"Ria!"Nagising si Denver mula sa isang bangungot, humihingal, habang mahigpit na nakahawak sa kanyang dibdib. Halatang masama ang panaginip niya at pinagpapawisan nang husto ang kanyang noo. Napansin kong hindi na normal ang paghinga niya na para bang nahihirapan siyang huminga.Kaagad niyang kinapa ang cellphone sa may bedside table at mabilis akong tinawagan. Pero gaya ng dati ay hindi niya pa rin ako makontak.Binuksan niya ang aming conversation at ang huling mensahe namin ay ang pananakot niya sa akin. Doon lang yata niya napagtanto na baka hindi lang ito simpleng tampo. Hindi pa kailanman nangyari na hindi ako nagparamdam nang higit sa tatlong araw."Ang laking problema ng mga babae," naibulong niya sa sarili.Kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan si Kevin. "Pumunta ka sa jewelry store bukas ng umaga bago ang flight ko. Bilhin mo ang pinakamahal na kwintas at bumili ka na rin ng isang bouquet ng dilaw na rosas."Alam niya ang kahulugan ng dilaw na rosas— isang simbolo ng
Suot ko noon ang isang simpleng puting bestida at habang kinakabahan siya ay marahan kong inayos ang pagkakatali ng kanyang bow tie."Denver in a suit? Grabe, parang gusto kitang itago para walang ibang makakita," natatawa kong sabi noon habang hinahaplos ang kanyang dibdib.Sa sobrang tuwa ko ay naglakas-loob akong tumayo sa dulo ng aking mga paa at marahang hinalikan siya sa labi.Labing-walong taon pa lang kami noon. Ang pag-ibig namin ay parang simoy ng hangin— magaan, payapa, at puno ng pangarap.Napatingin ako sa Denver ngayon. Tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin— wala na ang dati niyang inosenteng mukha. Sa halip ay ang repleksyong bumungad sa kanya ay isang taong matanda na sa sakit at pagsisisi.Hindi na kailanman maibabalik ang nakaraan."Tara na sa airport.""Maaga pa po, sir. Gusto po ba ninyong kumain muna ng agahan? Sinabi po ni Ma'am Ria noon na hindi ninyo dapat pinapaliban ang pagkain lalo na ay may sakit kayo sa tiyan." Napahinto si Denver sa pagbukas ng pin
Kinagabihan ay nilagnat ako nang mataas. Nang malaman ito ng pamilya ko ay iniwan nila ako sa bahay. Walang kahit isang kasambahay ang naiwan. Walang sinuman ang tumingin kung buhay pa ba ako.Oo at may nagdadala ng pagkain para sa akin sa araw-araw—pero paano nila malalaman kung wala akong lakas para bumangon at kainin iyon kung hindi naman sila mismo ang nag-aalaga sa akin?Isang buong araw at gabi akong nakahandusay sa kama— nag-aagaw buhay. Sa ikatlong araw, salamat sa sarili kong resistensya ay unti-unti akong gumaling. Sa wakas ay kaya ko nang bumangon. Pinilit kong kunin ang cellphone ko—tumawag ako sa pamilya ko para sabihing okay na ako.Pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla akong napadpad sa social media na post ni Monica.[Thank you, my family.]Sa ibaba, nakita ko ang mga ngiti ng mga magulang ko at ni Kuya Mark— ang parehong pamilya na nang-iwan sa akin habang naghihingalo ako sa kama. At bago ko pa maisara ang cellphone ko bigla iyong tumunog.Si Monica.Sinagot k
