Sa huli ay hindi pa rin naniwala si Denver sa mapait na sinapit ko. Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya nang makaupo na siya sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay tinawagan niya na naman ang numero ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya habang sinasabing "can not be reach" ang numero ko.
Nang hindi siya magtagumpay na matawagan ako ay binuksan niya kaagad ang Chatters. Kitang-kita ko ang pangalan ni Monica na nasa pin message. May emoji pa na puso ang pangalan ni Monica. Dati naman ay pangalan ko ang nasa pin message niya— ngayon ay hindi na. Dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman kong pinalitan niya ang pin message niya at si Monica nga iyon. Dati ay nakakainis na babae ang pinangalan niya sa kontak ni Monica pero biglang napalitan ng Nica. Nang tanungin ko siya tungkol doon ay makikita sa mga mata niya ang labis na konsensya. Paliwanag niya ay... "Nasa block list ko talaga siya. Pero tinanggal ko iyon doon kasi noong nakaraan na muntik nang may mangyaring masama sa kanya at walang tao sa bahay. Muntik na siyang mamatay noon." Nang mga sandaling iyon ay hindi ko pinahalata na hindi ako nakuntento sa paliwanag niya. Bagkus ay sinabi ko ang kung anong nasa isipan ko. "Hindi na lang siya basta stepdaughter ng pamilya ninyo. Dahil ngayong nalaman na ng lahat na siya ang nawawala naming kapatid— parte na siya ng pamilya De Leon, may mga kapatid siya at higit sa lahat ay maraming katulong sa bahay, maraming nakabantay sa kanya. Kaya hindi iyon basta masisisi sa iyo kung wala ka mang gawin." Tahimik lang siya ng mga oras na iyon. Hindi pa ako nakuntento at lumapit pa ako lalo sa kanya saka bumulong. "Isa pa ay inis na inis ka sa kanya noon, hindi ba? Anong nangyari at bakit parang bigla ka na lang yata nagkaroon ng pakialam sa kanya ngayon?" Nahalata ko namang nataranta siya at hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko. Para mawala siya sitwasyong iyon ay tinaasan niya ako ng boses. "Kapatid mo si Nica, Ria! Ano bang nagawang niya sa iyo para tratuhin mo siya nang ganyan? Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon! Kung wala kang pakialam sa kanya, hindi na rin ba pwedeng magkaroon ng pakialam ang ibang tao sa kanya?" Simula noong nakabalik si Monica sa amin ay lagi niya na akong pinupuntirya. Magaling siyang umarte na nagagawa niyang gawin akong masama lagi sa paningin ng lahat. Kahit sarili kong pamilya ay galit na rin sa akin at isa raw akong malupit na kapatid. Kaya sa mga oras na iyon na nagtatalo kami ni Denver ay hindi ko na alam kung paano pa dipensahan ang sarili ko. Akala ko kakampi ko siya. Halos sabay kaming lumaki at sa lahat ng tao ay siya itong dapat na nakakakilala sa akin. Napagtanto kong bigla na lang siyang nagbago— hindi na siya ang Denver na nakilala ko. Nakatingin siya sa akin gaya ng mga tingin ng mga taong puro pangungutya ang itinatapon sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa mga mata niya. "Bakit? Ano bang trato ko sa kanya? Ako? Walang pakialam?" Napansin niyang malapit nang tumulo ang mga luha ko kaya ay biglang lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha. Hinila niya ako at niyakap. "Sorry na. Pin message lang naman iyon, ibabalik ko rin iyon sa dati. Huwag ka nang umiyak." Kaagad niya namang binalik ang pangalan ko sa pin message at pinakita niya iyon mismo sa akin. "Ano? Okay na ba?" tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Tanga pa ako nang mga sandaling iyon kaya kinilig ako sa ginawa niyang iyon at hindi na napigilan ang mapangiti. Halata na ang pagbabago ni Denver pero ako lang itong nagbulag-bulagan. Ngayon na nakita ko na namang si Monica na