All Chapters of Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss: Chapter 11 - Chapter 20

64 Chapters

Chapter 10

Chapter 10: Sibuyas, Luya, paminta at karots ang sinahog niya sa lugaw na hinanda niya paa sa Amo niyang mataas ang lagnat. Tumingin siya sa orasan sa ibabaw ng lababo, tumuro ang mahabang galamay nito sa numero 1. Kaya pala ay nag-aantok na siya dahil ilang oras na lang ang nalalabi ay titilaok na ang mga tandang na alaga ng Amo niya. Halos masarado na ang talukap ng kaniyang mga mata subalit nagsumige pa rin siya sa paglulugay ng lugaw. “Lila, bakit gising ka pa?” Lumingon siya kay Lordes at pinilit na ngumiti kahit pagod siya at naaantok na talaga. Lumapit sa kaniya ang Ginang at sinilip ang laman ng kaldero. “Nagutom ka ba, Lila? May mga pagkain pa naman sa ref. Puwede mong initin sa oven ang mga iyon. Pinagod mo pa ang sarili mo na magluto ng lugaw. Hindi ka rin mabubusog niyan.” Umiling si Lila. Tinaktak niya ang sandok at pinahina ang apoy ng kalan de kuriyente. Kumuha siya ng tubig at uminom siya upang mawala ang antok niya. “Hindi po para sa akin ang lugaw na
last updateLast Updated : 2025-01-15
Read more

Chapter 11

Chapter 11:Higit isang buwan na siya sa mansiyon. Ngayong araw niya ipapadala ang pera na kaniyang inipon mula nang siya ay nandito sa mansiyon, isasabay niya sa kalahating sahod niya na nilaan para sa gastusin ng Nanay niya at ni Etang. Nakukuha na niya ang timpla ng ugali ni Ryllander, pero hindi pa rin maalis sa Amo niya ang taglay nitong kalamigan sa kaniya at ang pagiging suplado nito. Minsan iniisip niya na lang na nag-aalaga siya ng isang bata na hindi pa sakto sa edad kaya’y kailangan niyang aralin sa bawat araw na dumarating kung paano ito mas paamuin pa.Araw ng sabado, kaya ay iilan lang na mga kasambahay ang nasa mansiyon. Nahihiya siyang humingi ng tulong sa mga kasamahan niya rito. Wala kasi sina Lordes at Topeng. Naabutan siya ng Amo niya na siya’y kanina pa palakad-lakad sa balkonahe ng mansiyon. Tumigil siya sa paglalakad at agad na inalis ang sarili sa gitna upang makadaan si Ryllander. Inaayos ng Amo niya ang butones ng longslib na suot nito. Bakas sa mukha ng l
last updateLast Updated : 2025-01-15
Read more

Chapter 12

Chapter 12:Hindi natuloy ang pagpapadala niya ng pera sa probinsiya. Buong araw siyang wala sa sarili buhat nang paulit-ulit niyang naririnig ang bawat putok ng baril kanina, nakikita niya sa kaniyang isipan ang bawat pagtilapon ng mga taong binaril ng amo niya at ang pagsabog ng sasakyan ng mga taong sa tingin niya ay katunggali ni Ryllander.Hindi rin natuloy sa pakikipagkita ang Amo niya sa kung sino mang sinabi nitong importanteng tao na kakausapin niya sa araw na ito. Tumuloy sila sa gusali ng kompanya ni Ryllander at dinala siya ng lalaki sa opisina nito. Malayo na rin kasi kung babalik sila sa mansiyon kanina, kaya’y nagdesisyon ang Amo niyang dumiretso na lang sa opisina nito.Paminsan-minsan niyang sinusulyapan ang Amo niyang para bang wala lang rito ang ginawa. Pumatay ito ng ilang tao, subalit wala man lang nakitang badha ng konsensiya sa mga mata nito. Pinalaking may takot sa Taas si Lila. Ang pangaral ng kaniyang namayapang Tatay ay dapat matuto siyang magpahalaga sa ka
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Chapter 13

