam noon sa kung gaanon kadelikado ang gagawin ko. Ang mahalaga lang sa akin ng mga sandaling iyon ay ang makita si Denver at malaman kung ano na ang kalagayan niya. Sinalo ko yata ang lahat ng kamalasan noon dahil nagkaroon pa ng tsunami. Kaya nawasak ang sinasakyan kong barko at nalunod pa ako. Mabuti na lang at may isang mabait na tao ang nagligtas sa akin. Kung hindi ay tuluyan na akong lalamunin ng dagat noon. Ilang araw din iyon bago ako nakabalik sa amin. Ang saya ko pa nang makauwi ako noon dahil nga sa ligtas ako buhay akong nakauwi. Pero ganoon na lang ang gulat ko na halos lahat ng tao ay ang sama ng tingin sa akin— na para bang isa akong kriminal na hinatulan ng kamatayan. Galit na galit akong kinompronta nina Mama at Papa. "Nalagay sa alanganin ang buhay ni Denver at ito ka, masayang-masaya! Ni hindi ka man lang nag-alala! Tapos nag-sea tour ka pa! May puso ka pa ba? Ha!" sigaw ni Mama sa akin na halos ikinalukso ng puso ko. "N-Nagkakamali kayo, M-Mama..." depensa ko sa sarili. "Tinago ni Monica ang passport ko kaya hindi ako makasakay ng eroplano. At hindi po ako nag-sea tour, Mama. Sumakay talaga ako ng barko para puntahan si Denver." "Bakit nagsisinungaling ka na naman, Ate Ria? Nag-sea tour ka talaga para magsaya," saad ni Monica sa mababang tono at pinaamo niya pa ang kanyang mukha. "Nasa drawer mo ang passport mo. At bakit ko naman itatago ang passport mo?" Nang mga sandaling iyon ay hindi ko na alam kung paano pa ipagtatanggol ang sarili ko. Idagdag pang kagagaling ko lang din sa isang agaw-buhay na sitwasyon, pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Alam kong kahit ano pa ang gawin kong pagpapaliwanag ay wala rin namang maniniwala sa akin. Nilingon ko si Denver na kanina pa blangkong nakatingin sa akin. Kaagad ko siyang nilapitan at hinawakan sa mga kamay niya. "Makinig ka naman sa akin, oh... Kaagad akong nagpa-book ng ticket nang marinig ko ang balita. Pero tinago ni Monica ang passport ko! Muntik pa nga akong—" Marahas na inalis ni Denver ang kamay kong nakahawak sa kamay niya— na para bang nandidiri siya sa akin. "Hindi ko hiniling sa iyo na puntahan mo ako, pero sana hindi ka na nagsinungaling pa! Alam mo bang buong tapang na hinarap ni Monica ang takot niya at tumulong sa paghukay? Kung hindi pumunta si Nica, malamang ay nilamon na ako ng lupa!" Ang mga kamag-anak namin na naroroon ay kaagad na dinaluhan si Monica. Habang kung ano-anong masasakit na mga salita ang binato nila sa akin. Wala raw akong puso. Isa raw akong malupit na tao. Isa raw akong ahas na nagpapanggap na tupa. Hindi ko sukat akalain na mararanasan ko kung gaano kasakit ang mga salita kaysa sa pisikal na sakit. Walang pasa o dugo pero unti-unti namang lulunurin sa kalungkutan at poot ang puso mo— na gugustuhin mo na lang ang mamatay. Si Monica ang tinuring na prinsesa at siya lagi ang napupuri. Samantalang ako naman ang tagasalo sa lahat ng marurumi at mapanakit na mga salita. Nagkaroon na rin ng distansya ang relasyon namin ni Denver. Napagod na ako at kinalimutan na lang ang pangako namin sa isa't isa. Kinompronta ko siya. "DJ... huwag na nating ituloy ang kasal." Nakita ko sa mga mata ni Denver ang pagkagulat. Hindi niya yata inaasahan iyon. Dahil alam niyang mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang iwan. Kaya normal lang na magulat siya sa narinig mula sa akin. "N-Nagbibiro ka ba?" pilit siyang ngumiti at seryoso akong tiningnan. "Ginawa ko na ang lahat para sa relasyong ito," malumanay at kalmado kong sabi. "Ayaw kong umabot sa puntong kahit ang pagkakaibigan natin ay mawala rin. Itigil na natin ito habang hindi pa tayo ganoong kagalit sa isa't