ulti ang nasa pin message niya ay wala ngang duda na mas matimbang ang kapatid ko kaysa sa akin. Nabalik ako sa kasalukuyan nang makitang may hinahanap siya sa Chatters— at ang pangalan ko iyon. Pinindot niya ang conversation namin at nakita ko ang location na pinasa ko sa kanya pati na rin ang mga huling mensahe ko bago ako nalagutan ng hininga. Nagtipa siya ng mensahe para sa akin. "Mag-usap tayo, Ria." Nakatitig lang si Denver sa cellphone niya. Hinihintay marahil na mabasa ko ang mensahe niya o ang sagot ko roon. Hindi na siya nakatiis at nagtipa muli ng mensahe para sa akin. "Saan ka ba ngayon, Ria? Sinabi ko naman sa iyo na tama na ang pag-imbento ng mga walang kwentang kwento! Ano pa ba ang kulang? Kasal na tayo! Bakit ba pinahihirapan mo si Nica? Hindi mo ba alam na galit na galit siya kahapon? Kung uuwi ka na ngayon ay kakalimutan ko ang ginawa mong palabas!" Matapos niyang ipadala ang mensaheng iyon sa akin ay hinagis niya sa gilid ng inuupuan niya ang cellphone niya. Nataranta naman ang assistant niya na kanina pa nakikiramdam habang nakaupo sa driver's seat. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala kaya marahan siyang nagsalita. "Sir, sa tingin ko ay matino naman kung mag-isip si Miss Ria. Hindi nga po siya nagalit kahapon nang basta na lamang po ninyo siya iniwan sa altaw. Imposible naman pong gumawa lang siya ng palabas na pati mga pulis ay masasangkot. Paano kung hanapin na lang natin siya, sir?" Mabuti pa itong assistant niya, may kwentang mag-isip. Samantalang ito si Denver— "Bakit? Kilala mo na ba talaga siya para mag-isip ka ng ganyan?" "Hindi naman po sa ganoon, sir," nakayukong tugon ng assistant niya. "Naaawa lang po ako kay Miss Ria." "Awa?" sarkastikong tanong ni Denver. "Lagi na siyang ganito. Laging pabida. Gusto niya nasa kanya ang lahat ng atensyon. Kung wala ka namang gagawin, pumunta ka sa parke at hanapin mo roon ang katawan niya— namatay nga raw siya, hindi ba?" Nagbago na nga siya. Hindi na siya ang Denver na nakilala ko noon. Walang puso ang Denver na nakikita ko ngayon.Alam kong nagbago na nga si Denver pero hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Hindi na nga siya ang Denver na nakilala ko. Ibang-iba na siya.Tama nga iyong sabi nila— na kapag ang isang tao ay nawawalan na ng interes sa iyo, huwag ka nang magtaka o tanungin pa ang sarili mo kung bakit. Lahat ng papasok sa isip mo ay magiging tama.Katulad na lang nang nangyari sa akin. May kutob na ako noong una na magbabago ang takbo ng isip ni Denver pagdating kay Monica. Mula noong mga panahong ayaw na ayaw niya kay Monica hanggang sa mga oras na pito sa sampung salita ay tungkol na lang lahat kay Monica— doon pa lang kapansin-pansin na ang kanyang pagbabago.Lagi niyang naalala ang mga hilig at gusto ni Monica. Kapag naman galing siyang business trip—hindi lang ako ang may pasalubong, kung hindi pati na rin si Monica.Naalala ko pa ang isang beses na binigyan niya ng regalo si Monica.Binuksan ni Monica ang isang eleganteng kahon na naglalaman ng isang mamahaling kwintas. Kum
Kaagad na binitiwan ni Denver ang hawak na baso na may lamang juice. Nilapitan niya ako at masamang tiningnan na parang mortal na kaaway. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya na ako. "Manahimik ka na lang! Alam mo, Ria, bakit hindi ko napansin noon pa na napakakitid niyang utak mo? Step-sister ko si Nica at kapatid mo siya. Dahil lang sa kwintas ay nagkakaganyan ka? Bakit hindi mo na lang siya pagbigyan?"Napahigpit ang hawak ko sa kwintas na inabot sa akin kanina ni Monica. Pakiramdam ko ay tumagos sa balat ko ang pendant ng kwintas dahil nakakaramdam na ako ng kirot at hapdi. Hindi ako makapaniwalang nanggaling ang mga salitang iyon mismo sa bibig ni Denver.Ang kaninang mga paliwanag na dapat sana ay sasabihin ko ay nanatili na lang sa mga labi ko at hindi ko na maibuka pa ang bibig ko. Nakatitig lang ako kay Denver. Matagal ko na siyang kilala pero sa mga oras na iyon ay para siyan ibang tao at nakakaramdam na ako ng pagkatakot sa kanya.Simula niyon ay lagi nang hadlang
