All Chapters of Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss: Chapter 41 - Chapter 50

64 Chapters

Chapter 40

Chapter 40:Naging masigla na siya ulit magmula nang bumalik na sa nakasanayan ang trato ni Ryllander sa kaniya. Sa katunayan ay mas naging malapit sila ng Amo niya sa isa’t isa. May mga personal na impormasyon na sinabi si Ryllander sa kaniya. Kaya’y hindi mapawi ang kaniyang takot na baka bigla na lang siyang makaamin sa Amo at maging dahilan ito ng pagkakawalay niya sa tabi nito. Ang kaniyang pinsan ay tumawag sa kaniya. Natuwa siya sapagkat ilang linggo na rin siyang hindi nakatawag doon buhat ng maraming gawain bilang pekeng kasintahan ng Amo niya. “Ate, hindi mo naman sinabi sa amin ni Tiya na ikaw ay mayaman na pala!” “Etang! Ano ba ang ibig mong sabihin? Paano ako magiging mayaman, aber? Ako ay hamak na kasambahay lang dito! Iyong Amo ko ang tiyak na mayaman, pero ako? Hindi! Malayo!” “Aysus! Ikaw ba ay nagsasabi ng totoo?” usisa nito sa kaniya. “Ang Tiya’y ilang araw nang balisa sa kaiisip sa iyo! Ikaw raw’y hindi nakikinig sa kaniyang mga payo,” sumbong ni Etang.“Ha?”“
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 41

Chapter 41:Kaniyang sinubukan na sumunod sa babae. Hindi pa niya naranasan na maramdaman na may taong ayaw siyang mawala o may mangyaring masama sa kaniya maliban sa pinsan niya at mga tao sa mansion niya.. Ngayon pa lamang kaya ay hindi pa niya napaabsorba sa sistema niya ang lahat. Hindi niya maitatanggi na sa paraan ng pagsalita ni Lila kanina ay naramdaman niya ang pag-aalala nito sa kaniya.“Miss Maid, let’s talk about this. Huwag mo naman akong iwasan,” aniya. “We can’t just stop in the middle!”Hindi niya rin naranasan na muling humabol sa isang tao, simula noong sumuko na siya sa paghahabol kay Celine. Hindi niya na batid ang nararamdaman niya. Ayaw niya mang aminin ay nabahala siya. Ito ay hindi dahil sa pekeng relasyon nila ng babae kun’di mahal niya talaga ito at ayaw niyang mawala sa tabi niya ang babae.“Miss Maid, huwag ka namang ganito sa akin. Ginawa ko lang iyon kasi ayaw ko na ako ang mapatay nila. Iiwasan ko naman talaga sila, but they are eager to kill me!”Bumuka
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 42

Chapter 42:Tiniyak niya na walang nakakita sa kaniyang paglabas sa gate ng mansiyon. Kahit papaano ay nakaipon naman siya ng sapat na halaga upang mabuhay sa loob ng ilang buwan habang maghahanap ng panibagong trabaho.Iniwasan niya na masilayan siya ng kaniyang mga katrabaho dahil tiyak na aawatin siya ng mga ito. Napamahal siya sa mga maid at sa mga helper ni Ryllander, lalo na kay Topeng at Lordes. Alam niya na magtatampo ang dalawa sa kaniya, subalit pinili niya ang hindi na lang magpaalam upang mabawasan lahit kaunti ang darating na pananabik niya sa mga ito kapag malayo na siya sa kanila.Sisikapin njyang mabuhay na hindi nakadepende kahit kanino. Titiyakin niya na hindi na siya madaling makagaanan ng loob ng mga katrabaho niya, lalo na ng susunod niyang Amo, sakaling makatugpa man siya sa isang bagong trabaho. Sa paraan na iyon, kung kinakailangan niyang lumisan ay hindi na siya masasaktan tulad ngayon.Lumingon siya sa mansiyon nang nakadistansiya na siya.“P-Paalam at salama
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 43

