All Chapters of Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss: Chapter 31 - Chapter 40

64 Chapters

Chapter 30

Chapter 30: “Diyos ko. H-Hindi kaya ako mabubuntis nito, S-Sir Ryllander?!” Humilamos ang Amo niya dahil sa tanong na sinambit ng kaniyang bibig. Agad na sinalo ng kaniyang mga palad ang mukha niyang halos mahulog na. Nahihiya siya at hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinabi ng Amo niya. Hinalikan raw siya nito. Hindi niya namalayan iyon. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa kaniyang kapabayaan ay hindi na siya ganap na birhen. Ang kaniyang mga labi na isusuko niya sana sa lalaking marangal na kaniyang pinapangarap na makasama ay nakuha ng Amo niya na hindi niya lubos maisip na susukuan niya kahit ng kaniyang labi lang. “Sir? P-Paano na ito? Paano na lang kung magbunga ang halik na iyon? H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko k-kapag nabuntis ako!” tarantang lintaya niya habang ang mga mata niya’y nanunubig na. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa Nanay na ako ay nagdadalang-tao na! Ako ay hindi pa handang maging ina!” Hinilot na lamang ni Ryllander ang batok nito. Tumayo
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 31

Chapter 31:Natuto si Lila kung paano ayusin ang sarili. Mula sa pagtatali ng kaniyang buhok, paglalapat ng pulbo at pag-guhit ng tintang panglabi sa mga labi niya. Binilhan siya ni Ryllander ng mga gamit pambabae na magagamit niya sa pang-araw-araw. Kung minsan ay biglang pumipintig ang puso niya sa tuwing nagpapakita ng magandang pakikitungo ang Amo niyang suplado sa kaniya, subalit hindi niya iyon binibigyang pansin. Batid niya na pagpapanggap lamang ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. Tanging ang pagiging peke ang totoo sa mga bagay na pinapakita ng Amo niya. Wala sa mansiyon si Ryllander, kaya naman ay malaya siyang nakipag-usap kay Lordes. Naikuwento niya sa Ginang ang paghalik sa kaniya ni Ryllander sa pagtitipon kung saan sila dumalo. Ganoon na lamang ang kilig ng Ginang nang malaman iyon.“Lila, ikaw ay isang masuwerteng nilalang! Kung alam lang ito ng sanlibutan ay tiyak na magtatanim sila ng sama ng loob sa mga puso nila para sa iyo! Tunay nga naman na ika’y kaii
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 32

Chapter 32:Nakatayo siya sa gitna ng hardin, nakatalikod sa mansiyon at paminsan-minsan na tinitingala ang maliwanag na kalangitan dahil sa kinang ng mga bituin at ng bilog na buwan. Huminga siya nang malalim bago niya niyakap ang sarili na halos balutin na ng lamig ng simoy ng hangin. “Lila, kumuha ka talaga ng bato at pinukpok mo sa sarili mo. Ang tapang mo kanina na makipagsagutan sa anak ng demonyo na iyon, a. Panindigan mo iyang tapang mo.”Naramdaman niya ang pagpatong ng tuxedo sa kaniyang mga balikat.“Bakit ka nandito sa labas nang sleeveless lang ang suot? Baka magkasakit ka, Miss Maid.”Tumingin siya sa Amo niya na nakasuot ng puting longslib na binutones hanggang leeg, itim na slacks at itim na sapatos pang opisina. Totoo ang sinabi nila na kung pagmasdan ang Amo niya ay para itong isang mamahaling gamit na aasamin na maangkin. Pero para sa kaniya ay isa itong maawtoridad na lalaki, suplado, at hindi matawaran sa kahit na anong desisyon. Pero sa wari niya’y nagbabago na
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 33

