Nakatayo ako sa tabi ng bato habang nakatitig sa bangkay na nasa harapan ko. Walang bahid ng pagkabulok o anumang bakas ng pagkamatay. Maputla ang kanyang mukha, parang may matindi siyang karamdaman. Kung hindi lang dahil sa hindi na ito humihinga, maiisip kong mahimbing lang itong natutulog.Noong una ay bahagya akong nabuhayan ng pag-asa— hindi ko pa kasi nakikita mismo ang katawan ko. Naisip ko paano kung buhay pa ako? Paano kung malubha lang akong nasugatan o nasa coma?Kung natagpuan sana ako ni Denver kaagad, baka may pag-asa pa akong mabuhay. Ngunit nang makita ko na mismo ang bangkay ko— itong nasa harapan ko, doon ko tuluyang natanggap ang katotohanan na patay na nga talaga ako.Umupo ako sa tabi ng katawan ko. Nakayuko habang tinititigan ang sarili kong mga kamay. Saan na mapupunta ang kaluluwa ko ngayon? Habang buhay na lang ba akong nasa ganitong anyo?Wala akong panlasa, wala rin akong pang-amoy, at kahit anong pilit kong umiyak, ni isang patak ng luha ay hindi tumutulo.
Biglang sumugod si Monica at yumakap kay Denver. "Lolo, kasalanan ko po ito! Ako ang dapat parusahan at hindi si kuya. Ako ang tumawag sa kanya!"Hindi boto si Lolo Arnulfo kay Tita Aurora kaya hindi niya rin kailanman magugustuhan si Monica.Nanlabo ang paningin ko. Kahit sa gitna ng sakit at hirap, mas inuna pa rin ni Denver ang protektahan si Monica. Hinarang niya ang sarili para hindi matamaan ng latigo si Monica. Nagpatuloy ang latigo sa katawan ni Denver."No, please! Itigil na ninyo!" sigaw ni Monica pero tila hindi natinag ang matanda.Hanggang sa may pumalakpak sa likuran.Lahat kami ay napalingon kay Vicento na ipinasok ng kanyang assistant sa loob gamit ang kanyang wheelchair. Mbabakas ang pangungutya sa kanyang mukha."Ang ganda naman ng tanawin," ani Vicento sa nang-uuyam na tinig. "Si Denver na halos ipaglaban ng patayan ang isang babae. Hindi mo iisipin na kapatid niya ito, aakalain mong asawa niya."Kita ko ang paglaki ng mga mata ni Denver. Kahit ako ay hindi ko inasa
Hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan. "Mukhang ang laki ng pinagbago mo sa abroad," saad ni Lolo Arnulfo kay Vicento habang naglalakad sila papunta sa kung saan ay hindi ko alam. "Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito.""Ganoon na nga." Kahit sa ama niya ay malamig pa rin siyang magsalita.Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang mga taong naiwan sa likod. Si Tita Tita Aurora ay abala sa pagtulong kay Monica, sinusuri kung may natamong sugat. Samantalang si Denver ay nanatiling nakayuko at hindi maipinta ang mukha.Marahang lumapit si Tito Danilo kay Denver at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Napakalakas ng paghampas sa iyo, anak," aniya habang inaalalayan ito. "Galeno, tawagan mo kaagad si Doctor Sagun!""Opo, sir."Tahimik na inilapat ni Denver ang gamot sa kanyang sugat at saka humiga sa kama. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa gilid at hindi mapakali.Pakiramdam ko ay gusto na talaga nilang kitilin ang buhay ko. Para bang sinadya nilang burahin ako sa mundo
"Ria!"Nagising si Denver mula sa isang bangungot, humihingal, habang mahigpit na nakahawak sa kanyang dibdib. Halatang masama ang panaginip niya at pinagpapawisan nang husto ang kanyang noo. Napansin kong hindi na normal ang paghinga niya na para bang nahihirapan siyang huminga.Kaagad niyang kinapa ang cellphone sa may bedside table at mabilis akong tinawagan. Pero gaya ng dati ay hindi niya pa rin ako makontak.Binuksan niya ang aming conversation at ang huling mensahe namin ay ang pananakot niya sa akin. Doon lang yata niya napagtanto na baka hindi lang ito simpleng tampo. Hindi pa kailanman nangyari na hindi ako nagparamdam nang higit sa tatlong araw."Ang laking problema ng mga babae," naibulong niya sa sarili.Kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan si Kevin. "Pumunta ka sa jewelry store bukas ng umaga bago ang flight ko. Bilhin mo ang pinakamahal na kwintas at bumili ka na rin ng isang bouquet ng dilaw na rosas."Alam niya ang kahulugan ng dilaw na rosas— isang simbolo ng