Chapter 13: Ilang beses siyang huminga nang malalim, naglalayon na umayos ang boses niya. Naalala niya kasing tawagan ang Nanay niya at sabihan na hindi siya nakapagpadala dahil abala siya sa trabaho kahit na hindi naman. Tiyak na aatakihin sa puso ang Nanay niya kahit na wala itong sakit sa parteng iyon ng katawan nito kapag nalaman na hinabol sila ng mga armadong lalaki at nagkabarilan ang dalawang panig.Nang sinagot ni Etang ang kaniyang tawag ay nilayo niya saglit ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang tainga bago niya pinakawalan ang isang buntonghininga. “Ate, kumusta ka? Nag-alala si Tiya dahil hindi ka raw tumawag mula pa kanina. Tinatawagan din kita pero may pagkakataon na hindi tumutunog ang cellphone mo, at madalas ay hindi mo sinasagot ang tawag ko.”“Etang, pagpasesiyahan mo na ako dahil doon. Na-silent ko ang cellphone ko.”“A, kaya pala, Ate. Sige, kausapin mo si Tiya nang sa ganoon ay mapawi ang pag-aalala niya?” Naghintay siya ng ilang segundo. Narinig niya ang
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Chapter 14

Chapter 14: Kulang na lang ay isa-isahin na alisin ni Anthony ang kahit na maliliit na bato sa kaniyang dinaanan papasok sa restawran. Siya na nga itong nahiya sa lalaki. Para bang isa siyang maharlika kung iturin nito. Maging ang paghila ng upuan ay ang lalaki ang gumawa. Ayaw naman paawat ng lalaki sa ginagawa nito. Sa katunayan ay nagiging hindi na siya komportable. “Here are your orders, Ma'am and Sir.” Nilapag ng serbidor ang mga pagkain na inorder ng lalaki para sa kanilang dalawa. “Thank you,” pagpapasalamat ni Anthony sa serbidor.Bakas sa mukha ni Anthony na tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa kaniya. Daig pa ng lalaki ang bata na nanalo sa palaro kung bumungisingis ito. Hindi maalis ang ngiti ng lalaki na naging dahilan ng pagkapermanenteng singkit ng mga mata nito.“Alam mo ba, Adellilah? Parang dream come true itong nangyayari ngayon. Halos isang buwan na rin akong hindi makatulog nang maayos kaiisip kung paano kita makikita o matatawagan. Gusto ko na nga lang sumugo
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Chapter 15

Chapter 15:Lumiliyab ang poot sa puso niya. Hindi siya kailanman maloloko ng kahit na sino. Batid niya sa sarili niya na hindi lamang maid ang pagtingin ni Ryllander sa babaeng iyon. Ang mga mata ni Ryllander ay puno ng pagnanasa sa tuwing tumitingin ito kay Adellilah. At hindi niya iyon matatanggap. Nang makababa siya mula sa mustang na regalo ng kaniyang Daddy ay tumungo siya sa entrada ng kanilang mansiyon.“Good evening—”“Shut the fuck up! Hindi maganda ang gabi ko kaya huwag kang maingay!”“Sorry—”Sa inis niya na marinig ang boses ng isang guwardiya ay kinuha niya ang baril na nasa baiwang nito at kinalabit ng dalawang beses ang gatilyo nito. Iyon ang dahilan upang tuluyang mapaluhod ang guwardiya at dumanak ang dugo nito sa lupa. Lumingon siya sa isang guwardiya. Lumunok ito at bakas sa mga mata nito ang takot. Iyon naman ang gusto niya, ang katakutan siya ng lahat. Pero may isang tao ang hindi man lang natakot na sumagot pabalang at sumagot pabalik sa kaniya. Si Adellilah
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Chapter 16

Chapter 16:Nakamasid lang siya sa paligid, mas lumamig pa ang trato ni Ryllander sa kaniya. Ewan ba niya sa Amo niyang iyon. Nangalumbaba siya habang ang siko ay nakapatong sa riles ng veranda. Tumitig siya sa baba at nakita ang mga kasamahan niyang nasa hardin. Mabuti pa ang mga iyon, hindi madalas na pagalitan ni Ryllander. Sinubukan niyang kausapin ang Amo niya tungkol sa pagbabawal nito sa kaniya na lumabas, pero nabigo siyang makumbinsi si Ryllander na tapusin iyon. Nakaramdam siya ng pagkabagot kaya’y bumaba siya. Tumungo siya sa kinaroroonan ni Topeng at agad siyang umupo sa tabi nito. Nagbabaraha ang Mama, kasama ang dalawang drayber ni Ryllander, habang ang ibang kasambahay at helper sa bahay ay nanonood lamang ng laro nila. “Alas,” wika ni Topeng at pinatihayang ang isang baraha na hawak niya matapos na mag-draw at lumaban ang mga katunggali. “May sapi yata ang mga baraha mo, Mang Topeng! Hindi mo kami pinapapanalo ni Bentong!”“Aysus! Ang sabihin mo ay mas magaling lan
last updateLast Updated : 2025-01-20
Read more