Namumutla ang mukha ni Monica habang umiiyak siya sa hospital bed. May pagsisisi sa kanyang mga mata pero alam kong palabas lang ang lahat ng ito.Ilang beses na niyang ginamit ang dramang ito para makuha ang awa ng pamilya namin. Hindi na nga ako nagugulat— pero masakit pa rin makita kung paanong lalo lang nilang kinakampihan si Monica sa bawat palabas na ginagawa niya.Hinawakan niya ang manggas ng damit ni Denver at tiningnan ito na parang isang kaawa-awang bata."Kuya, hindi mo ba susunduin si Ate Ria ngayon?" mahina ang boses niya na parang naghihingalo. "Dali na, ayos lang ako rito. Kapag nakarating ka na sa Caragosa City, pakisabi kay Ate Ria na nag-sorry ako. Alam kong nasaktan ko siya. Kaya aalis na lang ako, Kuya DJ. Pupunta ako sa ibang bansa kapag nakabalik na siya at hindi na ako magpapakita pa sa kanya."Napakunot ang noo ni Denver. "Paano ka aalis sa ganitong kalagayan? Ang hina-hina mo pa.""Tama ka riyan, Denver! At saka huwag mo nang isipin ang walang kwentang babaen
Kinabukasan ay dumating ang buong pamilya namin para sunduin si Monica palabas ng ospital. Sa unang tingin ko pa lang sa kanila ay alam ko nang halos hindi sila nakatulog nang maayos. Malalim ang eyebags ni Mama at mukhang mas lalo lang tumanda si Papa sa pag-aalala."Mama, Papa, hindi po ba kayo nakatulog nang maayos?" tanong ni Denver habang tinutulungan si Monica na tumayo.Napabuntonghininga si Mama saka marahang pinisil ang sentido niya. "Kasalanan ni Ria ang lahat ng ito, eh! Napakaraming gulo ang idinulot niya nitong mga nakaraang araw. Lagi tuloy akong binabangungot."Nagulat si Papa at napatingin kay Mama. "Ikaw rin? Nanaginip ka rin tungkol kay Ria?"Napahinto ako. Maging si Monica ay tila natigilan din."Oo. Noong una ay nagpapanggap lang siyang patay, pero kagabi… napanaginipan kong patay na talaga siya."Hindi pa ba nila naiitindihan ang nangyayari? Bakit ayaw pa rin nilang kumilos kung lahat naman sila ay nanaginip na patay na ako?Biglang nagsalita si Monica, mahina at
Nagsimula nang magtaasan ng mga presyo ang mga mayayamamang naroroon. Mukhang marami ang may gustong makuha ang bracelet.Sa harapan ay may isang magandang babaeng nakasuot ng fitted red dress ang may hawak ng tray. Nang marahang alisin niya ang itim na tela na nakatakip sa bracelet ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba.Parang hinihigop ako ng isang malakas na puwersa. Biglang dumilim ang paningin ko. Ang huling narinig ko ay ang mga sigawan ng mga taong nag-aagawan sa pagtaas ng presyo.At nang dumilat ako ay nagbago bigla ang mga nasa harapan ko. Wala na ako sa tabi ni Denver at nakikita ko na sila sa harapan.Sa harapan ko ay nakatayo pa rin ang babaeng may suot ng red dress. Napansin kong nasa tray pa rin siya, hindi... nasa tray ako?At doon ko naunawaan ang nangyayari...Ang kaluluwa ko ay nasa loob ng bracelet!Para akong binuhusan nang malamig na tubig.Anong nangyayari?May biglang pumasok na ideya sa isip ko— posible bang nandito ang abo ko sa beads ng bracelet? Napanganga a
Patuloy ang papatak ng maliliit na ulan sa labas ng bintana. Pero hindi iyon pinansin ni Denver. Tahimik lang siyang nakatingin sa kawalan. Halatang may bumabagabag sa kanyang isipan.Ilang beses niyang kinuha ang cellphone niya, tinitigan iyon pero sa huli ay isinasara lang nang walang ginagawa. Parang may hinihintay siya. O baka may kinatatakutan?Nang makarating ang sasakyan sa bahay na binili niya para sa amin ay saka niya lang napansin ang mga bukas na ilaw sa loob. Napabuntonghininga siya