isa." Napansin niya yatang seryoso ako at hindi nagbibiro kaya bigla na lang siyang nataranta. "Ria, naman. Alam mo namang mahal na mahal kita." "Kahit kailan ay hindi ako nagduda sa pagmamahal mo sa akin," kalmado ko pa ring sagot. "Pero natatakot na ako ngayon, na baka hindi na ganoon katibay ang pagmamahal mo sa akin." Dahil may isa ng Monica Shane De Leon sa pagitan ng relasyon natin. Alam kong nakuha niya ang kung ano mang pinupunto ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kung tungkol ito kay Monica, kapatid lang ang turing ko sa kanya, Ria. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay, alam mo iyan." Simula ng araw na iyon ay siya mismo ang lumayo kay Monica. Nag-effort siyang kuhanin muli ang loob ko at bumawi sa lahat ng mga masasakit niyang sinabi sa akin. Higit sa lahat ay siya rin ang nanguna sa paghahanda para sa kasal namin. Akala ko ay iyon na ang pag-uumpisa naming muli ni Denver. Akala ko ay magiging masaya na kami. Akala lang pala ang lahat. Dahil bigla na namang nagbago ang lahat tatlong buwan na ang nakalilipas...Pinagbintangan ako ni Monica na tinulak ko siya sa hagdan, gayong siya lang naman ang may gawa niyon sa sarili niya. Planado niya ang lahat ng iyon dahil bigla na lang dumating si Denver at sakto namang nasa sahig pa siya. Kaagad siyang tinulungan ni Denver.Kaagad akong lumapit kay Denver para ipaliwanag ang nangyari pero tinula niya lang ako. Pero pinagtanggol ko pa rin ang sarili ko. Tinuro ko ang CCTV camera. "May ebedensya akong hindi ako ang tumulak sa kanya!"Tiningnan ako ni Denver sa malamig niyang mga mata na dati ay kay Monica niya binibigay. "Ginagalit mo talaga ako, Ria."Doon ko napagtantong hindi na nga ako ang mahal niya. Sa lahat ng bagat ay mas pinaniniwalaan niya si Monica kaysa sa akin na sobrang tagal niya ng kasama at sabay na lumaki.Nang oras na iyon ay nawalan ako ng malay dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakatulak sa akin ni Denver. Nagising na lang akong nasa hospital na— nag-iisa. At ang bungad pa sa akin ng doktor ay isa at kalahating buwan na
Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Dati ay kay amo pa ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngayon ay wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kung hindi pagkainis."Anong tinitingin-tingin mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. "Anong klaseng operasyon ba ang sinasabi mo?"Dahil katatapos ko lang operahan kaya pakiramdam ko ay nasaksak ako sa may tiyan ko. Walang kalagyan ang sakit na nararamdaman ko na para bang gusto ko na lang mamatay.Matapos marinig ang tanong niya— lalo na ang paraan ng pagtatanong niya ay naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Monica. May kung ano sa puso ko ang nagsasabing baka ng totoo ang mga sinabing iyon ni Monica.Wala nang mas sasakit pa sa pusong sugatan. Ayaw ko nang magpaliwanag pa kay Denver. Hindi rin naman siya maniniwala. Nalunod na ang puso ko sa labis na galit. Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko nang magpakasal. Pero siya itong pumilit tapos ganito ang ipapakita niya sa akin? Nangako pa siyang lalayuan na si Monica, tsk. Pataw