Pinagbintangan ako ni Monica na tinulak ko siya sa hagdan, gayong siya lang naman ang may gawa niyon sa sarili niya. Planado niya ang lahat ng iyon dahil bigla na lang dumating si Denver at sakto namang nasa sahig pa siya. Kaagad siyang tinulungan ni Denver.Kaagad akong lumapit kay Denver para ipaliwanag ang nangyari pero tinula niya lang ako. Pero pinagtanggol ko pa rin ang sarili ko. Tinuro ko ang CCTV camera. "May ebedensya akong hindi ako ang tumulak sa kanya!"Tiningnan ako ni Denver sa malamig niyang mga mata na dati ay kay Monica niya binibigay. "Ginagalit mo talaga ako, Ria."Doon ko napagtantong hindi na nga ako ang mahal niya. Sa lahat ng bagat ay mas pinaniniwalaan niya si Monica kaysa sa akin na sobrang tagal niya ng kasama at sabay na lumaki.Nang oras na iyon ay nawalan ako ng malay dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakatulak sa akin ni Denver. Nagising na lang akong nasa hospital na— nag-iisa. At ang bungad pa sa akin ng doktor ay isa at kalahating buwan na
Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Dati ay kay amo pa ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngayon ay wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kung hindi pagkainis."Anong tinitingin-tingin mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. "Anong klaseng operasyon ba ang sinasabi mo?"Dahil katatapos ko lang operahan kaya pakiramdam ko ay nasaksak ako sa may tiyan ko. Walang kalagyan ang sakit na nararamdaman ko na para bang gusto ko na lang mamatay.Matapos marinig ang tanong niya— lalo na ang paraan ng pagtatanong niya ay naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Monica. May kung ano sa puso ko ang nagsasabing baka ng totoo ang mga sinabing iyon ni Monica.Wala nang mas sasakit pa sa pusong sugatan. Ayaw ko nang magpaliwanag pa kay Denver. Hindi rin naman siya maniniwala. Nalunod na ang puso ko sa labis na galit. Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko nang magpakasal. Pero siya itong pumilit tapos ganito ang ipapakita niya sa akin? Nangako pa siyang lalayuan na si Monica, tsk. Pataw
Simula niyon ay unti-unti na akong nagbago— sa ugali man o sa nararamdaman ko para kay Denver. Napagpasyahan kong kunin ang ebidensya ng lihim na relasyon nina Denver at Monica. Kahit pa gumamit si Monica ng maraming paraan para mapalapit kay Denver, ang pinakamalapit na narating niya ay halik lang. Hindi kailanman lumampas si Denver sa linya para mahawakan siya.Pero sapat na ang mga iyon para magyabang si Monica sa akin. Madalas siyang magpadala ng mga malisyosong larawan at chat logs, tapos bigla niya itong binabawi. Ang hindi niya alam, kinunan ko ng screenshot ang bawat isa at itinabi ko ang lahat.Pinaplano ko ang isang malaking paghihiganti—isang pagsabog ng katotohanan sa mismong araw ng aming kasal. Sisirain ko sila. Pagkatapos ay aalis ako sa nakakasuklam na lungsod na ito at putulin ang anumang koneksyon sa kanila habambuhay.Akala ko magiging perpekto ang plano ko. Pero hindi ko inasahan na aalis si Denver mismo sa kasal namin at si Monica—ni anino niya, hindi nagpakita.A