at unti-unting lumuwag ang kanyang tensyonadong katawan.Pagkaparada ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba. Hindi makapaghintay na makapasok. Pero bago makarating sa pinto ay saglit siyang tumigil at inayos ang sarili. Pinagpag ang coat niya, hinaltak ang kwelyo at hinilot ang sintido. At nang tuluyan niyang buksan ang pinto, bumalik ang dati niyang malamig at walang-emosyong ekspresyon.Habang nagtatanggal siya ng sapatos ay tinawag niya ang pangalan ko."Ria, sa wakas bumalik ka rin matapos mon
Nakatayo ako sa may terrace at pinagmamasdan pa rin ang ulan. Iniunat ko ang kamay ko at hinayaang dumaan sa palad ko ang maliliit na tubig. Napangisi ako, puno iyon ng panunuya.Huli na ang lahat para magsisi ka at iwasto ang lahat ng pagkakamali mo. Paano mo hihingin ang kapatawaran sa isang taong matagal nang patay?Tinanggap ko na ang sarili ko ngayon. Hindi ako makaalis at hindi rin ako makababalik. Kaya ang tanging magagawa ko na lang ay panoorin kung paano ka papanain ng karma.Pagkaalis ni Tito Danilo ay kita ko sa kilos ni Denver ang pagkabalisa. Ang pagbabalik ni Vicento sa Pilipinas ay parang matalim na patalim na nakasaksak sa kanyang lalamunan.Paulit-ulit niyang tinatawagan ang numero ko. Pero sa bawat tawag ay isang malamig na boses ng babae ang pumapatay ng linya.Nagngitngit siya sa inis at ni hindi maikubli ang pagkapoot sa kanyang mukha. Sa madilim na gabi ay narinig ko ang bulong niya— malamig at puno ng panunuya. "Ria, hanggang kailan mo balak magdrama?"Hanggang
Wala na roon ang dati niyang lambing. Ang natira na lang ay kalamigan. Nakikita na ba ni Denver ang tunay na pagkatao ng babaeng nasa harapan niya?Narinig kong sinabi niya sa malamig na tono. "Nica, nagsinungaling ka ba sa akin? Magsabi ka ng totoo."Dahan-dahang itinaas ni Nica ang kanyang ulo, hinanap ang mga mata ni Denver. Ngunit sa halip na dating mainit at mapag-arugang titig, ang bumungad sa kanya ay malamig at walang emosyon.Mariin niyang kinagat ang kanyang labi, ang boses niya ay halos isang bulong. "Hindi, Kuya..."Lumapit pa nang bahagya si Denver. "Nica, matagal na tayong magkasama. Ayokong niloloko mo ako, naiintindihan mo?"Kaagad na umiling si Nica, kunwari ay desperadang kumbinsihin si Denver. "Kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan, kuya, maaari akong manumpa sa Diyos. Kung may kinalaman ako sa pagkawala ni Ate Ria, sana…"Bago pa niya matapos ang pangungusap, mabilis na tinakpan ni Denver ang kanyang bibig."Huwag kang magsabi ng ganiyang sumpa," mahina ngunit matiga
Pagkarinig ng mga salitang iyon ay namutla ang lahat ng nasa silid.Nakaupo lang ako sa gilid habang tahimik na pinapanood ang bawat reaksyon nila— parang isang recorder na nagtatala ng bawat sandali ng kanilang pagkabigla.Matagal na akong patay sa paningin nila.Kung gusto lang nila ay madali namang malaman ang totoo— isang tawag lang sa airport, isang simpleng pag-iimbestiga at malilinawan na ang lahat. Pero kahit isa sa kanila ay wala ni isang nag-abalang alamin kung totoong nakarating nga ako sa Caragosa City.Pamilya ko sila. Asawa ko si Denver. Pero hindi man lang nila nalaman na hindi pala ako umalis. Pinabayaang mawala ako sa mundo na parang wala lang. Napakalaking biro nito.Nakita kong namutla si Denver. Dahan-dahang bumaba ang mga kamay niya mula sa sentido at doon ko napansin ang panginginig ng kanyang mga daliri. Malamang, kasalukuyan niyang iniisa-isa ang mga pangyayari sa isip niya— ang video, ang sinasabing “Miss De Leon” na umuupa sa bahay, ang mga saksi…At sa huli,