Simula niyon ay unti-unti na akong nagbago— sa ugali man o sa nararamdaman ko para kay Denver. Napagpasyahan kong kunin ang ebidensya ng lihim na relasyon nina Denver at Monica. Kahit pa gumamit si Monica ng maraming paraan para mapalapit kay Denver, ang pinakamalapit na narating niya ay halik lang. Hindi kailanman lumampas si Denver sa linya para mahawakan siya.Pero sapat na ang mga iyon para magyabang si Monica sa akin. Madalas siyang magpadala ng mga malisyosong larawan at chat logs, tapos bigla niya itong binabawi. Ang hindi niya alam, kinunan ko ng screenshot ang bawat isa at itinabi ko ang lahat.Pinaplano ko ang isang malaking paghihiganti—isang pagsabog ng katotohanan sa mismong araw ng aming kasal. Sisirain ko sila. Pagkatapos ay aalis ako sa nakakasuklam na lungsod na ito at putulin ang anumang koneksyon sa kanila habambuhay.Akala ko magiging perpekto ang plano ko. Pero hindi ko inasahan na aalis si Denver mismo sa kasal namin at si Monica—ni anino niya, hindi nagpakita.A
Nakita ko kung paano lumayo nang bahagya si Denver sa kanya. "Nica, tigilan mo nga iyan!"Pero nagpatuloy pa rin si Monica. Ang mga mata niyang malamlam at ang mga labi ay may mapanuksong mga ngiti. "Kuya, hindi ba at tinanong mo ako kagabi nang maraming beses. Halata namang mahal mo ako kaya bakit nagpapanggap kang parang walang nangyari?"Dahan-dahang idinikit ni Monica ang dibdib niya sa braso ni Denver at bumulong sa tainga nito. "Kwarto ni Ate ito. Hindi ba exciting kung dito natin gawin..."Walang hiya ka Monica! Gusto niya pa talagang gambalain ay babuyin ang natitirang tahimik na lugar para sa akin!"Lumabas ka na! Lumabas ka na!" sumigaw ko nang malakas ngunit walang ni isa man sa kanila ang nakarinig.Wala akong makitang pananabik sa mga mata ni Denver. Ang mayroon lang ay bahid ng pagkabahala. "Nica, ang sabi mo kagabi ay hindi na mauulit pa iyon at iyon na ang huli.""Huwag kang mag-alala, kuya. Hindi ko sasabihin sa iba. Hindi mo na kailangang mahirapan pa at pigilin ang
Pagkaalis ni Vicento ay nanatili pa si Denver sa tabi nang malamig at madilim na ilog— nakatitig sa kanyang cellphone. Paulit-ulit na nagliwanag ang screen niyon at sunod-sunod ang mga mensaheng dumarating. Pero wala ni isa mula sa akin.Marahil naalala niya ang nakaraan— ang panahon kung kailan alam ko nang may nagbago sa kanya. Napansin kong paunti-unti siyang lumalayo at si Monica ang palaging nasa tabi niya. Noon ay madalas siyang magalit sa akin. Pero pagkatapos ng kanyang galit ay pilit niyang ipinapaliwanag sa sarili na wala siyang ginagawang mali.Si Monica ay naging kapatid niya sa ama. Hindi ba at natural lang na maging mabait siya rito? Iyon ang paniniwala ko noon. Sa paglipas ng panahon ay natuto akong lokohin ang sarili ko. Pilit kong binabaliktad ang sariling mga pagdududa. Paulit-ulit kong iniisip na hindi dapat masira ang relasyon ng aming mga pamilya dahil lang sa isang bagay na sa mata ng iba ay maliit lang na bagay.Natuto akong magpakumbaba at magparaya. At kapag n
"Denver!" sigaw ni Alina. "Kapag may masamang nangyari kay Ria, mananagot ka sa akin!"Pinanood ko siya habang nagsasalita pero hindi na niya maririnig ang boses ko kapag kakausapin ko pa siya. Dahan-dahan kong inayos ang kanyang magulong buhok pero dumaan lang ang kamay ko sa kanyang mukha na parang usok.Napangiti ako nang mapait."Alina, patawad. Hindi ko natupad ang pangako ko. Sana balang araw maging maayos ang buhay mo at sumaya ka."Sa loob ng ilang araw hindi man lang ako hinanap ni Denver. Sigurado siyang nasa poder ako ni Alina.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alina. "Hinanap mo siya sa akin? Hayop ka, ang lola ko nasa bingit ng kamatayan! Matapos ang kasal, umuwi ako sa probinsya at ngayon lang ulit nakabalik sa trabaho. Anong nangyari kay Ria? Pinaiyak mo na naman ba siya?"Hindi na siya pinansin ni Denver. Kahit gusto kong yakapin ang kaibigan ko at magsumbong sa kanya, hindi ko na magawa.Sa kabilang banda ay muli akong tinangay ng pagmamadali ni Denver. May natanggap