Chapter 33:Nakatingin sa kanila ang mga tao na pilabas ng Amo niya. Nasa isang tanyag na restawran sila na binayaran ni Ryllander ang lahat ng mesa upang walang ibang makapasok sa loob.“Sir, kawawa naman po ang iba. Nagsumikap ang mga iyon para bayaran ang reserbasyon nila rito. Tingnan mo nga sila at ang sama ng tingin nila sa akin,” aniya.“Don’t look at them. Naiinggit lang sila dahil kasama mo ako—Ang lalaking kayang bayaran ang buong araw ng restaurant na ito. Baka nga ang mga lalaking iyan ay nasa minimum wage lang ang sahod,” may pagmamayabang na sabi nito.Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi niya maiwasan ang mailang dahil sa sitwasyon. “Puwede naman tayong lumipat kanina sa ibang kainan. Nauna sila sa atin.”“Miss Maid, ayaw kong may iba akong kasama bukod sa iyo. Ang hirap na ngang pagtiyagaan ang kakulitan mo at tinis ng boses mo, tapos gusto mo pang maging crowded ang lugar na ito. Huwag mong sabihin na nauna sila dahil patas naman akong lumaban upang masolo natin it
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

Chapter 34

Chapter 34:Patuloy sa pagkukuwento ang kaniyang Amo tungkol sa pagmamahal nito kay Celine noong nasa isang masayang relasyon sila. Inakala raw nito ay hindi na matatapos pa ang lahat sa kanilang dalawa ni Celine. “Akala ko nga noon na ang pag-ibig ang masama, pero nang matagpi-tagpi ko ang lahat ay napagtanto ko na ang sarap sa pakiramdam kung ang paligid ay puno ng pag-ibig. Sadyang may mga tao lang na hindi marunong magpahalaga rito, inabuso ang pag-ibig na binibigay ng mga taong totoong nagmamahal, at inalipin ang mga pusong marurupok. But I leaned my lesson.”“Hindi mo na ba siya binigyan ng pagkakataon, Sir? Hinahabol ka niya ngayon. Kung mahal mo pa siya ay huwag mo sayangin ang pagkakataon na naghahabol siya sa iyo at umaasam ng kapatawaran mo.” Kirot ang naramdaman ng puso niya habang sinabi ang mga bagay na iyon kay Ryllander, pero kung gagawin iyon ng Amo niya ay tiyak na matatapos din ang trabaho niyang magpanggap bilang pekeng kasintahan nito. “Miss Maid, bakit pa ako
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 35

Chapter 35:Inasikaso ni Adah ang sugat niya. Panay ang pag-ngiwi niya dahil nadidiin ng pinsan niyang ito ang bulak na may betadine sa sugat niya. “Adah, hindi ka ba marunong mag-dahan-dahan?! It hurts!”“Dahan-dahan na iyan, Ry! Paanong hindi sasakit, e, sugat iyan! Bakit ba kasi palagi na lang ganito ang problema mo? Kung hindi ka nababaril ay hinahabol ka ng mga taong may galit sa iyo!” singhal ng pinsan niya. “I guess, mas marami pa ang mga taong galit sa iyo at gusto kang matigok kumpara sa mga taong gusto kang mabuhay sa mundo!”“Cous, I think mali ka. Women are after my welfare. They probably would pray for my safety. Remember, I am their dream!”“And definitely their worst nightmare!”“Ouch! Cous, masakit!”“Talagang masasaktan ka dahil malalim iyan! Huwag kang magalaw dahil patapos na ako.” Kinuha na ng pinsan niya ang mga bandeha at sinimulan na nitong balutin ang sugat niya. “You’re all good now. Just make sure to clean your wound so that it will be healed fast,” wika ni
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 36

Chapter 36:Kaniyang tinapon ang sarili’t tumalukbong. Pagod na siyang magkunwari. Humugot siya ng hangin bago niya ito binuga. Umahon siya’t dumausdos sa gilid ng kama hanggang sa makaupo na siya sa sahig. “Lila, bakit bigla na lang nagbago ang tingin mo sa kaniya? Hindi ba ay kinaiinisan mo siya’t kinatatakutan?! B-Bakit gumaan ang pakiramdam mo’t komportable ka na sa tabi niya? B-Bakit nasasanay ka na palagi siyang kasama?”Ilang butil ng luha ang bumagsak mula sa kaniyang mga mata. Pinahid niya ang palad niya sa ilalim ng mga mata niya at tumingala na siya. Kung sana’y tulad sa mga nobela na nababasa niya lang ang takbo ng buhay niya. Subalit malayo ito roon. Sobrang layo.Pinilit niyang pinikit ang kaniyang mga mata nang siya’y bumalik sa ibabaw ng kama kahit na parang imposible na magiging mahimbing ang tulog niya. Sana ay magising siya na panaginip lamang ang lahat ng ito. O hindi naman kaya’y sa pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay inis at takot ang nararamdaman niya para ka
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 37