"Ria… minahal kita. Bakit mo ako niloko?"Pumikit ako. Hindi ko na matiis marinig ang boses niya."Kuya DJ, huwag ka nang malungkot… si ate kasi—""Tama na!" putol niya sa sasabihin ni Nica. "Huwag mo siyang ipagtanggol! Malandi talaga siya. Pinaikot lang niya ako. Kasalanan ko rin— bakit ako nabulag at hindi ko kaagad nakita ang totoo niyang pagkatao!"Ay, napagod na akong magreklamo. Sige, magalit ka. Pagsisihan mo. Tingnan natin kung gaano kasakit ang sampal ng katotohanan kapag nalaman mo ang totoo.Umalis siyang galit na galit at isinama si Nica pabalik sa siyudad. At doon, sa social media, nagtrending ang video. Ang babaeng sumasayaw na mukhang ako.Naging mainit ang usapan. Kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Pero anong magagawa nila? Patay na ako. Wala na akong pakialam. Nang malaman ng pamilya ko ang tungkol sa iskandalo ay lalo silang nagalit."Matagal ko nang sinasabi! Walang kwenta ang batang iyon!" Galit na galit si Mama. Tumayo siya at pinukpok ang mesa
Sa araw ding iyon ay sumakay sila ng eroplano. Kailangang bumiyahe sila ng mahigit sampung oras sakay ng kotse para marating ang Caragosa City— ang lugar kung saan ko raw itinago ang sarili ko.Pero dahil mas pinili niyang maniwala kay Nica ay hindi niya man lang naisipang paimbestigahan kung sumakay nga ba talaga ako ng eroplano. Kaya heto kami ngayon, naglalakbay sa mahabang daan, tumatawid sa mga kabundukan at malalayong bayan.Nakaupo ako sa passenger's seat habang nakapatong ang isang paa sa isa at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.Napakaganda.Ang ganda ng mga bundok, ng papalubog na araw, ng mga anino sa malalayong lambak.Naisip ko, kung buhay pa ako, hindi ko siguro ito mapapansin.Siguro, mas pipiliin ko pang tumitig sa cellphone ko, magbasa ng mga mensaheng hindi ko naman kailangang basahin, o kaya ay mag-isip ng paraan para mapansin ako ni Denver. Pero ngayon, wala na akong kailangang gawin kung hindi panoorin ang mundong dati ay hindi ko pinapansin.Nang magdilim ang pa
Nagising si Denver kinahapunan at kahit hindi ko man siya maramdaman ay alam kong mabigat ang ulo niya dahil sa kalasingan mula kagabi.Nakita ko kung paano siya gumalaw— marahan, para bang binabangungot pa rin ng mga alaala ko. Bago pa niya tuluyang idilat ang kanyang mga mata ay iniunat niya ang kamay saka marahang hinaplos ang makinis na likod ng babaeng nakayakap sa kanya.At mula sa kanyang bibig ay narinig ko ang pangalan ko."Ria…"Puno ng hinanakit.Pero nang tuluyan niyang imulat ang kanyang mga mata ay para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Halos mapatalon siya sa gulat dahil hindi ako ang babaeng katabi niya.Mabilis niyang itinulak si Nica palayo na para bang hindi makapaniwala.At ako?Nakaupo lang sa tabi habang pinagmamasdan ang lahat na walang galit at walang sakit— wala na lang talaga."B-Bakit? A-Anong ginagawa mo rito?"Nang makita ko ang reaksyon ni Denver ay napangiti na lang ako— hindi sa saya, kung hindi sa pagkadismaya.Naupo ako sa taas ng mesa at maraha