Noong junior high school ako ay ginamit ko ang penname na "RS" at sumali sa isang designing contest.Nanalo ako. Nagmarka ang pangalan ko sa mundo ng sining. Pero dahil hindi sang-ayon ang pamilya ko ay hindi man lang ako dumalo sa awarding ceremony. Kaya nga sa internet ay walang halos may alam kung sino talaga si "RS."Dati ay gumamit ako ng lihim na social media account para i-upload ang mga gawa ko. Dumami ang tagahanga at hinihintay ang bawat bagong painting ko. Taon-taon ay naglalabas ako ng isang likha— isang lihim na kahit si Denver ay walang alam.Dalawang taon na ang nakalilipas, isang beses nagkamali ako ng pindot sa account. Nailabas ko ang bagong painting ko sa maling profile.Sumabog sa internet. Pinag-usapan iyon magdamag at nag-trending pa.Pero wala akong pakialam sa kasikatan. Hindi ako nagbigay ng paliwanag. Hinayaan ko lang ang mga tao na hulaan kung sino ako. Pagkalipas ng kalahating buwan ay nakalimutan na rin nila.Pero ngayon na dalawang taon matapos akong mawa
Kahit nag-iba na ang mukha niya mula noong gabing iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata niya— kahit pa maging abo na sila.Mataas ang kakayahan niyang magbalatkayo. Alam kong noong gabing pinatay niya ako ay isa siyang lalaking may tangkad na halos 1.85 metro. Pero ngayon na nakayuko siya at ang kulubot na balat sa kanyang mukha ay nagbigay sa kanya ng anyong matanda. Sinumang makakakita sa kanya ngayon ay iisiping isa siyang mahina at walang kalaban-laban na matanda.Pero hindi ako nadadala sa panlabas na anyo!Nang mapagtanto kong nasa exhibit din ang taong pumatay sa akin ay muling bumalik ang sakit na naramdaman ko bago ako bawian ng buhay.Napakabilis ng mga pangyayari noong araw na iyon. Walang ingay. Walang babala. Isa lang siyang anino na lumitaw sa likuran ko. At isang mabilis na pagbaon ng patalim.Walang pag-aalinlangan. Walang pagsisisi. Para bang ilang ulit na niya iyong ginawa sa iba at isang sayaw ng kamatayan na sanay na sanay na siyang gawin.Hindi ko ma
Sa loob ng isang kahon na gawa sa kahoy ay nakita niya ang isang rosaryo at isang greeting card na isinulat ko para kay Lola. Oo nga pala, naalala ko na ang package na iyan.Napaluha si Lola habang tinititigan ang hawak niyang rosaryo.Isa iyong espesyal na rosaryo na nakuha ko pa sa pinakakilalang templo. Isang bagay na pinaghandaan ko at nilaanan ng oras at pagod para mapanatili ang kanyang kalusugan at kapayapaan. Bago pa ang araw ng kasal ko ay pinadala ko na ito sa isang kaibigan upang tiyaking darating ito sa tamang araw— ngayon mismo iyon, sa kanyang kaarawan.Hinaplos ni Lola ang greeting card at pinisil ang rosaryo saka muling tumulo ang kanyang mga luha."Napakabait talaga ni Miss Ria," sambit ni Aling Sita habang pinapakalma si Lola. "Ang rosaryo na ito ay mula pa sa Templo ng Simalan. Hindi ito basta-basta nabibili ng pera. Ang mga taimtim lang na dumadalangin mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok habang nakayuko at nakaluhod ng tatlong beses sa bawat hakbang ang si
Kinuha ni Monica ang isang antigong aklat na nabili nila sa auction mula sa kanyang bag. Ang pabalat ng aklat ay tila gawa sa kakaibang materyal, makinis at parang balat ng tao."Kuya DJ, pakibigay na lang ito kay lola. Alam kong galit siya sa akin, pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng regalo. Hindi niya man tanggapin ay gusto ko lang iparating sa kanya na mahal ko siya." Itinaas niya ang libro at iniabot kay Denver. "Isa itong scripture at binasbasan na ito. Sigurado akong makakatulong ito kay Lola para sa kaligtasan at kapayapaan niya."Tinitigan ni Denver ang aklat bago iyon marahang kinuha. Parang may pag-aalangan sa kanyang mga mata. Nang mahawakan niya iyon ay dumapo ang daliri niya sa makinis na pabalat.Napapitlag siya. Masyado iyong makinis parang balat nga isang babae. Saglit siyang natigilan. Kita ko sa hitsura niya na nag-aalangan siyang tanggapin ang aklat na iyon. Pero maya-maya ay ngumiti siya kay Monica."Kuya DJ," muling sambit ni Monica na hinahabol ang atensyon nit