Chapter 37:“A-Aling Lordes?”Umupo sa tapat niya ang Ginang. Ang mga mata niyang nakatingin dito ay gumalaw upang ipukol ang titig sa tandang na nakapatong sa kaniyang biyas. Mariin siyang pumikit, at agad na huminga nang malalim. Sana’y bigla na lang magkaroon ng himala, mabiyak ang lupa’t bigla na lang siyang hilahin nito kahit na sandali lamang. Para kasing binalatan siya’t sinabuyan ng asin dahil sa presensya ng Ginang. Saksi ito nang kamuhian niya ang Amo niya’t iturin na parang sumpa ang pangalan ni Ryllander. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi niya namalayan na nasa likuran niya si Aling Lordes at narinig ng Ginang ang kaniyang pagtatapat ng kaniyang tunay nararamdaman para sa Amo niya sa tandang nito.“Ano ba, Lila? Kulang na lang ay mahalikan mo na ang iyong tuhod diyan. Tumingin ka nga sa akin at mag-usap tayo,” wika ng Ginang.Hindi niya pa rin maangat ang titig sa kaniyang kausap. Nanatili siyang nakayuko. Sa pagkakataon na ito ay ninanais niyang tumayo’t tumakbo na l
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 38

Chapter 38:Gano’n na lamang ang agad na ikinalaki ng mga mata niya sa kaniyang nakita. Nakabitay ang mga kamay ng isang lalaki na duguan ang mukha. Pinagpawisan rin ito at panay ang pagluha. “A-Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya sa Amo niyang nakatalikod sa kaniya. Pinihit nito ang kamay niya at inakbay siya nito. Gumalaw ang ilang bahagi ng kalamnan ng kaniyang mukha nang hinalikan ni Ryllander ang kaniyang pisngi. “As, hindi mo ba nagustuhan ang gift ko para sa iyo?” tanong nito sa kaniya. “Nag-effort ako para trabahuhin ang paghahanap sa loko-lokong ito. Look at him.”Humiwalay siya kay Ryllander. Tinitigan lamang niya ito at agad humingi ng mas malinaw na paliwanag mula rito. “Sino ba siya?”“As, hindi mo ba naalala? Noong gathering? He’s the man who harmed you!”“M-Miss Lila, p-please… tell him na pakawalan niya ako. Para mo nang awa! Kanina pa n-niya ako pinapabugbog sa dalawang lalaki na iyon!” pagmamakaawa ng lalaking nakalambitin. Binato ng mga mata niya ang sulyap sa dal
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 39

Chapter 39:Ilang araw na hindi siya kinausap ng Amo niya. Mabigat iyon sa kaniyang damdamin dahil sanay na siya sa trato na pinakita ng Amo niya sa kaniya. Matamlay niyang niligpit ang mga gamit ni Ryllander na nakakalat sa loob ng silid nito. Nagsimula ang pag-iiwas ng Amo niya noong nagdesisyon siyang patawarin si Marky. Mahirap sa kaniya ang muling maranasan ang malamig na trato ng Amo niya. Nang hapon ay kaniyang inabangan si Ryllander sa mismong silid nito. Pinadaplis niya ang kaniyang titig sa mga baril na sa tingin niya ay bagong linis ng Amo niya. Umiling siya at bahagyang ngumiti nang bumukas ang pintuan. “Sir Ryllander?”Iniwasan siya ng Amo niya. Umupo ito sa kama at nagpakaabala sa paghuhubad ng mga sapaw na saplot nito. Humalukipkip siya sa harap ng Amo niya, subalit ganoon pa rin ang trato ng Amo niya sa kaniya. “Hindi mo ba talaga ako kakausapin?!”Sumipol pa si Ryllander. Kaniyang inirapan ang Amo at bigla na lang niya itong hinawakan. Pinihit niya ang Amo upang
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status