Nakita ko kung paano lumayo nang bahagya si Denver sa kanya. "Nica, tigilan mo nga iyan!"Pero nagpatuloy pa rin si Monica. Ang mga mata niyang malamlam at ang mga labi ay may mapanuksong mga ngiti. "Kuya, hindi ba at tinanong mo ako kagabi nang maraming beses. Halata namang mahal mo ako kaya bakit nagpapanggap kang parang walang nangyari?"Dahan-dahang idinikit ni Monica ang dibdib niya sa braso ni Denver at bumulong sa tainga nito. "Kwarto ni Ate ito. Hindi ba exciting kung dito natin gawin..."Walang hiya ka Monica! Gusto niya pa talagang gambalain ay babuyin ang natitirang tahimik na lugar para sa akin!"Lumabas ka na! Lumabas ka na!" sumigaw ko nang malakas ngunit walang ni isa man sa kanila ang nakarinig.Wala akong makitang pananabik sa mga mata ni Denver. Ang mayroon lang ay bahid ng pagkabahala. "Nica, ang sabi mo kagabi ay hindi na mauulit pa iyon at iyon na ang huli.""Huwag kang mag-alala, kuya. Hindi ko sasabihin sa iba. Hindi mo na kailangang mahirapan pa at pigilin ang
Pagkaalis ni Vicento ay nanatili pa si Denver sa tabi nang malamig at madilim na ilog— nakatitig sa kanyang cellphone. Paulit-ulit na nagliwanag ang screen niyon at sunod-sunod ang mga mensaheng dumarating. Pero wala ni isa mula sa akin.Marahil naalala niya ang nakaraan— ang panahon kung kailan alam ko nang may nagbago sa kanya. Napansin kong paunti-unti siyang lumalayo at si Monica ang palaging nasa tabi niya. Noon ay madalas siyang magalit sa akin. Pero pagkatapos ng kanyang galit ay pilit niyang ipinapaliwanag sa sarili na wala siyang ginagawang mali.Si Monica ay naging kapatid niya sa ama. Hindi ba at natural lang na maging mabait siya rito? Iyon ang paniniwala ko noon. Sa paglipas ng panahon ay natuto akong lokohin ang sarili ko. Pilit kong binabaliktad ang sariling mga pagdududa. Paulit-ulit kong iniisip na hindi dapat masira ang relasyon ng aming mga pamilya dahil lang sa isang bagay na sa mata ng iba ay maliit lang na bagay.Natuto akong magpakumbaba at magparaya. At kapag n
"Denver!" sigaw ni Alina. "Kapag may masamang nangyari kay Ria, mananagot ka sa akin!"Pinanood ko siya habang nagsasalita pero hindi na niya maririnig ang boses ko kapag kakausapin ko pa siya. Dahan-dahan kong inayos ang kanyang magulong buhok pero dumaan lang ang kamay ko sa kanyang mukha na parang usok.Napangiti ako nang mapait."Alina, patawad. Hindi ko natupad ang pangako ko. Sana balang araw maging maayos ang buhay mo at sumaya ka."Sa loob ng ilang araw hindi man lang ako hinanap ni Denver. Sigurado siyang nasa poder ako ni Alina.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alina. "Hinanap mo siya sa akin? Hayop ka, ang lola ko nasa bingit ng kamatayan! Matapos ang kasal, umuwi ako sa probinsya at ngayon lang ulit nakabalik sa trabaho. Anong nangyari kay Ria? Pinaiyak mo na naman ba siya?"Hindi na siya pinansin ni Denver. Kahit gusto kong yakapin ang kaibigan ko at magsumbong sa kanya, hindi ko na magawa.Sa kabilang banda ay muli akong tinangay ng pagmamadali ni Denver. May natanggap
Nakinig lang ako sa kanila at dahan-dahan kong inabot ang cake. Nanginginig ang kamay ko habang dinadama ang lamig na nanggagaling sa cake.Gusto ko sanang tikman kahit isang kagat lang. Kahit isang subo lang ng pagmamahal ni Lola. Ngunit sa halip na tamis ay isang matinding hapdi ang bumalot sa dibdib ko. Walang nakakarinig sa sigaw ng kaluluwa kong nagdurusa.Diyos ko… bakit ako?Bakit ako pa ang namatay?Hindi ko matanggap.Bakit ang mga mabubuting tao pa ang nawawala kaagad sa mundo? Samantalang ang masasama ay nabubuhay nang matagal?Sa kabilang banda ay hindi pa rin makatulog si Lola.Paulit-ulit siyang nagpapalit ng posisyon sa kama at niyayakap ang antigong aklat na animo ay ito ang tanging nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.Paano na tayo ngayon, Lola?Katulad noong bata pa ako ay niyayakap ako ni Lola nang mahigpit at buong init. Gusto kong mabuhay ulit para matupad ang lahat ng kanyang mga dasal para sa akin at para maramdaman kong muli ang init ng yakap niya.Pero kahit ano