Chapter 17

Chapter 17:Umahon siya mula sa kama ni Ryllander at agad niya itong sinimangutan. Subalit walang saysay kung tatalakan niya ito sapagkat mahimbing na itong natutulog. Inabot pa ng Amo niya ang isang unan at tinakip ito sa buong mukha nito.Tumingin siya sa kaniyang damit na nabasa dahil sa suka ng lalaki. Ilang segundo pa ang lumipas ay pinagmasdan niya ang kalat sa bawat parte ng sahig. Nanggigil siya sa Amo niya, subalit ang tanging nagawa na lamang ni Lila ay ang titigan nang masama si Ryllander habang ang mga palad ay nakayukom.Ilang oras siyang naglinis sa loob ng silid ni Ryllander, kaya naman ay para bang sasabog na siya sa inis tungo sa Amo niyang kay himbing ng tulog sa ibabaw ng kama. Naiingit siya sa lalaki na parang mantikang hindi naarawan, habang siya ay daig pa ang galunggong na nakabilad. Tiniyak niya rin na mabango na ang silid nito bago siya lumisan. Kanina ay napatitig siya sa isang baril at para bang may nagsasabi sa kaniya na barilin ang lasing na Amo, subalit
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

Chapter 18

Chapter 18:“Dad! Hindi ka ba talaga gagawa ng paraan para makuha ko ulit si Ryllander?!”“Calm down, Celine.”“How?!” bulalas niya. “Kung hindi ka gagawa ng paraan ay mabuti pang ako na lang!”“Celine, Baby? Wala ka bang tiwala sa akin?” “Daddy, paano kita pagkakatiwalaan?! Ilang linggo na ang lumipas nang sinabi ko sa iyo that I want him back! Yet you are not doing anything!” Kaniyang inirapan ang Daddy niya. “You are just so slow! Mabuti pa nga ako dahil nagawa ko siyang ipahabol sa mga tauhan ko! Sana hindi ko na lang sinabi sa iyo na ako ang nagpahabol kay Ryllander para takutin siya.”“Celine, your ex-fiance won’t get scared of that way! Alam mo naman na siya ang pinakamatalino at matapang sa organization natin! Isa siya sa mga major ranks, so don’t think of him as someone who is easy to fool and to scare!”“At least I did something, Daddy! And I won’t let him fall out of love with me!”“He already was showing that he doesn’t want you anymore, Celine!”“Daddy! Hindi puwedeng ha
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

Chapter 19

Chapter 19:Magiging masaya na sana siya sapagkat ay natapos na ang pagiging grounded niya. Pero hindi niya mahanap ang tuwa matapos sabihin ni Ryllander sa kaniya na tapos na ang kaniyang pagdurusa matapos niyang painitin ang ulo nito. Kasi naman ay makakalabas lang siya sa mansiyon kung ang Amo niya ang kasama. Katumbas pa rin iyon ng pagiging grounded, para kay Lila. Subalit ay hindi niya maaaring kontrahin ang Amo niya. Sa katunayan ay nasa loob siya ng isang mamahaling pamilihan ngayon at panay ang pagbubuntot niya sa kaniyang Amo na para bang artista sa tuwing nakikita ng mga tao. Halos magtilian na ang mga babaeng nadadaanan nila. Ang iba ay kinuhanan pa ng litrato si Ryllander.Ano ba ang mayroon kay Ryllander, bakit palagi siyang hinahabol ng titig ng mga babaeng nasa loob mall? Kung alam lamang ng mga ito kung ano ang buhay na mayroon ang lalaking kinahuhumalingan nila ay tiyak na mababaliktad ang pananaw nila tungkol dito. Wala namang kanais-nais sa Amo niya bukod sa yaman
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status