Suot ko noon ang isang simpleng puting bestida at habang kinakabahan siya ay marahan kong inayos ang pagkakatali ng kanyang bow tie."Denver in a suit? Grabe, parang gusto kitang itago para walang ibang makakita," natatawa kong sabi noon habang hinahaplos ang kanyang dibdib.Sa sobrang tuwa ko ay naglakas-loob akong tumayo sa dulo ng aking mga paa at marahang hinalikan siya sa labi.Labing-walong taon pa lang kami noon. Ang pag-ibig namin ay parang simoy ng hangin— magaan, payapa, at puno ng pangarap.Napatingin ako sa Denver ngayon. Tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin— wala na ang dati niyang inosenteng mukha. Sa halip ay ang repleksyong bumungad sa kanya ay isang taong matanda na sa sakit at pagsisisi.Hindi na kailanman maibabalik ang nakaraan."Tara na sa airport.""Maaga pa po, sir. Gusto po ba ninyong kumain muna ng agahan? Sinabi po ni Ma'am Ria noon na hindi ninyo dapat pinapaliban ang pagkain lalo na ay may sakit kayo sa tiyan." Napahinto si Denver sa pagbukas ng pin
Kinagabihan ay nilagnat ako nang mataas. Nang malaman ito ng pamilya ko ay iniwan nila ako sa bahay. Walang kahit isang kasambahay ang naiwan. Walang sinuman ang tumingin kung buhay pa ba ako.Oo at may nagdadala ng pagkain para sa akin sa araw-araw—pero paano nila malalaman kung wala akong lakas para bumangon at kainin iyon kung hindi naman sila mismo ang nag-aalaga sa akin?Isang buong araw at gabi akong nakahandusay sa kama— nag-aagaw buhay. Sa ikatlong araw, salamat sa sarili kong resistensya ay unti-unti akong gumaling. Sa wakas ay kaya ko nang bumangon. Pinilit kong kunin ang cellphone ko—tumawag ako sa pamilya ko para sabihing okay na ako.Pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla akong napadpad sa social media na post ni Monica.[Thank you, my family.]Sa ibaba, nakita ko ang mga ngiti ng mga magulang ko at ni Kuya Mark— ang parehong pamilya na nang-iwan sa akin habang naghihingalo ako sa kama. At bago ko pa maisara ang cellphone ko bigla iyong tumunog.Si Monica.Sinagot k
Namumutla ang mukha ni Monica habang umiiyak siya sa hospital bed. May pagsisisi sa kanyang mga mata pero alam kong palabas lang ang lahat ng ito.Ilang beses na niyang ginamit ang dramang ito para makuha ang awa ng pamilya namin. Hindi na nga ako nagugulat— pero masakit pa rin makita kung paanong lalo lang nilang kinakampihan si Monica sa bawat palabas na ginagawa niya.Hinawakan niya ang manggas ng damit ni Denver at tiningnan ito na parang isang kaawa-awang bata."Kuya, hindi mo ba susunduin si Ate Ria ngayon?" mahina ang boses niya na parang naghihingalo. "Dali na, ayos lang ako rito. Kapag nakarating ka na sa Caragosa City, pakisabi kay Ate Ria na nag-sorry ako. Alam kong nasaktan ko siya. Kaya aalis na lang ako, Kuya DJ. Pupunta ako sa ibang bansa kapag nakabalik na siya at hindi na ako magpapakita pa sa kanya."Napakunot ang noo ni Denver. "Paano ka aalis sa ganitong kalagayan? Ang hina-hina mo pa.""Tama ka riyan, Denver! At saka huwag mo nang isipin ang walang kwentang babaen
Kinabukasan ay dumating ang buong pamilya namin para sunduin si Monica palabas ng ospital. Sa unang tingin ko pa lang sa kanila ay alam ko nang halos hindi sila nakatulog nang maayos. Malalim ang eyebags ni Mama at mukhang mas lalo lang tumanda si Papa sa pag-aalala."Mama, Papa, hindi po ba kayo nakatulog nang maayos?" tanong ni Denver habang tinutulungan si Monica na tumayo.Napabuntonghininga si Mama saka marahang pinisil ang sentido niya. "Kasalanan ni Ria ang lahat ng ito, eh! Napakaraming gulo ang idinulot niya nitong mga nakaraang araw. Lagi tuloy akong binabangungot."Nagulat si Papa at napatingin kay Mama. "Ikaw rin? Nanaginip ka rin tungkol kay Ria?"Napahinto ako. Maging si Monica ay tila natigilan din."Oo. Noong una ay nagpapanggap lang siyang patay, pero kagabi… napanaginipan kong patay na talaga siya."Hindi pa ba nila naiitindihan ang nangyayari? Bakit ayaw pa rin nilang kumilos kung lahat naman sila ay nanaginip na patay na ako?Biglang nagsalita si Monica, mahina at
Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab
Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"
Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a
Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n
Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako
Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila
Tuluyang nasira ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Kaagad na nagbago ang expression sa mukha ni Denver— mula sa pagnanasa patungo sa malamig na pagkahinahon.Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Nica. Nakita ko na ang eksenang ito nang maraming beses, kaya naman ay hindi na ako nagulat.Sa totoo lang, masasabi kong maginoo si Denver. Ilang taon ko na siyang kasama at kahit noong nagkabalikan kami anim na buwan na ang nakalipas, isang beses lang talaga may nangyari sa amin— noong gabi ng aming pagkalasing.Gabi rin iyon nang mabuo sa sinapupunan ko ang anak namin.Pagkatapos noon, bihira na siyang makipagtalik kay Nica. Siguro, minsan lang niyang natikman ang tukso ng laman, pero sa ngayon para bang wala na siyang pakialam. Ni hindi niya ito ginagalang.Si Nica, halos hubo’t hubad habang nakaluhod sa sahig, habol ang hininga. Samantalang si Denver, maayos pa rin ang itsura— kailangan lang niyang ayusin ang sinturon at puwede na siyang umalis kahit ano mang oras.Lumapit siya sa mesa a
Sa likod ng bakal na pinto ay may isang maliit na silid ang lumantad. Walang tao sa loob, ngunit sa bawat sulok ng dingding ay puno ng mga larawan.Dahan-dahang lumapit si Denver, pinagmasdan ang mga ito nang mabuti at doon niya napagtantong siya ang bida sa lahat ng mga litrato.Kahit noon pa man ay may hinala na akong hindi malinis ang nararamdaman ni Nica kay Denver. Hindi ko inasahan na aabot ito sa ganitong nakakatakot na level.Sinuri ko ang bawat larawan. Maingat itong inayos mula noong unang beses siyang pumasok sa pamilya Victorillo kasama ang umampon sa kanya na si Aurora na madrasta naman ni Denver.Karamihan sa mga larawan ay patagong kinunan. Makikita na may halong lamig sa kanyang mga mata, lalong-lalo na kapag si Nica ang kaharap niya. Puno ng pagkamuhi ang kanyang tingin, waring isang matinding insulto para sa kanya ang presensya nito.Mahal na mahal niya ang kanyang ina, kaya hindi niya kailanman matanggap ang pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama lalo na at ang nap
Nagkasundo sina Denver at ang kanyang tiyuhin na simulan ang plano laban kay Nica.Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Vicento ay marahan akong bumulong sa kanyang tainga bago umalis. "Salamat…."Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero napagtanto kong hindi siya kasinglamig at kasingwalang-puso gaya ng sinasabi ng iba. Bago sumara ang pinto ay parang may narinig akong mahina at malungkot na buntonghininga."Ria..."Napahinto ako. Tama ba ang dinig ko?Nang subukan kong makinig pang mabuti, wala na akong narinig kung hindi katahimikan.Nalaman ni Denver na nasa bahay ng mga De Leon si Nica, kaya palihim siyang pumasok sa kwarto nito para maghanap ng anumang bakas na may kaugnayan sa akin.Mula nang aminin ni Nica ang kanyang tunay na pagkatao sa pamilya De Leon, bihira na siyang maglagi sa bahay ng pamilya Victorillo.Kapag wala si Denver dahil sa mga business trip ay umuuwi siya sa mga De Leon. Kapag bumalik naman si Denver ay babalik din siya sa pamilya Victorillo upa