Habang lahat ay abala sa pagkagulat na hindi pa ako bumabalik sa mga De Leon o dito sa bahay ni Lola ay bigla na lang humagulgol si Monica."Lola, simula nang bumalik ako ay hindi mo na ako nagustuhan. Iniisip mong inaagaw ko ang atensyon na dapat ay kay Ate Ria. Kahit anong gawin ko, sa paningin mo ay lahat may halong pagkasuklam. Alam kong nagkulang ako sa kanya, alam kong nagkulang ako sa pamilya natin pero sana hindi na siguro ako dapat pang bumalik. Isa akong masamang apo…"Biglang tumakbo si Monica at mababangga siya sa dingding."Nica!" sigaw ni Kuya Mark na kapapasok pa lang. Mabilis niyang sinugod si Monica pero huli na dahil bago pa niya maabot si Monica ay nabangga na nga ni Monica ang dingding.Nagkagulo na ang lahat."Nica! Anak, ayos ka lang ba?""Ano bang iniisip mo at bakit mo ginawa iyon!"Nag-uunahan ang mga kamay na inalalayan siya habang ako naman ay nakamasid pa rin sa kanila at nakita kung paano biglang lumambot ang tingin ng lahat kay Monica. Ngayon ay si Lola n
Namutla si Denver dahil sa pagkagulat. Ilang segundo rin siyang natigilan pero kaagad din niyang ibinalik ang ngiti sa mukha. "Lola, alam ko pong nagkamali ako. Kung gusto niyo akong saktan o parusahan ay tatanggapin ko po.”Bago pa siya muling makapagsalita ay isang boses ang umalingawngaw sa pasilyo."Ano pong ginagawa ninyo, mama? Bumisita ang manugang niyo nang may mabuting intensyon, pero sinasaktan niyo siya?" Ang boses ni Mama.Nang makita ni Lola si Mama ay kaagad niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Denver at umayos ng upo. Tinulungan naman siya ng kasambahay."Wala akong manugang na traydor." Nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha pero hindi iyon dahilan para hindi niya duruin si Denver saka madiing nagsalita. "Pinagsisihan ko ang araw na pinayagan kong tulungan ng pamilya namin ang mga Victorillo! Noong may problema sila sa pera ay tayo ang nilapitan nila. Pinakiusapan ako ng apo ko kaya nakiusap ako sa asawa ko. Ginawa namin iyon dahil mahal namin si Ria. Pero
Nakatayo ako sa may terrace at pinagmamasdan pa rin ang ulan. Iniunat ko ang kamay ko at hinayaang dumaan sa palad ko ang maliliit na tubig. Napangisi ako, puno iyon ng panunuya.Huli na ang lahat para magsisi ka at iwasto ang lahat ng pagkakamali mo. Paano mo hihingin ang kapatawaran sa isang taong matagal nang patay?Tinanggap ko na ang sarili ko ngayon. Hindi ako makaalis at hindi rin ako makababalik. Kaya ang tanging magagawa ko na lang ay panoorin kung paano ka papanain ng karma.Pagkaalis ni Tito Danilo ay kita ko sa kilos ni Denver ang pagkabalisa. Ang pagbabalik ni Vicento sa Pilipinas ay parang matalim na patalim na nakasaksak sa kanyang lalamunan.Paulit-ulit niyang tinatawagan ang numero ko. Pero sa bawat tawag ay isang malamig na boses ng babae ang pumapatay ng linya.Nagngitngit siya sa inis at ni hindi maikubli ang pagkapoot sa kanyang mukha. Sa madilim na gabi ay narinig ko ang bulong niya— malamig at puno ng panunuya. "Ria, hanggang kailan mo balak magdrama?"Hanggang