Matagal bago siya muling nakapagsalita."Sana ay sumaya ka," mahina niyang saad bago tumalikod at lumayo na para bang hindi natuwa sa pagtanggi ko ng tulong niya.Lumipad siya patungong ibang bansa nang mismong araw na iyon.Kahit ganoon pa man ay pinadalhan ko pa rin siya ng imbitasyon at isang maliit na regalo. Pero hindi siya dumating sa araw ng kasal namin ni Denver.Halos hindi ko na maalala ang huling beses na nagkaroon kami ng matinong pag-uusap. Kaya ngayong nawala ako ay bakit siya pa ang naghanap sa akin?Ni ang sarili kong pamilya ay walang pakialam kung nasaan man ako. Pero si Vicento ay nag-abala pa para hanapin ako. At kung tama ang hinala ko ay hindi siya naparito para batiin si Lola sa kaarawan niya. Nandito siya para tiyakin kung darating ako.Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit?Unti-unting natahimik ang buong paligid. Nagsimula nang ihain ng mga katulong ang isang napakalaking cake na may higit sa sampu ang layers.Lahat ay nagsiksikan sa paligid ni Lola at binab
Hindi nasiyahan si Mama sa sinabing iyon ni Lola. Bahagya siyang yumuko at binabaan ang boses saka muling nagsalita. "Napakaraming bisita ang nandito ngayon, Mama. Hindi natin pwede silang balewalain dahil lang sa wala si Ria rito. Besides, mukhang made-delay rin ang pagdating niya ngayon dahil sa panahon. Magtabi na lang tayo ng piraso ng cake para sa kanya.""Baka naman hindi talaga balak umuwi ni Ria, Lola," dagdag pa ni Kuya Mark.Isa-isa nang nagsalita ang mga tao sa paligid. Pilit na hinihikayat si Lola na hiwain na ang cake at ituloy ang kasiyahan. Pero tila walang nakapansin na ang liwanag sa kanyang mga mata ay unti-unting nawawala."Nangako sa akin ang batang iyon na uuwi siya sa tamang oras. Hindi pa siya sumusuway sa usapan kahit kailan," malungkot na saad ni Lola at may halong pag-aalala iyon. "May nangyari siguro sa kanya. Hindi na siya makontak sa numero niya. May nagpunta na ba sa Caragosa City para hanapin siya?"Nagpalitan ng tingin sina Mama at Papa. Halatang mga gu
Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila.""Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?""Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo...""At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A
Sa loob ng isang kahon na gawa sa kahoy ay nakita niya ang isang rosaryo at isang greeting card na isinulat ko para kay Lola. Oo nga pala, naalala ko na ang package na iyan.Napaluha si Lola habang tinititigan ang hawak niyang rosaryo.Isa iyong espesyal na rosaryo na nakuha ko pa sa pinakakilalang templo. Isang bagay na pinaghandaan ko at nilaanan ng oras at pagod para mapanatili ang kanyang kalusugan at kapayapaan. Bago pa ang araw ng kasal ko ay pinadala ko na ito sa isang kaibigan upang tiyaking darating ito sa tamang araw— ngayon mismo iyon, sa kanyang kaarawan.Hinaplos ni Lola ang greeting card at pinisil ang rosaryo saka muling tumulo ang kanyang mga luha."Napakabait talaga ni Miss Ria," sambit ni Aling Sita habang pinapakalma si Lola. "Ang rosaryo na ito ay mula pa sa Templo ng Simalan. Hindi ito basta-basta nabibili ng pera. Ang mga taimtim lang na dumadalangin mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok habang nakayuko at nakaluhod ng tatlong beses sa bawat hakbang ang si