Chapter 43:Napapailing siya sa tuwing dinadalaw siya ng dalawang HR na nakilala niya kanina lamang. Naging usisero ang mga ito sa kaniya, subalit ay nagkukuno’y masungit kapag may nakabantay sa kanila na ibang tao. Paminsan-minsan din siyang dinadalo ng mga ito sa puwesto ng mga crew na nakalaan sa dining area dahil sa opisina ang pokus ng mga trabaho nila.“Hindi pa ba talaga dumalaw ang husband mo?”“Hindi na siguro. Tiyak na hindi na rin iyon dadalaw sa akin. Baka nga mas natuwa na iyon dahil wala na ang isang tulad ko sa tabi niya. M-Masaya na siguro siya.”“Bakit mo pa kasi siya iniwan?”“Oo nga. Alam namin na maganda ka, makinis, at sexy, pero baka nasakal na siya sa iyo, Lila.”Kung alam lamang ng mga ito ang totoong rason bakit siya nandito.“Sir, may tao sa labas ng opisina ninyo!” tawag ng isang guard na siyang umiikot sa buong lugar.“Fine, Tommy.”“Pabalik na kami,” may pagdadabog na wika ng isa.Minabuti niyang ayusin ang suot niyang hairnet bago tumungo sa counter at ki
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 44

Chapter 44:Napahilot siya sa likod ng kaniyang ulo. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tumitig muli kay Ryllander. Malaking halaga na rin kasi ang naibigay niya sa kaniyang landlady. Kaya naman ay may pag-aalinlangan si Lila na tanggapin ang alok nito.“You have to take it, Miss Maid,” saad nito. “Hindi puwedeng hindi dahil malalagay ka lang sa peligro kapag wala ka na sa mga kamay ko,” kumpiyansang dagdag pa nito.“Sir, sa tingin ko ay magiging matapang na lamang ako. Hindi rin ako puwedeng mag-oo sa iyo dahil may trabaho na ako.”“But I want you to work in the mansion and to work for me,” maawtoridad na sabi nito. “Baka naman kasi ay iniisip mo pa iyong confession mo sa akin? You have to forget about that, Miss Maid. Ang isipin mo na lang tungkol sa bagay na iyon ay isang masamang panaginip lamang iyon.”“Akala mo lang kasi ay ganoon kadali ang lahat. Palibhasa ay hindi mo ako naiintindihan. Wala ka kasi sa sitwasyon ko. Hindi kasi ikaw ang nagmamahal.”Saglit na katah
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 45

Chapter 45:“Ay! Tunay na galante ka nga naman pala, Ineng. Paano ba iyan at nagamit ko na pang-bayad sa kuriyente at ibang gastusin sa buong compound ang pera mo? O siya, ako ay bigyan mo na lang ng iyong numero at pangalan ng iyong Obank nang sa ganoon ay maibalik ko ang iyong pera kapag naipunan ko na ang halagang iyon,” nababahalang sabi ni Aling Baby sa kaniya.“Hindi na ho kailangan, Ate Baby. Iiwan ko naman ang ilang mga gamit ko rito. Para hindi ka na mamroblema pa ay iyong hahayaan na okupado ng mga gamit ko ang silid.”“Hays, sige. Salamat sa pag-intindi sa akin, Ineng. Patawarin mo rin sana ako sa aking ginawang pagsisinuplada sa iyo.”“Okay lang ho iyon.”Bumusina si Ryllander kaya ay sabay sila ng Ale na tumingin sa sasakyan nito. Pinagtutulakan siya ng Ale sa malumanay na paraan habang halata na nagpipigil ito ng tili. Mas kinilig pa ito kumpara sa kaniya na nileeg ng Amo niya sa gag-gawa ng desisyong ‘di matinag.“Kapag nga ang lalaki ay inlababong tunay ay hindi kaniya
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 46

Chapter 46:Nadagdagan ang kalaban niya, hindi lamang ang pag-ibig niyang hindi masuklian, kun’di pumasok sa sistema ang selos na naramdaman niya sa tuwing tumatawag si Celine. Hindi naman niya ito nararamdaman noon, subalit ngayon na buo na sa sarili niya ang tunay na naramdaman para sa Amo niya ay palaging sumisilip ang selos na pilit niyang kinikimkim.Maaga siyang nagising at pinahanda ng kaniyang Amo dahil tutungo sila sa isang pagpupulong kasama ang mga kasapi ng Dark Mafia Organization. Sinabi niya sa Amo niya na hindi naman kailangan ang presensiya niya roon, subalit nagpumilit ito at gusto nito na makita sila ni Celine. Bilang parte ng kaniyang pagiging pekeng girlfriend ng Amo niya ay hindi na siya kumontra pa.“Mamaya, kapag may tumitig sa iyo ay tumitig ka rin sa kanila. Don’t let them eat you with their stares.”“Wala pa ako sa lugar kung saan kayo magpupulong ay tumatayo na ang balahibo ko.”Sinabihan siya ng Amo niya tungkol sa ugali ng mga tao roon. Kinuwento na rin ni
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 47