Nakinig lang ako sa kanila at dahan-dahan kong inabot ang cake. Nanginginig ang kamay ko habang dinadama ang lamig na nanggagaling sa cake.Gusto ko sanang tikman kahit isang kagat lang. Kahit isang subo lang ng pagmamahal ni Lola. Ngunit sa halip na tamis ay isang matinding hapdi ang bumalot sa dibdib ko. Walang nakakarinig sa sigaw ng kaluluwa kong nagdurusa.Diyos ko… bakit ako?Bakit ako pa ang namatay?Hindi ko matanggap.Bakit ang mga mabubuting tao pa ang nawawala kaagad sa mundo? Samantalang ang masasama ay nabubuhay nang matagal?Sa kabilang banda ay hindi pa rin makatulog si Lola.Paulit-ulit siyang nagpapalit ng posisyon sa kama at niyayakap ang antigong aklat na animo ay ito ang tanging nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.Paano na tayo ngayon, Lola?Katulad noong bata pa ako ay niyayakap ako ni Lola nang mahigpit at buong init. Gusto kong mabuhay ulit para matupad ang lahat ng kanyang mga dasal para sa akin at para maramdaman kong muli ang init ng yakap niya.Pero kahit ano
Matagal bago siya muling nakapagsalita."Sana ay sumaya ka," mahina niyang saad bago tumalikod at lumayo na para bang hindi natuwa sa pagtanggi ko ng tulong niya.Lumipad siya patungong ibang bansa nang mismong araw na iyon.Kahit ganoon pa man ay pinadalhan ko pa rin siya ng imbitasyon at isang maliit na regalo. Pero hindi siya dumating sa araw ng kasal namin ni Denver.Halos hindi ko na maalala ang huling beses na nagkaroon kami ng matinong pag-uusap. Kaya ngayong nawala ako ay bakit siya pa ang naghanap sa akin?Ni ang sarili kong pamilya ay walang pakialam kung nasaan man ako. Pero si Vicento ay nag-abala pa para hanapin ako. At kung tama ang hinala ko ay hindi siya naparito para batiin si Lola sa kaarawan niya. Nandito siya para tiyakin kung darating ako.Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit?Unti-unting natahimik ang buong paligid. Nagsimula nang ihain ng mga katulong ang isang napakalaking cake na may higit sa sampu ang layers.Lahat ay nagsiksikan sa paligid ni Lola at binab
Hindi nasiyahan si Mama sa sinabing iyon ni Lola. Bahagya siyang yumuko at binabaan ang boses saka muling nagsalita. "Napakaraming bisita ang nandito ngayon, Mama. Hindi natin pwede silang balewalain dahil lang sa wala si Ria rito. Besides, mukhang made-delay rin ang pagdating niya ngayon dahil sa panahon. Magtabi na lang tayo ng piraso ng cake para sa kanya.""Baka naman hindi talaga balak umuwi ni Ria, Lola," dagdag pa ni Kuya Mark.Isa-isa nang nagsalita ang mga tao sa paligid. Pilit na hinihikayat si Lola na hiwain na ang cake at ituloy ang kasiyahan. Pero tila walang nakapansin na ang liwanag sa kanyang mga mata ay unti-unting nawawala."Nangako sa akin ang batang iyon na uuwi siya sa tamang oras. Hindi pa siya sumusuway sa usapan kahit kailan," malungkot na saad ni Lola at may halong pag-aalala iyon. "May nangyari siguro sa kanya. Hindi na siya makontak sa numero niya. May nagpunta na ba sa Caragosa City para hanapin siya?"Nagpalitan ng tingin sina Mama at Papa. Halatang mga gu
Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila.""Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?""Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo...""At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A