Kinuha ni Monica ang isang antigong aklat na nabili nila sa auction mula sa kanyang bag. Ang pabalat ng aklat ay tila gawa sa kakaibang materyal, makinis at parang balat ng tao."Kuya DJ, pakibigay na lang ito kay lola. Alam kong galit siya sa akin, pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng regalo. Hindi niya man tanggapin ay gusto ko lang iparating sa kanya na mahal ko siya." Itinaas niya ang libro at iniabot kay Denver. "Isa itong scripture at binasbasan na ito. Sigurado akong makakatulong ito kay Lola para sa kaligtasan at kapayapaan niya."Tinitigan ni Denver ang aklat bago iyon marahang kinuha. Parang may pag-aalangan sa kanyang mga mata. Nang mahawakan niya iyon ay dumapo ang daliri niya sa makinis na pabalat.Napapitlag siya. Masyado iyong makinis parang balat nga isang babae. Saglit siyang natigilan. Kita ko sa hitsura niya na nag-aalangan siyang tanggapin ang aklat na iyon. Pero maya-maya ay ngumiti siya kay Monica."Kuya DJ," muling sambit ni Monica na hinahabol ang atensyon nit
Habang lahat ay abala sa pagkagulat na hindi pa ako bumabalik sa mga De Leon o dito sa bahay ni Lola ay bigla na lang humagulgol si Monica."Lola, simula nang bumalik ako ay hindi mo na ako nagustuhan. Iniisip mong inaagaw ko ang atensyon na dapat ay kay Ate Ria. Kahit anong gawin ko, sa paningin mo ay lahat may halong pagkasuklam. Alam kong nagkulang ako sa kanya, alam kong nagkulang ako sa pamilya natin pero sana hindi na siguro ako dapat pang bumalik. Isa akong masamang apo…"Biglang tumakbo si Monica at mababangga siya sa dingding."Nica!" sigaw ni Kuya Mark na kapapasok pa lang. Mabilis niyang sinugod si Monica pero huli na dahil bago pa niya maabot si Monica ay nabangga na nga ni Monica ang dingding.Nagkagulo na ang lahat."Nica! Anak, ayos ka lang ba?""Ano bang iniisip mo at bakit mo ginawa iyon!"Nag-uunahan ang mga kamay na inalalayan siya habang ako naman ay nakamasid pa rin sa kanila at nakita kung paano biglang lumambot ang tingin ng lahat kay Monica. Ngayon ay si Lola n
Namutla si Denver dahil sa pagkagulat. Ilang segundo rin siyang natigilan pero kaagad din niyang ibinalik ang ngiti sa mukha. "Lola, alam ko pong nagkamali ako. Kung gusto niyo akong saktan o parusahan ay tatanggapin ko po.”Bago pa siya muling makapagsalita ay isang boses ang umalingawngaw sa pasilyo."Ano pong ginagawa ninyo, mama? Bumisita ang manugang niyo nang may mabuting intensyon, pero sinasaktan niyo siya?" Ang boses ni Mama.Nang makita ni Lola si Mama ay kaagad niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Denver at umayos ng upo. Tinulungan naman siya ng kasambahay."Wala akong manugang na traydor." Nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha pero hindi iyon dahilan para hindi niya duruin si Denver saka madiing nagsalita. "Pinagsisihan ko ang araw na pinayagan kong tulungan ng pamilya namin ang mga Victorillo! Noong may problema sila sa pera ay tayo ang nilapitan nila. Pinakiusapan ako ng apo ko kaya nakiusap ako sa asawa ko. Ginawa namin iyon dahil mahal namin si Ria. Pero
Nakatayo ako sa may terrace at pinagmamasdan pa rin ang ulan. Iniunat ko ang kamay ko at hinayaang dumaan sa palad ko ang maliliit na tubig. Napangisi ako, puno iyon ng panunuya.Huli na ang lahat para magsisi ka at iwasto ang lahat ng pagkakamali mo. Paano mo hihingin ang kapatawaran sa isang taong matagal nang patay?Tinanggap ko na ang sarili ko ngayon. Hindi ako makaalis at hindi rin ako makababalik. Kaya ang tanging magagawa ko na lang ay panoorin kung paano ka papanain ng karma.Pagkaalis ni Tito Danilo ay kita ko sa kilos ni Denver ang pagkabalisa. Ang pagbabalik ni Vicento sa Pilipinas ay parang matalim na patalim na nakasaksak sa kanyang lalamunan.Paulit-ulit niyang tinatawagan ang numero ko. Pero sa bawat tawag ay isang malamig na boses ng babae ang pumapatay ng linya.Nagngitngit siya sa inis at ni hindi maikubli ang pagkapoot sa kanyang mukha. Sa madilim na gabi ay narinig ko ang bulong niya— malamig at puno ng panunuya. "Ria, hanggang kailan mo balak magdrama?"Hanggang