Chapter 47:Kaniyang pinag-isa ang mga kamay niya. Nagsimula nang pagpawisan ang mga ito buhat ng kabang umalipin sa kaniya. Kailanman ay hindi pa niya nasubukan ang tumayo sa harap ng madla. Ngayon ay doble ang kaba ni Lila sapagkat ay hindi lamang kung sinong tao ang mga nakaupo sa kaniyang harapan. Ang mga ito ay anak, pamangkin at asawa ng mga taong kasapi ng Dark Mafia Organization. Lahat sila ay mga taong may malalaking pangalan sa industriya at larangan ng Negosyo. Hindi matitinag ang mga taong ito sa kadahilanan na ang mga edukasyon at trabaho nila ay matayog na para bang isang gusali na yari sa mga matibay na materyales.Ang mga ito ay nakatitig sa kaniya, nakalaan ang mga tainga nila upang pakinggan siya. Dahil sa kaba ay tanging ang winika ng isa sa kanila na siya ay dapat na magpakilala ang narinig niya. Lumunok si Lila at kinontrola ang mga labing nanginginig, gumuhit siya ng ngiti sa mga labi, tumikhim at handa na upang magbigay ng mga personal na detalye ng buhay niya a
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 48

Chapter 48:“You can order anything you want.” Sabi ng Amo niya.“Wala naman akong ibang gustong kainin pa, Sir.”Nasa isang restaurant sila. Dinala siya ng Amo niya rito upang magsilbing pabuya niya noong nakaraang araw dahil nga ay nakipagtarayan na naman siya kay Celine. Tumingin siya sa Amo niya at nakita na sa bawat araw na sila ay magkasama ay tila bang parang bagong sibol na bulaklak ang Amo niya. Ito ay gumuguwapo lalo.Kung para sa Amo niya ay isang pabuya lamang para sa kaniya ang ginawa nito, para naman sa kaniya ay higit pa ito roon. Silang dalawa lang ang tao ngayon dito. Tulad noon ay nirentahan naman ni Ryllander ang buong lugar para sa kanila. Kaya hindi naman siguro masama kung iisipin niya na parang date itong ginagawa nila.“Bakit naman? Sulitin mo na lang kasi ang mga pagkakataon na tulad nito, Miss Maid.”“Wala naman talaga kasi akong pili sa pagkain, Sir,” aniya. “Lahat naman po ng pagkain na nasa mesa ay kinakain ko. Lahat masarap para sa akin,” dagdag niyang sa
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 49

Chapter49:“Daddy, hindi ako tinitigilan ng babaeng iyon! Inuubos niya ang pasensiya ko! Una niyang inagaw sa akin si Ryllander. Now, pumasok siya sa association at alam ko na masama ang pakay niya! Baka mamaya ay kukunin na naman niya sa akin ang posisyon ko bilang head!”“Baby, alam naman natin na iyon ang patakaran. Lahat ng babae na konektado sa mga kasapi ng organization na aware dito ay dapat na maging kasapi ng asosasyon ninyo. In that way mas mababantayan natin kung sino ang may masamang balak. Kaibiganin mo na lang kasi ang babaeng iyon,” wika ng Daddy niya.Pakiramdam ni Celine ay ilang saglit na lamang ay bigla siyang sasabog. Puno ng galit ang puso niya sa punto na naghihisterikal siya. Lalo na noong sinabi ng Daddy niya ang suhestiyon nito sa kaniya.“What? Are you even listening to yourself, Daddy? Inuutusan mo ako na kaibiganin ang Mutchacha na iyon? Hell no! Baka kung ang suggestion mo ay pugutin siya, I can do that!”“At alam mo na hindi mo puwedeng gawin iyon, Celine
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status