Patuloy ang papatak ng maliliit na ulan sa labas ng bintana. Pero hindi iyon pinansin ni Denver. Tahimik lang siyang nakatingin sa kawalan. Halatang may bumabagabag sa kanyang isipan.Ilang beses niyang kinuha ang cellphone niya, tinitigan iyon pero sa huli ay isinasara lang nang walang ginagawa. Parang may hinihintay siya. O baka may kinatatakutan?Nang makarating ang sasakyan sa bahay na binili niya para sa amin ay saka niya lang napansin ang mga bukas na ilaw sa loob. Napabuntonghininga siya at unti-unting lumuwag ang kanyang tensyonadong katawan.Pagkaparada ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba. Hindi makapaghintay na makapasok. Pero bago makarating sa pinto ay saglit siyang tumigil at inayos ang sarili. Pinagpag ang coat niya, hinaltak ang kwelyo at hinilot ang sintido. At nang tuluyan niyang buksan ang pinto, bumalik ang dati niyang malamig at walang-emosyong ekspresyon.Habang nagtatanggal siya ng sapatos ay tinawag niya ang pangalan ko."Ria, sa wakas bumalik ka rin matapos mon
Nagsimula nang magtaasan ng mga presyo ang mga mayayamamang naroroon. Mukhang marami ang may gustong makuha ang bracelet.Sa harapan ay may isang magandang babaeng nakasuot ng fitted red dress ang may hawak ng tray. Nang marahang alisin niya ang itim na tela na nakatakip sa bracelet ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba.Parang hinihigop ako ng isang malakas na puwersa. Biglang dumilim ang paningin ko. Ang huling narinig ko ay ang mga sigawan ng mga taong nag-aagawan sa pagtaas ng presyo.At nang dumilat ako ay nagbago bigla ang mga nasa harapan ko. Wala na ako sa tabi ni Denver at nakikita ko na sila sa harapan.Sa harapan ko ay nakatayo pa rin ang babaeng may suot ng red dress. Napansin kong nasa tray pa rin siya, hindi... nasa tray ako?At doon ko naunawaan ang nangyayari...Ang kaluluwa ko ay nasa loob ng bracelet!Para akong binuhusan nang malamig na tubig.Anong nangyayari?May biglang pumasok na ideya sa isip ko— posible bang nandito ang abo ko sa beads ng bracelet? Napanganga a
Kinabukasan ay dumating ang buong pamilya namin para sunduin si Monica palabas ng ospital. Sa unang tingin ko pa lang sa kanila ay alam ko nang halos hindi sila nakatulog nang maayos. Malalim ang eyebags ni Mama at mukhang mas lalo lang tumanda si Papa sa pag-aalala."Mama, Papa, hindi po ba kayo nakatulog nang maayos?" tanong ni Denver habang tinutulungan si Monica na tumayo.Napabuntonghininga si Mama saka marahang pinisil ang sentido niya. "Kasalanan ni Ria ang lahat ng ito, eh! Napakaraming gulo ang idinulot niya nitong mga nakaraang araw. Lagi tuloy akong binabangungot."Nagulat si Papa at napatingin kay Mama. "Ikaw rin? Nanaginip ka rin tungkol kay Ria?"Napahinto ako. Maging si Monica ay tila natigilan din."Oo. Noong una ay nagpapanggap lang siyang patay, pero kagabi… napanaginipan kong patay na talaga siya."Hindi pa ba nila naiitindihan ang nangyayari? Bakit ayaw pa rin nilang kumilos kung lahat naman sila ay nanaginip na patay na ako?Biglang nagsalita si Monica, mahina at
Namumutla ang mukha ni Monica habang umiiyak siya sa hospital bed. May pagsisisi sa kanyang mga mata pero alam kong palabas lang ang lahat ng ito.Ilang beses na niyang ginamit ang dramang ito para makuha ang awa ng pamilya namin. Hindi na nga ako nagugulat— pero masakit pa rin makita kung paanong lalo lang nilang kinakampihan si Monica sa bawat palabas na ginagawa niya.Hinawakan niya ang manggas ng damit ni Denver at tiningnan ito na parang isang kaawa-awang bata."Kuya, hindi mo ba susunduin si Ate Ria ngayon?" mahina ang boses niya na parang naghihingalo. "Dali na, ayos lang ako rito. Kapag nakarating ka na sa Caragosa City, pakisabi kay Ate Ria na nag-sorry ako. Alam kong nasaktan ko siya. Kaya aalis na lang ako, Kuya DJ. Pupunta ako sa ibang bansa kapag nakabalik na siya at hindi na ako magpapakita pa sa kanya."Napakunot ang noo ni Denver. "Paano ka aalis sa ganitong kalagayan? Ang hina-hina mo pa.""Tama ka riyan, Denver! At saka huwag mo nang isipin ang walang kwentang babaen